LOGINElysia’s POV “I'm sorry.” nakatungong paumanhin ko, hindi ko kayang tingnan ang kung sino man sa kanilang dalawa ngayon. Hindi ko na kinakaya ang tension na namamagitan sa kanilang dalawa. It's suffocating me. “Akala ko ikaw si Kellan.” Nakatayo siya sa pintuan ng balcony, ang mga mata niya ay unti-unting nagliliyab sa galit. I've never seen him this mad. Hindi ito ang malamig at kontroladong Kyler na kilala ko. Ito ang Kyler na may gustong wasakin pero halatang sobra itong nagpipigil ngayon dahil sa sinabi ng kambal niya. Naglakad siya palapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa pulso. He was never like this before, ngayon lang talaga siya nagkakaganito. "Go inside." matigas na utos niya sa 'kin. “Kyler—” angal ko pero agad niya ring pinutol. “Inside,” he glared at me. Tumango na lang ako. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil alam kong wala akong laban sa tono niyang iyon. Habang naglalakad ako pabalik ng kwarto, naririnig ko pa ang boses ni Kellan sa likuran. “You shoul
Elysia's POV Hindi ko agad tinignan ang folder sa kamay ni Kyler. Mas natakot ako sa paraan ng pagtitig niya. “Sit,” hindi iyon pakiusap kundi utos. Umupo ako sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay ko kahit pinipilit kong maging kalmado. Isinara niya ang pinto ng kwarto ko bago lumapit at inilapag ang folder sa mesa. “Do you know what this is?” tanong niya. Umiling ako, hindi ko siya matingnan sa mga mata kahit wala naman akong ginagawa. Binuksan niya ang folder. Mga litrato. My breathing hitched when I saw what it's about. Mga kuhang larawan ko iyon sa gala. Nakangiti sa isang executive. Nakikipag-usap sa isang foreign investor. May kuha pang may hawak akong champagne glass, parang masyadong komportable. “This is how you look,” sabi ni Kyler sa mababang boses, “when you forget your place.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” napabulong ako. “You were too visible,” tugon niya. “Too friendly. Too… free.” Parang sumikip ang dibdib ko. Free ba 'ka mo? If this is what being fr
Elysia's POV Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang paraan ng pagngiti ni Seraphina o ang paraan ng pagtitig ni Kyler sa kanya. Parang may lihim silang wika na sila lang dalawa ang nakakaintindi at hindi ako kasama roon. “Seraphina is… an old acquaintance,” sa wakas ay pagpapakilala sa akin ni Kyler sa kaniya, parang kulang pa sa paliwanag pero sapat na para tapusin ang usapan. Old acquaintance pala ha? Kung ganoon, bakit parang may parte ng pagkatao niya na biglang nabuhayan nang magsalubong ang mga tingin nila kanina? Isang parte na kahit kailan ay hindi niya nakuhang ipakita sa akin. “Nice to finally meet you,” sabi ni Seraphina sa akin, mahinhin lang ang boses niya. “I’ve heard… a lot about you.” Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam kong pinipilit niya lang akong pakisamahan kasi nandito si Kyler. “Likewise,” sagot ko na lang at pinilit ang sariling ngumiti. Humakbang siya palapit sa akin, sapat na para maamoy ko ang pabango niya. Amoy mamahalin at matapang. Her sm
Elysia's POV Tahimik ang loob ng munisipyo. Masyadong tahimik para sa isang araw na dapat puno ng saya. Nakatayo ako sa harap ng marriage officer, hawak-hawak niya ang mga papeles. Nakasuot naman ako ng isang simpleng puting bestida na mas mukhang pang-interview kaysa pangkasal. Walang belo. Walang bulaklak. Walang luha. Sa tabi ko naman ay ang nag-iisang Kyler Sage Athienza, ang lalaking papakasalan ko sa loob ng limang minuto. Gwapo. Matangkad. Pero ni minsan ay hindi man lang dumapo sa 'kin ang mga malalamig niyang mga mata. Diretso lang ang tingin niya sa harap na para bang hindi kasal ang pinapasok kundi isang kontratang kailangan lang pirmahan. “Miss Elysia Lior Mortel,” panimula ng marriage officer, “do you take Kyler Sage Athienza as your lawful wedded husband?” Huminga ako nang malalim. Ito na ‘yon. Wala nang atrasan. “Yes,” mahinahong sagot ko. Hindi ako masaya, hindi rin ako nakakaramdam ng kaba. Just feeling empty. Dahil na rin siguro matagal ko nang inihanda a
Elysia's POV "Kellan, your brother took a leave from work. Baka mahuli tayo." Akma siyang hahalik ulit sa 'kin pero pinigilan ko na naman siya. "Not now, Ely. Enough with your excuses already. I want you now," reklamo niya at siniil ako ng mapusok na halik sa labi. Tumama ang likod ko sa malamig na semento nang marahas niya akong isinandal sa pader and pinned both of my hands above my head while his other hand was gripping my waist. "I'm not making excuses, Kellan. He's really just downstairs." "Yeah right," he snorted. Mahahalata sa tono ng pananalita niya na hindi talaga siya naniniwala sa akin. "My brother is workaholic, Ely. Slacking off isn't his thing. So try something else to fool me." Pero nandoon nga lang si Kyler sa baba, he even called me out to join him for breakfast pero tumanggi ako. What changed? Naputol ang pag-iisip ko nang ibinaling ni Kellan ang ulo ko sa gilid para mahalikan ako ng husto sa leeg. Hindi na ako nakapalag pa dahil nag-uumpisa na ring mag-in







