Share

CHAPTER 6.

NAMUMUO na ang galit ni Yoongi sa kanyang ulo nang mabalitaan sa isang live video ang paghahabol ng users kina Jimin at Yanie. Pauli-uli na siya sa salas at panay na rin ang pag inom ni Hoseok nang tubig upang kumalma. Si Namjoon naman ay nakikipag usap na kay Manager Sujin habang si Jin ay nag iisip na ng mga plano kung paano aayusin ang malaking problema nila.

"Bakit kase hinayaan nyo pa rin si Yaya na sumama kay Jimin-ssi? Alam nyo naman na mainit ang mga mata ng paparazzi sa'ting pagbabakasyon na ito!" tutong na turan ni Jungkook sa harap ng computer niya.

"Tulog ka yata kanina para sabihin yan sa'kin?" matigas na sabi ni Yoongi.

"Chill lang guys!" sumisingit na pagpapakalma ni Hoseok.

"Alam na ni Jimin ang gagawin nya! Trust him!" saad pa ni Jin.

Nagmamadaling pumasok sa loob si Jimin at hingal na hingal ito sa pagod. Sumilip pa sa bandang bintana upang tingnan sa labas kung may nakabuntot pa rin sa kanya. Masuwerte pa nga siya at tahimik ang paligid sa labas, kumpirmadong walang nakasunod sa kanya na kahit sinong reporter.

Ngunit ang isa pa niyang problema ay wala pa sa dormitoryo si Yanie na agad ipinagtaka ni Yoongi.

"Nasaan si Yanie? Saan mo sya dinala? Bakit hindi mo sya kasamang umuwi ngayon?" sunod sunod nitong tanong sa kanya.

"Humiwalay siya sa'kin! Bakit? Wala pa ba sya rito? Akala ko naka uwi na sya! Anyway she's independent woman, she can handle herself!" kalmadong tugon niya na parang walang nangyayaring kaguluhan.

Hindi nagustuhan ni Yoongi ang tila pagbabalewala niya sa kinalalagayan ni Yanie ngayon kaya't sinundan sya nito sa kusina.

"Lagot na!" pagbalikwas nina Jin at Namjoon. Lalong naparami ang pag inom ni Hoseok ng tubig.

Isang lumalagitik na kamao ang tumama sa nguso ni Jimin kaya't agad nagdugo ang labi niya.

"Sinabihan na kita, Nakita mo na ang ginawa mo? Ipinahamak mo sya tapos ganyan ang sasabihin mo sa'kin ngayon?" sigaw nito sa kanya.

"What do you expect from me? Susundin ko ang sinabi mo? Akala mo ba hindi ko napapansin na mas magaling ka pang magdesisyon kaysa kay Joonie pagdating kay Yaya Yanie! Yes i planned all these sh*t! Why? Just to remind you na hindi ikaw ang leader sa'tin!" pagduduro niya kay Yoongi na mas lalong ikinainis nito sa kanya.

"Kung may problema ka sa'kin, ako ang kausapin mo, huwag mong idamay si Yanie sa pagiging makasarili mo!" singhal pa nito sa kanya.

Hindi naman talaga sanay makipag talo si Yoongi lalo na kung palitan lamang ng pakikipag sagutan ngunit kakaiba rin ito magalit, basta na lamang na nanakit.

"Si... r!" gulantang ni Yanie nang makita na sinuntok muli ni Yoongi si Jimin.

"Sinadya ko ba na habulin kami ng mga etchoserang yun huh? Sige Yanie, sabihin mo sa kanya ang totoo para magtigil sila!" giit pa ni Jimin.

Pumagitna na si Namjoon at inawat ang matinding tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Tama na yan okay!" pamumulsang sabi nito.

"Ano bang nangyayari?" pagsingit ni Taehyung.

"Narito na sila kaya tumigil na kayong dalawa dyan!" sabi ni Jungkook at inakbayan sa balikat silang dalawa. Tumighim pa ito nang makitang magkahawak sila ng kamay.

Akala ni Taehyung ay nabitawan na niya ang kamay ni Yanie ngunit magka-holding hands pa silang dalawa.

"Hindi naman masama kung pigilan ko kayo sa gusto nyong iutos kay Yaya pero yung ipahamak nyo sya tulad ng ganito.." hindi nito mapigilan ang sama ng loob kaya't napapabuntong hininga na lang ito sa kanila.

"Alam nyong nasa akin ang lahat ng sisi kapag may masamang nangyari sa kanya!" saad pa nito.

"Okay lang naman po ako Sir.. Yoongi!" sabi ni Yanie at bumitaw na sa paghahawakan nila ni Taehyung.

"Okay sa ngayon pero paano sa susunod? Ayoko nang mangyayari ulit ito. Hindi ka na pweding sumama sa'min kahit saan kami magpunta! Hanggang dito ka na lang sa dorm magtatrabaho!" pagliwanag pa ni Yoongi na ikinagulat ng lahat.

"Ano? Teka sobra ka naman yata?" kuno't noong tanong ni Namjoon na lalong naguluhan sa biglaan na desisyon nito.

"Hindi natin sya pweding ikulong dito!" saad pa ni Jin.

"Linisin mo na nga ang sarili mo Yanie! Pumasok ka na sa kwarto mo!" pagtataboy na ni Yoongi kay Yanie at naiwan ang pito sa salas.

Natuloy ang kanilang pag uusap dito.

"Hindi ba dapat alam ni Bang PD-nim ang desisyon mo Yoongi?" tanong ni Hoseok.

"Magdedesisyon ba ako ng ganito kung hindi nangyari yung kanina?" kuno't noo nito sa kanila.

"Pero Suga!!" naiinis na usal pa ni Jimin.

"Huwag nyo nang intayin na mawalan sya ng trabaho sa'tin!" singhal nito at tinalikuran sila. Napahinto ito sa sinabi ni  Taehyung.

"Oh baka naman ikaw lang yung takot na mawala sya?" sabi niya.

Napapansin na kase niya na masyado nang caring kay Yanie itong si Yoongi o yung tipong parang over protective na hindi na lingid sa kaalaman nila kung pag aalala pa ba nito iyun sa trabaho ng kanilang Yaya o may mas higit pang dahilan.

Sa palagay niya ay tila nagkakagusto na ito kay Yanie.

"Alam nyo, bukas na lang natin ito pag usapan! Pare parehas tayong nabigla sa nangyari at hindi tayo magkaintindihan hangga't maiinit ang ulo nyo! Let's sleep okay!" tapik sa kanilang balikat ni Hoseok .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status