RHENZ
"Sir Rhenz, may naghahanap po sa inyo," saad ng sekretarya ko.
Every weekend, nasa opisina naman ako. Kapag weekdays, may shooting ako.
"Who is she?" naiiritang tanong ko naman.
Sobrang busy ko buong araw at kinukuha na nga ni Damon ang mga papeles na pinapirmahan niya sa akin. Matagal na naging business partner ko sina Damon, Tres at Dos. So far, maganda naman ang takbo ng negosyo namin.
"Eh, Sir. K-Kasintahan niyo daw po," nakangibit na sagot ng sekretarya ko.
"What? Wala akong kasintahan!" inis na saad ko naman.
"Sir Rhenz, baka nakalimutan niyo lang," aniya na dindilatan ako ng kan'yang mga mata.
"Puwede ba Louise, pakitaboy na lang siya. Sabihin mo, busy ako."
Nakasimangot naman ang sekretarya ko.
Napailing naman ako. Si Louise lang ang hindi takot sa akin dito sa company ko. Matagal na siya nagtatrabaho sa akin. Una ito naging sekretarya ni Daddy. Medyo mataba pero maganda naman siya. May suot-suot itong makapal na salamin.
"Sabihin ko na lang na tumatae kayo," aniya at tumalikod na ito.
Napakamot naman ako sa aking batok. Hindi ko nga halos matandaan ang mga babaeng kinakama ko. Basta after sex, ayoko na may communication sa kanila. Ayoko rin na maulit na may mangyari sa amin. Kilala ko ang mga babae. They are so demanding. Lalo kung virgin ito. Gusto agad may commitment or may label ang relation. So I don't like virgins.
Napatigil ako bigla na bigla naman sumagi sa isip ang nurse na si Samuelle Luna. Napakagat naman ako sa aking ibabang-labi. She's pretty. Hindi katangkaran, pero puwede na.
Damn!
Why am I thinking about her?!
Tumayo naman ako at lumabas muna. Hindi pa ako nakakain ng tanghalian.
Napatigil naman ako bigla dahil nakikipagtalo ang sekretarya ko sa babaeng kausap niya.
"Sa isang araw ka na bumalik! Ang kulit mo talaga!" Sigaw ni Louise.
Agad naman ako lumapit sa kanila.
"RHENZ! Mabuti nandito ka. Itong sekretarya mo, ayaw ako ipasok sa opisina mo," aniya ng seksi at magandang babae sa akin.
Napakunot naman ang noo ko.
"Do I know you?" tanong ko naman rito.
Narinig ko naman na humahagikhik si Louise.
"H-Hindi mo ako kilala? Ako ito, si Eva?" aniya na nanlalaki ang mga mata.
"Eva? Asawa mo ba si Adan?" nakangibit na tanong ko naman.
Humalakhak naman ang sekretarya ko.
"Sinong Adan?! Nakalimutan mo na iyong nangyari sa atin?!" mangiyak-ngiyak na tanong niya.
Napanganga naman ako.
"Oh, sorry. Nakalimutan ko eh. So, what's up. May kailangan ka ba?" tanong ko ulit rito.
"P-Paano ta-."
Agad ko naman pinutol ang pagsasalita niya.
"Miss, kung totoong nakasex nga kita, maybe I told you my rules," seryosong saad ko naman at tumalikod na.
Damn!
Bakit hindi ko naalala na nakasex ko siya?!
Shit! Parang naging makalimutin na yata ako.
Dumiretso na lang ako sa parking lot at pupunta na lang ako sa bahay ni Tres.
Si Tres ay kasamahan din namin sa organization.
Pagdating ko sa bahay niya may naabutan akong babae na umiiyak at kausap ang kaibigan ko.
"T-Tres, please," umiiyak na saad niya.
Tumikhim naman ako.
"Hey, bro," saad ko naman rito.
"Umalis ka na, Luz," pagtataboy ng kaibigan ko.
"P-Pero..-," bigla naman napatigil ang babaeng si Luz dahil may babaeng lumabas galing sa silid ni Tres.
Gago talaga ito!
Napatingin naman ako sa maumbok na tiyan ni Luz.
"Tres, can we talk," saad ko naman.
" Okay, sa library tayo," aniya at tumalikod na ito.
Humarap naman ako kay Luz.
"Boyfriend mo ba ang kaibigan ko?" tanong ko rito.
Hindi ito sumagot, sa halip tumakbo na ito palabas.
Napailing naman ako na sinundan ito ng tingin na tumatakbo.
Agad naman ako sumunod kay Tres sa library.
"I-cancel mo muna ang transaction next week. Hindi pa kumpleto ang documents," seryosong saad ko rito.
"Akala ko ba napirmahan mo na," saad niya na nakakunot ang noo.
"Yeah, I already signed it. Nag-email si Samara, may raid na gagawin sa pier."
Si Samara ang kapatid kong babae ay malakas ang kapit niya sa mga otoridad. Kaya alam niya ang bawat kilos ng mga ito. Though, may proteksyon naman kami galing sa mga pulis na kaibigan namin.
"Shit! Mabuti naman sinabi mo agad. Milyones ang halaga ng mga baril na i-angkat natin," aniya ni Tres.
Napangisi naman ako.
"Barya lang 'yan sa'yo, bro," biro ko naman.
"Sinara ko muna pansamantala ang warehouse natin sa Bulacan. Iyan ang utos ni Z," saad sa akin ni Tres.
Sinabi rin sa akin ni Dos. Binabantayan na kasi ang mga galaw namin. Si General Fuentebella, siya ang kalaban namin. Hindi rin namin ito puwede ipatumba, dahil ayaw ni Z.
Ang warehouse namin sa Bulacan, iyon ang pinakamalaking bagsakan ng aming kargamento.
"Sige, uuwi pa ako sa condo at mamaya babalik pa ako sa kompanya," saad ko kay Tres sabay tapik sa kan'yang balikat.
Actually, pagdating sa love life, wala kaming pakialaman. Ang importante, ang mga negosyante namin. Pera. Iyan lang ang importante sa amin.
Pagdating ko sa aking condo, mabilisan na nagshower muna ako. Minsan dito umuuwi ang kapatid kong babae. May kapatid pa akong lalaki, si King Levi. Magkapatid naman kami sa Ina. Ang tatay namin ni Samara ay UD military ito. Filipina naman ang nanay namin. Namatay si Mommy sa nangyaring massacre. At alam naman namin na walang kinalaman ang BLACK UNDERGROUND, pero si King, pumasok talaga sa organization para gumanti.
Sa edad na 32, wala pa talaga akong plano sa buhay. Mas gusto ko muna i-enjoy ang pagkabinata ko.
As of now, may plano pa akong hawakan ang BLACK MAFIA ORGANIZATION.
Balak ko rin umalis sa pagiging Modelo ko. Gusto ko muna tutukan ang mga negosyo ko. I'm not contented. Mas gusto ko na hawakan ang mga illegal na negosyo namin.
Nagluto muna ako ng makakain bago ako umalis pabalik sa opisina. Pero biglang tawag naman ni Jenny. Kaya dumaan muna ako sa presinto kung saan nandoon siya ngayon. Jenny Rivas, isa sa mga kaibigan naming pulis na protektor namin.
"Hey," bungad na bati ko rito.
"Gago! Bakit kagabi itinuloy niyo ang pagdeliver?!" Sigaw naman niya.
Napatingin naman ako sa paligid at baka may makarinig.
"Huh? Kinansel iyon ni Damon ah," nagtatakang saad ko naman.
"Oh, sino nag-utos sa mga tauhan niyo?!"
Napakamot naman ako sa aking ulo.
"Itanong ko muna kay Dos," saad ko rito.
Napaatras naman ako bigla na akmang babatukan niya ako.
"Putang-ina niyo! Kapag malaman ito ng nakakataas, pati kami matatanggal sa serbisyo!"
Hindi na lang ako umimik. Kahit anong gawin ko, hindi naman ako mananalo rito.
"Hatid mo muna ako sa hospital. Dinala ni Bea ang kotse ko," aniya sa akin.
Tinaasan ko naman ito ng kilay. Alam ko naman si Garret ang binabalikan niya sa hospital. Isang surgeon Doctor si Garret.
"Okay, total maaga pa naman," saad ko na lang.
Hindi naman kalayuan ang presinto sa hospital na pinagtatrabuhan ni Garret.
"Ang guwapo talaga ng jowa ko," aniya ni Jenny habang naglalakad kami palapit kay Garrett. Sumama na rin ako pumasok sa loob ng hospital para batiin ang Doktor.
"Hey, bro," nakangiting bati ko kay Garrett.
"Hey," tumayo naman ito at tinapik ako sa balikat.
"Love, ang guwapo mo talaga. Buti na lang, ang pangit ng tukmol na ito," sabay duro sa akin ni Jenny.
Kung manlait talaga ito, akala mo may pinapakain sa akin.
" 'Di ba si Rhenz Bright 'yan?" aniya ng isang nurse na nakatingin ang mga ito sa akin.
"Ay oo nga! Ang guwapo!" hiyaw na saad ng isa.
Napangisi naman ako kay Jenny.
"Naniniwala ka naman!" saad ni Jenny.
"Nurse Samuelle, paabot ng record ni patient 342," aniya ni Garret.
Maya maya lang may dumating na nurse.
Ohh.
Samuelle Luna.
"Ito na po, doc," aniya sabay tingin sa akin na nanlalaki ang mga mata.
"Hoy, Samuelle, lumayo ka sa babaerong ito, kung ayaw mo nawasak ang kepz mo," aniya ni Jenny.
Kinindatan ko naman si Samuelle.
"Manyakis," aniya at dali-daling umalis.
Mahina naman akong napatawa.
"Alis na ako," saad ko sa magkasintahan.
Pagpasok ko sa sasakyan, agad ko naman tinawagan ang tauhan ko.
"Imbestigahan mo si Samuelle Luna, nurse siya sa North Medical hospital. Assistant siya ni Dr. Garret Fournier."
"Yes, Sir!"
Fuck!
Naging interesado na ako sa babaeng iyon.
Well, she's older than me. She look like a manang, but I like her simplicity
Gusto ko matikman ang katulad ni Samuelle. Old but very attractive.
"Hindi ako mapapakali hanggat hindi ka magiging akin, Samuelly."
RHENZKABUWANAN na ni Sammy kaya hindi na muna umaalis ng bahay. Iyong mga negosyo ko, pansamantala si Dos na muna ito ang nag-asikaso, o minsan si Damon."Misis, sabi ko huwag ka na magdilig ng mga bulaklak. I-utos mo na lang sa mga katulong," saad ko kay Sammy dahil nakita ko na naman ito na nagdidilig ng kan'yang halaman."Wala pa nga dalawang kilo ang binubuhat ko, Rhenz!" Aniya na nagagalit na naman ito.Lahat na pang-unawa at pasensya sa pagbubuntis ni Sammy, nalagpasan ko na. Lagi na lang nagagalit kahit wala naman akong ginagawa. Sabi ng mga kaibigan ko, gan'yan talaga kapag buntis. Napagdaanan na raw nila sa mga asawa nila."Baka sa isang araw lalabas na si baby," malambing na saad ko at niyakap ito sa likuran.Humarap naman ito sa akin. Napakaganda lalo ni Sammy. She looks so innocent. "Natatakot ako. Nurse ako, pero iba na kasi kapag Ikaw na iyong manganak. Sabi kasi ni Kath, sobrang sakit daw," aniya na nakanguso.Napangiti naman ako. "Pero nakita mo kung gaano karami mg
RHENZNANATILI ang tingin ko kay Sammy habang nagpapaaraw ito sa tabing-dagat. Habang ako naman nakatayo sa tapat ng bintana. Simula na nakilala ko ang aking asawa, ramdam ko na agad na siya na talaga ang babaeng hinahanap ko. Napangiti naman ako na maalala ko sa unang tagpo namin na hindi man lang niya ako nakilala. Seriously, kasagsagan na kasikatan ko pa at marami akong endorsement sa telebisyon. Pero si Sammy lang talaga ang bukod tangi at kakaibang babae na nakilala ko. This time, hinding-hindi ko sasayangin ang binigay sa akin ng nasa taas na nagpabago sa buhay ko.Aminado naman talaga ako na kabi-kabila ang naging babae noon. Pero nagbago ako simula na inalok ko ng kasal si Samuelle. Kahit ang mga kaibigan ko, nagulat pa ang nga ito. Alam nila sobrang allergic ako sa salitang kasal. Yes, I admit it. Wala talaga akong balak mag-settle down after namin maghiwalay ni Deborah. Pero, may isang tao talaga ang darating para baguhin ang buhay mo.Napabuntonghininga naman ako. Ito ang
HATTIE LOUISE"PAUTANG NGA HO," malapad ang ngiting sabi ko kay Aling Koring."Kailan ang bayad? Alam mo naman pinapaikot ko lang itong kapital ng paninda ko."Napanguso naman ako. "Aling Koring naman eh. Sa isang linggo ang bayad."Napailing na lang ang matanda. "Ano ang uutangin mo? Bakit tuwing pupunta ka dito, hindi man lang ako nakaranas na bumibili ka. Puro ka utang. Kung hindi ka lang magaling magbayad, hindi kita pautangin!"Ngumiti naman ako. "Salamat ho. Limang kilong bigas at tatlong sardinas lang ho uutangin ko."Pagkabigay ni Aling Koring, umalis na agad ako. Doon na ako dumaan sa likod. Nandito ako ngayon sa Tondo. May pupuntahan lang akong tao rito."Magandang hapon mga lasinggero!" Bungad na bati ko sa mga lalaking nag-iinuman."Louise, shot tayo!"Napangiti naman ako at nilapag sa lamesa nila ang dala-dala ko."Pulutan niyo," Saad ko naman.Napangibit naman silang lahat na nakatingin sa supot."Akala namin masarap na. Bigas at sardinas na naman." Humalakhak naman ak
RHENZ"LOUISE."Nakataas naman ang kilay ng dalaga pagkakita sa akin. Sinamantala ko itong kausapin habang tulog pa si Sammy."Bumalik ka muna sa Manila. Tagpuin mo muna si Mr. Collins," aniya ko rito."Panira ka talaga sa bakasyon ko. Gusto ko na magresign!" Nagmamaktol na sagot niya sa akin."Masarap nga ng buhay mo sa akin. Isa ka rin na budol. May bayad ang bawat utos ko sa'yo.""Alangan. Ang hirap kaya maging sekretarya!""Haist. Sige na kasi. Alam kong magaling ka pagdating sa business proposal.""Traidurin ka lang ni Mr. Collins. Nakikita ko naman na sumasakay lang din siya sa laro mo, Atticus."Napangisi naman ako. "Alam ko. Pero gusto ko muna makipaglaro sa kan'ya.""Eh 'di ikaw na ang humarap! Kung kailan gusto ko na mag-asawa, panira ka na naman!""Sa palagay mo ba, magugustuhan ka ni Francis?" Nakangising tanong ko naman."I think so. Simple lang ako. Isang probinsyana. Virgin at mabait.""Saka mo na landiin si Geller kapag pumayag ako. Unahin mo muna ang mga inuutos ko."
SAMMUELLEPANG-APAT na araw na namin dito sa isla. Yes, okay na ulit kami ni Rhenz. Kahit may alam na ako sa pagkatao niya, siya pa rin ang Rhenz na unang nakilala ko.Hindi rin naman maiwasan na may nangyari agad sa amin. Inaamin ko, marupok ako. Isang halik lang ng damuhong iyon sa akin, bumigay naman ako.Dumipa muna ako at pumikit. Mag-isa lang ako naglalakad sa tabing dagat. Maaga pa lang bumangon na ako. Tulog na iniwan ko ang asawa ko at naisipan kong mag-ehersisyo."Sammy?!"Lumingon naman ako. Nangingibabaw na naman ang boses ni Louise."Good morning," nakangiting bati ko rito."Sus, 'wag ako, Samuelle! Nadiligan ka lang kagabi kaya gan'yan ang ngiti mo!"Hindi ko na lang pinansin ang mga pangtutukso ni Louise."So, pinatawad mo na agad ang boss ko? Hmmmp! Marupok na nilalang ka!""H-Hindi naman. Enough na ang reasons niya para tanggapin ko ulit siya.""Bahala ka. Kapag maulit na naman na paiyakin ka, 'wag ka lumapit sa akin. Sasabunutan talaga kita!"Napanguso naman ako. "Ma
SAMUELLE"SOBRANG ganda pala dito!" natutuwang sambit ni Louise na pagkarating namin noong nakaraang araw, lumusong na agad ito sa dagat.Huminga naman ako ng malalim at nilanghap ang preskong hangin.Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito katahimik at presko ang paligid. Sayang at hindi sumama si mamang."Sana nandito ang forever more ko! Kahit mangingisda lang siya, okay lang sa akin. Kaysa naman mayaman nga, babaero naman," aniya na nakangisi pa ito sa akin."Paano kung mahirap pero manloloko rin pala," Taas-kilay na sagot ko naman."Lulunurin ko talaga siya. Ipakain ko sa pating ang hotsilog niya!"Napangiti naman ako. Hindi talaga nauubusan ng topic ang kaibigan kong ito.Kahit ilang buwan siguro ako dito, hindi ako makaramdam ng inip. Kanina umalis saglit si Bry at pupunta raw ito sa bayan. May bibilhin lang na gagamitin sa pagluluto."Hi, girls. May ipakilala pala ako sa inyo," biglang sulpot ni Bry at may kasamang lalaki na mahaba ang buhok, sobrang tangkad din nito. Halatang ma