Share

Chapter 2

Manolo’s POV

Halos mag-isang linya na ang mga kilay ko dahil sa pagkakakunot ng noo ko habang naglalakad papalapit sa pinto ng opisina ng daddy ko. Marahan na tango at maliit na ngiti naman ang isinasagot ko sa mga tauhan ng daddy ko na bumabati sa akin kahit pa mas gusto kong dedmahin ang mga ito. After five years as a politician, I’ve mastered the art of being polite even when I don’t feel like it.

Tatlong katok ang ginawa ko bago buksan ang pintuan ng opisina ni daddy. Walang ibang tao sa opisina nito na ikinapagpasalamat ko. Umangat naman ang tingin ni daddy sa akin mula sa laptop na nasa harapan nito. 

Tinaasan niya ako ng isang kilay nang makita ako. Dumiretso ang likod nito at sumandal sa swivel chair. Ipinatong ang magkabilang siko sa handle at pinagsalikop iyon. Mukhang alam na nito kung ano ang pakay ko. Mabuti naman.

“What brought you here, hijo?” Tumingin ito sa pambisig na relo. “Don’t you have meeting at tawn hall today.” 

“I cancelled all my meetings when I heard I’m getting married to a child,” puno ng sarkasmong pasaring ko.

Marahan namang tumawa si daddy na parang may nakakatawa talaga sa sinabi ko.

“Relax, Manolo. Why don’t you take seat.” Iminuwestra nito ang upuan sa harap ng desk nito saka pinindot ang intercom. “Missy, bring some brandy here,” anito sa secretary nito.

Bumuntong-hininga ako. Niluwagan ko ang neck tie ko at naupo sa visitors chair sa harap nito.

“So?” untag ko matapos pumasok ang secretary nito at inilapag sa harap ko ang brandy na hindi ko pinagkaabalahang damputin.

Bumaling siya sa akin. Naroroon pa rin ang pagkaaliw sa mga mata nito.

“It’s time for you to marry, Manolo,” anito. Relax na relax, ni hindi man lang pinapansin ang pagkakakuyom ng mga kamao ko.

I snorted. “To a 19-year-old delinquent teenager? Really, daddy?” Pinandilatan ko siya.

“Come on, hijo. Billienda is just a troubled child who needs guidance, and you’re not too old.”

Natawa ako ng pagak. “Bakit hindi siya gabayan ng pamilya niya? Bakit kailangan ako pa ata ang kailangang magbigay noon sa kanya? And, dad, may I remind you, I’m twelve years older than her. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin? That I’m a cradle snatcher?”

Bumuntong-hininga si daddy. “Hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba.”

“Yeah right, as if I’m not a politician and not the freaking Mayor of this town.” Hindi ba naiisip ni daddy  na ang pagpapakasal sa isang menor de edad - kahit pa nasa legal age na ang 19 at maaari nang magpakasal ayon sa batas - ay maaaring gamitin ng mga kalaban ko sa pulitika laban sa akin? Hindi na ako nagugulat na si daddy ang pipili ng babaeng mapapangasawa ko, pero hindi naman sa isang teenager. Marami naman siyang kaibigan na may mga anak na ka-batch ko. Mga babaeng mas makakatulong sa image ko. 

A wife that can do charity works. Can be presented to everyone. I was thinking for an educated, matured, and sophisticated woman at my age. Kahit na hindi kasing yaman namin at galing lang sa middle class family, it doesn’t matter. Sobra-sobra na ang mamanahin ko para bumuhay ng isang pamilya.

“She can help you--”

“Ruining my career?” sarkastikong putol ko sa sasabihin ni dad.

Si Daddy naman ang napabuntong-hininga. Nauubuusan na marahil ng pasensiya sa akin. Paano bang hindi? Hindi naman siya sanay na kinokontra ko siya. Lumaki ako na sumusunod sa mga utos niya. 

“Cut the sarcasm, Manolo Salcedo Marcial, and listen to me.” Sumeryoso na ito at tumitig sa akin ng may pagbabanta. Nanahimik naman ako. Nag-iwas ng tingin at naghintay sa mga susunod niya pang sasabihin. Muling nagbuga ng hangin si daddy. Pinipilit huwag sabayan ang galit na ipinapakita ko. “Hindi naman lingid sa ‘yo na nagkaproblema tayo financially noong magkasakit ang Mommy mo. Alam mo rin na kay Gov. Sales tayo nakahingi ng tulong. He helped us to get what we have now.” Saglit itong huminto at tumingin sa akin. “At ngayon ay naniningil na ang Gobernador.”

“Then pay him. Kaya naman na nating ibalik kung magkano man ang nahiram mo noon sa kanya.”

Umiling-iling ito. “Hindi pera ang nais maging kabayaran ng Gobernador.”

Napatiim-bagang ako.

“He wants you to marry his granddaughter in exchanged for what we owe him.  I couldn’t say no to the man I was indebted, could I? Pera niya ang dahilan kung bakit naibangon ang mga negosyo natin. Kung bakit napaopera ang Mommy mo at nakakasama natin hanggang ngayon.”

Nawalan ako ng imik. Sinamantala naman iyon ni daddy.

“Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, siguradong gagawin mo rin ang ginagawa ko sa ‘yo ngayon. Pipilitin mo ring pakasalan ng anak mo ang apo ng pinagkakautangan mo. At hindi lang ako ang may pagkakautang kay Gobernador Sales, Manolo. Maging ikaw at ang Mommy mo. Lahat tayo ay nakinabang sa tulong na naibigay niya sa atin.”

Dinampot ko ang brandy at inisang tungga iyon. Wala akong maisagot sa sinabi ni daddy. Totoo ang lahat ng sinabi nito. Malaki ang utang na loob namin sa mga Sales. At napakaliit na bagay nanghinihiling nito kumpara sa napakinabangan naming tulong mula rito. 

Napapikit na lang ako at napasintido. Ano pa bang maikakatwiran ko gayong solido ang dahilan ni daddy for marrying me off to the Governor’s prodigal granddaughter.

Kailangan ko na nga lang ihanda ang sarili ko sa mga eskandalong madidikit sa inaalagaan kong pangalan. Dahil natitiyak kong marami-rami iyon.

“Fine. Kailan ang kasal?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status