Share

CHAPTER 2.

...

KANINA pa nagri-ring ang telephone house, ito na rin nga ang umistorbo sa pagbabasa ni Taehyung kanina kung kaya't sinagot na niya ang kung sinong istorbong tumatawag.

Ang manager nilang si Sujin (Isa sa pinaka striktong Manager ng Big Hit Entertainment) ang tumawag para sabihing may Urgent Fan signing sila ngayon sa isang TV Commercial.

"Kainis, May fan signing tayo sa KTV studio!" Singhal ni Taehyung matapos ibaba ang telepono. Ang akala niya ay mas magtatagal ang kanilang bakasyon kaysa sa trabaho ngunit wala pang isang linggo ang nakakalipas ay may asikasuhin na trabaho na naman sila.

"Alam naman ni Mr. Sujin na wala pa tayong pahinga since last week at ngayon lang tayo nakapag bakasyon, tinanggap pa rin niya ang offer na iyun!" Reklamong usal ni Jungkook na kauupo lang sa couche habang umiinom ng paborito niyang banana milk.

"Mr. Sujin knows best!" Gigil pa ni Taehyung na sadyang may pagkainis.

"Nagising na ba ni Yaya si Yoongi?" Tanong ni Namjoon sa kanya dahil ipapahanda na nito ang kanilang mga gagamitin sa fan signing.

Ngunit ang kanilang Yaya Yanie ay humihilik na rin habang katabi sa pagtulog si Yoongi. Marahil alam na rin ni Namjoon ang tungkol sa schedule nila ngayon at siguro ay nalimutan lang niya sabihin sa kanyang members ang tungkol doon.

"Yeah.. Ginigising na nya!" Bagot na tugon ni Taehyung.

Dumating na rin si Jimin, galing sa kung saan. Sinalubong siya ni Taehyung na naka-krus ang dalawang braso.

"Saan ka galing at mukhang nagmamadali kang maka uwi?" Taas kilay pa niyang tanong kay Jimin na para bang binubusisi kung saan ito nagpunta kanina.

"Amh... Si Yaya nasaan?" Tanong din ang naging tugon sa kanya nito at sumisilip sa bawat sulok ng dormitoryo.

"Nasa kwarto ni Suga-neh, ginigising sya!" Pagtuturo niya sa kinaroroonan ng kanilang Yaya.

"Sana lang mauto ko pa sya!" Bulong nito na nilakasan yata para marinig ng kanyang mga kasamahan.

"Ano na naman bang ginawa mo Jimin?" Tanong ni Hoseok na kagagaling lang sa kusina at may kinakain na cake mula sa mga regalo ng kanilang fans.

"Ah wala naman, Nag eenjoy lang ako na makasama si Yaya! Anyway kasama ba natin sya sa Fan Signing?" Tanong pa muli nito.

"Hindi sya pweding maiwan dito ng mag isa!" Paglilinaw ni Jin dahil kung ano't ano-man ay bawat minuto ay kaiilanganin nila si Yanie. Alam na rin kase ng nag iisa nilang Yaya kung paano isasa-ayos ang kanilang mga gamit pabalik sa dati nitong kinalalagyan sa dormitoryo.

Ang mga staff naman na inilalaan sa kanila ng kanilang Ceo ay hanggang kumpanya lang din ang mga trabaho. Hindi sila pinagbibigyan na makapunta sa dormitoryo ng BTS para sa seguridad ng mga ito.

"Nahihirapan na naman ba syang gisingin si Pusa?" Pagtataka ni Jin habang naghahayin na ng panghapunan.

"Bakit ba ang tagal nyang bumaba dito sa kusina? Si Jin-hyung na tuloy ang naghahayin dito!" Dagdag naman ni Jungkook.

"Yayaaaaaaaa!!!" Sigaw ni Jin pero hindi siya naririnig ni Yanie kaya't nagdesisyon na si Taehyung na puntahan na ang kanilang Yaya sa kwarto ni Yoongi.

Taong lobo nga pala ang may ari nitong kwartong ito at sa isipan ni Taehyung ay baka kung ano na ang ginawa ni Yoongi kay Yanie. Hindi kasi basta basta ang pag uugali ng isang Min Yoongi lalo na sa oras na tahimik ito sa loob ng kanyang kwarto, it's either may isinusulat syang kanta ay baka natutulog ito.

He is the most quiet person as they known. Ni-minsan lamang ito ngumiti sa harap ng Camera . Sa palagay ng kanilang mga Fans ay most dangerous man ang isang tulad niya. Fearless and Savage.

Pagbukas ni Taehyung sa pinto ng kwarto nito ay laking gulat at pagtataka na lamang niya dahil magkatabing natutulog ang mag-amo.

Marahan niyang isinara ang pinto at saka lumapit sa kinatutulugan ng dalawa.

"Hoy.. Yaya!" Pangigising niya.

"Ah.. Sir Taehyung!" Gulantang ni Yanie sa pagmukat ng kanyang mga mata. Nahulog pa ito sa gilid ng kama.

"Bakit dito ka natutulog?" Walang pag aalala na tanong pa niya sa Yaya nila.

Kaagad namang inayos ni Yanie ang sarili sa harap ni Taehyung. Hindi nito sukat akalain na madadatnan sila ni Taehyung sa ganoong posisyon. Bukod sa magkatabi ay magkayakap pa na aniya'y magkasintahan sila.

"Ayaw pa po yata ni Sir Yoongi na gumising ng ganitong oras!" Paliwanag na lamang ni Yanie.

"Min Yoongi! Hoy gising na!!!" Hinila ni Taehyung ang kumot ni Yoongi ngunit umungol lamang ito. Nahihirapan siyang gisingin ito dahil iyon ang isa sa kahinaan nilang anim. Ang gisingin ang pusa na may mala-paraisong panaginip sa himbing ng pagkatulog nito.

"Ako na lang po ang gigising sa kanya!" Saad ni Yanie.

"Malele-late na tayo sa fan sign!" Bulalas niya sa dalawa.

"Susunod kami ni Yaya!" Ang tugon ni Yoongi na tila nagising na sa mapang-abalang pambubulabog sa kanya ni Taehyung.

"Ako? Teka Sir kasama po ba ako?" Pagtutukoy ni Yanie sa sarili nya.

"Desisyon ni Jin-hyung na huwag kang iwan dito ng mag isa kaya kailangan mong sumama!" Tugon ni Taehyung.

"Susunod na lang kami okay!!" May pagka iritang baling ni Yoongi.

"Bahala ka nga! Yaya linisin mo yung kinainan namin sa kusina bago kayo umalis ni Suga-neh huh?" Bilin pa ni Taehyung bago tuluyan na lumabas sa silid na iyun.

Hindi na niya narinig pa ang tugon ng Yaya sa kaniya. Minsan na sumagi sa kaisipan ni Taehyung kung sino ba talaga ang tunay na Amo ni Yanie sa kanila lalo na't kahit sa kanya ay napaka-masunurin nito. Sa sobrang masunurin ay hindi nila naririnig na mag reklamo ang Yaya nila kaya nagtataka siya kung tama ba ang trabahong pinasok nito sa kanilang pito.

Nauna na nga silang anim sa pagpunta sa KTV studio kung saan gaganapin ang kanilang fans signing.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status