Share

CHAPTER 2

"Uy, Raselle! Na announce na pala ang top students ngayon? Kasama ka! Congrats, ah! Libre mo kami mamaya!" Iyon agad ang salubong sa akin ni Jasmine.

Bumilis agad ang kalabog ng puso ko. Alam kong matagal ko ng hinihintay ang bagay na ito at ngayon, sobrang kaba ang nararamdaman ko. What if kung hindi ako makakapasok? Ano na lamang ang maaring sabihin sa akin nina mom at dad.

Pero kung ano man ang mararamdaman, kailangan nila pa ding pigilan iyon at ipakita sa akin na suportado sila sa kahit ano man ang mangyari sa buhay ko. Kung hindi man ako magiging top students, kailangan nilang tanggapin iyon.

"Talaga! May resulta na?" Gulantang kong tanong. Hindi ko alam kung excited ba ako o kinakabahan.

"Yes, lapitan mo lamang ang adviser natin. Naroon siya sa faculty." Sagot ulit ni Jasmine. May mga pinag-usapan pa sila nina Tiffany. Dahil sa kaba, hindi ko na alam kung ano pa ang kanilang pinag-uusapan.

"Naku! Huwag na, Raselle! May listahan dito!" Iniabot sa akin ni Shein ang isang papel. Nasa ere pa man iyon, Alam ko na  invitation iyon at sa loob noon, nakalagay ang listahan ng mga deserving top students.

Kinuha ko iyon at binuksan sa nanginginig na kamay. Habang ginagawa ko iyon, pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin dahil sa sobrang kabang nararamdaman at mga tanong na naglalaro sa aking isipan. 

Ganunpaman, pinalakas ko pa din ang aking loob. Ano naman kung hindi ako kasali? Nag-effort naman ako at nagtiyaga at alam ko, doon pa lamang ay deserving na talaga ako maging top students.

Binuksan ko ang pahina kung nasaan ang listahan ng mga top students sa aming klase. Tahimik akong nagbabasa at mukhang ganoon din ang mga kaibigan kong nasa unahan ko ngayon, siguro ay binibigyan ako ng oras para malaman kung nagawa ko ba talaga ang goal ko o hindi.

Sa apelyidong nagsisimula sa letrang R, nakita ko kaagad ang pangalan ako. "Ah! Top students ako! I made it! I made it!" Napatalon ako sa sobrang saya. Hindi ko na din inisip pa ang magiging reaction ng mga kaibigan ko.

"I made it!" Ulit ko. Sa totoo niyan, hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Pakiramdam ko, lahat ng effort at sacrifices na inilaan ko sa buong taong ito, nagbunga iyon at wala akong nakikitang rason para hindi ako makasali sa top.

"Congrats, Raselle!" Unti-unti na ding nagsisilapitan ang mga kaibigan ko para i-congratulate ako. Hindi ko mailarawan kung gaano ako kasaya ngayon, siguro kapag sinabi ko ito sa mga magulang ko, mas lalo silang matutuwa.

Nag-congratulate din sa akin ang iba pang nakakuha ng top at latin honors. Ang sabi nila, deserve naman talaga iyon. Sumang-ayon na lamang ako dahil totoo naman iyon. Deserve ko talaga maging top students.

Pagkatapos ng practice, kumain kami ng mga kaibigan ko sa isang restaurant. Siyempre, dahil ako lang ang naka-top s buong friend circle namin, hindi sila pumayag kung hindi ako ang manlibre amin kaya naman ay wala na akong nagawa pa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila dahil ayoko ng mahabang usapan.

Four p.m na nang sinundo ako ng aking driver. Naabutan kong nanunuod ng tv sina mom at dad sa sala nang nakauwi na ako. Nakaakbay si dad kay mom kaya mas lalong sumaya ang puso ko. Isa yatang magandang araw ito para sa akin. Bukod sa nalaman kong naging top students ako, ngayon mismo sa aking unahan ay nasasaksihan ko ang pagmamahalan ng mga taong bumuo sa akin.

Naisip ko ang pangarap ko, kung magiging successful flight attendant ako balang araw, siguro mas lalo ko silang mapapasaya. Pangarap ko ang propesyong iyon at sa nakikita ko, hindi nila ako hahadalangan sa pangarap ko at sa mga gusto kong mangyari.

Ini-imagine ko pa lamang na nasa taas ako ng langit at sumasakay sa areplano habang lumilipad ito, hindi ko na maipaliwanag kung akong klaseng saya ang mararamdaman ko. Pagkauwi ko galing work habang suot ang magandang uniporme nito, sasalubungin ako nina mom at dad habang magkaakbay silang dalawa at parehong may mga ngiti sa labi.

Hindi naman masama kung iyon ang kukunin ko sa kolehiyo. Wala naman akong interest sa business at mas gusto kong magtravel. Kung darating man ang araw na ipapamana ni dad sa akin ang kaniyang kompaniya, ngayon pa lamang ay kailangan ko ng mag-aral kung paano magnegosyo. Ngunit bago iyon, gagawin ko muna ang gusto ko.

Ngayong gabi ay sasabihin ko kina mom at dad na kasali ako sa top at sasabihin ko na din sa kanila ang plano ko sa buhay. Maaga pa man pero mas maganda na iyong handa ka. Wala namang ibang gagawa nito sa akin kung hindi ako. Sasabihin ko lang kina mom at dad at kung ok na ba iyon sa kanila.

Kahit papaano, mahalaga pa din naman ang opinion nila para sa akin.

Lumapit ako sa kanila at ngumiti. "I'm home, mom, dad." Anunsiyo ko.

Nagkurap-kurap ang mga mata ni dad at tiningnan ako. Ganoon din si mom. Nginitian nila din ako gaya ng ginawa ko kanina kaya mas lalo akong sumaya. Umupo ako sa pang-isahang sofa at nakisalo na din sa panonood nila ng tv.

Puro news lahat ang mga pinapanood nila, hindi naman bago ito sa akin. Wala nga akong interes para malaman kung ano ang nangyayari sa mundo, sumasali ako sa kanila para na din makabonding silang dalawa dahil alam ko, minsan lamang kami magsama-sama. Busy sina mom at dad sa trabaho habang ako naman ay abala sa pag-aaral. 

"How's your day, Honey?" Tanong ni mom.

Ngumiti pa din ako kahit hindi niya naman ako nakikita. "Full of happiness, mom." I honestly answered.

Sinulyapan ako ni mom habang si dad naman ay mag-concentrate sa panonood ng balita. Kita ko kung papaano kumunot ang noo ni mom. Ngunit nawala din bigla. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. "What made your day full of happiness? May manliligaw ka ba?" 

Minsan talaga ay humahanga ako sa boses at tono ni mom habang nagsasalita. Kahit ako lang ang kinakausap niya, ang casual niya pa din. Pakiramdam ko tuloy ay nasa loob ako ng kompaniya at siya ang boss ko.

Umiling agad ako. "Wala po akong manliligaw, mom."

Tumango siya at nanood ulit ng balita habang nakasandig sa dibdib ni dad. Alam kong pagod silang pareho dahil malaki-laki din ang kompaniyang itinayo ni dad. Ang Alam ko, para daw iyon kay mom. Nais niyang patunayan dito na secure na talaga ang future ni mom kapag dumating ang panahon na bubuo na sila ng pamilya at nagtagumpay siya doon.

Sinulyapan ako ni dad. Hindi ako masyadong close sa kanila dahil sa pagiging abala nila sa trabaho. Hindi na ako nagreklamo pa dahil alam kong para sa akin naman iyon at isa pa, nasanay na ako na ganito palagi ang set-up naming magpamilya.

"Mabuti naman. Bata ka pa para magkaroon ng boyfriend. Magpaka-busy ka muna sa pag-aaral. Kapag dumating ang isang sitwasyon na hindi mo aakalain, wala din namang tutulong sa iyo kung hindi ang sarili mo. Hindi ka tutulungan ng mga lalaking iyan." 

Tumango na lamang ako. Kahit hindi kami masyadong close ni dad at nagkaroon ng oras para sa isa't-isa, lagi niya naman akong pinapaalahan. Hindi na din ako sumagot sa kaniya kung ok ba sa akin ang mga paalala niya o hindi. Tingin ko, lahat naman ng mga advices niya ay tama at magagamit ko balang araw.

"Nagdebut ka na, Raselle. Hindi naman masama sa akin na magkaroon ka ng boyfriend. Pero kailangan nating respetuhin ang sinabi ng dad mo. I mean... Bata pa lang ako, hinahabol na ako ng mga lalaki. Hindi na din ako magtataka kung mangyayari iyon sa iyo. Ang kahating dugong nanalaytay diyan sa katawan mo ay nanggaling sa akin." She said.

Maganda naman talaga si mom kahit na matanda na siya ngayon. Nakita ko ang iilang litrato niya noong bata pa lamang siya at wala ngang duda na ang isang Alfonso Lianzo Rimualdez  ay nagkagusto sa kaniya.

Sa totoo niyan, ni wala akong namana kay mom. Kaya paminsan, kapag nagkakasama kami sa iilang social gathering, nawawalan ako ng self-esteem. Pakiramdam ko ay ampon lang ako ni mom ngunit dahil kamukha ko naman si dad, ni walang nagsasabi sa amin na maaring ampon lamang ako. 

"Sinasabi mo bang nagmana iyang anak mo sa iyo?" Malambing na tanong ni dad kay mom sa mababang tono ng kaniyang boses.

"Ikaw ka talaga, Alfonso! Ang dami mong kalokohan!" Sikmat ni mom at inirapan pa ito.

Nagkaroon sila ng kaunting sweet conversation. Hinintay kong matapos iyon bago ko sinabi sa kanila ang magandang balita. Kinain ulit kami ng katahimikan kaya naisip ko na magandang tsansa iyon para sabihin ko sa kanila ang tungkol sa pagiging top student ko. Huminga ako ng malalim at kinalma muna ang sarili.

"Mom, dad, I have something to tell you." Agaw pansin ko sa kanilang dalawa.

Sabay silang lumingon sa akin at nagtaas ng kilay. Ilang sandali nilang hinintay ang mga sasabihin ko. Kinalma ko ulit ang aking sarili para kahit papaano ay makahugot ng lakas ng loob.

"Lumabas na pi kase ang resulta, isa po ako sa top student ng aming batch!" I happily said with a wide smile on my face.

Nakita kong ngumiti si mom, nginitian ko na din siya. Sa kabilang banda naman, hindi ko nakitaan ng kung anong emosyon ang mukha ni dad, hindi man lang siya tumingin sa akin bago nang-iwas ng tingin.

Nawala ang ngiti sa labi ko at ganoon din si mom. Hindi ko alam kung papaano mawalan ng gana ang puso ko at paano ito nasaktan dahil sa naging reaksiyon ni dad.  

Siguro nag-expect ako na matutuwa siya sa sasabihin ko kaya nasaktan ako ng ganito ngayon. Kung alam ko lamang na magiging ganoon ang reaksiyon niya, hahanap na lamang ako ng magandang tsansa para sabihin iyon sa kaniya. Hindi ko naman alam na bad mood siya ngayon.

"Hindi ka ba magiging masaya para sa anak mo, Alfonso? Isa iyon sa naging achievement niya. Nag-effort at nagtiyaga siya para doon. Hindi ka ba man lang ngingiti para sa kaniya?" Narinig kong mahinahong tanong ni mom kay dad.

Uminit ang pisngi ko. Gusto kong umiyak dahil sa natanggap. Ngunit pinigilan ko. Nais kong ipakita kay dad na deserve ko ang bagay na iyon. Para sa akin, makokontento na ako doon. 

Sinulyapan ako ni dad at ganoon pa din ang mukha niya. He didn't even smile at me. Nagbaba na din ako ng tingin. Siguro ay mataas ang ini-expect niya galing sa akin. Pero ano ba naman ang magagawa ko kung hanggang doon lamang ang kaya ko?

"Tatanungin kita ngayon, Raselle? Pagkatapos nitong senior highschool mo, ano na ang gagawin mo? Ano ang plano mo sa buhay?" Mataman niyang tanong. Nakaramdam ako ng kaunting takot pero pinanatili kong nasa tamang ayos ang pagkaka-upo ko.

Nararamdaman ko din na ngayon niya talaga kailangan ng sagot. Hindi mamaya o bukas, kung hindi ngayon na talaga. Wala namang masama kung sasabihin ko kung ano ang makakabuti para sa akin. Besides, doon naman ako magiging masaya. At higit sa lahat, bakit ko pa pag-aaralan ang ibang kurso at bagay kung hindi naman ako magiging masaya dito?

"Kukuha po ako ng tourism sa c-college, dad–" pinutol agad ako ni dad gamit ang mga malulutong niyang mura.

"What the fuck, Raselle?! Sa dami ng kurso? Bakit tuorism pa?!" Tumayo siya at magkasalubong ang kilay habang sinasabi niya iyon sa akin.

Naramdaman ko ang pagnginig ng aking labi. Natatakot ako ngayon dahil sa galit ni dad. Nagalit ko ba siya o may nasabi akong mali? Sinabi ko lang naman ang gusto ko at ang pangarap ko. Iyon lang naman. Kaya bakit galit si dad? At bakit hindi ko makuha ang rason niya para doon?

"Alfonso!!!" Sigaw ni mom para pakalmahin si dad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status