Share

THE ONE NIGHT's REVENGE
THE ONE NIGHT's REVENGE
Author: SACRINA

CHAPTER 1

Kadalasan, pagkatapos ng school ay uuwi agad ako sa bahay. Ayokong mag-alala sa akin sina mom at dad. Madalas ko silang ginagalit nitong mga nakaraang araw, ayoko ng dagdagan pa iyon. Hanggat maari at hanggat kaya ko pa, iiwasan kong magalit na naman sila sa akin.

"Hindi ka ba sasama sa amin, Raselle?" Sinulyapan ko ang nakangising si Tiffany sa akin. Kasalukuyan kaming pinapasulat ng aming teacher. Malapit na kase ang last quarter ng taon na ito. Nasa senior high na ako at ilang araw na lamang ang bibilangin, ga-gradute na din ako.

Excited na ako!

Hindi ako makakapaghintay na mangyari iyon. Kukuha ako ng flight attendant. Bata pa lamang ako, iyon na ang pangarap. Masyado nga siyang casual talaga. Ngunit, dahil gustong-gusto long magtravel. Naisip ko na iyon na lamang ang kunin ko. Mukhang masaya naman kung magiging ganoon ako.

Pagkatapos nitong klase, sasabihin ko kaagad kay dad na gusto kong kumuha ng Flight attendant pagdating ko ng kolehiyo. Hindi naman siya tututol kase ako naman talaga ang nagdedesisyon sa mga ganoong bagay sa buhay ko. 

Isang saknong pa sung nasulat ko bago ko sinagot si Tiffany. "Saan naman ang punta ninyo at sinu-sino kayo?" Ngumuso ako at hinintay ang kaniyang sagot.

Sa mahabang panahon na magkasama kami ni Tiffany, madalas silang lumalabas kasama ang iba pa naming kaibigan. Parati naman nila akong dinadala. May mga pagkakataon na tumatanggi ako at mayroong sumasang-ayon. Para sa akin at para sa mga magulang ko, wala namang masama para doon. Naiintindihan ko sila. Gusto nilang magsaya at ganoon din ako.

"Ay, usual tanong bes?! Siyempre iyong mga kaibigan natin!" Ramdam ko ang iritasyon sa kaniyang boses. Sa tuwing tinatanong ako ni Tiffany tungkol dito, ganoon lagi ang sagot ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit siya naiinis sa akin ngayon.

"Ganoon ba? Magpaalam muna ako kay mom at dad at saan ba ang pupuntahan natin kung sakaling makasama ako?"

Nawala ang iritasyon sa kaniyang mukha. Ngumiti siya dahil nahuhulalaan na niyang interesado ako sa lakad nila at maaring sumama na din ako sa kanila.

Pansamantala kong sinulyapan ang mga kaibigan namin na ngayon ay abala din sa pagsusulat ng lecture. Wala ang teacher namin ngayon dahil nagkasakit daw ang bunso nitong anak kaya para hindi kami lumabas ng classroom, pinagsulat na lamang kami ng lecture na maaari naming talakayin sa susunod niyang klase.

Ibininaling ko agad ang tingin ko kay Tiffany. "Hindi dahil tinanong ko sa iyo kung saan tayo pupunta ay sasama na agad ako. Magpapaalam na muna ako sa aking mga magulang."

"Ako na ang gagawa non. Papayagan ka naman ni Tita. Promise! Hindi ka namin pababayaan." Prisinta niya.

Umiling agad ako. "Hindi na Tiffany. Ako na lang ang magpaalam kay mom. Kung papahintulutan niya ako, sasama ako. Kung hindi kayo na lang. Besides, busy pa ako sa pag-aaral. Malapit na din ang final." Giit ko.

"Naku!" Aniya niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Huwag kang mag-aalala! After graduation pa naman ang lakad natin. Busy din kami at gusto din namin maka-gradute." 

Kumunot ang noo ko. Unti-unti din iyon nawalan nang maisip ko kung kailan mangyayari ang ni-plano niya.

"So? Ang ibig mo bang sabihin ay after graduation pa ang lakad?" May kutob ako na ganoon nga ang mangyayari ngunit kailangan ko ng sagot niya.

"Oo, Raselle! After graduation pa. Naisip ko na pagkatapos natin magcelebrate sa araw ng graduation natin, sa gabi ay magni-night out naman tayong mga ga-graduate."

Tumango ako. Maayos naman ang naging plano niya. Hindi iyon makakaabala sa pag-aaral namin dahil pagkatapos pa naman iyon ng graduation.

Plano kong mag-concentrate sa pag-aaral. Hindi dahil isa ako sa mga nangunguna sa klase ay babalewalain ko na ang pag-aaral at magiging kampante na ako sa taglay kong talino. Kahit papaano ay kailangan ko pa din mag-study dahil sa totoo niyan, hindi ako confident sa taglay kong angking talino lalo na't madami ding matalino sa loob ng klase namin.

"Ngunit, ngayong naka-graduate na tayo ng senior highschool, naisip ko na mas mabuti kung sa bar na tayo pupunta. Wala namang masama dahil nasa tamang edad naman tayo." Dinig kong sabi niya makalipas ang ilang katahimikan.

Nalaglag ang panga ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Tama ba ang sinabi niya at tama din ba ang narinig ko? Umawang ang labi ko at nilingon siya. Napangiti siya nang makita ang ekspresyon ko. Siguro alam na niya na ganito ang magiging reaksiyon at ngayon, mukhang satisfied yata siya.

"B-bar?" Kahit ramdam kong tama nga ako ngunit gusto ko lang makasigurado. Hindi ako pinanganak kahapon para walang ideya sa lugar na iyon. Alam ko kung ano ang mga naroon at kung ano ang ginagawa ng mga taong pumupunta doon.

"Ano? Huwag mong sabihin hindi ka sasama? Hindi pwede iyon! Kailangan mong sumama. Bawal KJ!" Sikmat niya. Nagpatuloy siya sa pagsusulat habang ako naman ay hindi pa makarekober sa kaniyang sinabi.

Wala namang kaso sa akin kung pupunta ako doon o hindi. Kaya ko naman kontrolin ang aking sarili. Inaamin kong first ko ngang pumunta doon at wala pa akong experience. Pero naniniwala ako na hindi naman ako malalasing. Iyon ay kung iiwas ako sa mga alak.

Naging mabilis ang mga araw. Pagkatapos ng final ay hinintay ko ang result kung kasali ba ako sa top students o hindi. Kung makakasama ako, magiging proud ako sa aking sarili at ganoon na din ang mga magulang ko. At kung hindi naman, magiging malaking disappointment iyon sa amin.

Hindi na din namin kailangan na magsuot ng uniform dahil tapos naman ang finals. Nagpra-practice na lamang kami para sa graduation ceremony. 

Kaya naman, napagdesisyunan kong magsuot na lamang ng Bangkok top at isang mom jeans. Hindi naman ako mapili sa mga susuotin ko. Sinabi din naman sa akin ni Manang Divine at mom na kahit ano naman ang susuotin ko ay bagay sa akin. Bukod sa matangkad ako at maputi ang kutis, may sinisigaw din ang hubog ng katawan ko.

Nang makitang nine a.m na ng umaga, iyon na lamang ang isinuot ko papuntang school. Isa pa, practice lang naman ang magaganap, pagpapawisan naman ako maya-maya. Nagdala na din ako ng tubig at extra pang damit para doon.

Hinatid ako ng aming driver papuntang school. Ganoon naman ang eksena araw-araw kapag may pasok ako. Hindi din naman ako hinahatid nina mom at dad dahil abala sila sa trabaho at pamamahala sa kompaniya.

"Congrats, Cassiane! Ikaw ang class valivictorian this year!" 

Nabingi ang tainga ko sa ingay na sumalubong sa akin. Hindi pa naproseso ng utak ko ang kanilang sinabi, tinawag na ako ng mga kaibigan ko. Naroon na din si Tiffany. Sa lahat ng kaibigan ko, siya ang mas malapit sa akin.

"Good morning," bati ko sa kanila.

"Uy, Raselle! Na announce na pala ang top students ngayon? Kasama ka! Congrats, ah! Libre mo kami mamaya!" Iyon agad ang salubong sa akin ni Jasmine.

Bumilis agad ang kalabog ng puso ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status