“I'M in love with you Miss L, so much,” hindi siya nakapagsalita sa narinig. At sa isang iglap ay nahilam ng luha ang kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan.
“Hindi ako nagkamali ng naramdaman when I first laid my eyes on you nung Foundation Ball. That my wait is over,” anito.
TATLONG magkakasunod na katok sa pinto at iniluwa niyon si JV. Maluwang siyang napangiti sa pagkakakita sa nobyong pumasok sa loob ng dressing room. “Hello, na miss kita alam mo ba?” anitong nilapitan siya saka mabilis na hinalikan sa mga labi kaya siya malakas na napasinghap. “isang linggo na kitang nahahalikan pero hanggang ngayon hindi ka parin sanay?” anitong ang tinutukoy ay an
BIYERNES ng gabi, pinayagan siya ng parents niya na sa bahay nina Hara siya matulog dahil maaga ang biyahe nila ni JV kinabukasan pa-Pangasinan. Sa komedor ay nakasabay niya sa hapunan ang buong pamilya ng binata.Agad din niyang napuna ang biglang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Carmela. Hindi na pailalim ang mga sulyap nito sa kanya. At higit sa lahat nginingitian at inaasikaso na siya ng ginang.
KINAGABIHAN matapos ang hapunan ay agad siyang inihatid ni JV sa cottage niya.“Hindi ka pa ba matutulog?” nasa tapat na sila noon ng cottage niya.“Nagyaya
KINABUKASAN dahil parehong maaga ang labas, napagkasunduan nila ni JV na manood ng sine. Excited pa siyang lumabas sa huling klase nila dahil alam niyang nasa parking lot na ang nobyo at naghihintay sa kanya. Pero iyon nalang ang pagkadismayang naramdaman niya nang mamataang naglalakad sa mismong corridor ng building nila si Lloyd.“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?”
“ANONG oras ang labas mo bakit ngayon ka lang?” sita sa kanya ni Lloyd nang pasukin siya nito sa loob ng kanyang kwarto kinagabihan.Nagulat siya sa ginawing iyon ng kapatid.“Ano ka ba kuya kumatok ka naman muna!” hindi niya napigilang hindi mainis sa ikinilos nito saka isinara ang sinusulatang diary.
GINAGAP ni JV ang palad ni Vinnie matapos marinig ang kwento nito. Pagkatapos ay maingat niyang kinabig ang nobya saka mahigpit na niyakap. Nasa loob sila noon ng Guildhall sa kagustuhan nilang magkaroon ng privacy.“Hindi ko niligawan si Cassandra, believe me. At hindi rin naging kami, sana maniwala ka” aniya habang masuyong hinahagod ang likuran ng umiiyak niyang nobya.
MAHIGPIT na napakapit si Vinnie sa handrail ng traysikel na kinalululanan niya nang hapong iyon. Galing siya ng eskwela at minabuting huwag ng magpahatid kay JV sa kabila ng pagpupumilit nito. Nag-aalala kasi siyang baka magalit lang si Lloyd kapag nakita nito ang binata. Ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo ang mga magulang nila lalo na at wala paring alam ang mga ito sa problema nila ng kuya niya kahit pa malamang ay napapansin na ng mga itong kibuin-dili siya nito.
ISANG oras ang itinagal ng operasyon habang apat na oras naman ang blood transfussion. Matapos iyon ay nailipat narin si Vinnie sa isang private room. Doon narin niya minabuting magpahinga kasama ang dalaga na nang mga sandaling iyon ay nanatili paring tulog.Tatlong araw matapos niyon ay pinayagan narin si Vinnie na lumabas ng ospital at sa bahay na tuluyang magpagaling. Sa mga panahong iyon ay nanatili la