Share

Chapter 5

Manolo's POV

Oh, how I wish I could struggle her lovely neck, but I can't. Maraming taong nakatingin sa amin kaya mabilis ko ring pinaskilan ng aral na ngiti ang labi ko. Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at ibinaba ang kamay sa baywang niya saka siya hinapit papalapit sa akin. I'm not a conventional man. It doesn't matter to me if a woman is a virgin or not, but having experienced such a scandal will not please anyone.

I'm a fucking politician running for Governor in the next election. Such scandals will not help my reputation. What should I do? Our family enslaved by debt, and I am the only one who can afford to repay it. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ko na rerendahan ang apo ni Gov. Sales. Kailangang maintindihan nito na hindi lang ito basta makakapangasawa ng isang simpleng tao, isa siyang pulitiko kaya sa ayaw at sa gusto kailangan nitong lumayo sa mga eskandalo na maaaring dumungis sa pangalan niyang ibibigay rito.

"Ms. Jaiceph," pukaw ng emcee.

Sabay nila itong nilingon. Hinapit niya sa tabi niya ang babae para ipakita sa iba na hindi sila apektado sa kagulugang nangyayari. Wala naman sigurong nakakaalam na ex ng fiance niya ang dalawang gagong nanggulo sa engagement party nila.

"Yes?" 

"Ahm..." tila nag-alangan namang mag-salita ang emcee na lumapit sa amin. Nagpalipat-lipat ito ng tingin. Siguro'y napansin ang tensiyon sa aming dalawa.

Pumulupot sa baywang ko ang kamay ni Jaiceph at bahagyang humilig. Nakataas naman ang kilay na yinuko ko siya. Tumingala siya sa akin at sa pagkagulat ko at tumingkayad ito at hinalikan ako sa gilid ng labi ko.

Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang 'yon, mas lalong di ko rin inasahan ang init na gumapang sa aking katawan. Tumiim ang tingin ko sa kanya. 

"I got to go, love, pinapatawag siguro ako ni Lolo," anito saka bumitaw sa akin. Naiwan naman akong nakasunod ang tingin sa babae. Napahawak ako sa gilid ng labi ko kung saan dumampi ang malambot nitong labi. Hindi naman bago sa akin ang mahalikan ng kung sinong babae.

"Masherep, mayor?"

Napalingon ako sa nagtanong. Naramdaman ko ang pagkapahiya nang makita ang kaibigan ni Jaiceph sa gilid ko na nagniningning ang mga mata. Tumikhim ako para alisin ang biglang bara sa aking lalamunan.

"E-excuse me," aniko at umalis na roon.

Nilapitan ko ang mommy at daddy ko na ngayon ay kausap si Mrs. Sales, ang ina ni Jaiceph. 

"Hijo," salubong nito sa akin. Lumapit ito at ikinawit ang kamay sa aking braso. Para itong matured version ng anak. Now I know kung ano'ng magiging itsura ni Jaiceph kapag umidad ito ng 40's. Still stunning.

May lahing Chinese ang mga Sales kaya ang kutis ay napakakinis at napakaputi. Matangos na ilong at pino, maliit na hugis ng mukha, at mapulang labi. Nagkaiba lang ang mga mata ng mga ito. Bilugan ang mga mat ni Jaiceph na singkit sa bandang dulo. Masasalamin ang kamalditahan sa mga mata palang.

That brat was spoiled rotten. Palibhasa nag-iisang apo ng Gobernador. Marami siyang naririnig ukol sa dalaga. Marami ng nasangkutang gulo ito. Ang pinaka malala nga ay ang pagkakasangkot nito sa illegal na droga. Kaya rin nagpasya na ang Gobernador na ipakasal ang apo nito.

Iniisip ng Gobernador na kung magkakapamilya na ang apo nito ay titino na at magkakaroon ng direksyon ang buhay. Napabuntong hininga  na langa ko. Ako kasi ang inaasahan ng mga itong magpatino sa isang 19 year old na teenager. Ang daming mas importanteng problema ang kailangan kong tutukan sa city hall, heto at may dumagdag pa.

"I'm so, sorry, hijo, for what happened," hinging paumanhin ng ginang sa kanya.

Masuyo niya namang nginitian ito. "It's okay, tita, no one's expecting that to happen."

"Yun nga rin ang sinasabi ko rito kay Maggie. Kanina pa siya hingi nang hingi ng despensa sa nangyari," ani naman ng mommy niya.

Saglit na nakipag-usap pa ako sa kanila bago ako nagpaalam na kakausapin si Gov Sales. Balak ko kasing magpaalam na. Pagod na rin ako dahil bago magtungo rito galing pa ako sa isang ribbon cutting ng bagong retau bar sa bandang Ilaya. I am dead tired at gusto ko ng mahiga. Maaga pa rin ang meeting ko bukas para sa bidding ng itatayong eskwelahan sa kapitolyo.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rodelas Quezada Babylyn
update please
goodnovel comment avatar
Rhobe Ramirez Rotia
wla padin update
goodnovel comment avatar
Rhobe Ramirez Rotia
update plss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status