Share

CHAPTER 3.

SAMANTALA, bwisit na bwisit si Yoongi sa panggigising na ginawa ni Taehyung. Napaka aga pa nga naman sa alarm clock niyang 12:00 midnight. Napansin niyang wala na sa kanyang tabi ang Yaya Yanie niya, ipinagpalagay na lamang niya na isinasaayos na nito ang dadalhing gamit nila sa Studio.

Naligo muna siya para tuluyan nang mawala ang kanyang antok. Nang magbalik ang diwa niya sa normal na pamumuhay ay nagbalot siya ng towel sa pang ibaba at saka dumaretso sa kusina. Nadatnan niyang naghuhugas na ng pinggan ang Yaya niya.

Ganu'n sila ka-swerteng pito kay Yanie. Lahat ng households chores ay alam nito. Kahit pa anong ipaluto nila ay alam rin nito. Pang House wife material na nga kung tutuusin si Yanie ngunit hindi nila alam ang tunay nitong pagkatao maliban sa dating trabaho nito sa bar kung saan nakilala ito ni Yoongi.

Kpop Idols best request ito bilang waitress bonus pa sa pagiging entertaining nito sa mga costumer. Hindi siya maduming babae, maayos ang trabaho nito dati at iyun lamang ang alam nila sa Yaya nilang ito at wala nang iba pa.

Nagulat niya ito ng magtanong siya.

"Nakaalis na ba sila?" Iinom sana siya ng tubig kaya lamang ay nahihiya na siyang magkalat sa kusina.

"Ah... Yes Sir. Pinasusunod ka po ni Sir Namjoon!" Tugon nito sa kanya at natapos na ang mga hugasin.

"Magkasama tayo di'ba?" Kuno't noo niya dahil sa pagkakaalam nga niya ay kasama niya ito papunta sa Studio.

Sandaling nagtama ang kanilang mga tingin at lumihis ng dereksyon ang mga mata ni Yanie pagkalipas ng ilang segundo. Nahihiya at naiilang pa rin ito na magkatinginan sila o kahit pa sinong BTS members ang makatitigan nito. Siya lang kase ang kauna-unahang babae na nakasama ng BTS sa loob ng iisang bubong. Unang babae na hinayaan ni Bang PD-nim na makasalamuha ng Bangtan sa loob at labas ng Dormitoryo. Sa pangkaraniwang trabaho para sa iba ngunit isang pangarap na natupad para sa karamihang babae na nagkakandarapang mag apply bilang Assistant o Secretary ng BTS.

"Sir.. Kailangan po ba talaga ako doon?" Pagtataka nito.

"Natural, Yaya ka namin it means all around ang trabaho mo! Anyway sa Day off mo na ikaw bumawi, hectic talaga ang Schedule namin kaya kailangan ka talaga namin!" Paglilinaw niya.

"Kung hindi mo na kaya ang trabaho mo dito, pwedi kang mag resign!" Nag uumpisa na siyang magsuplado sa dalaga.

Unfortunately, ayaw naman talaga nya na may umeeksenang babae sa loob ng kanilang dorm, bukod sa masisira ang deskarte nila bilang mga lalaki ay napupurnada rin ang mga pribadong kabalastugan nila.

"Hindi naman po ako nagrereklamo!" Paliwanag ni Yanie sa kanya.

"Okay! Magbihis ka na baka malate pa ako!" Sabi nya at umakyat na ulit siya sa kanyang kwarto para magbihis.

Maya maya pa ay nakapagbihis na silang parehas. Bangabang na inilagay sa likod ng sasakyan ang mga gamit na iniwan ng anim pa nitong amo.

"Mag Disguise ka, baka may paparazzi na makakita sa'tin baka kung ano pang issue ang lumabas!" Paghagis ni Yoongi ng saklob at jacket.

Simpleng dress lang kase ang suot nito. Iba na rin ang sigurado at nag iingat. Baka malagay sa alanganin ang kanilang career kung dahil lamang kay Yanie.

“Grabeh.. Iniwan pala nina Taehyung yung mga gamit nila para ikaw ang magdala? Mga ungas talaga, Sa'kin ka lang naman mas madalas naiiwan tapos kung pahirapan ka nila. tsk... Mga abusado!” Maktol niya nang maghintay sa pagpasok ni Yanie sa loob ng sasakyan.

“Okay lang naman po sa'kin!” Walang pag aalinlangan na tugon nito sa kanya.

Wala pang isa’t kalahating oras ay nakarating na sila sa KTV studio.

"Sumunod ka na lang sa 2nd floor!" Tapik nya sa balikat nito.

"Okay Sir!"

Malayo layo na sya sa kinaroroonan ni Yanie nang lumingon pa siya at nakita nyang para bang nahihirapan ang Yaya sa mga dadalhin nito paloob. Kahit suplado at masungit ay binalikan niya si Yanie upang tulungan na magdala.

"Sir, ako na po ang bahala dyan!" Pagpigil naman ni Yanie sa kanya.

"Really? Nahihirapan ka na nga dyan sa iba pang gamit nila, idadagdag ko pa itong sa'kin. No! I can handle this mine!" Derektang sabi niya sa dalaga.

***

Naiwan pa nga si Yanie sa parking lot dahil iniisa isa pa niya at pinagsasama-sama ang kung kaninong gamit ang bitbit na niya.

Suplado talaga ang isang boss niya ngunit minsan ay tama naman ang mga sinasabi nito sa kanya. Iyun na lang lagi ang nagsusumiksik sa isipan nya sa t’wing si Yoongi ang nakaka usap nya.

"Gamit ni Sir Jin, Ni Sir Namjoon, Ni Sir Taehyung, Ni Sir Jungkook, Ni Sir Jungkook at lastly yung gamit ni Sir Jimin!!!" Pagbibilang pa niya sa gamit ng mga ito pagkatapos makuha lahat ay papasok na sana siya sa loob.

Nang magkita muli sila ng babaeng umiiyak last time dahil kay Jimin.

“Hala! nandito sya?” Kahit pilit niyang itinatago ang sarili sa saklob ay kinulbit siya nito.

"Hey.. Ms. Nakita mo ba si Jimin?" Tanong sa kanya nito at pag iling na lamang ang naging tugon nya para hindi siya mabosesan ng babaeng ito.

"Wait.. It's you!!" Pagturo nito sa kanyang mukha dahil nakilala pa rin siya nito.

"Yeah.. It's you! The New Girlfriend ni Jimin!" Tinanggal nito ang saklob na suot nya.

"Ako nga kaya pwedi ba tigilan mo na ang Boy friend ko!!!" Lakas loob niyang usal para magtigil ang babaeng ito sa kakahabol kay Jimin. Yun lang din ang naisip na paraan ni Yanie upang matapos na ang pagkadesperada ng babaeng ito.

"Totoo bang Girlfriend ka na nya?" Tanong nito na para bang nagtataka pa.

"Baka naman personal asistant ka lang nila na nagpapanggap lang!" Pag irap ng ilan sa mga Jimin's Stan na nakapila sa Entrance.

Nakalimutan nyang sa main entrance pala sya pumasok at hindi sa back door, lalo tuloy syang nalugmok sa kahihiyan. Hindi niya maaaring sabihin sa mga ito na isa siyang Yaya ng BTS dahil mananagot siya kay Mr. Sujin, kay Bang PD-nim at lalo na kay Yoongi.

Wala siyang masabi pa na paliwanag kaya't tatakbong pumasok na siya sa loob at dumaretso sa dressing room.

"Haysss.. Bakit ba ang bagal bagal mong kumilos Yaya? Nasaan yung Phone ko?" Bungad ni Jungkook sa kanya at kahit hinihingal pa ay hinanap na agad nya ang phone nito at ibinigay.

Hindi pa siya nakaka upo ay heto naman si Namjoon.

"Yaya paki handa na lang ng Suits na isusuot ko mamaya pagkatapos ng Fan Sign huh!" Bilin ni nito.

Nasa studio stage na si Jimin kaya hindi na niya nasabi pa ang tungkol sa babaeng naghahabol sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status