Ilang araw na ang lumipas simula nang gumuho ang Mundo ni Cheska. Hindi nya alam ang kanyang gagawin at hanggang ngayon ay wala pa rin syang gana.
Kung pwede lang syang matulog buong mag araw para ma ibsan ang sakit na nararamdaman nya ay ginawa nya na. Ngunit malabo dahil alam nyang hanggang panaginip ay pinapatay sya ng mga salitang binitawan ni Karina.
Simula ng lumipat si Karina ay napapa aga na ang uwi ni Nico. Mas maaga pa sa pag uwi nya noong pinag bubuntis ni Cheska ang anak nila. Alam nyang mali na ikumpara ang sarili nya sa iba pero hindi maiwasan na gawin ito. Ibang-iba sa pinag samahan nila.
“Babe, paabot ako ng towel please” rinig ni Cheska na pasigaw na utos ni Karina kay Nico sa kabilang kwarto.
Rinig nya ang pag tigil ng agos ng tubig ng shower sa kabilang kwarto. Senyales na tapos na itong maligo.
Tinitignan kaya ngayon ni Nico ang katawan ni Karina na punong puno ng admirasyon sa mata? Hindi nya maiwasang mapa tanong sa sarili na tila ba alam nya rin ang sagot.
Hindi na sila tabi ni Nico matulog at mas pinili pa nitong manatili sa kwarto ni Karina. Kahit tumutul sya ay wala na rin syang magagawa dahil kung ayaw nyang makasama si Karina ay papalipatin sya sa kabilang mansyon nila ni Nico. Ayaw naman nyang mahiwalay kay Nico.
Gusto nya pa rin makita ito kahit masakit na.
Siguro naman ay masasanay sya. Handa nyang tiisin lahat ng sakit makasama at makita lang ang asawa. Kahit ang ibig sabihin pa nito ay makita nya na may kasama itong iba.
Ang tanga noh? Nangilid nanaman ang luha ni Cheska.
Wala syang gana gawin ang lahat na nakasanayan nya. Madalas din ang pagkirot ng kanyang ulo marahil ay sa hindi nito pagkain sa tamang oras.
Muli syang napa dilat ng mata ng maka rinig sya ng katok sa kanyang pinto na nag mumula sa labas.
“Cheska anak, papasok ako ahh…” boses ‘yon ng Ina ni Nico. Ilang segundo palang ay bumukas na ang pintuan. Bumungad ang Ina ni Nico na may hawak na tray ng pagkain.
Lumapit ito sa kanya. Halata sa mata nito ang pag-aalala sa kalagayan nya ngayon. Isa-isa nyang tinanggal ang mga pagkain na naka lagay sa tray at ipinatong ito sa maliit na lamesahan sa gilid ng kanyang kama.
“Kumain ka anak para may lakas ka” umupo ito sa gilid ng kanyang kama. Hindi mapigilan ng Ina ni Nico maging emotional.
“Anak pasensya na… sana mapatawad mo kami” banayad na sabi ng Ina.
Bakit ba sya nag so sorry? Wala naman syang kasalanan eh.
Hindi nalang nag salita si Cheska at ngumiti lang ng tipid. Tumayo agad ang Ina ni Nico at nag mamadaling lumabas sa kwarto nya dahil ayaw nyang makita sya ni Cheska na umiiyak. Iniwan ng matandang Babae na naka bukas ang pinto ng ni Cheska.
Makalipas ang ilang minuto ay may narinig itong palakpak na nangagaling sa kanyang pinto. Kahit hindi sya tumingin ay kilala nya kung kanino ‘yon nang gagaling.
“Ang tigas mo rin eh noh! Kung umalis ka nalang kaya dito sa Mansion. Edi hindi ka masasaktan” ani ni Karina na may nakaka lokang ngiti sa labi. Naka suot lang ito ng robe. Ang tali nito ay medjo loose dahilan kung bakit halos makita na ang kaluluwa nito.
“Wala akong oras para makipag usap sayo Karina” walang ganang sabi ni Cheska.
“Anyway, alam mo naiirita ako sa’yo. Nakaka irita pag mumukha mo. Look at your self mukha kang patatas na nabubulok at baka kung araw-araw kitang nakikita ay maging kamukha mo magiging anak namin” nandidiring pang aasar ni Karina.
Hindi ito pinansin ni Cheska at muli nalang syang bumalik sa pagkaka higa.
“Kung hindi ka aalis dito. Ako ang gagawa ng paraan para mapatalsik ka dito” naiinis na si Karina.
***
Mag hahapon na at gustong mag babad ni Cheska sa kanilang pool upang makalimot kahit sa ilang segundo lang.
Habang pinapanood nya ang pag tampisaw ng kanyang paa sa pool ay may biglang tumulak sa kanya dahilan ng pag kahulog dito sa malalim na bahagi ng pool.
Hindi sya marunong lumangoy at ngayon ay pilit syang nanlalaban para sa buhay nya ng maka rinig sya ng sigaw.
“HELP!”
Hindi rin naka tulong ang pang hihina nya para iligtas ang sarili sa pagkaka lunod. Ramdam ni Cheska ang pang hihina ng kanyang katawan sa ilalim ng tubig ng biglang may tumalon sa pool. Nanghihina ang kanyang kamay na humahanap ng pagkakapitan hanggang sa napakapit sya sa kung sino.
Sa pag aakalang si Nico ang tumalon sa pool o ang mga kasambahay. Laking gulat nya ng makitang si Karina at umaaktong nalulunod habang hawak nya ang balikat nito.
Bago pa man nya mabitawan si Karina ay patakbong tumalon si Nico sa pool upang sagipin si Karina. Kinuha nya ito mula sa pag kakahawak nya. Ipinulupot naman ni Karina ang kamay nito sa batok ni Nico.
“Hindi pwede…” mahinang bulong ni Cheska sa sarili.
“What is happening here?!” salubong ang kilay na tanong sa kanya ni Nico.
“Nico…” nahihirapan at pag kukunwaring bigkas ni Karina sa pangalan ng asawa nya.
Masakit. Iyan lang ang tanging salita ang pwedeng masabi ni Cheska.
“Nico, Babe. Paalisin mo na dito sa Mansion si Cheska. She’s a threaten to our baby” may takot sa boses na pag papanggap ni Karina.
How could she do this to us? Hindi makapaniwalang tumingin si Cheska sa kanilang dalawa na ngayon ay umaahon na sa pool habang inaalalayan ni Nico ang Babae.
Hindi namalayan ni Cheska na nagkumpulan na pala ang mga kasambahay dahil sa pangyayari. Gusto lang naman nyang mag libang. Bakit aabot pa sa puntong ganito? Tinulungan syang umahon ng kanilang driver.
Pagka ahon nya ang sanang balak nyang bumalik sa kanilang kwarto upang mag palit at h’wag nalang pansinin ang dalawa dahil alam naman na nya kung saan patungo ang mga ito ay naudlot nang higitin ni Nico ang kanyang kamay.
Binawi ni Cheska ang kamay nya kay Nico. “I don’t want to talk to this matter Nico”
“Babe, she’s out of her mind let her be “ sabat ng Babaeng garapata.
Hindi na napigilan ni Cheska ang inis na lumulukob sa kanya. Hinarap nya ito na punong puno ng galit sa mata.
“Ano masaya kana ba? Masaya kana ba nasira mo relasyon namin?”
Humakbang ito papalapit kay Karina. Ginamit nya ang kanyang hintuturo para sa munting pa tulak nya kay Karina sa braso nito.
“Masaya kana bang mapapa alis mo ako dito sa Mansion? Hindi ba ‘yon ang gusto mo?!” Sigaw ni Cheska na nagpa tayo ng balahibo nila. Ngayon lang nila makikitang magagalit si Cheska.
Sa bawat hakbang nya ay sya naman ang pag atras ni Karina.
Natawa ito ng makitang umaakto nanaman na paiyak ang Babae. Kung artista lang ito ay papalakpakan nya na.
“You didn’t change at all, don’t you?” Cheska mockingly said.
“Stop it Cheska!” sita ni Nico na pumagitna sa kanila.
“What Nico, is this what you got? Seriously you will replace me to this kind of girl? So shitty. You have a low standard at all what should I expect?”
Bago pa man muling talikuran ni Cheska ang asawa ay dumapo ang kamay nito sa kanyang pisngi dahilan ng pagka dulas nya at pag bagsak sa sahig.
Napa inda sya sa sakit. Hindi sa sakit ng sampal ng asawa kundi sa mga dugo na dumadaloy sa kanyang mga Binti.
Nanlabo ang mga ni Cheska. Ang huling naalala ay ang mga boses ng mga nag sisigawan at ang pag angat nya sa sahig buhat ng kung sino.
Tatawagan na sana ni Cheska si Nico upang sabihin kung nasaan si Chelsea nang biglang may nag text sa kanya. (Unregistered number: If you want to see Chelsea alive and breathing so fine you should come to this address *** **********. I'll be waiting for you, but not so patient. I only have two rules. 1st don't tell to Nico and 2nd once you call a police or pulling some strings to call the intelligence security. Hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin ang bungo nang so long lost daughter mo.)Nanginginig ang kamay ni Cheska na nahulog ang kanyang cellphone. Walang ibang pumapasok sa kanyang utak kundi ang iligtas ang kanyang anak. Nag uunahang tumulo ang mga luha ni Cheska at patakbong pumunta sa parking lot at pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa address na sinend ni Karina.Sa kalagitnaan nang kalsada ay patuloy pa rin ang panginginig nang kanyang kamay sa pag mamanneho. Ilang beses na rin syang kamuntikang mabangga at panay ang kanyang busina. Kulang nalang ay paliparin n
Napalunok si Nico nang mariin, "Pero paano naman ako?..." Pagak na tumawa si Cheska, "Noon ba inisip mo ako? Inisip mo ba kung paano ako noon o kung paano ba ang ginawa mong sariling pamilya?""That's why I'm here to repent for my sins... Alam ko nag kamali ako Cheska. Madami akong nagawang pag kakamali na mismong ako hindi ko alam kung anong pamamaraan ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pag kakamali. Cheska..." Nag mamakaawang tawag ni Nico sa kanyang pangalan. "Tao rin ako nag kakamali ako-" "Oo, nag kamali ka Nico pero ang mga ginawa mo sa'kin kahit kailan ay hindi yon naging maka tao! Para akong basura na anytime pwede mong itapon at pwede mong pulutin kung kailangan mo pa!"Pinipiga ang puso ni Nico sa kanyang naririnig mula kay Cheska. Kahit hindi naman nya naging intention na makasakit ay grabe ngang nasaktan ang kanyang asawa. Ngunit ngayon gagawin nya na ang lahat para maka bawi at mabuo ang kanilang pamilya. Haharapin nya na ang lahat at hindi nya
"What's your favorite color Chelse-a" Utal na tanong ni Cheska sa kanyang anak. Kasalukuyang naka kandong sa kanya ang panganay na anak. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay sya at hard copy pa nga nya ito. Isang mini Cheska kung tatawagin kaya hindi maipag kakaila na anak nya ang kasama ngayon. Matapos nga nang iyakan nila kanina ay ganon din ang pag iyak ni Aden nang makita na ang kanyang Ate na inaakalang matagal nang patay. Kahit sino naman ay ganoon ang magiging reaksyon. "I love color pink Mommy!" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag syang Mommy nang kanyang anak. "So, we have the same color Baby... How about your favorite food?" Ngayong kapiling nya na ang anak ay kikilalanin nya ito nang mabuti at pinapangako nyang babawi sya sa mga pag kukulang nya. "I don't have an exact favorite food Mommy, but I like eating ice cream when I'm sad so I think an Ice cream will do po". Maligayang sagot ni Chelsea sa kanya. Sa Isang sulok ay si Nico na pinag mamasdan ang kanyang mag Ina
May mga bagay talaga na dumadating sa ating Buhay na mahirap paniwalaan ngunit may mga bagay din na mahirap tangapin kung ito ay totoo. Minsan kung sinu swerte ay mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, ngunit karamihan ay mga masasamang Balita na hindi natin kaya tanggapin. Buhay si Chelsea? Buhay ang anak namin? Ilang taon na ang nakalilipas na hindi nya pinaniniwala ang kanyang sarili na patay si Chelsea ngunit bakit kung kailan tanggap nya na ay sasabihin naman ni Nico na buhay sya?Anong scenario ang gustong ipalabas ni Nico ngayon? Binunot ni Nico ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ito. Nag text sya sa Isang katulong na nag babantay kay Chelsea upang dalhin si Chelsea sa kanilang location ngayon ni Cheska sa rooftop ng Condo. Hindi pa nakakabawi si Cheska sa parang panaginip na pangyayari ng may pinakita si Nico na litrato ng isang Batang Babae. Babaeng mala anghel ang mukha sa ganda na kamukhang kamukha nya. Tumulo ang luha ni Cheska habang nanginginig na kinuha ang c
Mag gagabi na ng maka uwi si Cheska. Kaninang mga alas tres ng hapon ay naka uwi na sya para mag prepare ng simple celebration nila sa Condo, ngunit muli nanaman syang umalis upang bisitahin ang puntod ni Chelsea at makapag paalam na aalis na muna sila ni Aden sa Pilipinas. Kung pwede lang dalhin ang mga labi ng anak ay gagawin nya ito. Si Chelsea lang naman ang dahilan kung bakit parang may pumipigil sa kanila na umalis. Pag bukas ng elevator ay para syang tinakasan ng sariling dugo ng makita si Nico na nanlulumo. Namumula ang mga mata nito na alam nyang dahil sa pag iyak. Ano kaya ang dahilan ng pag iyak nya?Hindi nya alam kung papasok sya sa loob ng elevator o mag papakain sa lupa. Paano nya nga ba haharapin si Nico na walang sinasabing masakit na salita sa lalaki? Paano nga ba harapin ang Isang lalaki na kahit mahal mo pa ay mahirap mahalin? At para kayong laging inalalayo ng Tadhana sa isa't isa at mayat mayang pinag tatagpo. "Cheska." Utal na tawag nito sa pangalan nya. Masy
Ilang linggo nang naka kulong si Cheska sa kanyang kwarto para mag mukmok at harapin lahat ang kanyang nararamdaman. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at karamihan doon ay ang tanong na Bakit? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng pumatay sa kanyang ama ay ang pamilya pa ni Nico? At bakit lahat nalang ay may kinalaman kay Nico? Talaga bang ganito makipag laro ang Tadhana na kalalabanin sya sa pamamagitan ng ganitong pamaraan? O dahil sa ilang taon ng kanilang pag sasama ay matagal ng umayaw ang Tadhana sa kanila? Masakit isipin, pero kailangan kayanin. "May mga tao na para lang sa isa't isa sa Isang relasyon bilang mag girlfriend at boyfriend pero hindi sila para sa isa't isa kapag ikinasal na, kumbaga hindi na pwede ang relasyon nila bilang mag asawa...." Wala sa sariling wika ni Cheska habang naka tingin sya sa harap ng salamin. Ngayong araw nya lang nagawang ibangon ang kanyang sarili muli. Hindi naman pu pwedeng mag papa tangay sya sa agos ng buhay. Minsan kailang