Mag-log inAlmira's POV..
Napatingin ako sa mga gamot na iniwan ni Doc Martin.
Puro injection.
Isa roon ang kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.
Napabuntong-hininga ako habang hawak ang mga bote.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi.
Para bang isang panaginip na ayokong balikan.
Nagpasya muna akong mag-ikot sa loob ng mansion habang hinihintay ang oras.
Alas-singko pa lamang ng umaga, pero ang buong lugar ay tahimik na parang walang nakatira.
Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong pumasok.
Dalawang babae ang dumating—isang matanda at isang halos kasing-edad ko lang.
"Magandang umaga, ineng," bati ng matanda.
"H-hi po. Magandang umaga rin po," nahihiya kong sagot.
Ngumiti siya bago nagpakilala.
"Kami ang caretaker ng mansion. Ako si Nanay Esme, at ito naman ang anak ko, si Betty."
Tumango ako bilang tugon.
"Ako po ang bagong tagapangalaga ni Master Ace."
Agad napatingin si Betty sa kanyang ina.
"Ay, hindi na si Rosita?" mahina niyang bulong.
Narinig ko pa rin iyon.
"Nag-resign na raw po," sagot ko.
"Sabagay..." sabi ni Betty habang nakatingin sa akin. "Palaging napapalitan ang tagapangalaga ni Master Ace."
Bahagya siyang ngumisi.
"Swerte ka na kung tatagal ka nang isang linggo."
Napakunot-noo ako.
"Bakit po?"
Huminga siya nang malalim bago tumingin sa paligid.
"Lagi lang siyang natutulog tuwing umaga. Matagal na rin namin siyang hindi nakikita nang maayos."
Sandali siyang tumahimik.
"Ang huli naming nakita sa kanya, binatilyo pa lang siya noon. Noong dinala siya sa ospital."
Napatingin ako sa kanya.
"Mula noon..." pagpapatuloy niya, "parang naging anino na lang siya rito sa mansion."
"Halos wala kaming alam tungkol sa kanya. Tanging katahimikan at mga kwento lang ang naiwan."
Natahimik ako.
Sa unang pagkakataon, naisip ko...
Ano ba talaga ang nangyari kay Master Ellixar Ace Raven?
Naccurious akong sumagot..
"T-Talaga ba?" tanong ko, hindi maitago ang pagtataka.
"Ibig sabihin... ganyan lang talaga si Master Ace?"
Agad tumango si Betty.
"Oo. Mula noon, parang gano'n na siya."
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Ang alam ko pa nga..." pagpapatuloy ni Betty, tila hindi napapansin na mas lalo akong kinakabahan, "naghanda pa ang mga magulang niya noong nakaraang taon para sa kaarawan niya."
"Isang malaking selebrasyon."
Napatingin ako sa kanya.
"Pero hindi man lang siya sumipot. Hindi siya nagpakita kahit sandali."
Natahimik siya bago nagpatuloy.
"Hindi ko rin sigurado kung ilang taon na siya ngayon, pero ang alam ko... ang buong selebrasyon na iyon ay para sa mismong anak nila."
Mula sa tono niya, parang may malaking bahagi ng buhay ni Ace na hindi alam ng lahat.
"Basta..." mahina niyang dagdag, "parang matagal na siyang nawawala kahit nandito lang siya."
"Betty."
Agad siyang napatingin nang tawagin siya ng kanyang ina.
"Sobra ka nang magkuwento."
Napangiwi si Betty at natahimik.
"Pasensya na po, Ma'am," sabi ni Nanay Esme sa akin. "Masyado lang madaldal ang anak ko."
Ngumiti ako at bahagyang umiling.
"Wala po iyon..." nakangiti kong sagot. "Maganda nga pong may kausap ako rito. Ang boring po kasi kapag mag-isa."
Ngumiti si Nanay Esme.
Pero bago pa man matapos ang usapan namin, agad na namang sumabat si Betty.
Napalingon ako sa kanya.
"Try mo kaya lumabas sa gabi," suhestiyon niya habang may nakakalokong ngiti sa labi. "Silipin mo si Master Ace kung ano talaga ang ginagawa niya."
Napatawa ako nang mahina sa sinabi niya at napailing.
Sa isip ko, iyon ang hinding-hindi ko gagawin. Ayokong muling magligpit ng bangkay na ginamit niya.
Matapos nilang maglinis ng mansion, agad din silang umalis.
At gaya ng dati...
Muli na naman akong naiwan mag-isa.
Napatingin ako sa paligid habang naglalakad papunta sa kusina.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang dalawang malalaking two-door refrigerator na punong-puno ng pagkain.
Mukhang kahit ilang linggo akong manatili rito, hindi ako magugutom.
Kung tutuusin, komportable ang lugar na ito.
Ang problema lang...
Ang may-ari ng mansion.
Napabuntong-hininga ako at muling binalikan ang mga gamot na iniwan ni Doc Martin.
Maingat kong pinag-aralan ang gamot na kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.
Ayokong magkamali.
Lalo na't alam kong hindi simpleng tao ang kailangan kong alagaan.
Nang makita kong malapit na ang oras, agad akong naghanda.
6:45 na.
Inayos ko ang lahat ng kailangan sa isang tray at nagsimulang umakyat sa second floor.
Pagdating ko roon, saka ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang mansion.
Napakaraming p***o.
Napakaraming kwarto.
Isa-isa kong sinilip ang mga iyon habang hinahanap ang silid ni Master Ace.
Sa bawat pagbukas ko ng p***o, tila may malamig na hanging dumadampi sa balat ko.
Parang ang buong palapag ay may itinatagong sikreto.
Hanggang sa wakas...
Natagpuan ko rin ang kwartong hinahanap ko.
Ang silid ni Master Ellixar Ace Raven.
Napangiti ako at dahan-dahang pumasok. Iginagala ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto-maluwang, may sofa pa sa gilid, may sariling refrigerator. Halos kumpleto na ang lahat, para bang hindi ito silid kundi isang hiwalay na mundo.
"Ayos ah..." mahina kong naibulong, ngunit agad ding kinain ng katahimikan ang boses ko.
Marahan akong lumapit sa kanya. Tulog na tulog si Master Ace; pakiramdam ko kahit anong sigaw ang gawin ko, hindi siya magigising. At sa sobrang katahimikan, lalo lamang akong kinilabutan.
Napansin ko ang isang laptop, maayos na nakapatong sa gilid ng kama.
Hawak-hawak ko ang tray, maingat kong kinuha ang maliit na vial na may nakasulat na "Neurocalm-7". Malinaw ang likido, pero parang may kung anong bigat ang dala ng pangalan nito. Kinuha ko ang syringe at marahang inilagay ang gamot.
Huminga ako nang malalim bago itinarak ang karayom sa braso ni Master Ace. Hindi man lang siya gumalaw-tulog na tulog, para bang walang pakialam sa ginagawa ko. Dahan-dahan kong pinasok ang likido.
Pagkatapos ng ilang segundo, napansin kong bahagyang kumunot ang kanyang noo, kasabay ng mabagal na paghinga. Tila lumalim ang kanyang tulog, pero kasabay noon ay parang may mumunting panginginig sa kanyang daliri.
Matapos ko siyang ma-injectionan, agad akong lumapit sa closet at kumuha ng pamalit na damit. Katulad ng bilin ni Doc Martin, kailangan pa ring punasan at palitan ng damit si Master Ace.
Kabado ako habang hinahawakan ang tela. May ideyang pilit sumisiksik sa utak ko, mga imaheng ayaw ko sanang isipin... pero mariin kong pinilit na burahin iyon. Kailangan kong mag-focus.
Marahan akong lumapit, halos pigil ang hininga. Dahan-dahan kong inangat ang suot niyang damit, ang bawat galaw ay tila napakabigat at puno ng kaba, para bang anumang saglit ay maaari siyang magising.
Pag-angat ko ng kanyang damit, doon ko lang napagtanto ang tunay na problema-sobrang bigat niya! Para akong nakikipagbuno habang dahan-dahan kong hinihila ang tela pataas. Halos mapairap ako sa sarili ko.
Grabe, parang hindi tao 'to...! Sabagay ano bang aasahan mo sa ganito kakisig na lalaki.
Nang tuluyan kong maalis ang suot niya, muntik na akong matulala. Kahit tulog na tulog siya, kitang-kita ko ang perpektong hubog ng katawan niya-matipunong dibdib, matitigas na bisig, at kumpletong abs na parang inukit.
Pambihira... grabe ang ganda..
Patungan ko kaya Ito magigising Kaya??
Parang gusto ko nalang gumiling sa ibabaw niya...
Sabi ng baliw kong isip..
Napailing ako at napatawa nang mahina, sabay bulong sa sarili:
"Master Ace, hindi mo alam... nakakatulo ka ng laway kahit tulog ka pa."
mahina kong bulong, sabay kagat sa labi para pigilan ang sarili kong matawa.
Pero mas malaking hamon pala ang susunod-ang pantalon niya.
Dahan-dahan kong hinila pababa, pero halos mahulog ako sa sahig dahil bigla itong sumabit sa binti. Napasandal ako saglit, hingal na hingal.
Pag alis ko ng pantalon, halos mapapikit ako-pero hindi ko rin maiwasang sumilip ng bahagya. Agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang palad.
"B-Bakit parang... ang laki ata nun?!" natitili kong bulong sa sarili, halos matapakan ko ang sariling paa sa kaba.
"Ay, wag na... hindi ito kasama, siguro Naman sapat na ang pajama lang ang isusuot wag na palitan ang underwear!" bulong ko, habang pilit kong tinatapos ang ginagawa.
Agad kong tinakpan ang bibig ko, baka sakaling magising siya sa boses ko. Pero hindi... mahimbing pa rin siyang tulog, para bang wala akong ginagawa sa harap niya.
Napairap ako sa sarili ko.
Ano ba 'tong iniisip ko? Hula ko naman, virgin pa 'to si Master. Eh mula pagkabata, wala na siyang ginawa kundi pag-aralan ang mga patay... at matulog buong araw.
Baka nga mas may alam pa ako kaysa sa kanya. Oo, virgin din naman ako-pero hello, hindi ko rin maiwasang maimpluwensyahan ng mga kaibigan kong adik sa panonood ng p**n videos.
Muntik pa akong matawa nang mahina.
Kung tutuusin, baka nga hindi pa siya marunong humalik ng babae. Pero grabe naman... kung may makakita sa eksenang 'to, baka isipin nilang inaabuso ko si Master Ace!
Marahan kong tinapos ang pagpunas sa katawan at agad isinuot ang malinis na pajama. Nanginginig pa rin ang kamay ko sa kaba-hindi ko alam kung dahil sa takot na baka magising siya... o dahil sa kung ano ang nakita ko.
Pawisan akong natapos at muling pinagmasdan ang tulog na tulog pa ring si Master Ace.
"Paano ba yan Master... tapos na ako. Sleep tight, sleepy handsome..." natatawa kong bulong bago marahang lumabas ng kanyang silid.
Maghapon akong naglibang gamit ang cellphone ko. Buti na lang, may sariling WiFi ang mansion, walang password. Kaya mabilis akong nakaconnect parang biglang gumaan ang pakiramdam ko-kahit papaano, hindi na ganoon kaboring ang buong araw ko rito.
At dahil na rin sa kakapalan ng mukha ko, sa itaas na ako kumuha ng kwarto.
Sa pagkain naman, walang problema-marunong naman akong magluto.
Napatingin ako sa orasan. Alas-kwatro y medya na. Agad akong tumayo at nagluto ng simpleng adobong manok. Pagkatapos, inayos ko iyon sa dining table.
Nang matapos, bitbit ko ang isang tray na may lamang pagkain. Maingat akong umakyat sa second floor, balak ko sanang magkulong na sa kwarto Kasi pagising na si master.
Ngunit saktong paakyat ko saka Namang pagbaba ni Master Ace, nagkasalubong kami. Nagkatinginan kami sandali.
"G-Good afternoon, Master Ace," bati ko, medyo nauutal pa.
Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang siya, nilagpasan ako na para bang wala akong sinabi. Pero bago pa ako tuluyang makalayo, bigla siyang nagsalita-isang tanong na nagpatigil sa mga paa ko.
"What's your name again?" malamig nitong tanong.
"Huh?" napatingin ako sa kanya, halatang nagulat.
Napakunot ang noo niya, kita ang inis. "Your name!"
"A-Almira Jade po, Master..." mahina kong sagot.
Tumango-tango siya, tila inuukit sa isip ang pangalan ko.
"Almira... next time, when you change my clothes, make sure to change my underwear too. Is that clear?"
Nanlaki ang mga mata ko, muntik pa akong mabulunan sa sariling laway.
Ano raw?!
Napayuko ako, hindi ko alam kung matatawa, mahihiya, o maiinis. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko habang pigil ang sarili na hindi magkomento ng kung anu-ano.
"Uhmm... o-opo, Master," nahihiya kong sagot, sabay iwas ng tingin.
Almira's POVMugto pa rin ang mga mata ko habang nakatitig sa sarili ko sa harap ng salamin.“Bwisit na lalaki ’yon…”Napangiwi ako habang pinipigilan ang inis na nararamdaman ko.Nakakababa ng tiwala sa sarili!Hindi raw ako attracted sa paningin niya…Pero kung gano’n, bakit niya ako hinalikan?Ano yon?!Napahawak ako sa labi ko habang lalo lang akong nalilito.“Humanda ka sa akin bukas, Master Ace…”Mahina kong sambit sa sarili ko.Dahil kung akala niya ay matatakot lang ako at susuko…Nagkakamali siya.Tumayo ako at mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto.Pagpasok sa kwarto, agad kong nilock nang maigi ang pinto. Hindi pa ako nakuntento hinila ko pa ang isang upuan at inilagay iyon bilang harang.Hindi ko mapigilan ang kaba.Paano kung seryosohin niya talaga ang sinabi niya?Paano kung sa halip na ang mga patay ang pag-aralan niya…Ako ang piliin niyang pagtuunan ng pansin?Napailing ako sa sarili ko.“Almira, ano ba itong pinasok mo…kasalanan talaga ito ni kuya Mario.. ” bul
Almira's POV... “M-Master…?” mahina kong bulong.Marahan kong tinapik ang balikat niya gamit ang paa ko, sinusubukang siguraduhin kung talagang tulog siya.“Ikaw kasi, Master… nanunugod ka na lang bigla!” reklamo ko pa habang pilit ko siyang hinihila palayo sa pader.Pero kahit anong gawin ko, ang bigat talaga ng katawan niya.Napabuntong-hininga na lang ako bago kumuha ng upuan mula sa dining table. At buong lakas ang binuhos ko at sa wakas nagawa ko rin siyang mapaupo roon.Nakatungo lang siya, walang anumang reaksyon.Tulog.Mabuti na lang at mabilis umepekto ang pampatulog na naiturok ko sa leeg niya.Maingat kong kinuha ang dalawang pulso niya at itinali ang mga iyon sa likod ng upuan gamit ang straw string na nakita ko sa kusina.“Kung gusto mo naman… sabihin mo lang,” pabirong sabi ko habang inaayos ang pagkakatali sa kanya.Akala ko ay mahimbing pa rin ang tulog niya.Kaya naman nang matapos ako, naglakad ako sa harap niya para tingnan kung maayos ang pagkakagawa ko.Ngunit h
Almira's POV... Umalma ako at bigla na lang napabalikwas mula sa kinauupuan.“Mawalang-galang na po, Madam… Don Jose…” nanginginig kong sambit, pilit pinipigilan ang pagtaas ng emosyon ko. “Bakit po kailangan ng pregnancy test?! Iniisip n’yo po ba na pinagsasamantalahan ko si Master Ace habang natutulog siya?!” halos pasigaw kong tanong.Hindi ko napigilan ang pagkagulat. Ang bigat ng paratang na tila ba kaya kong gawin ang ganoong bagay sa kanya.“Umupo ka muna, iha,” mahinahon ngunit may bigat na sabi ni Madam. “Hindi naman gano’n ang ibig naming sabihin…”“Alam mo, ganito kasi ’yon…” panimula ng ina ni Ace. Bahagyang namasa ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.“Matanda na kami, Almira. Gustung-gusto na talaga naming magkaroon ng apo mula kay Ace. Alam mo naman na siya lang ang nag-iisa naming anak…” saglit siyang huminto, tila hinahanap ang tamang mga salita.“At sa tingin namin… pasado ka naman para sa kanya. Dahil nagtagal ka ng dalawang linggo rito, baka…” napalunok
Almira's POV... Nakahiga ako sa kama, dilat na dilat habang tahimik na nakikiramdam sa bawat ingay sa paligid. Sobrang lakas ng tukso na alamin kung ano ang ginagawa ngayon ni Master Ace, pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumabas ng kwarto.Kanina, habang nakatambay ako sa veranda ng silid ko, nakita ko ang isang itim na van na pumasok sa mansyon. Agad kong naisip na baka iyon ang sasakyan ng bangkay na pag-aaralan niya ngayong gabi.Ngunit matapos umalis ang van, ilang sandali pa ang lumipas habang abala ako sa pagmumuni-muni nang bigla kong mapansin ang isang sports car na palabas ng mansyon.Napakunot ang noo ko.“Imposibleng si Master Ace ang umalis…” bulong ko sa sarili habang marahang umiiling.Pumasok na ako sa loob ng kwarto para sana ay matulog.Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong muling tumambay sa veranda, hinihintay kung babalik pa ba ang sports car na nakita ko kanina.Ngunit lumi
Almira's POV.. Napatingin ako sa mga gamot na iniwan ni Doc Martin.Puro injection.Isa roon ang kailangan kong ibigay kay Master Ace mamayang alas-siyete ng umaga.Napabuntong-hininga ako habang hawak ang mga bote.Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi.Para bang isang panaginip na ayokong balikan.Nagpasya muna akong mag-ikot sa loob ng mansion habang hinihintay ang oras.Alas-singko pa lamang ng umaga, pero ang buong lugar ay tahimik na parang walang nakatira.Makalipas ang ilang minuto, may narinig akong pumasok.Dalawang babae ang dumating—isang matanda at isang halos kasing-edad ko lang."Magandang umaga, ineng," bati ng matanda."H-hi po. Magandang umaga rin po," nahihiya kong sagot.Ngumiti siya bago nagpakilala."Kami ang caretaker ng mansion. Ako si Nanay Esme, at ito naman ang anak ko, si Betty."Tumango ako bilang tugon."Ako po ang bagong tagapangalaga ni Master Ace."Agad napatingin si Betty sa kanyang ina."Ay, hindi na si Rosita?" mahina niyang b
Present..."So... my mother brought me a new toy. One that looks far too fragile to last the night."Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko sa narinig ko.Napalunok ako habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko.Siya ba talaga si Master Ellixar Ace Raven?Kung siya nga...Bakit parang wala naman siyang sakit?Ang laki ng katawan niya, matikas ang tindig, at higit sa lahat... hindi siya mukhang isang taong kailangang alagaan.Ang nasa isip ko ay isang mahina at nakaratay na lalaki.Hindi isang lalaking may malamig na presensya at nakakatakot na aura na parang kaya niyang kontrolin ang buong silid sa pamamagitan lamang ng kanyang tingin.Paano kaya siya sinusumpong?Hindi ko maiwasang maging mausisa."Ahm... kayo po ba si Master Ellixar Ace?" tanong ko nang may pag-aalinlangan.Tinitigan niya ako nang matagal."Who else, stupid..." malamig niyang sagot.Napatigil ako sa pagtawag niya sa akin.Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot.Pero isang bagay ang sigurado...Hindi ito ang







