Mabilis na ibinaba niya ang baso sa bar counter at saka tumayo para magpaalam na sana nang bigla siyang napaupo uli.
Bigla yata siyang nakadama ng pagkahilo sa pagtayo niyang iyon. Agad na inalalayan siya nito na makaupo nang maayos."Are you okay?" Nawala na ang ngiti nito nang itanong iyon.Ipinilig niya ang ulo. Bumuti-buti na uli ang pakiramdam niya pero parang may kakaiba siyang nararamdaman. Bumuntunghininga siya uli."I-I'm fine.""Give me a glass of water." Utos nito sa bartender saka ibinigay sa kanya ang baso ng tubig para ipainom.Agad na tinanggap niya iyon at inubos lahat. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya."Naparami ka na ba agad ng inom?" Worried na tanong nito."H-hindi pa naman." Baka epekto lang iyon nang pagpapalipas niya ng gutom, naisip niya.Magpapaalam na sana siya rito nang biglang nag-vibrate ang phone niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang si Mhariel uli ang tumatawag. Inis na kinansel niya ang tawag pero parang ayaw nitong tumigil."Who's that? A jealous boyfriend?" Curious na tanong nito habang tumungga uli ng alak."N-no, it was just-" Natigilan siya nang hindi sinasadyang na-accept ang video call ni Mhariel.Napatitig siya sa screen. Nakaupo sa sala si Dino sa loob ng nirerentahan nitong bahay habang umiinom ng alak. Nakita niya si Mhariel na papalapit sa lalaki. Panay pa ang tingin ni Mhariel sa camera na parang nang-iinis.Tumabi ito sa ex niya saka hinalikan ang lalaki na hindi naman tinututulan ni Dino. Bagkus ay niyakap pa nito sa beywang si Mhariel. Inis na pinatay niya na ang video call saka ang phone para hindi na siya matawagan uli ng babae."Problem with your lover?" Walang ano mang tanong nito.Hindi niya alam kung nasilip din nito ang nasa screen ng phone niya kanina kaya nasabi nito iyon o nanghuhula na lang base sa reaksiyon ng mukha niya. Napatitig siya uli sa gwapong mukha ng lalaki.Hindi siya nag-ayos nang gano'n para lang sayangin ang gabi niya sa pag-iisip sa dalawang taksil. Hindi ba't sabi niya kanina ay magkukunwari siyang ibang tao kahit man lang sa gabing iyon bago niya haharapin uli ang sakit sa puso niya kinabukasan?Ipinasok niyang muli sa bag ang phone saka isinara iyon. Kinuha niya ang basong nasa tabi niya saka ininom iyon nang diretso habang hindi inaalis ang mga mata sa lalaking nasa harap. Nakuha yata ng lalaki ang gustong ipahiwatig ng mga mata niya kaya't kumuha uli ito ng baso ng alak saka uminom na rin kasabay niya habang nakikipaglabanan ng tingin sa kanya.Kitang-kita niya ang malagkit na pagkakatingin nito sa kanya.Hindi niya alam pero kusa na ring ngumingiti ang mga labi niya nang ibaba ang wala nang laman na baso. Ang gaan bigla ng pakiramdam niya at sa tingin niya ay epekto na iyon ng tubig na sabi ni Sheena ay may pampakalma."I'm Carina. Sean, right?" Siya na ang kusang nag-abot ng kamay dito. Pinanindigan na niya ang pangalang binanggit ni Sheena kanina."Yep, I'm Sean. Carina's a nice name." Maikling sagot ng lalaki at nakipagkamay sa kanya.Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at halos ayaw na nitong bitiwan iyon. Imbes na kunin sa lalaki ang kamay ay hinayaan niya lang ito.Hindi na niya tinitigilan ang alak dahil gusto niya ang pakiramdam na ibinibigay no'n sa kanya. Sa unang pagkakataon ay para siyang ibong nakawala sa isang hawla. Walang iniisip na tama o mali. Basta na lang gagawin kung ano ang gusto niya. At ang gusto niya nang gabing iyon ay makipagharutan sa lalaking nasa tabi niya na panay ang ngiti.Pumupungay na ang mga mata niya at pati ang boses niya ay parang nakikipaglandian na rin sa lalaki. Hindi niya ugaling makipag-flirt kahit kanino at wala talaga siyang talent sa gano'n.Ganito pala ang pakiramdam ni Mhariel sa tuwing lumalandi ito sa mga lalaki.Hindi niya maalis-alis ang namumungay na mga mata sa napakagwapong mukha nito. Parang ang sarap haplusin no'n. Hindi niya napansing tumaas na pala ang isang kamay niya para hawakan ang mukha ng nakatawang lalaki."I think you're already drunk."Ngumiti siya habang parang sasara na ang mga mata."Yeah, I t-think I'm drunk. N-nakakalango kasi ang kagwapuhan mo." Iyon ang lumabas sa bibig niya na sinabayan pa niya ng tawa.Titig na titig ito sa mukha niya habang napatawa na rin. Bigla ay inilapit nito ang bibig sa tenga niya."Would you like to come with me?""Yesh... yesh, t-take me with you."Hindi na ito nagsalita pa nang alalayan siyang tumayo para umalis. Hindi pa man sila nakakaalis ay nilapitan sila ni Miguel."So you've met her already," nakangiting sabi nito kay Sean saka bumalik ang tingin sa kanya."Who?" Nagtatakang tanong ng lalaki na hawak na siya sa beywang para huwag matumba sa kalasingan."Her. She's our gift to you. Bubuksan mo na ba agad ang package mo?" Nanunudyong tanong ni Miguel.Siya naman ay papikit-pikit na hindi na nauunawaan ang pinag-uusapan ng dalawa."Gift? You mean to say she's a..." Hindi itinuloy ni Sean ang pangungusap nito at bumaling na uli ang tingin sa kanya.Sakto namang inangat niya rin ang mukha at nginitian nang napakatamis ang lalaki habang namumungay pa rin ang mga mata."Yep! But hindi halata, di ba? Tatakas ka na ba with your gift?"Narinig niya ang mahinang tawa ni Miguel pero wala siyang narinig mula kay Sean."G-gift. I-is it your birthday?" Biglang sumabat na siya sa dalawa.Matagal bago may narinig siyang sagot galing sa lalaki."If you're my gift, sana nga araw-araw ay birthday ko."Bigla na lang siyang tumawa. Ewan ba niya pero ang gaan ng pakiramdam niya na para bang lumulutang siya. Gusto niya lang tumawa nang tumawa. Tama nga yata si Sheena, malaking tulong ang paglabas niyang iyon para makalimutan saglit ang sakit na nararamdaman dahil sa ex niya at sa matalik na kaibigan."Umeskapo na kayo, Sean. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila," si Miguel na uli ang nagsalita.Nagpatianod na lang din siya sa lalaki nang magsimula na itong akayin siya pasakay ng elevator. Hindi na siya nagtanong pa kung saan sila pupunta. Habang nasa loob ng kotse nito ay nakapikit na ang mga mata niya. Nagulat na lang siya nang maramdamang parang umangat ang katawan niya. Binubuhat na pala siya ng lalaki at papasok na sila sa isang kwarto. Sa tingin niya ay nasa loob na sila ng bahay nito.Maingat na ibinaba siya nito sa kama at tinititigan siya habang nakahiga. Nagising na agad ang diwa niya kaya't nakipagtitigan rin siya rito habang unti-unting bumangon para umupo sa kama.Pinagmasdan niya ito nang isa-isa nitong buksan ang butones ng suot nitong polo. Napasinghap pa siya nang makita ang mabalahibong dibdib nito. Itinapon nito sa sahig ang damit nang mahubad iyon at kitang-kita na niya ang magandang hubog ng katawan nito."You can still stop me if you want to," seryosong sabi nito na tumigil sa paghuhubad.Hindi niya namamalayan nang bigla niyang binasa ng dila ang bibig habang nananatiling nakatingin dito. Nakita niya ang kakaibang reaksiyon nito nang makita ang ginawa niya."Damn! I don't want you to stop me now!" Parang bigla itong hinihingal nang sabihin iyon.Kahit alam na ng puso nila na anak nila si Baby Alyanah ay kailangan pa ring ipa-DNA test bilang pagsunod sa protocol.Once kasi na mapatunayan na anak nga nila ang sanggol ay maiakyat na ang kaso laban sa mga namamahala sa St. Therese Maternity Clinic, kina Latonia at Patrick, kasali na rin ang mag-inang sina Manang Minda at Divina.Kabado pa rin silang pareho nang tingnan ang resulta ng test. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang katibayan na anak nga nila si Baby Alyanah.Mahigpit na nagyakapan sila ni Sean. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila nang mga sandaling iyon.Dinumog ng mga bisita ang bahay nila nang malaman ang balitang buhay ang totoo nilang anak.Ang mga magulang niya at kapatid pati na rin asawa't anak nito ay pumunta sa bahay nila.Isinabay sa pagpapabinyag kay Baby Alyanah ang welcome party at thanksgiving party para rito. Bisita rin nila ang batang babae na tunay na ina ng patay na sanggol.Napalitan na nila ng pangalan ng anak nito ang lapida ng libing n
Dahil hindi nakakatulong ang pag-iyak, kahit kabado siya ay pinilit niyang maging kalmado. Nakatingin siya sa labas ng bintana at tinitingnan ang mga nadaanan nila.Kahit pinakasimpleng detalye ay isiniksik niya sa utak para magamit kung sakali mang makatakas siya sa lalaki.Dumako uli ang tingin niya sa sahig ng kotse ng lalaki. Biglang nabuhayan siya ng loob nang may makita siya na pwedeng magamit niya kung sakaling pagtangkaan siya nito.Halos puro kakahuyan ang nadaanan nila at masyadong madilim pa.Napapansin niya ang maya't-mayang pagsulyap ni Patrick sa kanya."Kung papayag ka ay pwede tayong magpakalayo-layo. You can forget about your husband and kids. We can start our own family sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Saan mo ba gusto? Sa London? Australia?" Hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaki. May saltik nga yata talaga ang utak nito.Imbes na barahin ito ay sinasakyan niya na lang. Mahirap galitin ang mga taong parang may problema sa utak."Paano ang trabaho mo
"Miss, kung hindi mo ibibigay sa akin ang detalye ng babaeng naunang nanganak sa akin sa gabing iyon, pwede kang maisama sa kaso kahit wala kang kinalaman." Pinagbantaan niya ang nasa reception desk ng St. Therese Maternity Clinic.Hindi na niya kinontak si Patrick lalo na no'ng nakita niyang ito ang nagbuhos ng tubig sa sahig. Natatakot siyang kumprontahin ang lalaki at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya kapag nalaman nitong alam na niya.Pumunta na siya sa kapulisan at isinumite ang ebidensiyang meron siya tungkol sa lalaki. Naka-blotter na ito sa istasyon at naghihintay na lang siya ng instructions kung ano ang susunod na hakbang.Gusto niya sanang ipaalam iyon kay Sean para masamahan siya nito. Alam niyang magagalit ito kapag nalaman iyon. Baka nga sugurin pa nito ang lalaki at iyon ang isa pa sa kinakatakutan niya.Mamayang pag-uwi niya ng bahay ay sasabihin na niya ang lahat ng mga natuklasan sa asawa at ipapakita ang video ng pangyayari sa Rajah HotelKailangan na rin talag
Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang ibinigay na impormasyon ng imbestigador tungkol kay Patrick de Asis. Mabigat na talaga ang loob niya rito nang makita niya ito uli na kasama ni Yazmin. Hindi naman dahil sa pagseselos lang kaya niya pinaimbestigahan ang lalaki.Medyo nakakaalwan din naman pala sa buhay ang lalaki. Sa katunayan ay kasosyo ito ng isa sa mga negosyo ng ama ni Latonia.Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Magkakilala kaya ang dalawa?What a small world!Pero bakit no'ng nasa clinic sila ay parang hindi magkakilala ang mga ito? Napakibit-balikat siya.Baka ang ama lang ni Latonia at si Patrick ang magkakilalang talaga.Napailing-iling siya nang makitang may tatlong kaso ito na naareglo. Inireklamo ito ng tatlong babae dahil sa pang-ii-stalk nito.Sabi na nga ba niya, mukhang may kakaiba sa lalaki, lalo na sa paraan ng pagtitig nito kay Yazmin. Base sa nakuha niyang report ay may obsession ang lalaki sa mga babaeng natitipuhan nito.Hindi pala ito tumiti
Pabagsak na inilapag niya ang mga baraha sa mesa."Letse naman!" Inis na sabi niya.Isang beses pa lang yata siya nanalo sa araw na iyon. Kapag minamalas nga naman.Biglang pumalahaw ng iyak ang sanggol na pinahiga niya sa kandungan at hawak lang ng isang kamay. Naririndi siya sa iyak ng bata.Kung hindi lang siya nagkakapera rito ay matagal na niya sana iyong dinispatsa. Isa pa, hinihintay niya ang isang milyong bayad ni Miss Beautiful.Makakawala na rin siya sa wakas sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi niya pinangarap na sa tanda niyang iyon ay mag-aalaga pa rin siya ng bata.Siya pa nga ang kumumbinsi kay Divina dati na ipalaglag ang unang ipinagbuntis nito.Muntik pa siyang mapakislot nang mas lumakas pa ang palahaw ng sanggol."Uy, Minda! Padedehin mo na nga iyang apo mo at mukhang gutom na gutom na." Sigaw ng isang driver na parang naiingayan na rin sa palahaw nito.Nasa may sakayan kasi uli siya. Kahit na hindi na siya namamalimos dahil hindi naman siya pinapabayaan no'ng magandang
Nanatili siya sa madilim na bahaging iyon habang karga ang sanggol.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya rito. Kung bakit naman kasi iyong sira ulo na si Patrick ay hinayaan pang mabuhay ang sanggol.Ginamit niya lang talaga ang lalaki nang mahalata niyang halos sambahin nito ang lupang nilalakaran niya.Nagsimula lang naman iyon sa isang dummy account. Hindi kasi siya maka-move on nang malaman niyang ang ordinaryong empleyado ng ex niyang si Sean ay asawa na pala nito.Umaasam pa naman ang ama niya na si Sean ang makakatuluyan niya. No'ng maging sila ng lalaki ay naging maayos naman ang lahat. Kahit nababalitaan niyang nakikipaglandian ito sa iba ay hindi niya masyadong iniinda.Pareho kasi sila ng laro ng lalaki. Ayaw din niyang matali sa iisang tao lamang. Marami rin siyang flings kahit may relasyon sila ni Sean.Ang kaso ay unti-unti na rin siyang umaasa na seseryosohin nito nang tumagal sila. Siya na ang kusang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa iba't-ibang lalaki. Umasta siyan
Napapayuko siya sa babaeng abalang-abala sa pagpapaligaya sa galit na galit niyang alaga.Umaalalay ang dalawang kamay niya habang nagtaas-baba ang ulo nito dahil sa paglabas-pasok ng subo nito sa kahabaan niya."Ahhh! Suck it! Hmmmph! Ahhrghh!" Mariin ang pagkakakagat niya ng labi dahil sa mainit na bunganga nito na sumusubo sa tigas na tigas niyang sandata.Tumutulong din sa pagdiin-diin ang mga kamay niya sa ulo nito. Naroong sinasabunutan din niya ito kapag pakiramdam niya ay halos isubo na nito ang kabuuan ng ari niya Biglang umalis ito sa pagkakasubsob sa gitna ng mga hita niya. Nanunuksong nilalamas nito ang malulusog nitong dibdib na walang suot na bra.Sexy masyado ang suot nito. Halatang walang bra ito nang dumating kanina dahil bumabakat ang tigas na tigas nitong nipples.Iyon ang nagugustuhan niya rito dati pa. Lagi siyang tinitigasan kapag nakakasama niya ito. Sadya yatang pinapakitaan siya ng motibo ng babae dahil alam nitong patay na patay siya rito.Hindi niya akalain
Ang lakas ng iyak ng sanggol. Ang tunog ng iyak nito ang nagpagising ng diwa niya. Pinipilit niyang ibuka ang mabibigat na mga talukap."The baby's alive!" Sigaw ng isang babae.Sa narinig ay nagkaro'n siya ng lakas na imulat ang mga mata kahit kalahati man lang. Kahit hindi man naibuka nang todo ang mga mata ay nakita niya naman ang isang babae na nakaputi na may hawak ng sanggol na umiiyak.Napangiti siya. Ang baby ko.... Naisip niya.Sinubukan niyang itaas ang isang kamay pero masyadong mabigat din pala iyon para igalaw.Dumako ang mga mata niya sa munting binti ng sanggol. Bago siya mawalan uli ng malay ay nakita niya kahit malabo, ang imahe ng kulay brown na nasa may talampakan ng baby.Napangiti siyang muli nang bumalik sa pagkakapikit. Biglang napadilat ang mga mata niya. Agad na bumalikwas siya ng bangon kahit nakayakap pa rin sa kanya si Sean.Tinanggal niya ang kumot sa katawan ng asawa. Hubad na hubad pa rin ito pero dumiretso siya sa may talampakan nito.Iyon nga! Nakita
Sinundo siya ni Patrick sa harap ng isang convenience store. Ang sabi nito ay makikipagkita ang babaeng nanganak din sa St. Therese Clinic nang araw na dinala siya roon.Habang nakaupo sa kotse ng lalaki ay conscious na conscious naman siya habang inaayos ang panyo sa leeg niya.Gusto niyang mainis kay Sean pero napapangiti naman siya kapag naaalala ang sinabi nito.You're still mine...Parang kanina pa iyon paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya. Isang himala rin na kahit iniwan niya itong kasama ni Latonia ay wala man lang siyang nadamang pangamba.Siguradong-sigurado siya na hindi nito papatulan ang mga panunukso ng ex nito.Bunga lang ba talaga ng pagbubuntis niya ang mga kung ano-anong pagdududa meron siya sa asawa dati? Siguro rin ay dahil sa insecurities niya sa katawan niya no'ng mga panahong iyon kaya pakiramdam niya ay posibleng titingin sa iba si Sean.Dinagdagan pa ng panunulsol ng isang dummy account. Pagkapanganak niya ay nag-deactivate na siya ng account. Ayaw na n