Share

PSYCHOPATH 5

Author: Sunmaru
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-06 22:05:57

Almira's POV... 

Nakahiga ako sa kama, dilat na dilat habang tahimik na nakikiramdam sa bawat ingay sa paligid. Sobrang lakas ng tukso na alamin kung ano ang ginagawa ngayon ni Master Ace, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumabas ng kwarto.

Kanina, habang nakatambay ako sa veranda ng silid ko, nakita ko ang isang itim na van na pumasok sa mansyon. Agad kong naisip na baka iyon ang sasakyan ng bangkay na pag-aaralan niya ngayong gabi.

Ngunit matapos umalis ang van, ilang sandali pa ang lumipas habang abala ako sa pagmumuni-muni nang bigla kong mapansin ang isang sports car na palabas ng mansyon.

Napakunot ang noo ko.

“Imposibleng si Master Ace ang umalis…” bulong ko sa sarili habang marahang umiiling.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto para sana ay matulog.

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling tumambay sa veranda, hinihintay kung babalik pa ba ang sports car na nakita ko kanina.

Ngunit lumipas ang tatlumpung minuto at wala pa ring dumadating.

Sa huli, napabuntong-hininga na lamang ako at nagpasya nang matulog kaysa patuloy na mag-isip ng mga bagay na alam kong malabong mangyari.

Hindi iyon si Master Ace...

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi nagtagal ay tuluyan na rin akong nakatulog.

Nagising ako kinabukasan sa tunog ng alarm clock bandang alas-sais ng umaga.. 

Bumangon ako at agad na inayos ang sarili para harapin ang mga dapat kong gawin sa araw na iyon—ang pagbibigay ng gamot kay Master Ace, paglilinis ng kanyang silid, at pagpapalit ng kanyang damit.

Lumabas muna ako ng kwarto upang mag-almusal.

Alam kong bukas pa muling babalik ang dalawang caretaker dahil sa loob ng isang linggo, tatlong beses lang talaga sila pumupunta rito. Hindi naman ganoon kabigat ang trabaho nila, lalo na’t iisa lang ang inaalagaan nilang amo at malaking tulong din ang automatic washing machine sa mga gawain nila.

Matapos kumain, naglakad na ako papunta sa silid ng alaga ko.

“Good morning, Master,” nakangiti kong bati sa kanya.

Tuwing umaga, mas nagiging komportable akong kausapin siya dahil alam kong hindi naman niya ako maririnig. Para bang isa lang siyang tahimik na kasama na hindi makakapagsabi ng kahit anong sikreto ko.

Napatitig ako sa mukha ni Master Ace.

Napakagwapo niya…

Ngunit may kakaiba akong napansin.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking ilong sa kanyang leeg, pagkatapos ay sa dibdib, at maging sa labi niya.

Bakit parang amoy alak si Master Ace?

Hindi iyong klase ng amoy na nakakasulasok o nakakadiri. Sa halip, ito ay amoy ng mamahaling alak—may kakaibang halimuyak na hindi ko maipaliwanag.

Napahawak ako sa matigas niyang dibdib at muling inilapit ang mukha upang amuyin ito.

Hindi… imposible.

Agad akong umiling, pilit na itinataboy ang mga naiisip ko.

Pagkatapos ay inihanda ko ang ituturok na injection, handa na naman upang turukan siya.

Hinawakan ko ang kanyang braso at dahan-dahang itinurok ang gamot. Walang anumang reaksyon mula sa kanya.

Napangiti ako at umupo sa tabi niya bahagyang kumalumbaba sa dibdib niya, Pagkatapos hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang mukha.

“Master… kumusta naman ang pag-aaral mo sa katawan ng patay kanina?” nakangiti kong tanong sa kanya.

Siyempre… wala pa ring sagot. Ano pa ba ang maaasahan mo sa isang taong nasa ganitong kondisyon?

Tinitigan ko ang kanyang katawan.

“Master… huhubaran na kita,” mahinang sambit ko.

Katulad ng nangyari kahapon, hirap na hirap pa rin akong hubaran siya.

Ngayon, ewan ko na kung ilang minuto na akong nagtatangka pero hindi pa rin matanggal-tanggal ang boxer niya.

“Nyeta… bakit ba kasi pati ‘to kailangan pang palitan…” bulong ko, halong inis at kaba.

Kalma, self. Nasa ganitong larangan ka, dapat sanay ka nang makakita ng mga ganitong bagay. Caregiver ka, remember?

Paulit-ulit kong paalala sa sarili, pilit na nagpapalakas ng loob.

Naalala ko pa noong nag-OJT ako, isang matandang lalaking comatose ang naitalaga sa’kin para alagaan. Doon ako unang nasubok—madali lang sa isang banda dahil comatose yun, wala akong iniisip na reaksyon mula sa kanya.

Pero mm ibang usapan si Master Ace. Hindi naman siya comatose… may kakaibang kondisyon lang—sa gabi lang siya nagigising. Kaya kahit tulog siya ngayon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Sa huli, tinipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko. Pumikit ako, saka marahang hinila pababa ang boxer niya.

Pikit pa rin ang mga mata ko habang marahang hinihila paalis ang boxer niya.

Maya-maya, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata…

“Snobin mo na lang, Almira… okay lang ’yan,” bulong ko sa sarili habang pilit na pinapalakas ang loob ko.

Pero paano ko nga ba iyon iisnobin kung sa mismong pagbukas ko pa lang ng mga mata ko, doon agad napako ang tingin ko?

Shocks!

Ano ’yon?!

Bakit parang… ang laki naman ata?

Unti-unti akong lumapit, hindi ko mapigilang mapatingin. Napakunot ang noo ko habang pilit na inuunawa ang napansin ko.

“Normal ba ’to?” bulong ko sa sarili. “Tulog siya pero… naninigas yung ano niya?”

Napatigil ako sandali, hindi alam kung dapat ba akong mag-alala o huwag na lang itong bigyan ng pansin, pero ang hirap hindi pansinin dahil tayong tayo ito parang proud na proud sa tigas, taba at haba niya.

Gusto kong sundutin pero nag aalangan ako..

Be professional, Almira… be professional, mariin kong bulong sa sarili. Agad kong inayos ang trabaho, pilit na iniiwasang mapatingin ulit sa parte na ‘yon.

“Nag-umpisa na akong punasan siya—mula sa dibdib pababa. Pero kahit anong ingat, hindi mo talaga maiwasang magkamali.”

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa, lalo na’t aksidente ko pa itong nasanggi.

“AY!” Napaigtad ako, muntik pang matumba sa kama. Para akong nabuang sa kaba, hawak-hawak ang dibdib ko.

Para akong nakuryente, napaatras agad, halos mapatili pero pinigilan ko ang sarili.

“Shit! Nasanggi ko!”

Hindi ko maiwasang maisatinig iyon. Agad akong napaatras, namumula ang mukha dahil sa nangyari.

“Bakit naman kasi tayong-tayo ka, Master Ace?” reklamo ko nang mahina, halatang naiirita at nahihiya sa sitwasyon.

Napahawak ako sa noo ko, pilit na pinapakalma ang sarili.

“Almira… trabaho lang ’to. Trabaho lang,” paalala ko sa sarili, kahit ramdam kong hindi ganoon kadali ang pagpapanggap na wala lang ang lahat.

Agad kong tinapos ang trabaho. Pagkaraan, iniligpit ko na ang lahat ng dapat iligpit.

Muli akong umupo sa gilid ng kama at tinitigan ang gwapong mukha ni Master Ace nakabihis na din Ito...

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko naisipang lumabas ng kwarto. Saktong pagbaba ko ng mansion, agad kong nakita si Doc Martin na nakaupo sa sofa, nakangiti sa’kin.

“Kumusta, Almira? Mukhang kaya-kaya mo na, ah,” bati niya.

Ngumiti ako. “Madali lang pala, Doc Martin.”

“Magaling, kung gano’n.” Tumango siya, seryosong nagpatuloy, “After two weeks, kailangan mong pumunta uli sa mansion ng mga raven. Nais kang kausapin nila Don at Madam.”

Kinatango ko naman iyon bilang tugon.

Pero nang may maisip ako, hindi ko naiwasang magtanong.

“Doc, okay lang ba kung aalis ako o mag-rerest day? Wala bang mag-aasikaso kay Master Ace?”

Tumango siya. “Alam na ni Master Ace ‘yon.”

"Ahh..ganun po ba..."

"Sige mag papaalam na ako Almira.. may cellphone Ka??"

"Agad akong tumango.."

"Eto number ko tawagan mo ako or I text pag may problema.."

"Ok po doc.."

Yun lang ang napag-usapan. Bago umalis, may dala ulit siyang mga gamot na kailangan ni Master Ace.

Paulit-ulit na lang ang nangyayari. Madali na lang para sa’kin ang lahat—wala nang bago.

Hindi ko pa rin tinatangkang lumabas ng kwarto sa gabi.

Madalas kong nakikita ang itim na sports car na umaalis bandang alas-onse ng gabi at bumabalik alas-kuwatro ng madaling araw… pero hindi ko na iyon pinapansin.

Dumating ang araw ng day off ko. Ngiting-ngiti akong sinundo ng driver nila sa tapat lang ng gate ng lumang mansion.

“Ma’am, good morning po,” bati niya. Napakunot ang noo ko—agad din naman akong bumati pabalik. Nakakapanibago… nung nakaraan nakasimangot Ito Ng ihatid ako.

Agad akong sumakay. Tatlumpung minuto rin ang biyahe bago kami makarating sa mansion ng mga Raven—kung saan nakatira ang magulang ni Master Ace.

Pagbaba ko pa lang sa front door, sinalubong na agad ako ng mga maid.

Teka… anong trip ng mga ‘to? bulong ko sa sarili.

At lalo pa akong nagulat nang salubungin ako ng mag-asawa. Ngiting-ngiti sila—nailang ako. Mas gusto ko pa ata ang dati nilang malamig na trato kaysa sa ganito… iba kasi ngayon.

Pinaupo nila ako sa sofa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang patong-patong na bundle ng pera sa mesa.

“Almira, kumusta ka?” tanong ni Madam.

“O-okay naman po, Madam…” sagot ko.

“Wag na ‘Madam.’ Mommy na lang.”

“Ho!?”nagulat ako at Napatitig dito..

“Jessica!” tawag nito sa isa sa mga maid. “Akina ‘yung pinabili ko.”

Agad namang lumapit ang maid at iniabot ang pinabili.

Bumaling ulit si Madam sa’kin, ngiting-ngiti pa rin.

“Alam mo ba, iha,” bungad niya, “ikaw ang kauna-unahang babaeng nagtagal na mag-alaga kay Ace.”

Napatawa ako nang mahina, halos pilit. “Hehe… dalawang linggo pa lang naman po. At saka hindi naman po mahirap alagaan si Master,” mayabang ko pang dagdag.

Kinuha ni Don Jose ang isang bundle ng pera mula sa nakapatong sa lamesa.

Nagulat ako nang iabot niya iyon sa akin. Hindi pa naman araw ng sahod… bakit ako inaabutan ng pera?!

“Bonus mo,” nakangiti nitong sabi.

“A-ay… hehe… salamat po,” sagot ko, pilit ang ngiti. Wala na akong alinlangan at agad ko iyong tinanggap. Balak ko na sanang magpaalam, pero bigla akong pinigilan ni Madam.

“Almira, bago ka umalis… pwedeng pa-test muna nito.”

Napakunot ang noo ko. “Ano po ‘yon, Madam?”

Iniabot niya sa akin ang isang maliit na paper bag. Kinuha ko iyon at, sa pagbukas ko, halos manlaki ang mga mata ko sa nakita.

Pregnancy test…!? Pero… bakit?!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 8

    Almira's POVMugto pa rin ang mga mata ko habang nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin.“Bwisit na lalaki ’yon…”Napangiwi ako habang pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.Nakakababa ng tiwala sa sarili!Hindi raw ako attracted sa paningin niya…Pero kung gano’n, bakit niya ako hinalikan?Ano yon?!Napahawak ako sa labi ko habang lalo lang akong nalilito.“Humanda ka sa akin bukas, Master Ace…”Mahina kong sambit sa sarili ko.Dahil kung akala niya ay matatakot lang ako at susuko…Nagkakamali siya.Tumayo ako at mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto.Pagpasok sa kwarto, agad kong nilock nang maigi ang pinto. Hindi pa ako nakuntento hinila ko pa ang isang upuan at inilagay iyon bilang harang.Hindi ko mapigilan ang kaba.Paano kung seryosohin niya talaga ang sinabi niya?Paano kung sa halip na ang mga patay ang pag-aralan niya…Ako ang piliin niyang pagtuunan ng pansin?Napailing ako sa sarili ko.“Almira, ano ba itong pinasok mo…kasalanan talaga ito ni kuya Mario.. ” bul

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 7

    Almira's POV... “M-Master…?” mahina kong bulong.Marahan kong tinapik ang balikat niya gamit ang paa ko, sinusubukang siguraduhin kung talagang tulog siya.“Ikaw kasi, Master… nanunugod ka na lang bigla!” reklamo ko pa habang pilit ko siyang hinihila palayo sa pader.Pero kahit anong gawin ko, ang bigat talaga ng katawan niya.Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng upuan mula sa dining table. At buong lakas ang binuhos ko at sa wakas nagawa ko rin siyang mapaupo roon.Nakatungo lang siya, walang anumang reaksyon.Tulog.Mabuti na lang at mabilis umepekto ang pampatulog na naiturok ko sa leeg niya.Maingat kong kinuha ang dalawang pulso niya at itinali ang mga iyon sa likod ng upuan gamit ang straw string na nakita ko sa kusina.“Kung gusto mo naman… sabihin mo lang,” pabirong sabi ko habang inaayos ang pagkakatali sa kanya.Akala ko ay mahimbing pa rin ang tulog niya.Kaya naman nang matapos ako, naglakad ako sa harap niya para tingnan kung maayos ang pagkakagawa ko.Ngunit h

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 6

    Almira's POV... Umalma ako at bigla na lang napabalikwas mula sa kinauupuan.“Mawalang-galang na po, Madam… Don Jose…” nanginginig kong sambit, pilit pinipigilan ang pagtaas ng emosyon ko. “Bakit po kailangan ng pregnancy test?! Iniisip n’yo po ba na pinagsasamantalahan ko si Master Ace habang natutulog siya?!” halos pasigaw kong tanong.Hindi ko napigilan ang pagkagulat. Ang bigat ng paratang na tila ba kaya kong gawin ang ganoong bagay sa kanya.“Umupo ka muna, iha,” mahinahon ngunit may bigat na sabi ni Madam. “Hindi naman gano’n ang ibig naming sabihin…”“Alam mo, ganito kasi ’yon…” panimula ng ina ni Ace. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.“Matanda na kami, Almira. Gustung-gusto na talaga naming magkaroon ng apo mula kay Ace. Alam mo naman na siya lang ang nag-iisa naming anak…” saglit siyang huminto, tila hinahanap ang tamang mga salita.“At sa tingin namin… pasado ka naman para sa kanya. Dahil nagtagal ka ng dalawang linggo rito, baka…” napalunok

  • THE PATIENT'S SECRET    PSYCHOPATH 5

    Almira's POV... Nakahiga ako sa kama, dilat na dilat habang tahimik na nakikiramdam sa bawat ingay sa paligid. Sobrang lakas ng tukso na alamin kung ano ang ginagawa ngayon ni Master Ace, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumabas ng kwarto.Kanina, habang nakatambay ako sa veranda ng silid ko, nakita ko ang isang itim na van na pumasok sa mansyon. Agad kong naisip na baka iyon ang sasakyan ng bangkay na pag-aaralan niya ngayong gabi.Ngunit matapos umalis ang van, ilang sandali pa ang lumipas habang abala ako sa pagmumuni-muni nang bigla kong mapansin ang isang sports car na palabas ng mansyon.Napakunot ang noo ko.“Imposibleng si Master Ace ang umalis…” bulong ko sa sarili habang marahang umiiling.Pumasok na ako sa loob ng kwarto para sana ay matulog.Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling tumambay sa veranda, hinihintay kung babalik pa ba ang sports car na nakita ko kanina.Ngunit lumi

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 4

    Almira's POV.. Napatingin ako sa mga gamot na iniwan ni Doc Martin.Puro injection.Isa roon ang kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.Napabuntong-hininga ako habang hawak ang mga bote.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi.Para bang isang panaginip na ayokong balikan.Nagpasya muna akong mag-ikot sa loob ng mansion habang hinihintay ang oras.Alas-singko pa lamang ng umaga, pero ang buong lugar ay tahimik na parang walang nakatira.Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong pumasok.Dalawang babae ang dumating—isang matanda at isang halos kasing-edad ko lang."Magandang umaga, ineng," bati ng matanda."H-hi po. Magandang umaga rin po," nahihiya kong sagot.Ngumiti siya bago nagpakilala."Kami ang caretaker ng mansion. Ako si Nanay Esme, at ito naman ang anak ko, si Betty."Tumango ako bilang tugon."Ako po ang bagong tagapangalaga ni Master Ace."Agad napatingin si Betty sa kanyang ina."Ay, hindi na si Rosita?" mahina niyang b

  • THE PATIENT'S SECRET    Psychopath 3

    Present..."So... my mother brought me a new toy. One that looks far too fragile to last the night."Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko sa narinig ko.Napalunok ako habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.Siya ba talaga si Master Ellixar Ace Raven?Kung siya nga...Bakit parang wala naman siyang sakit?Ang laki ng katawan niya, matikas ang tindig, at higit sa lahat... hindi siya mukhang isang taong kailangang alagaan.Ang nasa isip ko ay isang mahina at nakaratay na lalaki.Hindi isang lalaking may malamig na presensya at nakakatakot na aura na parang kaya niyang kontrolin ang buong silid sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin.Paano kaya siya sinusumpong?Hindi ko maiwasang maging mausisa."Ahm... kayo po ba si Master Ellixar Ace?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.Tinitigan niya ako nang matagal."Who else, stupid..." malamig niyang sagot.Napatigil ako sa pagtawag niya sa akin.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.Pero isang bagay ang sigurado...Hindi ito ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status