SAMUELLE
FIVE million.
Hindi ko na kailangan mag-isip ng matagal. After six months, malaya naman ako. Basta ang five million na iyon, gagamitin ko sa pagbili ng bahay at lupa. At Ang sobra, ilalagay ko sa bangko
"ANO?!"
Gulat na sigaw sa akin ni Louise.
Ayoko na mag-inarte pa. Limang milyon, Louise. Mababayaran ko na pati ang lahat ng mga utang ko.
"Ay, Gaga ka talaga! Naniniwala ka naman kay Sir Rhenz na hindi niya tapyasin ang tinggil mo!" irap na saad ng kaibigan ko.
"Ang bastos mo talaga, Luisita!" inis na hinampas ko ito sa braso.
"Hindi ka na bata, Sammy. Ang mga lalaki, may pangangailangan din. Kapag inabutan ng libog si Sir Rhenz, kawawa ang hopia mo!"
"Nag-usap na kami. No body contact. Magpakasal lang kami, hanggang six months lang kami magsasama. Magpapakasal lang kami dahil iyon ang last will testament ng mommy niya para makuha ang kanyang mana."
"Ay, basta ako, hindi talaga ako maniniwala na hindi ka niya gagalawin! Si Sir Rhenz pa!"
Napairap naman ako.
Subukan lang ng h*******k na iyon na pagsamantalahan ako!
"Pero, maganda din naman ang mindset mo. Malaking pera na ang ibigay sa'yo. Kahit matikman mo pa ang latigo ni hudas ni Sir Rhenz, hindi ka pa rin lugi."
"Tumigil ka nga, Louise!"
"Hmmp! Basta tandaan mo, Sammy. Huwag na huwag ka ma-inlove sa nag-iisang, Rhenz Bright! Masasaktan ka lang. Matagal na ako nagtatrabaho diyan sa abnoy na iyon. Ayaw na ayaw niya ng commitment."
Napabuga naman ako ng hangin.
"Malabong mangyari na ma-inlove ako sa impakto na iyon. At si Sir Bry lang talaga ang pinapangarap ko no!"
"At naku, Sammy. Huwag ka magsalita na wala pa. Baka next month, nasa harapan ko na umiiyak ka!"
Napabuntonghininga naman ako.
"Hindi puwede. Dahil malabo Rin na magustuhan din ako ni Rhenz," mahinang saad ko.
Sino ba ako na magustuhan niya? Baka nga iniisip niya na mukhang pera ako or gold digger. Hindi rin ako maganda.
KINABUKASAN, sinundo ako ni Rhenz sa hospital dahil may pupuntahan daw kami.
"Judge? Hindi tayo sa simbahan ikasal?!" saad ko rito.
"Seriously, Sammuelle? Sa papel lang ang gagampanan natin. So, we don't need na para ikasal sa simbahan."
Bigla naman ako napatahimik.
"G-Ganoon ba. O-Okay lang. Maghihiwalay din naman Tayo after six months," diin na saad ko naman.
"Oo nga pala. After mo pirmahan Ang marriage contract, kailangan mo agad lumipat sa bahay. Baka pumunta ang abogado at hahanapin ka."
"Okay. Puwede ko ba makuha kahit one fourth na paunang bayad mo sa akin? Kailangan ko muna ilipat si mamang sa maayos-ayos na bahay."
"No problem."
Hindi ko alam kung tama ba talaga Ang desisyon ko.
Basta pumirma na lang ako sa papel na inabot sa akin ng judge. Pagkatapos, hinatid din ako pabalik ni Rhenz sa hospital.
Samuelle Luna Bright.
Kakainis! Bakit ang bilis ng desisyon ko!
Dahil lang sa pera, pumayag ako maging isang contracted wife.
"Sammy! Sammy!"
Napatingin naman ako sa nurse na kasamahan ko.
"Totoo ba?!" aniya na nanlalaki ang mga mata.
"Totoong ano?" nakakunot ang noo na tanong ko pabalik rito.
"Asawa ka pala ni Rhenz Bright?! Girl, nasa tv ang mukha mo at kinumpirma nga ni Bebe Rhenz na asawa ka raw niya!"
Dilat na dilat naman ang mga mata ko.
"Ano!" Saad ko naman.
"Grabe ka talaga, Sammy! Asawa mo pala ang napakaguwapong nilalang sa television!"
"A-Ah..n-nasa interview ba Siya Ngayon?" tanong ko rito.
"Yes, girl. Napakasuwerte mo talaga!"
Parang bigla ako nahilo.
"S-Saglit lang. Punta muna ako sa restroom!"
Impakto talaga!
Kanina lang kami pumirma ng marriage contract, agad na niya sinabi ng live sa tv!
Halos lahat sa akin na nakatingin.
Paano ba naman, sa itsura kong ito, malabo na mangyari na asawa ako ng kanilang idolo!
"Siya? My goodness! Matanda na iyan did ba?" aniya ng isang nurse na tiningnan pa ako sa ulo pababa sa paa ko.
Ayoko lang talaga sila patulan. Pero pagpunong-puno na, matitikman nila ang kanilang hinahanap!
Pabalik na ako galing restroom pero bumungad sa akin ang lalaking kanina ko pa minumura sa aking isip.
"Asawa ko!"
Laglag naman ang panga ko sa pagtawag niya sa akin.
Hinarang ko naman ang kamay ko sa aking mukha dahil sa flash ng camera.
"Anong kaguluhan ito?!" diin na tanong ko rito.
"Asawa na kita, Samuelle. Kaya expect mo na may nakabuntot na mga media sa akin at sa'yo rin," aniya at mariin akong hinalikan sa labi.
Nag-uumpisa na talaga ang kalbaryo ko!
RHENZKABUWANAN na ni Sammy kaya hindi na muna umaalis ng bahay. Iyong mga negosyo ko, pansamantala si Dos na muna ito ang nag-asikaso, o minsan si Damon."Misis, sabi ko huwag ka na magdilig ng mga bulaklak. I-utos mo na lang sa mga katulong," saad ko kay Sammy dahil nakita ko na naman ito na nagdidilig ng kan'yang halaman."Wala pa nga dalawang kilo ang binubuhat ko, Rhenz!" Aniya na nagagalit na naman ito.Lahat na pang-unawa at pasensya sa pagbubuntis ni Sammy, nalagpasan ko na. Lagi na lang nagagalit kahit wala naman akong ginagawa. Sabi ng mga kaibigan ko, gan'yan talaga kapag buntis. Napagdaanan na raw nila sa mga asawa nila."Baka sa isang araw lalabas na si baby," malambing na saad ko at niyakap ito sa likuran.Humarap naman ito sa akin. Napakaganda lalo ni Sammy. She looks so innocent. "Natatakot ako. Nurse ako, pero iba na kasi kapag Ikaw na iyong manganak. Sabi kasi ni Kath, sobrang sakit daw," aniya na nakanguso.Napangiti naman ako. "Pero nakita mo kung gaano karami mg
RHENZNANATILI ang tingin ko kay Sammy habang nagpapaaraw ito sa tabing-dagat. Habang ako naman nakatayo sa tapat ng bintana. Simula na nakilala ko ang aking asawa, ramdam ko na agad na siya na talaga ang babaeng hinahanap ko. Napangiti naman ako na maalala ko sa unang tagpo namin na hindi man lang niya ako nakilala. Seriously, kasagsagan na kasikatan ko pa at marami akong endorsement sa telebisyon. Pero si Sammy lang talaga ang bukod tangi at kakaibang babae na nakilala ko. This time, hinding-hindi ko sasayangin ang binigay sa akin ng nasa taas na nagpabago sa buhay ko.Aminado naman talaga ako na kabi-kabila ang naging babae noon. Pero nagbago ako simula na inalok ko ng kasal si Samuelle. Kahit ang mga kaibigan ko, nagulat pa ang nga ito. Alam nila sobrang allergic ako sa salitang kasal. Yes, I admit it. Wala talaga akong balak mag-settle down after namin maghiwalay ni Deborah. Pero, may isang tao talaga ang darating para baguhin ang buhay mo.Napabuntonghininga naman ako. Ito ang
HATTIE LOUISE"PAUTANG NGA HO," malapad ang ngiting sabi ko kay Aling Koring."Kailan ang bayad? Alam mo naman pinapaikot ko lang itong kapital ng paninda ko."Napanguso naman ako. "Aling Koring naman eh. Sa isang linggo ang bayad."Napailing na lang ang matanda. "Ano ang uutangin mo? Bakit tuwing pupunta ka dito, hindi man lang ako nakaranas na bumibili ka. Puro ka utang. Kung hindi ka lang magaling magbayad, hindi kita pautangin!"Ngumiti naman ako. "Salamat ho. Limang kilong bigas at tatlong sardinas lang ho uutangin ko."Pagkabigay ni Aling Koring, umalis na agad ako. Doon na ako dumaan sa likod. Nandito ako ngayon sa Tondo. May pupuntahan lang akong tao rito."Magandang hapon mga lasinggero!" Bungad na bati ko sa mga lalaking nag-iinuman."Louise, shot tayo!"Napangiti naman ako at nilapag sa lamesa nila ang dala-dala ko."Pulutan niyo," Saad ko naman.Napangibit naman silang lahat na nakatingin sa supot."Akala namin masarap na. Bigas at sardinas na naman." Humalakhak naman ak
RHENZ"LOUISE."Nakataas naman ang kilay ng dalaga pagkakita sa akin. Sinamantala ko itong kausapin habang tulog pa si Sammy."Bumalik ka muna sa Manila. Tagpuin mo muna si Mr. Collins," aniya ko rito."Panira ka talaga sa bakasyon ko. Gusto ko na magresign!" Nagmamaktol na sagot niya sa akin."Masarap nga ng buhay mo sa akin. Isa ka rin na budol. May bayad ang bawat utos ko sa'yo.""Alangan. Ang hirap kaya maging sekretarya!""Haist. Sige na kasi. Alam kong magaling ka pagdating sa business proposal.""Traidurin ka lang ni Mr. Collins. Nakikita ko naman na sumasakay lang din siya sa laro mo, Atticus."Napangisi naman ako. "Alam ko. Pero gusto ko muna makipaglaro sa kan'ya.""Eh 'di ikaw na ang humarap! Kung kailan gusto ko na mag-asawa, panira ka na naman!""Sa palagay mo ba, magugustuhan ka ni Francis?" Nakangising tanong ko naman."I think so. Simple lang ako. Isang probinsyana. Virgin at mabait.""Saka mo na landiin si Geller kapag pumayag ako. Unahin mo muna ang mga inuutos ko."
SAMMUELLEPANG-APAT na araw na namin dito sa isla. Yes, okay na ulit kami ni Rhenz. Kahit may alam na ako sa pagkatao niya, siya pa rin ang Rhenz na unang nakilala ko.Hindi rin naman maiwasan na may nangyari agad sa amin. Inaamin ko, marupok ako. Isang halik lang ng damuhong iyon sa akin, bumigay naman ako.Dumipa muna ako at pumikit. Mag-isa lang ako naglalakad sa tabing dagat. Maaga pa lang bumangon na ako. Tulog na iniwan ko ang asawa ko at naisipan kong mag-ehersisyo."Sammy?!"Lumingon naman ako. Nangingibabaw na naman ang boses ni Louise."Good morning," nakangiting bati ko rito."Sus, 'wag ako, Samuelle! Nadiligan ka lang kagabi kaya gan'yan ang ngiti mo!"Hindi ko na lang pinansin ang mga pangtutukso ni Louise."So, pinatawad mo na agad ang boss ko? Hmmmp! Marupok na nilalang ka!""H-Hindi naman. Enough na ang reasons niya para tanggapin ko ulit siya.""Bahala ka. Kapag maulit na naman na paiyakin ka, 'wag ka lumapit sa akin. Sasabunutan talaga kita!"Napanguso naman ako. "Ma
SAMUELLE"SOBRANG ganda pala dito!" natutuwang sambit ni Louise na pagkarating namin noong nakaraang araw, lumusong na agad ito sa dagat.Huminga naman ako ng malalim at nilanghap ang preskong hangin.Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito katahimik at presko ang paligid. Sayang at hindi sumama si mamang."Sana nandito ang forever more ko! Kahit mangingisda lang siya, okay lang sa akin. Kaysa naman mayaman nga, babaero naman," aniya na nakangisi pa ito sa akin."Paano kung mahirap pero manloloko rin pala," Taas-kilay na sagot ko naman."Lulunurin ko talaga siya. Ipakain ko sa pating ang hotsilog niya!"Napangiti naman ako. Hindi talaga nauubusan ng topic ang kaibigan kong ito.Kahit ilang buwan siguro ako dito, hindi ako makaramdam ng inip. Kanina umalis saglit si Bry at pupunta raw ito sa bayan. May bibilhin lang na gagamitin sa pagluluto."Hi, girls. May ipakilala pala ako sa inyo," biglang sulpot ni Bry at may kasamang lalaki na mahaba ang buhok, sobrang tangkad din nito. Halatang ma