Accueil / LGBTQ+ / THE SPACES IN BETWEEN / Chapter 2: The Unwritten Rules

Partager

Chapter 2: The Unwritten Rules

last update Date de publication: 2026-10-19 17:40:41

Ang unang linggo ng kanilang pagsasama ay parang isang silent cold war. Para kay Ayla, ang buhay ay dapat na parang isang blueprint ng arkitektura—may sukat, may balangkas, at may malinaw na direksyon.

Tuwing alas-sais ng umaga, gising na siya para mag-ayos ng kama, magtimpla ng kape, at mag-review ng kanyang mga architectural plates bago pumasok sa unibersidad. Ang bawat gamit sa kusina ay may sariling puwesto. Ang kanyang mga libro ay naka-alphabetize.

Si Defne naman ay ang kabaligtaran ng lahat ng ito. Si Defne ay parang bagyo na pumasok sa apartment nang walang pasabi. Walang pakialam sa oras, walang pakialam sa kaayusan.

"Puwede ba, Defne? Isang linggo pa lang tayo rito pero mukha nang art studio 'tong sala," reklamo ni Ayla isang Martes ng gabi. Kakauwi niya lang mula sa isang mahabang lecture, at ang unang sumalubong sa kanya sa p***o ay ang amoy ng turpentine at tatlong pirasong maruming basahan na nakakalat sa sahig.

Nakatayo si Defne sa gitna ng sala, may hawak na palette knife at nakatitig sa isang canvas na nakapatong sa easel. May bahid ng kulay asul na pintura ang kanyang kaliwang pisngi, at ang kanyang buhok ay nakatali sa isang magulong bun gamit ang isang lapis.

"Creativity doesn't follow a schedule, Ayla," sagot ni Defne nang hindi man lang ito nililingon. Nagpatuloy siya sa pag-scrape ng pintura sa canvas, ang tunog ng metal laban sa tela ay parang nangingiliti sa mga ugat ni Ayla sa sobrang irita.

"Tsaka, nasa common area ako. Sabi sa deal natin, walang pakialaman basta hindi masusunog ang bahay. May nakikita ka bang apoy?"

"Ang usapan natin, we respect each other's space. Paano ko marerespeto 'to kung bawat hakbang ko ay may tsansa na makatapak ako ng oil paint?" lumapit si Ayla, bitbit ang kanyang mabigat na T-square.

"Look at this table. May coffee rings na naman. At ang mug ko na naman ang ginamit mo para sa mga brushes mo."

Doon lang lumingon si Defne. Ibinaling niya ang kanyang madidilim na mata kay Ayla, at may sumilay na nakakairitang ngiti sa kanyang mga labi.

"Mug mo ba 'yon? Akala ko ba shared ang kitchen items natin? Oh, wait. Rules mo nga pala 'yon, hindi rules nating dalawa."

Huminga nang malalim si Ayla. Sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Ayaw niyang maging emosyonal, dahil para sa kanya, ang emosyon ay nagpapakita ng kahinaan.

"Fine. But clean it up bago ka matulog. May maagang klase ako bukas at ayaw kong mag-breakfast na mukhang basurahan ang kusina."

"Yes, ma'am," tamad na sumaludo si Defne bago bumalik sa kanyang ginagawa.

Nagtungo si Ayla sa kanyang kwarto at isinara ang p***o nang may kaunting lakas para iparamdam ang kanyang galit. Pabagsak siyang naupo sa kanyang desk, ngunit hindi siya makapag-concentrate sa kanyang ginagawa.

Ang amoy ng pintura mula sa labas ay tila dumaan sa ilalim ng p***o, pumapasok sa kanyang mga foresights, at kasabay niyon ay ang imahe ni Defne—ang mapuputing forearms nito, ang seryosong tingin kapag may hawak na brush, at ang nakakairita ngunit nakakahumaling nitong ngiti.

Bakit ba siya ganon? Tanong ni Ayla sa sarili. Bakit parang napakadali para kay Defne na huwag mag-alala sa sasabihin ng ibang tao?

Habang si Ayla ay buong buhay na nagpupursigi para maging perpektong anak, si Defne naman ay parang nabubuhay lang para basagin ang bawat panuntunan.

Lumipas ang mga oras. Dumating ang hatinggabi, ngunit hindi pa rin makatulog si Ayla. Uhaw na uhaw siya.

Tiningnan niya ang alarm clock sa kanyang tabi—1:15 AM. Sabi sa kanilang "boundary deal," pagkatapos ng alas-diyes ay dapat tahimik na ang lahat.

Inasahan niyang tulog na si Defne, kaya dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang p***o at lumabas patungong kusina.

Ngunit nagkamali siya.

Ang ilaw sa kusina ay patay, ngunit may maliit na liwanag na nagmumula sa nakabukas na p***o ng balcony.

Doon, nakaupo si Defne sa sahig ng balkonahe, nakasandal sa pader, at nakatingin sa gabi ng siyudad.

May hawak siyang baso ng tubig, at ang kanyang mga binti ay nakatupi malapit sa kanyang dibdib. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang kanyang profile ay nagmukhang malambot—malayo sa matigas at mayabang na mukha na ipinapakita niya kanina.

Napatigil si Ayla sa may dulo ng counter. Balak sana niyang kumuha lang ng tubig at bumalik agad sa kwarto, pero tila ba napako ang kanyang mga paa sa sahig.

"Hindi ka pa rin tulog?" basag ni Defne sa katahimikan. Hindi siya lumingon, pero alam niyang nandoon si Ayla.

"Uuwi lang ako para uminom ng tubig," sabi ni Ayla, medyo nagulat na nahuli siya nito. Kumuha siya ng baso at pinuno ito mula sa dispenser.

"Bakit gising ka pa? Maaga pa ang pasok mo bukas, 'di ba?"

"Hindi ako makatulog," simpleng sagot ni Defne. Lumingon siya kay Ayla, ang mga mata niya ay tila sumasalamin sa liwanag ng buwan.

"Masyadong maingay ang utak ko kapag gabi."

Para sa isang arkitekto, ang liwanag ng buwan ay isang natural na elemento na nagbibigay ng anino at lalim sa isang istruktura.

Pero sa sandaling iyon, ang liwanag ng buwan na tumama sa mukha ni Defne ay nagbigay ng ibang uri ng lalim—isang lalim na hindi alam ni Ayla kung paano susukatin.

"Maingay?" tanong ni Ayla, habang dahan-dahang lumalapit sa may p***o ng balkonahe, dala ang kanyang baso. Ito ang unang pagkakataon na hindi sila nagtatalo.

"Yeah. Mga ideya. Mga bagay na hindi ko maipinta nang tama," Defne sighed, sabay tingin muli sa malayo.

"Sabi ng tatay ko, wala raw akong patutunguhan sa sining. Kaya siguro pilit kong pinatutunayan sa kanya na mali siya. Parang tanga, 'di ba? I hate him, pero gusto ko pa ring makuha ang approval niya."

Naramdaman ni Ayla ang isang pamilyar na kirot sa kanyang dibdib. Alam na alam niya ang pakiramdam na 'yon.

"Hindi ka tanga," bulong niya. Naupo siya sa may threshold ng balkonahe, ilang dangkal ang layo sa mga paa ni Defne.

"Buong buhay ko, ginawa ko ang lahat para maging proud si Mama. Architecture? Hindi ko naman talaga 'to unang choice. Pero ito ang gusto niya para sa akin, kaya pinagbutihan ko."

Lumingon si Defne, may gulat sa kanyang mga mata.

"Talaga? Akala ko ba ikaw si Miss Perfect na alam ang bawat hakbang sa buhay?"

"Walang taong perpekto, Defne. Mas magaling lang akong magtago kaysa sa'yo," bahagyang ngumiti si Ayla—isang totoong ngiti na ngayon lang nakita ni Defne.

Natahimik sila nang ilang sandali. Ang malamig na hangin ng gabi ay dumaan sa pagitan nila, pero sa pagkakataong ito, hindi ito naging malamig.

May kakaibang init na nagsimulang mabuo sa maliit na espasyong naghihiwalay sa kanila.

Tiningnan ni Defne ang mga labi ni Ayla na bahagyang nakabukas, at pagkatapos ay tumingin siya nang diretso sa mga mata nito.

May isang segundo, o baka kalahating segundo, kung saan ang distansya sa pagitan nila ay tila naglaho.

Naramdaman ni Ayla ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa isang bagay na hindi niya mapangalanan. Isang unwanted na pakiramdam na biglang pumasok sa kanyang sistema.

Biglang tumayo si Defne, binasag ang mahika ng sandali. "Dapat na tayong matulog. Baka mahuli ka pa sa perfect schedule mo bukas," sabi nito, muling ibinalik ang kanyang defensive mask.

"Oo, tama. Matutulog na ako," sabi ni Ayla, nagmamadaling tumayo at iniwan ang kanyang baso sa counter.

Habang naglalakad siya pabalik sa kanyang kwarto, naramdaman ni Ayla ang panghihina ng kanyang mga tuhod.

Ang boundary deal na ginawa nila para protektahan ang kanilang mga sarili ay tila ba nagkaroon ng unang malaking lamat—at ang pinakamalalang bahagi? Hindi si Defne ang bumasag nito, kundi ang sarili niyang puso.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 27: The Velvet Friction

    Sa loob ng campus, ang hangin ay mas lalong naging mabigat para kay Ayla. Halos hindi niya matitigan nang diretso si Kerem tuwing nagkakasabay sila sa design studio. Alam niyang may hinala na ito, at ang malamig na pakikitungo ng kanyang kaklase ay patunay na may lamat na ang kanilang pagkakaibigan. Pero sa kabila ng takot sa exposure, may isang bahagi ng pagkatao ni Ayla na nagsisimula nang mapagod sa pagtatago. Ang tamis ng bawat madaling araw kasama si Defne ay unt-unting nagbibigay sa kanya ng isang bawal na katapangan. Isang Martes ng hapon, habang abala ang lahat sa kani-kanilang plates, nakatanggap si Ayla ng isang mabilis na text message mula sa isang hindi nakarehistrong numero, pero alam na alam niya kung kanino galing ang mga salita: “Sa may lumang boiler room sa basement ng Fine Arts building. Ngayon na, architecture master.” Napatigil si Ayla. Tumingin siya sa kanyang orasan—may tatlong oras pa bago matapos ang lecture. Pero ang kanyang puso ay nag-execu

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪Chapter 26: Lihim na Ugnayan

    Ang umaga pagkatapos ng kanilang pag-collapse sa totoong damdamin ay nagdala ng panibagong uri ng takot—isang takot na may halong tamis ngunit mas mapanganib. Pumasok na sila sa lihim na relasyon. Wala nang urungan. Ang boundary deal na ginawa nina Ayla at Defne noong unang araw ay tuluyan nang naging abo, at ang tanging natitirang batas sa loob ng apartment ay ang protektahan ang kanilang sikreto mula sa mga mata ng kanilang pamilya.Gising na si Ayla bago pa man tumunog ang kanyang alarm clock ng alas-sais ng umaga. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatitig sa kisame habang nararamdaman ang marahang paghinga ni Defne sa kanyang tabi. Ang pintor ay natutulog pa rin nang mahimbing, ang isang braso nito ay nakapulupot sa kanyang baywang. Ang kanilang mga mahabang buhok ay nagkabuhol-buhol sa ibabaw ng unan, parang mga hibla ng sining na hindi na kayang paghiwalayin pa.Dahan-dahang inalis ni Ayla ang braso ni Defne para hindi ito magising. Bumangon siya, sinalubong ng malamig na

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 25: The Breaking Point

    Nakaalis na ang pamilya ni Kerem. Ang apartment ay bumalik sa isang nakabibinging katahimikan pagkatapos ng pormal na haponang iyon. Pumasok na sa master’s bedroom sina Meryem at Emin, pagod sa mahabang gabi ng pakikipag-usap tungkol sa negosyo at sa "magandang kinabukasan" nina Ayla at Kerem sa arkitektura.Ngunit para kay Ayla, ang gabi ay nagsisimula pa lang.Pumasok siya sa kanyang kwarto, mabilis na isinara ang pinto, at sumandal doon habang hinahabol ang kanyang hininga. Ang kanyang pormal na dress ay tila ba sumasakal sa kanya, at ang bahagi ng kanyang kamay na hinawakan ni Kerem sa harap ng lamesa ay nararamdaman niyang napakalamig. Ang matinding guilt at takot ay tuluyan nang humalo sa kanyang sistema.“Mali 'to. Masisira ang lahat,” bulong niya sa dilim ng kanyang silid habang binubura ang kanyang pulang lipstick gamit ang nanginginig na mga daliri.Bago pa man niya matanggal ang natitirang kolorete, narinig niya ang marahas na pagbuka ng kanyang pinto. Walang katok. Walang

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 24: The Dinner Party Trap

    Ang mga sumunod na araw ay naging parang isang mabilis na tren na walang preno. Bago pa man tuluyang makahinga si Ayla mula sa muntikang pagkabuko ng basahan na amoy alak, isang panibagong pasabog ang inihanda ng tadhana. Isang gabi, habang nag-aayos siya ng kanyang mga gamit sa sala, masayang lumapit si Meryem sa kanya."Ayla anak, may magandang sorpresa si Papa Emin mo," sambit ni Meryem habang nakahawak sa mga balikat ng anak. "Nakausap niya ang pamilya ng kaklase mong si Kerem. Kilala pala ni Emin ang tatay ni Kerem sa industriya ng construction sa Istanbul! Kaya naisipan naming imbitahan sila rito sa apartment para sa isang pormal na hapunan ngayong Biyernes."Napatigil si Ayla. Ang mechanical pencil na hawak niya ay tuluyang nalaglag sa carpet. "Dito po? Sa apartment natin, Mama?""Oo, anak. Para naman makilala namin nang mabuti si Kerem, at para na rin sa business connections ng Papa mo," nakangiting sabi ni Meryem bago bumalik sa kusina.Pakiramdam ni Ayla ay tuluyan nang gu

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 23: The Dawn of Reckoning

    Ang unang sinag ng araw pagkatapos ng gabi ng Biyernes ay walang dalang init—puro lamig at takot ang isinalubong nito.Nang idilat ni Ayla ang kanyang mga mata, napansin niyang nakahiga pa rin sila sa carpet ng sala, malapit sa pinto ng balkonahe. Ang kanyang magandang dark green dress ay lukot-lukot na, at ang mahaba niyang buhok ay nagkabuhol-buhol na sa ibabaw ng braso ni Defne. Sa tabi nila, ang baso ng alak na gumulong kagabi ay nag-iwan ng isang madilim na mantsa sa sahig.Mabilis na bumangon si Ayla, habang ang kanyang ulo ay sumasakit dahil sa matinding puyat at kaba. Tiningnan niya ang orasan sa dingding—alas-singko y media ng umaga.“Diyos ko, nandoon sina Mama sa kwarto nila,” isip-isip ni Ayla, habang ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa takot. Kung lumabas ang kanyang ina o si Papa Emin para uminom ng tubig at maabutan silang dalawa na magkasama sa sahig na amoy alak, doon na matatapos ang lahat.Dahan-dahan niyang niyanig ang balikat ng pintor. "Defne... Defne, gi

  • THE SPACES IN BETWEEN    Chapter 22: The Bitter Potion

    Dumating ang gabi ng Biyernes na may dalang kakaibang panlalamig sa buong uniberso nina Ayla at Defne. Alas-sais pa lang ng gabi, abala na si Ayla sa harap ng salamin sa loob ng kanyang kwarto. Nagsuot siya ng isang pormal na dark green dress na hapit sa kanyang katawan, at hinayaan niyang nakababa ang kanyang mahabang buhok, suklay na suklay at walang kahit isang hibla na magulo. Pero habang naglalagay siya ng pulang lipstick, nanginginig ang kanyang mga daliri. Tinitigan niya ang sarili sa salamin—ang mukha ng isang babaeng pilit na tumatakbo sa isang katotohanang nakasulat na sa kanyang puso.“Para sa pamilya 'to. Kailangan kong maging normal,” paulit-ulit na bulong niya, kahit na ang totoo ay parang sinusunog ang kanyang dibdib sa tindi ng guilt.Paglabas niya ng kwarto, tahimik ang apartment. Wala si Emin at Meryem dahil may dinaluhang hapunan para sa mga kasamahan sa negosyo. Wala rin si Defne. Ayon kay Meryem bago ito umalis kanina, kanapon pa raw walang kibo ang pintor at

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status