แชร์

Chapter 1: The Threshold

ผู้เขียน: Ansh Marie Toperz
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-19 17:40:39

Ang susi ay bumaon at na-stuck sa brass lock ng p***o ng apartment. Sobrang higpit at ayaw talagang umikot. Ayla exhaled a sharp breath sa sobrang inis, halos mamuti ang mga knuckles niya habang pilit na pinipihit ang metal ring. Sa likod niya, ang hallway ng residential building ay nakakabingi ang katahimikan, amoy lumang wax ng sahig at may kaunting bango ng ulam na niluluto ng kung sinong kapitbahay.

"You're going to break it bago pa man tayo makapasok sa loob," isang boses ang bumulong mula sa likod ng balikat niya.

Hindi lumingon si Ayla. Hindi naman na kailangan. Nagkasama lang naman sila sa loob ng apatnapu't limang minuto sa masikip na Grab car, nakaupo sa tabi ni Defne, at grabeng awareness ang naramdaman niya tuwing umuurong ang sasakyan at nagkakadikit ang mga balikat nila.

"I am not going to break it," sabi ni Ayla. Ang boses niya ay clipped at pilit na pinananatili ang pormal at malamig na tono na ginagamit niya kapag sinusubukan niyang huwag magwala sa galit. "Medyo matanda lang talaga 'yung lock. Sabi ni Mama, nangako raw ang landlord na lalagyan ng langis bago natin i-move ang mga gamit natin."

"Well, your mother’s landlord lied," sabi ni Defne na may halong pangaasar.

Bago pa man makapagreklamo si Ayla, isang kamay ang biglang dumaan sa gilid ng pisngi niya. Ang mga daliri ni Defne—mahahaba, payat, at may kaunting dumi pa ng charcoal dust malapit sa hinlalaki—ay biglang humawak sa mismong ibabaw ng kamay ni Ayla na nasa susi. Hindi niya tinulak palayo si Ayla; sa halip, binalot niya lang ang mas maliit na kamay nito gamit ang sarili niyang palad, sabay diin paitaas bago pinihit ang susi pakaliwa.

Click.

Bumukas ang mabigat na wooden door, at tumambad sa kanila ang isang madilim at makipot na entryway.

Ayla froze for a fraction of a second. Ang kamay niya ay tila nakakulong pa rin sa ilalim ng palad ni Defne. She could feel the heat radiating mula sa balat ni Defne, isang malaking kataliwasan sa sarili niyang mga daliri na laging malamig. Higit pa sa init na 'yon, naamoy niya rin ito—isang kakaiba, matapang ngunit nakakarelax na amoy ng nadurog na bay leaves na may halong amoy ng oil paint. Sobrang lapit nila sa isa't isa, nakatayo sa threshold ng lugar na magiging bagong tahanan nila.

Agad na hinila ni Ayla ang kamay niya pabalik, halos ihulog ang mga susi sa loob ng kanyang canvas tote bag. "Thank you," sabi niya, mas matigas ang boses kaysa sa inaasahan niya. "Kaya ko naman sana."

"Sure you could have. In another hour, siguro," kaswal na sagot ni Defne. Kinuha niya ang kanyang mabigat na duffel bag at isang nakabalot na malaking canvas mula sa sahig, sabay lakad papasok sa apartment nang hindi man lang naghihintay na ayain.

Ang apartment ay isang simpleng dalawang-kwartong space malapit sa university campus, na binabayaran mula sa pinagsamang pera ng kanilang mga bagong kasal na magulang. Ang ideyang ito ay galing kay Meryem—isang paraan daw para "makatipid sa dorm fees" pero ang totoo, halata namang plano lang ito para pilitin si Ayla at ang anak ni Emin na maging close. “Mag-aaral din naman kayo sa iisang siyudad, mas maganda kung magkasama na kayo!” excited na sinabi ni Meryem noon sa isang family dinner, habang ang mga mata nito ay kumikinang sa pangarap na magkaroon ng isang perfect, blended family.

Parehong ayaw nina Ayla at Defne sa setup na ito. Pero masyadong masunurin si Ayla para hayagang kontrahin ang kagustuhan ng kanyang ina, habang si Defne naman ay mukhang masyadong mapang-api at walang pakialam para makipag-away pa.

Naglakad si Ayla patungo sa sala. Halos walang laman ang espasyo, maliban sa isang lumang velvet sofa na iniwan ng nakaraang tenant at ilang cardboard boxes na nakatambak sa sulok. Ang sikat ng araw ay pumasok mula sa malalaking arched windows, na nagbibigay-liwanag sa mga alikabok na sumasayaw sa hangin.

"Ang kwarto sa kaliwa ay akin," anunsyo ni Ayla, habang itinuturo ang p***o sa dulo ng maikling pasilyo. "Dumating na ang mga kahon ko kahapon, kaya na-claim ko na 'to."

Ibinaba ni Defne ang kanyang duffel bag sa velvet sofa, at narinig ang mahinang tunog ng lumang foam sa bigat nito. Naglakad siya patungo sa ikalawang kwarto sa kanan, tinulak ang p***o gamit ang kanyang paa. Tumayo siya sa may pintuan ng ilang sandali, tinitingnan ang loob ng silid.

"Fine by me," sabi ni Defne habang humaharap muli kay Ayla. Sumandal siya sa hamba ng p***o at nagkuwento habang naka-cross ang mga braso sa dibdib. Nakasuot siya ng oversized flannel shirt ngayon, nakatupi ang mga manggas hanggang siko, kaya kita ang maputing balat ng kanyang forearms. "Mas maganda ang pasok ng liwanag sa parteng ito. Better for my paintings."

"Good. Then we have no issues," sagot naman ni Ayla. Naglakad siya patungo sa maliit na kitchen alcove, sinusubukang maghanap ng magagawa para lang hindi magmukhang ilang. Binuksan niya ang isang cupboard, nakitang walang laman, at sinara rin agad. Ang katahimikan sa pagitan nila ay nagsimulang humaba, mabigat at awkward.

"Look," biglang pagsasalita ni Defne, na naging dahilan para mawala ang nakasanayan nitong sarcastic tone.

Tumingala si Ayla, medyo cautious at naghihintay sa susunod na sasabihin nito.

Hinaplos ni Defne ang likod ng kanyang leeg, nakatingin sa labas ng bintana imbes na kay Ayla. "We both know why we're here. Inisip ng mga magulang natin na kung ikukulong nila tayo sa iisang kwarto nang matagal, magiging magkaibigan tayo, magbe-braid ng buhok ng isa't isa, at mag-uusap tungkol sa mga lalaki. It's ridiculous."

Naramdaman ni Ayla ang isang kakaibang kirot o buhol sa kanyang tiyan. "I don't think it's ridiculous para sa kanila na gustuhing magkasundo tayo, Defne."

"Ang magkasundo ay iba sa pinipilit na maging magkapatid kahit hindi naman natin hiningi," sagot ni Defne, habang ang madidilim nitong mga mata ay tumitig nang diretso sa mukha ni Ayla. "I have my own life. You have yours. Ikaw, architecture ang pangarap mo, may maayos kang schedule at matataas na grado. Ako naman, may sarili akong studio hours. Let’s just make a deal."

Ikiniling ni Ayla ang kanyang ulo. "What kind of deal?"

"A boundary deal," sabi ni Defne, habang humahakbang nang ilang beses papalapit. Huminto siya mismo sa dulo ng kitchen linoleum, nirerespeto ang invisible line na naghihiwalay sa kanila. "We share the rent, we share the kitchen, at sisiguraduhin nating hindi masusunog ang bahay. Pero walang pakialaman. No uninvited guests sa mga common areas pagkatapos ng alas-diyes ng gabi. No touching each other's food. At higit sa lahat, walang plastikan na parang pamilya tayo kapag nakasara ang p***o. Deal?"

Tinitigan ni Ayla si Defne. May isang hilaw at purong katapatan sa mga mata nito na parehong nakakatakot at nakakairita para sa kanya. Sanay si Ayla sa mga plastik na ngiti at mabubuting salita para lang maiwasan ang away. Si Defne naman ay parang isang matalim na bato—ayaw magpa-smooth sa agos.

Pero sa kabilang banda, napaka-practical ng alok nito. Proteksyon ito para kay Ayla para hindi na niya kailangang pilitin ang isang relasyon na hindi naman niya alam kung paano sisimulan.

"Deal," matapang na sabi ni Ayla. Inilahad niya ang kanyang kamay.

Tiningnan ni Defne ang nakalahad na kamay ni Ayla. Isang maliit at misteryosong ngiti ang sumilay sa sulok ng mga labi nito. Inabot niya ito at nakipagkamay, mabilis ngunit mahigpit ang hawak.

The touch lasted less than two seconds. Pero habang bumibitaw si Defne at pumasok sa kanyang kwarto, sabay sara ng p***o nang dahan-dahan, naiwan si Ayla na mag-isa sa kusina. Ang palad niya ay nananatiling mainit, at ang pakiramdam ng balat ni Defne ay tila naiwan doon tulong ng isang unwanted brand. Pinunasan niya ang kanyang kamay sa kanyang pantalon, sinusubukang alisin ang pakiramdam, ngunit ang tahimik na apartment ay biglang nagmukhang mas masikip at mas maliit kaysa noong unang hakbang niya rito.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 25: The Breaking Point

    Nakaalis na ang pamilya ni Kerem. Ang apartment ay bumalik sa isang nakabibinging katahimikan pagkatapos ng pormal na haponang iyon. Pumasok na sa master’s bedroom sina Meryem at Emin, pagod sa mahabang gabi ng pakikipag-usap tungkol sa negosyo at sa "magandang kinabukasan" nina Ayla at Kerem sa arkitektura.Ngunit para kay Ayla, ang gabi ay nagsisimula pa lang.Pumasok siya sa kanyang kwarto, mabilis na isinara ang pinto, at sumandal doon habang hinahabol ang kanyang hininga. Ang kanyang pormal na dress ay tila ba sumasakal sa kanya, at ang bahagi ng kanyang kamay na hinawakan ni Kerem sa harap ng lamesa ay nararamdaman niyang napakalamig. Ang matinding guilt at takot ay tuluyan nang humalo sa kanyang sistema.“Mali 'to. Masisira ang lahat,” bulong niya sa dilim ng kanyang silid habang binubura ang kanyang pulang lipstick gamit ang nanginginig na mga daliri.Bago pa man niya matanggal ang natitirang kolorete, narinig niya ang marahas na pagbuka ng kanyang pinto. Walang katok. Walang

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 24: The Dinner Party Trap

    Ang mga sumunod na araw ay naging parang isang mabilis na tren na walang preno. Bago pa man tuluyang makahinga si Ayla mula sa muntikang pagkabuko ng basahan na amoy alak, isang panibagong pasabog ang inihanda ng tadhana. Isang gabi, habang nag-aayos siya ng kanyang mga gamit sa sala, masayang lumapit si Meryem sa kanya."Ayla anak, may magandang sorpresa si Papa Emin mo," sambit ni Meryem habang nakahawak sa mga balikat ng anak. "Nakausap niya ang pamilya ng kaklase mong si Kerem. Kilala pala ni Emin ang tatay ni Kerem sa industriya ng construction sa Istanbul! Kaya naisipan naming imbitahan sila rito sa apartment para sa isang pormal na hapunan ngayong Biyernes."Napatigil si Ayla. Ang mechanical pencil na hawak niya ay tuluyang nalaglag sa carpet. "Dito po? Sa apartment natin, Mama?""Oo, anak. Para naman makilala namin nang mabuti si Kerem, at para na rin sa business connections ng Papa mo," nakangiting sabi ni Meryem bago bumalik sa kusina.Pakiramdam ni Ayla ay tuluyan nang gu

  • THE SPACES IN BETWEEN    🚪 Chapter 23: The Dawn of Reckoning

    Ang unang sinag ng araw pagkatapos ng gabi ng Biyernes ay walang dalang init—puro lamig at takot ang isinalubong nito.Nang idilat ni Ayla ang kanyang mga mata, napansin niyang nakahiga pa rin sila sa carpet ng sala, malapit sa pinto ng balkonahe. Ang kanyang magandang dark green dress ay lukot-lukot na, at ang mahaba niyang buhok ay nagkabuhol-buhol na sa ibabaw ng braso ni Defne. Sa tabi nila, ang baso ng alak na gumulong kagabi ay nag-iwan ng isang madilim na mantsa sa sahig.Mabilis na bumangon si Ayla, habang ang kanyang ulo ay sumasakit dahil sa matinding puyat at kaba. Tiningnan niya ang orasan sa dingding—alas-singko y media ng umaga.“Diyos ko, nandoon sina Mama sa kwarto nila,” isip-isip ni Ayla, habang ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa takot. Kung lumabas ang kanyang ina o si Papa Emin para uminom ng tubig at maabutan silang dalawa na magkasama sa sahig na amoy alak, doon na matatapos ang lahat.Dahan-dahan niyang niyanig ang balikat ng pintor. "Defne... Defne, gi

  • THE SPACES IN BETWEEN    Chapter 22: The Bitter Potion

    Dumating ang gabi ng Biyernes na may dalang kakaibang panlalamig sa buong uniberso nina Ayla at Defne. Alas-sais pa lang ng gabi, abala na si Ayla sa harap ng salamin sa loob ng kanyang kwarto. Nagsuot siya ng isang pormal na dark green dress na hapit sa kanyang katawan, at hinayaan niyang nakababa ang kanyang mahabang buhok, suklay na suklay at walang kahit isang hibla na magulo. Pero habang naglalagay siya ng pulang lipstick, nanginginig ang kanyang mga daliri. Tinitigan niya ang sarili sa salamin—ang mukha ng isang babaeng pilit na tumatakbo sa isang katotohanang nakasulat na sa kanyang puso.“Para sa pamilya 'to. Kailangan kong maging normal,” paulit-ulit na bulong niya, kahit na ang totoo ay parang sinusunog ang kanyang dibdib sa tindi ng guilt.Paglabas niya ng kwarto, tahimik ang apartment. Wala si Emin at Meryem dahil may dinaluhang hapunan para sa mga kasamahan sa negosyo. Wala rin si Defne. Ayon kay Meryem bago ito umalis kanina, kanapon pa raw walang kibo ang pintor at

  • THE SPACES IN BETWEEN    Chapter 21: The Architecture of Denial

    Nagsimula ang bagong linggo na may dalang kakaibang bigat sa dibdib ni Ayla. Ang mainit at nakakapapasong halik ni Defne sa likod ng nakasarang pinto noong isang gabi ay naging mitsa ng isang matinding takot sa loob ng kanyang sistema. Pumasok siya sa yugto ng matinding guilt. Sa tuwing nakikita niya ang kanyang ina na si Meryem na masayang naghahanda ng almusal para kay Emin, pakiramdam ni Ayla ay unt-unti niyang winawasak ang kaligayahan ng pamilya sa bawat segundong ninanakaw nila ni Defne sa dilim.“Kailangan ko 'tong patigilin. Kailangan kong bumalik sa tamang linya,” paulit-ulit na utos ng utak ni Ayla habang mabilis na naglalakad sa campus. Ang kanyang mahabang buhok ay mahigpit na nakatali, isang simbolo ng kanyang pilit na pagbabalik sa kaayusan at disiplina.Para takasan ang lumalalang nararamdaman at ang mapang-akit na presensya ng pintor sa loob ng apartment, nagpasya si Ayla na gumawa ng isang radikal na hakbang. Pagpasok niya sa Architecture building, hinanap niya agad

  • THE SPACES IN BETWEEN    Chapter 20: The Frame of Deception

    Ang tunog ng napupunit na brown paper ay parang bawat piraso ng kontrol na unt-unting nawawala sa katawan ni Ayla. Habang dahan-dahang hinahila ni Defne ang balot, ang puso ng arkitekto ay marahas na pumapalo sa kanyang dibdib, parang isang structural column na may malaking lamat at malapit nang gumuho. Napakapit si Ayla sa likod ng velvet sofa, ang kanyang mahabang buhok ay nakalaylay sa kanyang mga balikat habang pigil-hininga siyang nakatitig sa canvas.Nang tuluyang matanggal ang papel, tumambad sa gitna ng sala ang pinakabagong obra ni Defne.Ang painting ay isang abstract masterpiece ng sikip at init. Dominante ang kulay Prussian Blue at Titanium White na naghahalo sa isang makipot at madilim na espasyo. Sa gitna ng canvass, kitang-kita ang dalawang silweta ng babae na may mahahabang buhok, magkayakap, nagkakagulo ang mga hibla sa dilim, at tila ba nalulunod sa isa't isa habang may isang manipis na gintong liwanag ang sumisilip mula sa ibaba. Ito ang anatomy ng kanilang madaling

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status