Share

CHAPTER 6

Hindi na nag aksaya ng oras si Cheska sa Hospital at kahit nanghihina ay buong lakas syang tumungo pauwi sa kanilang mansyon upang mag impake ng kanyang mga gamit.

Wala na ata syang luha na mailuluha sa sakit ng kanyang nararamdaman.

Ang buong mansyon ay tahimik habang tinatahak nya pababa ang hagdan. Ang mansyon ay isa sa mga naka kita ng kanyang pag dudusa at kahit kailan ay wala na syang balak bumalik dito. Wala na syang ibang naramdaman kundi ang sakit at ang hapdi sa puso na ang mansyon ang tanging naka saksi.

Sa huling hakbang nya sa hagdan ay ang saktong pag pasok ni Nico na para bang may hinahanap. Magulo ang buhok nito na para bang sinabunutan ng kung sino. Natagpuan sya ng tingin ni Nico. Ang mga mata ay mapupungay at namumula. Dumapo ang tingin nya sa hawak ni Cheska na maleta.

Parang pinag taksilan si Cheska ng kanyang sariling puso. Gusto nyang suntukin ang dibdib dahil paano nito nagawang maawa para kay Nico kung sya naman mismo ang dumurog sa kanya?

Nagsimula na nyang pagulungin ang maleta. Mabigat ang kanyang mga hakbang at habang papalapit nang papalapit kay Nico na para bang nanigas sa kinatatayuan nito, ay ang pag tusok ng karayum sa kanya.

Humigpit ang kanyang pag kakahawak sa maleta at ang pananatili ng walang ano mang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.

Buong akala nya ay hahayaan sya ni Nico lumabas ng biglang higitin nito ang kanyang kamay.

Ramdam ni Cheska ang panginginig ng malamig nyang kamay.

"Mahal..." tawag ni Nico sa kanya.

Padabog nyang tinanggal ang pag kakahawak sa kanya ng lalaki. Wala syang balak na pansinin pa ito dahil simula ngayon ay wala ng bisa ang kanilang kasal. Binalingan nya ng malamig na tingin si Nico. Namumuo ang mga luha sa mata nito.

Gusto nyang kalimutan si Nico. Gusto nyang kalimutan ang mga masasakit na ala-ala.

Nagsimula nang mag lakad paalis si Cheska ng hindi tumitingin sa dati nyang asawa.

****

Pinapanood ni Karina sa Isang sulok si Nico na naka luhod sa harap ng pintuan habang pinag mamasdang mawala ang kotse ni Cheska sa kanyang paningin.

Naiinis sya dahil makikita pa 'rin sa tingin ni Nico kung gaano nya ka mahal si Cheska.

Kumuyom ang mga kamao ni Karina, "Kailan mo ba matutunang mahalin ako Nico?" bulong nya sa sarili.

Mamahalin lang sya ni Nico kung wala na si Cheska at nagawa nya ngang paalisin si Cheska sa Mansion. Ngunit, para sa kanya ay kulang pa ang pag layas ni Cheska.

"Lintik kang Cheska! Sinisigurado ko na mawawala ka sa mundo na hanggang kamatayan ay hindi ka na magagawang mahanap ni Nico" nang gigigil nyang wika.

Alam nyang sa bawat minutong mag dadaan ay hahanap hanapin nya si Cheska. At ang mas kinatatakutan nya ay ang posibilidad na magka balikan silang dalawa.

Nag lakad papalayo si Karina upang pumunta sa banyo ng mansyon. Natatawa syang tumingin sa salamin.

"Nagawa ko ngang paikotin si Nico na makipag divorce at akuhin ang batang hindi naman sa kanya..." tumigil sya sa pag sasalita at ngumiti ng nakakaloko. "Madali nalang na patayin ka Cheska" pag papatuloy nito na para bang kaharap nya lang si Cheska.

Binunot nya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang Isang number.

"Oh Karina! Long time no tawag ah. May ipapa dispatsya ka nanaman ba?" baliw na tawa ng Isang lalaki.

Humilig ito sa pintuan ng banyo. Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong gawain.

Ipapa gawa nga sa iba ang mga maduduming gawain upang hindi mabahidan ng dugo ang kanyang kamay.

"Hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa. 5 million down payment at kapag malinis nyong naipadala sa impyerno ay dadagdagan ko ng 15 million"

Natahimik ang lalaki sa kabilang linya sa mga narinig na pag presyo nito.

"Mukhang importante sa mundo ang tatangalan mo ng hininga ah?"

Oo importante talaga si Cheska para kay Nico kaya nga gusto nyang mawala na ito ng tuluyan!

Nagsalita ulit ang lalaki, "Mayaman ata ang na asawa mo ngayon at nagawa mong mag bayad ng malaki. Umobra ba ang pakikipag talik mo sa matandang kulubot na-" natigilan ito sa pag sasalita ng sumigaw si Karina.

"Wala kanang pake doon! Gawin mo nalang ng maayos ang trabaho mo!"

Tumawa ang lalaki.

"Sino ang sinu swerteng susunduin ni kamatayan?"

"Cheska Encha-" Tumigil ito at umangat ang gilid ng kanyang labi ng maalalang hindi na pala ito Isang Enchavez dahil divorce na sila.

"Cheska De Castro"

Nagtataka ang lalaki sa kabilang linya sa narinig, "Iyan ata ang daughter in law ng matandang pinatos m-" Hindi nya natuloy ng biglang mamatay ang tawag.

***

Mabilis ang pag mamaneho ni Cheska. Hindi nya alam kung saan sya pupunta ngayon na para bang wala syang ibang mauuwian.

Gusto nyang manatili sa Manila dahil doon naka libing ang kanilang anak na si Chelsea ngunit ayaw nya ng makita pa si Nico.

Hinihiling nya na makalimutan ang pag mumukha nito at ang kanilang pag mamahalan.

Nabasag ang katahimikan sa pag mamaneho ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. Hininto nya ang kanyang kotse malapit sa bangin para sagutin ang tawag ni Mia.

"Cheska where are you?" nag aalala na tanong ni Mia sa kanya.

"On my way to Baguio" maikling sagot nya.

"Cheska..." rinig nya ang hikbi ng kaibigan. Natahimik si Cheska hinihintay ang iba pa nitong sasabihin.

"I paid the Doctor. Binayaran ko sya para sabihin na nagkaroon ka ng Miscarriage... I'm so sorry Cheska. Ayaw kong makitang sinasaktan ka ni Nico matapos kong malaman lahat ng mga nangyayari sa mansyon" para bang tumigil sa pag ikot ang mundo ni Cheska at hindi ito makapag salita.

"Cheska nanjan pa ang anak mo. May kasama kana, hindi kana mag iisa." Lumipad ang palad ni Cheska sa kanyang tyan upang haplosin ito. Namuo ang kanyang luha sa mata.

Lumulundag ang kanyang puso sa tuwa na para bang nawala lahat ng sakit sa kanyang puso.

Binuksan nya ang pinto ng kanyang kotse para sa hangin.

"Sorry Cheska-"

Natawa si Cheska, "H'wag kana humingi ng tawad Mia. Naiintindihan kita... Salamat at nilayo mo ako dahil hindi ko na kayang makasama pa si Nico-"

Hindi nya natuloy ang ibang sasabihin ng makaramdam sya ng malakas na pag bangga sa likod ng kanyang sasakyan.

Nabitawan nya ang kanyang telepono at niyakap nya ang kanyang tyan upang protektahan ang anak na nasa sinapupunan nya.

Nauntog si Cheska sa manibela ng sasakyan dahilan ng pag kawala nya ng malay. Ang huling natatandaan nya lang ay ang sasakyan nyang nahuhulog sa bangin at ang higpit ng yakap nya sa kanyang tyan.

***

"That's impossible!" Sigaw ni Nico na umalingaw-ngaw sa buong mansion.

"Sir kumpirmado na po na kay ma'am Cheska ang sasakyan na nahulog sa bangin. Wala na po sya sir-" Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin ng bigla syang suntukin ni Nico dahilan ng pagka bagsak nito sa sahig.

Napa atras ang ibang lalaki sa takot.

"No! Idiot! My wife is alive! Kaya ko kayo binayaran ng malaki para hanapin sya ng buhay!" Napasabunot si Nico sa kanyang buhok sa frustration.

Pumasok ang Isang matipunong lalaki sa mansyon. Isa sya sa mga kaibigan ni Nico na magaling sa mga pag iimbestiga.

"Sir Brus" bati ng tauhan ng lalaki sa kanya. Nilapitan ni Brus ang lalaking sinuntok ni Nico at tinulungan itong tumayo.

"Umalis na kayo, I can handle this" utos nya na agad sinunod ng mga tauhan nya sa takot.

Bumuntong hininga si Brus ng makita ang kalagayan ni Nico.

"We did our best Nico. Hindi ang mga tauhan ko ang nag imbestiga ng case ni Cheska dahil ako mismo ang gumawa non. Nakumpirma ko na rin sa kanyang Ina na wala na sya"

Nag init ang tingin ni Nico sa kaibigan. Agad nyang hinablot ang kuwelyo ng damit nito. Ang mga ugat nya sa kamao ay nag sisilabasan sa galit.

"Buhay pa si Cheska!" Bakas sa boses nito na tanging ang kanyang sarili nalang ang kino kumbinsi nya.

Mariin ang kamay ni Brus na tinanggal ang pagkaka hawak ni Nico sa kanya.

"Then see it for your self nang makita mo ang hinahanap mo"

***

Gabi ang naisip ni Renz Lucas na pag byahe papuntang Baguio. Isa sya sa mga mayayamang Business man at kalaban ng kompanya ni Nico. Dadalo ito sa Isang event sa convention center para sa itatayo nyang Business.

Sa ka gwapuhan nyang taglay ay hindi aakalain na matatakutin sya sa dilim at sa sobrang dilim ng tinatahak nyang daan ay binagalan nya ang kanyang pagmamaneho.

Hindi nya iniisip na ganito ka dilim ang daan dahil ang buong akala nya ay may iilan na mga street light ngunit wala. Ito ang unang pag kakataon na ba byahe sya sa malayong lugar sa pilipinas. Madalas ay nasa ibang bansa sya para sa business collaboration.

"May natagpuang bangkay ng Babae sa Kenon Road na sinasabing pinag tulungang patayin" tumindig ang balahibo ni Renz sa narinig sa Radio. Agad nya itong pinatay.

Kasalukuyan syang nasa Kenon Road. Sa bawat masukal na daan na madadaanan ni Renz ay nararamdaman nyang may naka tingin sa kanya.

Binilisan nya ang pag papatakbo sa takot. Ngunit halos i-atras nya ang sasakyan ng makita ang Isang Babaeng naka puti sa gitna ng kalsada na nag lalakad paikaika papunta sa gawi nya.

Napa mura sya sa takot. Alam nyang nasa influence sya ng alak pero kahit kailan ay hindi pa sya naka kita ng kung anong hindi maipaliwanag na pang yayari kahit na sobra ang kalasingan nito.

Habang inaatras nya ang sasakyan ay naubusan ito ng gasolina.

"Fvck" malutong nyang mura. Naaninag nya na ang Babaeng duguan. Ang buhok nitong mahaba ay tumatabon sa mukha nito, papalapit na sa kanya ang Babae. Kahit anong tapang nya ay sa multo pa rin sya titiklop.

"You probably hallucinating Renz" ani nya at sinubukan nya pang sampal samapalin ang kanyang mukha hanggang sa mamula ito para lang magising. Halos mapasigaw na sya ng biglang kumalampag ang harap ng kanyang sasakyan sa pagkaka hawak ng Babae.

Humilig sya sa manebela ng sasakyan at ipinikit ang mga mata. Rinig nya ang mabibigat na yapak. Kulang nalang ay tawagin nya na ang lahat ng santo para mawala ang kanyang nakikita.

Nang wala na syang marinig ay marahan nyang ini-angat ang kanyang ulo. Wala na ang Babae sa harap ng kanyang sasakyan.

"FUCKING HELL!" Gulat na sigaw ni Renz ng biglang tumunog ang bintana ng driver's seat. Nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita ang duguang kamay ng Babae.

Hindi nya pa nababawi ang kanyang huwisyo ng mag salita ito, "Help me" nanghihinang sabi ng Babae.

That's his cue. He immediately open the door. Pinakatitigan ni Renz ang Babae. Hindi sya multo kundi tao! At ang takot nya na naramdaman kanina ay biglang napalitan ng awa at kaba sa kung an ang nangyari sa Babae.

Lumapit sa kanya ang Babae at napa hawak ito sa kanyang magkabilaang balikat na para bang nanghihingi ng suporta ang kanyang katawan.

"What happened to you?" nag aalalang tanong ni Renz. Hinawakan nya ito sa baywang.

Ang maliwag na buwan ang nag sisilbing ilaw nilang dalawa.

Tumingala sa kanya ang Babae. Napako ang tingin ni Renz sa maamong mukha nito. Inayos nya ang buhok na tumatabon sa maganda nitong mukha.

Ang kanyang mga mata ay nanghihingi ng tulong.

"Hindi ko ala-m" nauutal nitong sagot.

Paanong hindi nya alam ang nangyari sa kanya? Pinag tulungan ba sya ng kung sino? Did someone tried to rape her?

Umigting ang panga ni Renz sa kanyang mga naisip na katanungan.

Bago pa man nya muling matanong ang Babae ay agad itong napasubsub sa kanyang dibdib dahilan ng pag yakap nya sa Babae para salohin ang bigat nito, bago ito mawalan ng malay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status