Share

CHAPTER 5

CHESKA POV

Nagising ako ng maka aninag ng putting ilaw. Marahan kong iminulat ang aking mga mata ng makitang na sa Ibang lugar ako. Lugar kung saan ako natatakot bumalik muli.

Tinanggal ko ang mga naka dikit sa kamay ko na mga aparatos at inaalalayan ko ang sarili na bumangon mula sa pag kaka higa.

Bakit ako nandito? Kailan pa ako nandito? Ano ang nangyari? May sakit ba ako? Bakit parang may kulang sa akin?. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.

Dumapo ang tingin ko kay Nico na naka yuko sa gilid ng hospital bed at natutulog. Bakit sya andito? Hindi ba dapat ay binabantayan nya si Karina? Alam kaya nya na andito si Nico ngayon?

Sa ilang araw na pag titiis ko ng sakit mula sa mga nalaman ko nasanay na ata ako at ngayon ay wala na akong ibang maramdaman. Hindi ko alam kung galit o sakit ang nararamdaman ko.

Bumukas ang pinto at inuluwal non si Mia na mangiyak-ngiyak na sumigaw nang makita ako. Agad syang tumakbo at dinaluhan ako ng mahigpit na yakap.

Dahil sa sigaw ni Mia ay nagising si Nico at nag aalalang tumingin sa akin. Namamalik mata ba ako sa nakikita ko ngayon?

Bakit parang naging maamo syang tigre ngayon? Ang mga mata nya ay punong-puno ng Iba’t ibang emotions gaya ng takot, pangamba at pag aalala. May nangyari ba sa asawa ko habang nandito ako?

Kumawala ng pagkakayakap si Mia.

“I miss you a lot. Sorry kung ngayon lang ako. Sorry kung…” hindi nya natapos ang sasabihin at tumingin kay Nico.

Tumingin ako kay Nico na naka yuko ngayon. May problema ba sya? Kinagat ni Mia ang kanyang pang ibabang labi. Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

“Mia, gusto ko ng umuwi. Ayaw ko na mag tagal dito sa Hospital” pakiki usap ko. Kahit kailan ay ayaw ko na rito sa Hospital. Dito nawala ang anak namin at kahit kailan ay ayaw kong balikan ang masasakit na ala-ala na ‘yon.

Nanubig muli ang mga mata ni Mia at muli akong niyakap.

“Cheska… I’m so sorry, please for give me… You know that I love you so much… I don’t want you to suffer again…” nanginginig na sabi ni Mia.

“Kailan pa ako nandito?” wala sa sariling tanong ko.

Hindi pa ‘rin sya kumakawala sa pagkaka yakap sa akin.

“Almost 2 week-s…” Humihikbing sagot nya.

“Cheska…” nang hihinang tawag ni Nico. Muli ko syang binalingan ng tingin.

“Can you leave us for a while Mia” kumawala sya sa pagkakayakap at sinunod ang utos ni Nico. Nagkatitigan pa silang dalawa bago dali daling lumabas ng kwarto.

“What happened Nico?” Tanong ko. Hindi ko sya binabalingan ng tingin. Natatakot akong baka kapag tinignan ko sya ay mag makaawa ako muli na bumalik sya sa’kin. Natatakot akong hindi nya na ako tanggapin.

Hindi pa nakaka tulong ang pagkawala ko ng ala-ala sa kung ano ba ang nangyari. Ang huling natatandaan ko lang ay ang pag papanggap ni Karina.

Tumayo sya at nag lakad palapit sa akin. Mabigat ang bawat hakbang nya na tila ba kahit anong oras ay mawawalan sya ng lakas. Nang mamatay ang anak namin na si Chelsea ay hindi ko nakita ang ganitong uri ng emosyon sa kanya. Noong ayain nya ako ng Divorce kahit kailan ay hindi sya umiyak. Bakit ngayon ay pumapatak ang mga luha nya.

Umupo sya sa tabi ko. Hinawakan nya ng banayad ang kamay ko gamit ang nanginginig nyang mga kamay. Pinakatitigan ko sya.

Nababasag ang puso ko habang nakikita syang umiiyak. Hindi ko napigilang punasan ang kanyang mga luha. Gusto ko syang tanungin, halikan, at yakapin na andito lang ako para sa kanya. Pero bakit pati ako natatakot sa nangyayari ngayon?

“Cheska. I’m so sorry…” his voice cracked. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

“We lost our baby…” pag papatuloy nya kasabay ng pagbuhos ng luha nya.

“What are you saying Nic-o?” nangangatal na tanong ko.

“You’re 1 month pregnant” para bang tumigil ang mundo ko sa narinig. Napahawak ako sa aking ulo ng maalala ang mga nangyari.

Pagkatapos naming magkasagutan at pag isahan ako ay pinag buhatan nya ako ng kamay dahilan ng pagkaka dulas. Sya ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak ko!

Nag aapoy ang mga mata kong tumingin sa kanya.

“Cheska. I’m so sorry” basag na boses nito. Iwinaksi ko ang kanyang kamay na pilit akong inaabot.

“Nico. Minahal kita, ‘yon lang ang ginawa ko sa’yo pero bakit ganito ang sinusukli mo sa akin?!” parang pinipiga ang puso ko ngayon. Bakit Nico? Bakit ganito asawa ko?

“Mahal, What went wrong?” mapait kong tanong.

“Hindi ko sinasadya ang nangyari Cheska. Nadala lang ako ng emosyon kaya nasaktan kita kase ang akala ko ay sinasaktan mo si Karina”

Nakaramdam ako ng pait sa puso ko. Lintik na rason yan.

“Sinasaktan?! Mahal ako ang sinasaktan nyo. Tuwing kailangan ka nya lagi kang meron para sa kanya. Kaya mo syang protektahan! Putang Ina mahal ako ba prinotektahan mo ako?! Nico naman… pamilya natin hindi mo nagawa protektahan… samantalang ako halos malunod ako kaka protekta sa pag mamahalan natin”

“I’m sorry”

“Gusto kitang saktan, iparanas sayo lahat ng mga pinaramdam mo sa akin pero hindi ko magawa. Tang ina kase minahal kita! At hanggang ngayon hindi pa rin nag babago yon! At hindi ko kakayanin mag Mahal ng iba na hindi Ika-w!” halos magkanda bulol bulol na ang mga salitang lumalabas sa bibig ko sakit.

 Muling dumaan ang labis na sakit sa mukha nya kasabay ng pag iling-iling nya.

“Cheska nasaktan din ako. Ama din ako mahal ko ang anak nati-“ pinutol ko ang sasabihin nya.

Mahina akong natawa, “Nasaktan? Huh? Eh ang mga ginawa mo sa akin! Hindi ba at mas masakit ‘yon?! Mahal? Paano mong mamahalin ang anak natin kung ako mismo ay hindi mo na magawang mahalin?”

Natahimik ito na tila ba naubusan ng mga sasabihin at ang tanging paghikbi lang nya ang naririnig ko. Ayaw kong makita syang ganito. Galit ako pero hindi ko kayang makitang nasasaktan sya ngayon. Kung alam mo lang gaano kita ka mahal na pati ang galit ko ay napapalitan pa rin ng pag mamahal…

Pasensya na pero ang sarili ko naman ang mamahalin ko ngayon. Pagod na ako, pagod na pagod.

“Ang taong gaya mo ay hindi alam ang ibig sabihin ng pag mamahal… Don’t claim it as your child. I can choose a partner for my self but I can’t choose father for my child. Iniisip ko lagi saan ako nag kamali at nag kulang” pagpapatuloy ko.

“We can start again Cheska.” Ang kanyang mga mata ay nagsusumamo.

“Start again? May bago kanang pamilya Nico”

Bakit ngayon lang nya sasabihin ito? Bakit hindi kung kailan gusto kong ibalik ang relasyon namin sa dati? Bakit ngayon lang? Bakit Nico?

“Nico pagod na ako. Hindi na kita kayang ipag laban kung matagal mo na akong sinukuan” Basag na ang puso ko ngayon.

Pinawi ko ang aking luha at buong ingat kong tinanggal ang simbolo ng pag mamahalan namin ng ilang taon. Inilagay ko ang singsing sa kanyang palad.

Hindi sya makapaniwalang tumingin sa akin.  

“I’m quitting on you Nico. I will now sign our divorce paper.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status