تسجيل الدخولElysia's POV
Marahas niyang hinablot ang magkabilang pulso ko at ipininid iyon sa magkabilang gilid ko.
Tiningnan niya ako na para bang isa akong pagkain na handa niyang lantakan anumang oras ngayon. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin.
Kumalabog ng husto ang puso ko dahil ito pa nga ang unang beses na gagawin namin 'to sa ilang taon na pagsasama namin.
Tumigil ang paghinga ko at napapikit ng mariin nang makita kong sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.
Hinintay kong maglapat ang mga labi namin pero ilang segundo o minuto na ang lumipas pero wala pa rin. Ni hindi ko nga siya naramdamang gumalaw sa ibabaw ko.
I opened my eyes to see him smirking.
He chuckled, “Is that how you expected Kyler to do?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
Binitawan niya na ang mga kamay ko pero nanatili pa rin siyang nakakubabaw sa akin.
Namali ba ako ng kwartong pinasukan?
Buong lakas ko siyang itinulak dahilan para maalis siya sa ibabaw ko at diretsong sumalampak sa sahig.
He grunted, “Was that necessary?”
Nilukob ng inis ang sistema ko.
“And did you also think this was necessary?” inis na bulyaw ko sa kaniya habang ipinapakita ang punit sa damit ko.
Agad na naalis ang iritasyon sa mukha niya at sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi niya.
“Just a reminder,” tumayo na siya at inayos ang sarili, “That’s what you get for mistaking me for my brother. Again, Elysia.”
There's something about the way he said my name that makes me feel a forbidden tingling sensation in between my legs.
This is bad. Really bad.
“At sa susunod na magkakamali ka, hindi lang iyan ang aabutin mo,” dagdag niya pa. “Hindi na ako magpipigil ng ganito.”
I gasped hysterically, “Kasalanan ko bang magkamukhang-magkamukha kayo?”
“It's certainly not your fault, but you should at least be able to tell the difference,” he shrugged.
“Well magkaiba kayo ng boses kagabi pero...” napaisip ako sandali.
“Pero ano?” untag niya.
“Pero ngayon—” he cut me off.
“What's the matter?” he's got this playful smile plastered on his lips now. “Hindi mo ba narinig ang paos na boses ng asawa mo tuwing gabi? O sa umaga?”
Why do I have this feeling na alam niya naman ang sitwasyon ko at gusto niya lang akong asarin?
He's too playful to not know anything.
“I, well...” nangapa ako ng sasabihin pero napatingin ako sa kaniya ng mahina siyang natawa.
“Why are you in another room, by the way?” takang tanong niya. “Ganiyan ba kayo mag-away?”
Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Tumayo na ako para humanda ng umalis.
“E ikaw, bakit nandito ka sa kwarto niya?” I blurted out, trying to change the topic.
“Kwarto niya?”
Hindi ko na talaga alam ang sasabihin. Bakit nga ba hindi ko na lang sabihin sa kaniya ang totoo? Ewan ko ba.
“Sagutin mo na lang, pwede?”
Tumawa lang siya at naghanap na ng susuotin.
“He's in the other room,” he trailed off. “With another woman.”
Naikuyom ko ang kamao at napahawak ng mahigpit sa punit kong damit.
“Why don't you go and see for yourself,” suhestiyon niya.
Akala niya siguro hindi ako naniniwala sa kaniya.
“No need,” matigas na tugon ko at lumabas na para magpalit ng damit sa kwarto ko.
Once I'm done, I went downstairs for breakfast kahit pa wala akong ganang kumain. Maya-maya pa, nakita kong bumaba ng hagdan ang magaling kong asawa at ang kabit niya.
The worst part is, Serafina had the audacity to wear his polo na hanggang hita niya lang. I don’t even know if she’s wearing a bra or something.
Habang tinitignan ko sila ay para akong sinampal ng katotohanang off-limits sa 'kin ang sarili kong asawa.
Serafina was walking beside Kyler like she owned the damn house. Like she owned him.
At ang asawa ko?
He looked calm. Too calm. Parang walang ginagawang kasalanan ngayon sa harapan ko. Na para bang hindi ako ang legal na asawa niya.
Huminto ang dalawa sa huling baitang ng hagdan nang mapansin nila ako sa dining area.
Serafina’s lips curved slowly.
“Good morning, Ely.” malambing ang boses niya pero halata sa mukha niyang nakikipagplastikan na naman siya sa akin.
How dare my husband's mistress call me na para bang close kami?
The nerve.
“It’s Mrs. Athienza for you,” malamig kong sagot habang dahan-dahang inilapag ang kutsara.
Naglakad na sila palapit sa table.
Serafina looked irritated sa naging tugon ko kanina but it changed when Kyler pulled a chair for her.
She gave him a sweet smile and I rolled my eyes.
Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Kyler. Dire-diretso niya lang na pinagsisilbihan si Serafina.
“Take a seat,” he told her softly.
Ang kapal rin talaga ng apog nito. Like I get it, alright? Hindi ako iyong mahal niya pero kailangan ba talaga sa harap ko sila maglandian?
Umupo si Serafina at inangat ang tingin sa akin. “Grabe, you look tired. Didn’t sleep well?”
Bumuntong-hininga ako. Nananahimik na nga ako rito e. Ano pa ba ang gusto niya?
“Well,” I straightened my back. “Kung nakakatulog ka ng mahimbing bilang kabit, manahimik ka na lang sa harap ng tunay na asawa.”
By the look of her face, alam kong affected siya sa sinabi ko.
“That's enough, Elysia.”
Kyler finally looked at me. His eyes were dark. Dangerous and calculating.
“You've said enough,” dagdag niya pa.
Mapait akong napatawa. “Nagdala ka ng babae mo rito. What do you expect me to do? Throw a party for you?”
His eyes glistened with emotions I couldn't name because it vanished in a split second.
That's probably because hindi siya sanay na sinasagot-sagot ko siya ngayon. All these years I remained as the woman he wanted me to be.
Mute and dumb.
Always obeying his orders with no questions asked. He never once treated me as his wife.
“We didn't do anything,” kapagkuwan ay mahinahong paliwanag niya, or better yet, pagsisinungaling niya. “She's just too scared of the thunder last night.”
“Pinunit ba ng kidlat iyong damit niya kaya suot-suot niya ang polo mo?” sarkastikong tanong ko as I glance at them habang sumisimsim mula sa baso ng kape.
I saw how his jaw tightened.
“She doesn't have anything else to wear. We'll shop for her clothes today.”
I snorted, “Makikipag-live in na lang, hindi pa nagdala ng sariling damit.”
“Elysia,” he warned.
Hindi ko na talaga kinaya at padabog akong tumayo.
“Sumu-sobra ka na, Kyler e!” I was at the brink of wrecking everything in the damn table pero parang natutuwa pa si Serafina.
“Alam ko namang hindi ako ang mahal mo but you could've at least had the decency to flirt with your mistress elsewhere. Asawa mo pa rin ako at bahay ko pa rin ito kaya may karapatan pa rin ako dito!”
Taimtim niya akong tinitigan habang nagtatagis ang bagang.
“Finish your food,” utos niya pa. “We'll talk later.”
“Ayokong makipag-usap,” angal ko. “Lalo na sa 'yo!”
“Just sit, Elysia!” his voice roared. “Tapusin mo ang pagkain mo. I don't want the Mortels to think I'm starving you here.”
Iyon lang ba talaga? Gano'n lang ba talaga iyon?
“No worries, we'll eat outside.”
We all froze.
Kellan’s voice echoed from the stairs.
Hindi man lang namin napansin ang pagbaba niya.
He's leaning casually against the railing, arms crossed, amused eyes watching the entire scene na para bang isa kaming entertainment.
Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin.
“Breakfast drama?” he asked lightly. “Did I miss anything interesting?”
Kellan walked toward us, unbothered. He stopped beside me at ang lapit niya na naman. Does he even know what personal space is?
“Where would you like to eat, Ely?” tanong niya na para bang hindi ako kasal sa kakambal niyang nasa harapan namin ngayon.
My cheeks burned as Kyler’s dark gaze snapped toward him.
“Stay out of this,” Kyler said coldly.
Ngisi lang naman ang naging tugon sa kaniya ni Kellan.
“Hard to stay out when it’s happening in the middle of the house.”
“You're not going anywhere with him, Elysia. We just talked about it last night and you're already violating our post-nuptial agreement.”
Kyler’s voice pulled my attention back to him. Napansin ko rin ang pagiging iritable ni Serafina sa tabi niya.
“Bakit?” I snapped at him. “Hindi ko pa naman napipirmahan iyon kasi abala ka pa sa babae mo, 'di ba?”
Kyler’s glare darkened.
“Stay or you'll regret it later.”
Magsasalita pa sana ako nang maunahan ako ni Serafina.
“Hayaan na natin sila, Ky,” anang malambing niyang boses. “We'll go shopping anyway, right?”
Parang nahimasmasan naman si Kyler at mukhang ngayon niya lang naalalang may kabit siyang kailangang atupagin.
Sa huling pagkakataon, dumako ang madidilim niyang mga mata sa amin.
“Bring her back in an hour or I'll hunt you down,” malamig na banta niya sa kapatid.
Right there and then, an idea crossed my mind. Si Kellan lang ang nakakapag-trigger sa kaniya ng ganito. Might as well use my chances to make him go mad.
No matter who I end up with, I wouldn't lose my title as Mrs. Athienza anyway.
So may the best cheater wins.
Seraphina’s POV “Argh!” I groaned nang hindi na naman sagutin ni Kyler ang tawag ko, ni hindi niya man lang ni-replyan ang sandamakmak na texts ko. Kaninang umaga ko pa siya tinatawagan at sa tuwing hindi niya sinasagot ay nagte-text naman ako. Hanggang sa gumabi na ay hindi niya pa rin ako sinasagot. This is really getting out of hand at kasalanan 'to ng Elysia na iyon. Nakaka-frustrate talaga ang mga nangyayari between me and Kyler these days. Parang nakatuon na kay Elysia lahat ng atensyon niya. Akala ko ba ako ang mahal niya? Inisang lagok ko ang natitirang alak sa basong hawak ko at padabog iyong inilapag sa counter. Sa sobrang frustrated ko kasi ay naisipan kong magpakalasing sa bar na 'to. I texted Kyler where to find me anyway. Ewan ko na lang talaga kapag hindi niya ako sinundo dito. “Miss, can I buy you another drink?” Galit kong binalingan ng tingin ang lalaking tumabi ng upo sa 'kin dito sa may bar counter. He's obviously flirting with me and I don't
Kellan's POV “I’ll just make sure she never wants to leave.” Matagal akong nanatiling nakatayo sa tapat ng nakasaradong pinto habang nakakuyom ang mga kamao at matatalim ang mga matang nakatitig doon na para bang ito ang may kasalanan sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Fuck. Umigting ang panga ko nang maalala ang nangyari. Ni hindi man lang ako nakaraos, I was almost there. Damn it! My hand instinctively moved to my lips where a small cut is still fresh gawa ng pagkakasuntok sa akin ng putang-inang kapatid ko. Nalalasahan ko mula roon ang sariling dugo. “Shit,” I groaned nang subukan kong hawakan at igalaw ang panga ko. It was pretty painful actually. But despite the beating, I won't accept defeat. Not yet. At sa ngayon, what would I do? What I always do—play the long game. I let out a dark laugh. Wala na akong pakialaman kung may makakita man sa akin na tumatawa nag-isa. I just find the thought funny. Alam ko naman ang galawan ng kapatid mo. Kaya alam kong Ky
Kyler's POV I slam the door shut behind me after dragging Elysia inside my room, my chest heaving with barely controlled rage. Napako ang tingin ko sa kaniya. She looks disheveled and vulnerable. Now I can't keep my mind to replay the scene I had just witnessed where she's still on that bed being touched by another man. Being touched by my own twin brother. I can't believe just what the fuck happened. “I’ll just make sure she never wants to leave.” Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay natahimik na ang bastardo kong kapatid sa labas ng pinto. Kailangan niya talaga munang lumayo-layo sa akin ngayon at baka mapatay ko siya ng wala sa oras. I gritted my teeth. Hindi ibig sabihin na porket hindi ko siya napuruhan ay hindi ko na siya kayang bugbugin ng husto hanggang sa mawalan na siya ng hininga. Nabalik ako sa realidad nang maramdaman kong pilit na pumiglas si Elysia mula sa pagkakahawak ko, in which she succeeded. "You think you can just give your
Elysia’s POV “Kyler—stop!” Halos madapa ako habang hinihila niya ako sa hallway. His grip on my wrist was iron. Masakit. Hindi ko alam kung mas nangingibabaw ang sakit o ang takot. “Kyler!” ulit ko, pilit na humihila pabalik. “You’re hurting me!” Pero parang wala siyang naririnig. Hindi siya lumilingon. Hindi rin siya bumabagal. Tahimik lang siyang naglalakad, pero ramdam ko ang galit na kumukulo sa bawat hakbang niya. The hallway felt longer than usual. Every second stretched painfully. Sa likod ko, naiwan si Kellan. Hindi ko alam kung sumunod ba siya o hindi. Pero kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang mga mata niyang nakatuon sa amin. My heart pounded violently. “Kyler, please—” Bigla siyang tumigil. Halos bumangga ako sa likod niya. Bago pa ako makapagsalita ulit, bigla niya akong hinila papasok sa isang kwarto. Malakas na sumara ang pinto. Napatili ako nang itulak niya ako sa loob. Napasandal ako sa malamig na pader. Humahabol
Elysia’s POV Nanigas ang buong katawan ko. Parang may malamig na tubig ang ibinuhos sa ulo ko nang marinig ko ang boses na iyon. Malalim. Mababa. At galit na galit. “Elysia?!” Unti-unti kong ibinaling ang ulo ko sa pintuan. Nakatayo roon si Kyler. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon, pero ang itsura niya ngayon ay parang isang lalaking nakakita ng eksaktong bagay na pinakakinatatakutan niya. His dark eyes were blazing. Hindi iyon simpleng galit lang. It was something far more dangerous. His gaze slowly moved from my face… pababa sa katawan ko… hanggang sa lalaking nasa pagitan ng mga hita ko ngayon. His twin. Kellan froze too. For a split second, walang gumalaw sa amin. The room was dead silent pwera na lang sa mga mabibigat na hininga namin. Kyler's voice roared across the room. I am so dead right now. His voice was sharp and cold. “What the fuck is happening here?” nagpupuyos sa galit na sigaw niya sa amin. Well, more like, sa akin
Elysia's POV For a moment, I let the kiss deepen. Not because I wanted to. But because I wanted to get rid of feeling Kyler. Somewhere outside this room, I knew he was still there. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang presensya niya sa condo na ito, parang isang aninong hindi ko matakasan. Kellan’s hand moved to my waist, warm and steady. “Elysia…” he murmured against my lips, mas marahan ang boses niya ngayon, different from the teasing tone he usually had. I tightened my fingers around the collar of his shirt and kissed him again. Harder and more deliberate. If Kyler thought I was a whore… then fine. I'll prove him right para hindi naman nakakahiya sa kaniya, 'di ba? My chest was trembling, nanggagalaiti ako sa matinding galit ko sa kaniya. Ayos lang sana talaga kung malinis siya at wala siyang dinalang babae dito sa condo. So the way his voice sounded when he spat that word to me ay nagpakulo ng lahat ng dugo ko sa katawan. Whore. My heart twist
Kyler’s POV For a moment, walang gumalaw. Parang tumigil ang oras sa loob ng condo. Mr. Bryce stood calmly near the entrance, hawak ang dokumento na parang ordinaryong papel lang iyon. Para bang hindi niya alam na ang laman noon ay isang bomba na kayang sirain ang buong buhay ko. Divorce pe
Elysia's POV “No,” wala sa sariling iling ko. “Kung ano man iyang binabalak mo, don't ask me to give you a child ng basta-basta na lang kasi hindi gano'n kadali iyon!” I pushed him out of the way at nag-umpisa nang maglakad papunta sa hagdan. Pero bago pa man ako makalayo sa kaniya ay napabal
Elysia’s POVMuntik ko ng maihagis ang hawak-hawak kong phone nang muli na naman iyong mag-vibrate.This time, naniningkit na ang mga mata niyang tumitig sa akin.His hand is now gripping my waist.His body still pressed against mine.Gahibla na lang din ang layo ng mga mukha namin. At kita-kitang
Elysia's POV “When are you two giving us a baby?” Parang bumagal ang oras matapos itanong iyon ng ina ni Kyler. Biglang tumahimik ang buong dining table. Narinig ko pa ang mahinang tunog ng kubyertos na tumatama sa plato. Everyone was staring at us. Waiting. Expecting. Humigpit ang hawak ko







