Share

CHAPTER 4.

...

ISANG LINGGO ang muling nakalipas ngunit ang paghihirap ni Yanie sa pitong amo niya ay tila hindi na niya matatagalan pa. Pagod at puyat ang nakapanghihina ng loob niya. Sa sobrang kapaguran na nga ay halos hindi na niya magawa pa ang iba.

Minsan ay may pagkukusa ang mga ito ngunit ang minsan na iyun ay walang kasing dalas na pinahihirapan siya.

Ang pagod na nararanasan niya sa loob ng dormitoryo ay hindi halintulad sa nakamtan niyang pagod noon sa loob ng bar.

Kinakausap lang niya ang mga boring na kpop idols na sa TV lang din niya napapanood noon ngunit iba na sa panahon ngayon na Yaya siya ng pitong pasaway at walang pakundangan sa pagsisilbi niya.

Na-aalala na nga lang niya ang kwento sa likod ng pagiging Yaya ng BTS. Kung saan nagsimula ang lahat.

Tumutulong siya sa isang maliit na kainan ng kanyang step mother. Madalas siyang maltratuhin nito lalo na kapag nasa trabaho ang kanyang ama.

Sinasabunutan, Pinahihirapan at mas madalas ay ginugutom. Kaunting pagkakamali lang niya ay siguradong laginit ng sintr0n ang babanil sa pangangatawan niya.

Isang araw ay galit na galit binulyawan siya ng kanyang step mother.

"Walang hiya ka! Pinag nakawan mo ako!" ang laging bintang nito sa kanya kahit na inosente siya. Kahit pa itanggi niya ang pagbibintang nito sa kanya ay wala na syang nagawa pa nang palayasin siya nito sa mismong pamamahay nila.

"Papa...!" paki-usap niya sa kanyang ama ngunit binalewala lang siya nito.

"Lumayas ka dito! Magnanakaw!" hiyaw nito na ikinagulat niya. Ibig sabihin ay pinaniwalaan ng kanyang ama ang bintang sa kanya.

Sino ba siya sa buhay ng kanyang tunay na ama para siya'y itakwil nito bilang anak at palayasin sa lugar na kinalakihan niya? Bakit napaka lupit ng mga ito sa kanya?

"Alam nyong hindi totoo ang sinasabi ni Tita!" tumatanggi siya dahil alam niya ang katotohanan na wala syang ninakaw.

"Lalayas ka ba rito o ipapupulis kita?" pananakot pa nito sa kanya.

Sa takot niya na makulong ay mas pinili niyang magpakalayo layo. Magpunta sa isang lugar kung saan naroroon ang nag iisang kakampi niya.

"Jen tulungan mo ako!" pag iiyak niya sa harap ng kanyang kaibigan. Pinatuliy sya nito kahit na ito'y rumerenta lang ng bahay panuluyan.

"Bakit ba ganyan ang hitsura mo at bakit dala dala mo ang mga gamit mo?" tanong nito sa kanya pagkatapos bigyan ng tubig.

"Pinalayas na ako sa'min, tulungan mo ako, wala akong mapupuntahan!" pagsusumamo niya sa kaibigan.

"Pasensya na Yanie huh, bukas kase aalis na ako dito dahil may trabaho na ako!" hinawakan sya nito sa kamay upang ipabatid na baka hindi siya matutulungan nito.

"Amh.. Ganun ba? Baka pweding isama mo na lang ako sa trabaho mo?" Sa pagnanais na kumita siya kahit salapi, maibsan man lang ang gutom at may matirhan kung sakali.

"Hindi maganda ang trabahong pinapasukan ko Yanie, baka hindi mo sikmurain!" paliwanag nito sa kanya ngunit mas naging desidido pa siya.

Anumang trabaho ay tatahakin niya para lamang mabuhay siya. Ngunit may punto ang kaibigan nya, hindi niya masisikmurang ipagamit sa kung kani-kaninong lalaki ang kanyang katawan tulad ng ginagawa nito.

Isang  S*x Sla--ve ng mga Korean Idols si Jen Hatashi. Sanay na sanay na itong pagpyestahan ang kanyang pangangatawan dahil sa laki ng perang natatanggap nito at iyun ang bagay na hindi kayang gawin ni Yanie Seo-ri.

She's very innocent about that things. Anong kamalayan niya sa malaswang ginagawa ng kanyang kaibigan?

Ngunit datapwat malaki rin ang pangangailangan niya ay inihanda na niya ang kanyang sarili sa trabahong susuungin niya ngayong gabi.

Isinama siya ni Jen sa bar na pinagtatrabahuhan nito at dahil nga baguhan pa lamang siya ay tinanggap siya ng manager ng bar bilang waitress muna. Habang tumatagal siya roon at lumilipas ang mga araw ay napanghahawakan na niya ang kanyang trabaho bilang masayahing taga-kwento sa mga bored na kpop idols.

Ngunit hindi sapat iyun para sa manager ng bar. May costumer na gusto siyang i-table at ikama. Nagbayad ng malaking halaga ang matandang costumer na iyun para lamang ma-ikama siya.

"Yanie!!!!" malakas na hiyaw ng manager ng bar.

"Ba---kit po?" kinakabahan siyang lumapit dito.

"May costumer na kailangan mong aliwin ngayong gabi! Naroon sya sa VIP room, hinihintay ka na niya!" sabi sa kanya nito.

"VIP room po? bakit doon pa po ako pupunta?" pagtataka naman niya.

"Ayy wag ka na pa-V*rgin hija! Sige na pumunta ka na doon at i-entertain mo na ang naghihintay sa'yo doon!" pagtataboy pa nito sa kanya.

"Jen!" sigaw ng manager dito.

"Yes madam baby!" tanong ni Jen sa paglapit sa kinatatayuan nila.

"Ihatid mo nga itong si Yanie sa Vip room! Go! Wag nyong pinaghihintay ang costumer!"

"Hindi ko kaya ito Jen!" pagtanggi niya nang itinataboy na siya sa isang VIP client.

"Ano ka ba Yanie? Mas malaki ang kita aa ganito!" bulong nito sa kanya.

"Pero.. Ayoko talaga!" pag iling pa niya sa kaibigan.

"Aaliwin mo lang naman tapos iwan mo na kapag nalasing mo!" bilin sa kanya nito.

"Pero..."

"Para hindi ka magalaw, lagyan mo nito ang inumin nya doon sa table nyo pa lang!" paliwanag ni Jen at may ibinigay na maliit na bote. Naglalaman ito ng isang nakatutulog na likido.

"Huwag mo akong iwan!" paghabol pa niya kay Jen dahil papunta na ito sa costumer na kararating lamang.

"Nandyan na ang costumer ko! Kaya mo yan!" Tinapik na lamang siya nito sa kanyang balikat.

"Bwii!" sigaw ng kanyang kaibigan na tinatanaw sa dako roon ang costumer na tinutukoy nito.

Hindi na niya inabala pa ang kaibigan nyang si Jen at sinunod na lang niya ang mga bilin nito sa kanya.

Naghihintay sa reserve table ang kanyang costumer. Kinakabahan siyang lumapit dito at mas lalong natakot dahil ang bumili pala sa kanyang gabi ay isang napakatandang koreano, halos doble na ang edad sa kanya at tila tigang na tigang sa isang tulad niyang birhen pa.

"Halika nga rito!" napaka lagong na tinig nito. Hinatak siya papunta sa kinauupuan nito at halos mapakandong siya sa mga hita nito. Malaking lalaki ang matandang costumer niya kung kaya't hindi niya malaman kung paano pa niya matatanggihan ang paglingkis nito sa kanya.

Ang malalapad nitong kamay ay agad nang naglakbay sa kanyang balakang. Halos mapaso siya ng init ng hininga nito na nagsusumiksik sa kanyang leeg.

"Ang bango mo!" pagsabunot pa nito sa kanyang buhok at pilit na inilalapit ang labi sa kanya.

Maduduwal siya sa ginagawa nito sa kanya at hindi makayanan ang kanyang sitwasyon kaya't pumalpag siya.

"Sandali lang!!" sigaw niya at napatayo.

"Oh bakit? Ayaw mo ba sa'kin?"

Nagmimintis na niyang sabihin na ang baho nito dahil sa simoy ng alak at sigarilyo na kanina pang inuupakan nito habang hinihintay siya.

"Hindi ko kaya, pasensya na po!" utal niya at kanyang nabitawan ang boteng maliit na ibinigay ni Jen kanina.

Nakita ito ng matanda at sinundan ng tingin ang paggulong ng bote papunta sa kinauupuan nito. Sinimot ito ng matanda at itinapat sa ilaw upang makita kung ano ang nasa loob nito.

"Balak mo ako lasunin?" kuno't noo nito sa kanya at agad na tumayo upang siya ay hagilapin sa kamay.

"Hi...ndi po!" nauutal niyang pag iling.

"Nagbayad ako ng malaki para sa'yo tapos balak mo akong lasunin! Halika dito!" galit na galit na sabi nito at pilit siyang hinihila palabas roon.

"Ayoko po!" pag ayaw pa niya at nagpupumiglas siya para makawala sa matandang lalaking ito.

Isang lalaki ang biglang umeksena at sumuntok sa matandang lalaki kung kaya't nabitawan siya nito. Bigla na rin nagkaroon ng gulo sa pagitan ng dalawang ito kaya't sinamantala niya ang pagkakataon na makatakas roon.

Hindi na niya napagmasdan pa ang lalaking nagbigay ng oportunidad sa kaniya upang makalayas roon. Ni-hindi na niya napa-salamatan man lang ito.

Muli siyang napunta sa lansangan. Mag isang naglalakad sa gitna ng kalsada. Hindi malaman kung saan pupunta at pilit ipinaiintindi sa kanyang sarili na wala na siyang kwenta pang mabuhay. Baka kung pumayag siya sa gusto ng matanda ay baka mapera na siya ngayon.

Hanggang sa may tumigil na isang sasakyan sa kanyang harap. Nagugulat man siyang isipin kung sino ang may ari nito ay isa pa ulit matandang lalaki ang tumawag sa kanya mula sa loob ng sasakyang ito.

Hindi naman kasing tanda nang matandang lalaki kanina na gusto siyang kainin. Sa palagay niya ay matino ito at kakaiba ang pakay sa kaniya.

Pinasakay siya nito sa loob bago pa siya abutin ng malakas na ulan.

"I'm Manager Sujin, BigHit Entertainment Company Manager!" pagpapakilala nito.

Nakipag kamay naman siya nang kamayan sya nito. Sumandaling napatingin siya sa lalaking katabi nito na may suot na black hoodie at saklob. Inihaya niya ang kanyang kamay rito upang makipag kamay man lang ngunit tumanggi ito. Nababalot ng puting benda ang kamao nito.

"What's your name hijah?" Tanong ni Mr. Sujin sa kanya.

"Yanie Seo-ri po, Mr. Sujin!" tugon naman niya.

"Yoongi kausapin mo sya at tanungin mo kung intrisado sa trabahong ibibigay ko!" wika ni Mr. Sujin sa katabi nitong lalaki na halos ka-edad lamang ni Yanie.

"Kung gusto mo bang maging Personal Asistant namin!" iretableng tanong nito sa kanya. Napaka sungit ng dating.

Gusto na sanang lumabas pa ni Yanie sa sasakyan na ito at tumakbo palayo sa kanila ngunit napansin niya ang Logo sa loob nito at lalo na ang pangalan ng grupong kinabibilangan ng kausap niya.

He's one of the BTS member. A Song Writer, Producer and Lead Rapper of his group.

Nakikilala na niya ito.

"Bang---tan? Este Min Yoongi?" bulalas niya at napatakip sa kanyang bibig ang palad niya. Hindi siya makapaniwalang isa sa sikat na kpop group ang nakilala niya ngayong gabi. Bukod doon ay nag aalok pa sa kanya ng isang magandang trabaho.

"Baka pweding maghanap na lang tayo ng iba!" reklamo nito.

"I guess she can do what you want!" sabi ng Manager nito.

"Hindi ko mapagkakatiwalaan si Jen! Isa syang S*x Sla--ve, baka mamaya gamitin pa nyang laban sa inyo ang pagiging pariwara niya!" saad pa ng manager nito.

"Ikaw?" singhal nito sa kanya.

"Ako?" sa gulat niya'y halos masamid siya.

"Sumama ka sa'min!" sabi lang nito.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit sumama siya sa Company ng mga ito at pagkarating roon ay agad ipinaliwanag at itinuro ang magiging trabaho niya.

Isa pa sa nakakalito ay kilala ng mga ito ang kanyang kaibigan na si Jen. Ito ba ang dapat na nasa posisyon niya ngayon?

Bumalik sa normal ang kanyang kaisipan nang maramdaman ang panlalamig sa kanyang pagmumukha. Nasa pool area pala siya at nakaupo sa gilid na tiles. Nakababad ang kanyang mga paa. Lalo pa siyang nabasa dahil sa pagsasaboy ni Jimin ng tubig sa kaniya.

"Ano bang iniisip mo at napakalalim naman yata?" taas kilay na sabi ni Jimin at tinabihan na siya nito.

Day off niya ngayon pero mas pinili nyang manatili sa dormitoryo. Saan pa nga ba siya pupunta? Hindi na siya makauuwi pa sa kanila. Wala na rin siyang balita pa kay Jen. Ilang buwan na rin ang nakalilipas simula nang mapunta siya sa dormitoryo ng Bangtan.

Safe na siya rito. Walang makapananakit pa sa kaniya. Kahit naman pala utos ang pitong amo niya at siya lamang ang bukod tanging babae sa loob ng dorm ay hindi naman siya pinagtangkaan ng mga ito sa masamang gawain.

They don't take any advantage of her.

"Wala naman po Sir.." tugon naman niya kay Jimin.

"Mukhang na stress ka na sa'min ah!" pang aasar pa nito sa kanya.

Matipid lang ang ngiti niya sa palikerong amo niyang ito. Bawal sa trabaho niya ang magkwento tungkol sa kanyang buhay kaya umiiwas talaga siya na maungkat pa ang kanyang nakaraan kahit na isang pala isipan sa kaniya ang lalaking tumulong sa kanya roon sa bar.

Malapit sa kanya si Jimin kahit pa madalas niyang sinasabi sa kanyang sarili na iwasan ang pagiging mabait nito sa kanya. Masyadong papansin ito sa kanya dahil siguro ay kinukuha rin nito ang kanyang loob. Ngunit para sa kanya ay tanging pagsunod lamang sa uto ng mga ito ang nais niya at wala nang iba pang dahilan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status