Share

CHAPTER 5.

...

PINAPASOK na ni Jimin ang kanilang Yaya sa loob ng dormitoryo at pinagpalit ng casual dress.

"Ang bagal naman niya!" maktol ni Jimin habang pauli uli na lumalakad sa salas. Hinintay niyang makatapos sa pagbibihis ang Yaya.

Napansin naman siya ni Hoseok na tila inip na inip sa paghihintay kay Yanie.

"Anong mayroon at pinagbibihis mo si Yaya?" tanong nito sa kanya at nagdekwatro sa pag upo.

"May pupuntahan kami saglit!" maigsing tugon niya at napinta sa kanyang mukha nang matunghayan si Yanie na bumababa sa hagdan.

Napaka simple lamang ang suot nitong white dress na tinu-angan ng brown sandals at walang pag aayos na kolerete sa pagmumukha kun'di polbos lamang.

Sa pagka-pinkish na pisngi ni Yanie ay hindi na nangangailangan pa ng blush on. Makinis rin naman ito kaya lalong nangibabaw ang pagkakaroon nito ng glass skin na bibihira sa mga babae roon.

Sadya naman kamangha mangha ang kakaibang awra niya ngayon na kahit pa ang pitong abalang amo niya ay natinag sa kaniyang pagbabago. Nakatulala ang mga ito buhat sa pagkababa ni Yanie sa hagdan.

Halos maubos ni Jimin ang kanyang laway sa paglunok nang makita ng malapitan si Yanie.

"You look so simple but elegant!" saad niya at ngumiti pa siya sa Yaya.

"Oh.. Yaya... Mukhang may pupuntahan ka yata ah?" pakunwaring nagtataka pa si Namjoon.

"Ah.. Eh.. Kase.. Ano???" hindi malamang sasabihin ni Yanie.

"It's her day off, let her enjoy!" pagtutuwid na sabi ni Jimin.

"Teka, magkasama kayo?" masalimuot na tanong ni Yoongi. Sadyang napaka-taas na ng kuno't noo nito sa kanilang dalawa.

"Amh... May.. May bibilhin po yata si Sir Jimin sa Shopping Mall!" paglilinaw na wika pa ni Yanie kahit na hindi naman talaga malinaw sa kanya kung saan sila pupunta ni Jimin.

"May bibilhin ako na brand new Iphone!" dugtong na usal nito.

"Bago pa naman ang phone mo hindi ba?" kuno't noo rin na pagtataka ni Jin.

"Hindi ka pweding umalis!" sabi ni Yoongi at agad na hinawakan sa kamay si Yanie upang ito'y pigilan na makaalis.

"Bakit ba huh Suga?" galit na tanong agad ni Jimin dito.

"Gusto nyo bang malagay sa alanganin ang lahat ng pinaghirapan natin dahil sa babaeng ito?" giit na binalingan siya nito.

Lingid sa kaalaman nilang lahat na bawal silang maaaktuhan ng mga paparazzi sa labas na may kasama silang babae, off-cam man o On-cam.

"Wag ka ngang masyadong good boy kay Bang Pd. I'm sure na natatakot ka lang na masira ang big rule ng BigHit kaya gusto mo kaming pigilan mag date ni Yanie!" pilyong turan pa niya na mas lalong ikina-kabugnot nitong si Yoongi.

"Date? Seryoso? Baka nakalilimot ka? Yaya natin ang gusto mong ipahamak sa labas dahil dyan sa pagiging playboy mo at saka wala ka na bang delikadesa at mapagtripan na iba kaya pati si Yanie ay pinapatulan mo?" singhal nito sa kanya.

"But at least, i'm not like you! Bored and super busy sa kahit na bakasyon na! We had different taste in life. Kung gusto nyong magkulong dito ng maghapon at magdamag-- then go! Just i live my life to the fullest i want!" derektang paliwanag niya at hinila si Yaya sa kinatatayuan nya.

Sinundan ng tingin ni Yoongi ang pag akbay niya kay Yanie.

"Hindi mo kase naiintindihan!" tanging saad nito at derektang tiningnan si Yanie pamula ulo hanggang paa.

"Magpalit ka na lang!,l Nasaan yung Jacket at Mask ko na ibinigay sa'yo?" tanong pa nito sa Yaya.

"Paano sya mag eenjoy kung lemitado lang ang kilos nya? Masyado ka naman Over Protective sa kanya!" salansang na sabi pa ni Jimin.

"Hoy, Park Jimin! Matuto ka ngang makinig ng paliwanag!" singit na anas ni Jin.

Kung sa bagay ay tama lang na maging lemitado ang mga kilos ni Yanie lalo na't lalabas muli siya ng dormitoryo. Hindi naman masasabing kilala nito ang mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi tiyak na ligtas sila sa mga reporters na nagtatago lamang sa gilid upang makahanap ng tsismis.

Walang alam ang ibang members ng BTS sa responsibilidad na nakaatang kay Yoongi ang kung ano man kalabasan ng trabaho ni Yanie sa kanila at hindi rin nila alam ang pinanggalingan ng kanilang Yaya.

Para matapos ang komusyon at payagan na makalabas man lang si Yanie ay muling nagpalit ito. Isang oversized t shirt na ang pang itaas na kasuotan nito na tinernuhan ng six pocket jagger pants. Muling ginamit nito ang mask na ibinigay ni Yoongi at ibang saklob na rin ang lumipon sa buhok nito. Maka-sigurado lamang sila na walang kahit na anong issue ang lalabas na may isang babae sa loob ng kanilang dormitoryo.

Masasanay rin si Yanie sa ganoong style.

...

NAIISIP rin naman ni Jimin ang kapakanan ng kanilang mga career sa kpop industry ngunit kapag napapatingin siya kay Yanie at naaalala ang ibinihis nito kanina ay naaalibadbaran siya.

Tila gusto nyang kumawala sa hawlang pinagtataguan nila. Gusto niyang maging malaya ang Yaya sa paraang ikasisiya nito.

Hanggang sa nakarating sila sa isang shopping mall.

"Tanggalin mo na nga yan!" inalis niya ang saklob nito at siya ang nagsuot.

"S... ir!" gulantang naman nito sa kanya.

"Gusto kong mag enjoy ka pero paano mo gagawin 'yun kung binibilang at nag iingat ka sa mga ikinikilos mo huh?" baling na saad pa niya sa Yaya.

Gusto lang naman nyang isipin ni Yanie na pinapawala niya ang stress nito sa kanila ngunit ang talagang pakay naman niya ay ilantad sa karamihan na may bagong girlfriend na siya.

Sanay na nga syang mapagalitan ni Bang Pd kaya hindi na siya magugulat kung in 2 days ay ipapatawag siya sa office dahil sa ginagawa niyang ito sa kanilang Yaya.

Hiniram pa niya ang Black Card ni Jungkook para mabilhan si Yanie ng mga gusto nito.

Sweet foods, chocolates and flowers or anything that casual things in a date. Simple thing that makes Yanie's heart shimmering.

Nasa clothing area na sila at ipinipili niya ito ng mga damit na mas babagay pa rito.

"Blue?" pag iisip niya at humanap ng kulay blue dress.

"Akala ko po ba ay bibili tayo ng bagong Iphone mo, Sir Jimin?" pagtataka naman nitong sabi sa kanya.

He just smiled at her.

"Sinabi ko lang yun para malusutan natin sila, Anyway don't call me Sir starting today!" sabi niya at tunay na dalagang napapahiya ito sa mga itunuturan niya.

"Ah..." pag ikot ng kanyang mga mata at napansin ang isang magandang purple dress.

Binusisi pa niya ang damit sa bawat tahi at saka itinapat sa mahiyaing dalaga.

"You must try this one!" utos na aniya'y nakapili na nga ng nararapat sa Yaya.

He really waited for a couple of minutes para makapagpalit si Yanie.

"Nagustuhan mo?" tanong niya pagkalabas nito sa fitting area. Well may hustisya naman ang pagpili niya sa damit na iyon. Nabigyan lalo ng buhay ang malungkot nitong kulay. Lalong nagningning sa kagandahan si Yanie.

"Yaya ka ba talaga namin? Para kang underrated model na nasimot sa daan!" pilyong sabi niya at ngumiti ng malapad sa Yaya. He can't tell out loud kung paano siya natutukso sa Yaya but it might be in his actions.

Gusto niyang punan ng atensyon ang pagiging tila modela ni Yanie sa kanyang nasasaksihan kaya't pinamili niya ito ng napakadami.

"Masyado na pong marami ito!" saad nito sa kanya.

"Hindi itinatago ang kagandahan, Yanie! Imino-model iyan!" aniya'y dinagdagan pa ang mga damit na hawak ng Yaya.

Hindi naman sya nito tinatanggihan sa mga binibili niya para sa dalaga.

Hanggang sa napapansin niya na parang may mga umaaligid nang Paparazzi sa ilan sulok ng Mall.

Nakakatawang paglaruan ang mga tulad nilang atat na may maibulgar at may ma-issue sa kanilang pito.

"Hold my hand!" pag aaya na niya kay Yanie. Halintulad sa nakatakda niyang plano ay pasusunurin niya sa kanyang kagustuhan ang mga paparazzi ito.

Nanlalaki ang mga matang gulat na gulat si Yanie sa pag aaya niya.

"Mukhang kailangan na natin ang umuwi!" Bulong niya.

More sweets move, more photos to come out after all this happening. Na sa palagay niya ay titigilan na siya ng mga babaeng naghahabol sa kanya especially that one girl who really cried hard for him last time.

Hinila na niya paalis roon si Yanie ngunit hindi niya sukat akalain na mas lalo pa silang mapapahamak sa kanyang mga plano. Napakalaking gulo ang kanyang gagawin kung maaabutan sila ng mga paparazzi na humahabol sa kanila.

Na kahit saan sila magpasikot sikot ay naroroon ang mga ito. Kaliwa't kanan ang pagliwanag ng mga camera. May agaran ding nag live upang makuhan sila nang live videos.

Hanggang sa hindi nila napanghawakan ang isa't isa at naghiwalay ang kanilang mga kamay. Nawala sa kanyang paningin si Yanie.

...

SAMANTALA, nasa night club si Taehyung kung saan nagta-trabaho ang kilala niyang kaibigan na babae roon. Nakita nya itong naka-table sa ibang costumer na lalaki kaya't tinawag agad niya ito.

Ang tinutukoy niyang kaibigan ay ang kaibigan rin ni Yanie.

"Jen!" sambit niya sa pangalan nito ngunit hindi siya pinansin ng babae.

Namuo ang pagkainis niya sa pambabalewala nito sa kanya kaya't pagkalapit sa kinaroroonan ng kaibigan niya ay hinila niya ito paalis doon.

"Ano ba Taehyung?" pagpupumiglas nito sa kanya.

"Hanggang kailan mo ba balak sirain ang buhay mo dito?" kuno't noo niya.

"Pakealam mo ba?" baling nito sa kanya at sumisilakbo ang usok ng sigarilyo nito sa kanyang pagmumukha.

Kinuha niya ang sigarilyo ni Jen at saka nilapirat ng kanyang tsinelas. Malaki ang interest niya sa kaibigan na ito ni Yanie simula pa lamang nu'ng makilala nya ito rito.

Inalok na niya ito ng mas matinong trabaho at iyun ay ang pagsilbihan siya. Assistant kumbaga, ngunit matigas pala ang loob nito na sikmurain ang iba't ibang laway ng mga korean idol na pinakikisamahan nito dito bawat gabi.

"Sinabi ko na sa'yo na ayoko!" tuwid nitong pagtanggi sa alok niya.

"Pero Jen!" utal pa niya.

"Umuwi ka na dahil baka malaman pa ng Manager mo na may babae ka dito!" pagtataboy nitong sabi sa kanya matapos siyang talikuran nito.

Kailanman ay hindi siya pinatulan nito sa kama dahil na rin sa pagkakaibigan na namuo sa pagitan nila.

"Jen!" sigaw pa niya sa pangalan nito ngunit hindi talaga niya ito nakumbinsi at mas piniling umalis na doon.

Hindi siya gumagamit ng sasakyan kapag ang pinupuntahan niya ay si Jen kaya naglakad na lang siya pauwi.

Hanggang sa tila napansin niya si Yanie na tumatakbo papunta sa kung saan kaya't dumaan siya sa kabilang eskinita upang salubungin ito. Pansin rin niya ang mga nakasunod sa Yaya.

Mga reporters na atat makakuha ng litrato sa katauhan ni Yanie.

Sumandal siya sa isang madilim na gilid at nang maramdaman ang pagdaan ni Yanie ay agad niyang hinagilap ito sa kanyang kinatatayuan.

"Ahhhhh..!" pagsigaw nito sa kanya kaya't tinakpan niya ang bibig.

"Hsssh.. Ako ito Yaya!" bulong niya sa tainga nito kaya ito ay kumalma.

Nagtataka lang siya kung bakit mag isa na si Yanie ngayon samantalang kasama nito dapat si Jimin. Saka lang niya napagtantong may lokohan na nagaganap.

Lumampas na sa kanilang kinaroroonan ang mga naghahabol na paparazzi. Pagkatapos ay humanap silang dalawa ng mas magandang daraanan hanggang sa makalayo sila doon.

Nagbitaw lang sila ng kanilang mga kamay nang wala na silang makitang naghahabol na paparazzi.

"Bakit ba hindi mo na kasama si Jimin?" singhal na tanong niya kay Yanie.

"Nagkahiwalay kase kami nu'ng maraming kumukuha ng litrato sa'min Sir!" paliwanag nitong sabi sa kanya.

"Kung bakit kase sumasama ka pa kay Jimin, pahamak talaga ang mokong na 'yon!" sabi pa niya. Napapa isip na siya kung ano ang kanyang sasabihin kung sakali na magtanong si Yoongi kung bakit sila na ni Yaya ang magkasamang umuwi.

Nangangailangan siya ng 99.9% na ipaliliwanag kay Yoongi. Paliwanag na dapat kapani-paniwala dahil isang taong lobo kung magalit ang isang iyun.

"Saan ka nga po pala galing, Sir? " tanong nito habang patuloy sila sa paglalakad pauwi.

"Don't call me, Sir! Masyadong pormal!" sabi nya.

"Saan ka nga galing?" tanong muli nito sa kanya.

"Bumili lang ako ng Banana Milk ni Gguk!" kasinungalingan na tugon niya dahil ayaw niyang malaman pa nito na may pinupuntahan syang bar dahil sa babae.

"Nasaan yung Banana Milk?" pagtataka nito.

"Amh.. Natapon nung iniligtas kita!" nahihirapan siyang magsinungaling ngunit kailangan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status