Bilisan natin ang pagtakbo maria!' Nakakainis ! Paano tayo makakalayo sa mga humahabol sa atin kung ganyan ka kabagal! Ang bulyaw ni mayra sa kanyang kambal.
Malapit na nila tayong maabutan!' Ang napapalingon na saad ng kambal. Nang bigla nalang humarang sa harapan nila ang isang kasamahan ni rosalyn at sinabi. Saan kayo pupunta!' Akala niyo makakatakas kayo sa amin!' Hahahahaha Ang sabay tawa ni beth. Nang bigla nalang dumating si Dennis at huli sa akto ang ginagawa ni beth sa Kambal. At kasalukuyang palapit na ang grupo ni rosalyn. Anong kaguluhan ito Beth?' Pinagtritripan niyo nanaman ba sila?'' Naku' Hindi ahh!'' Ang sagot naman niya kay Dennis. Mayra at maria 'Umalis na kayo ako na ang bahala sa kanila. Ang utos nito sa kanila. Dahilan para magmadali na silang umuwi. Makalipas ang ilang oras 'Ligtas namang nakauwi ang Kambal sa kanilang tirahan. Nandito na po kami mama ,Papa. Ang bati ni mayra sa labas palang ng kanilang tirahan. Wala pa ang papa niyo,nag aalala na nga ako at hindi pa siya dumarating dapat kanina pa siya nakauwe. Ang palinga-lingang sabi ni Bianca ang ina ng kambal. Saan po ba nagpunta si papa?'Pagkahatid po sa amin? 'Nag deliver ng mga order sa bayan.Dapat nga eh 'andito na siya ngayon anong oras na. Mag gagabi narin wala pa siya. Ang nag-aalalang sabi ng kanilang ina. Napansin naman ng kanilang ina ang pagkamatamlay ni Maria. "Oh maria Bakit tulala ka jan?!May nangyari bang hindi maganda sa School niyo? Tanong ng kanilang ina. Wala naman po. Nag-aalala lang ako kay papa. Sagot naman ni maria.Tumingin si mayra kay maria at sinabi. "Haynaku maria 'Lagi kanalang ganyan pasalamat ka mabait ang kapatid mo. Naku kung hindi sinabunutan na kita! Oh bukas papasok tayo. Umayos ka ng pormal huh!,Isipin mo walang nangyari ok!(Ang bulong ni mayra kay maria) Makalipas ang hapunan: "10 na ng gabi ay wala pa rin ang kanilang ama subrang nagaalala na ang kanilang ina. Makalipas ang ilang oras may kumatok sa pinto.(Papa ikaw na ba yan?)Ang tanong ng kambal. Oo anak papasukin niyo ako? Nagmamadaling sabi ng nasa labas. Akmang bubuksan na nila ang pinto ngunit napagtanto ni mayra na pakiramdam niya ay hindi iyon ang kanilang ama.Kaya agad nilang dinoble lock ang kanilang pinto at nagtungo sa kwarto ng kanilang ina at sinabi. "Mama may kumakatok sa pinto pakiramdam ko po hindi iyon si papa." Takot na wika ng Kambal. Mga anak narito na si papa niyo baka iba nga yong kumakatok.Yan si papa niyo kanina pa tulog. At itinuro ng ina ang kainilang ama na nahihimbing sa pagtulog. Ehh sino po yung kumakatok?Papa daw po namin! Wika ng kambal. Napabalikwas ng bagon ang kanilang ama at agad na nagtungo sa pinto upang buksan iyon ngunit pinigilan siya ni bianca ang kanyang asawa. "Anong ginagawa mo?!Dumating na ang kakambal ko bianca,Galing sa US Bakit ngayon ko lang nalaman ito? Na may kakambal ka pala?Ang nalilitong sabi ni Bianca. Mahaba-habang kwento bianca'. Dali na pagbuksan niyo na ang tito niyo! Utos ng kanilang ama. "Pagbukas ng pinto.Kamukang kamuka talaga ni papa.Ang saad ng kambal. Mas bata lang tignan ang kakambal ng kanilang ama. Dahil sa angkin nitong kagwapuhan at laki sa ibang bansa malayo sa kinatatayuan nang kanilang ama. Na isang delivery lang ng kung ano anong mga produkto. Kumusta kana kakambal ko? tanong nang kanilang bisita na kararating lang galing US. Sila naba ang kambal mo?'' Ang tanong ni Denver ang kambal na kapatid ni Darwin na ama ng kambal. Oo' sila na nga ang mga pamangkin mo.Sagot naman nito. Malalaki na sila at magagandang dalaga pa."Ang saad nito. Maraming salamat po tito. Ang sabat naman ng kambal. Mayra ,maria pumasok na kayo sa kwarto niyo at maaga pa ang pasok niyo bukas.Ang baling ng ina ng kambal. Sumunod naman agad ang kambal. kinabukasan maagang pumasok ang kambal sa kanilang school. Pagpasok palang nang kambal sa kanilang pinapasukang paaralan ay agad na nila itong pinagbabato nang maraming pulbos ng choke na halos lahat ay bumalot na sa kanilang katawan. Maaga pa kasi kaya halos grupo palang nila rosalyn ang naroon. "Tawanan ,asaran at bulungan ang kanilang narinig sa buong grupo ni rosalyn. Tudo iyak naman si maria at si mayra naman ay palabang tinitigan si rosalyn na animoy sinasabing may Araw ka din sa aming babae ka! Nang biglang may humarang sa kambal. Ang grupo ni Dennis Ang biglang sumulpot at inilayo sa kanila sa marami nilang estudyante.Pati ang kambal ay nagulat sa ginawa nang apat na kalalakihan. Iginiya sila papalayo sa mga estudyanteng mapang lait,mapang mataas at mga baliw na sa kanilang nakasanayan. Miss Ayos lang ba kayo tanong ni daryl ang isang ka grupo ni Dennis. Ayos lang kami sagot ni Mayra. Bakit ba nila kami pinapahirapan nang ganito!kasalanan ba naming pinanganak kaming magkadikit?! Ang dagdag na sabi pa ni Mayr habang nagpapagpag ng dumi sa kanilang damit. "Welcome party nila iyon sa mga bagong estudyante rito lalo na kapag pinansin ka ni Dennis.Ayaw na ayaw kasi ni rosalyn na dinidikitan nang ibang babae si Dennis. Lalo na ngayon iniligtas pa namin kayo sa mga estudyanteng nagmamalupit sa inyo.Alam na nilang si Dennis ang may pakana nito.Sabat naman ni Dwin ang pangalawa sa grupo. Maiwan na namin kayo rito aalis na kami ingat kayo sa susunod kung maari lumipat nalang kayo nang ibang mapapasukan sabat naman ni Dave. Samantala isang babae ang lumapit sa kambal at may dala dala itong dalawang paris nang damit. 'Ito isuot niyo hindi ko na iyan ginagamit pwede niyong hiramin o sainyo na. Sige aalis na ako magpalit na kayo bago kayo mahuli sa lesson natin. Ang dagdag na sabi ng babae ang pagtakbo na itong umalis. Maraming salamat sabay sabi nang kambal.*Mayra Gonsalez POV: Taon na ang lumipas..''Ngunit Nananatili parin Sa akin ang malagim kung pinagdaanan sa mga SBOO '' Paano ko ngayon hahanapin ang aking kapatid na si Maria ,kung lagi nalang akong nakagapos sa pamamahay ni Carlo Chinua?!'' Ni ayaw niya akong palabasin sa bahay niya. Iniligtas nga niya ako sa mga masasamang tao. Pero wala din palang pinagkaiba!'' ''Si Carlo chinua ang kumupkop sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ko kinupkup sa kanyang tahanan.Pero malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Kahit papaano ay buhay parin ako ngayon dahil ito sa kanya kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kahit nasa Edad 36 na ito ay makikita parin sa kanyang Anyo ang pagiging gwapo nito kahit na matanda na si Carlo Chinua ay bakas parin sa kanya ang pagiging maporma sa kanyang kasuotan. Iwan ko ba kung bakit ako nagwagwapuhan sa kanya.'' Sobrang layo ng agwat namin at hindi ko rin alam kung may pamilya ba siya o wala.''Simula nung tumira ako sa bahay na ito ay wala akong nakitang
Wag kang mag-alala sa kambal mo. Dahil nasa maayos na silang kalagayan ngayon. Diba iyon naman ang gusto mo ang mapabuti ang iyong mga anak? Oo Denver! Maraming salamat sayo,kahit papaano ay napakabait mo parin kahit hindi ikaw ang napangasawa ko. Narito kaparin at tinutulungan mo ang aming mga anak. Oooopssss! Ang anak mo ay anak ko narin,Mahal kung Bianca. Wika ni Denver. Na ikinakilig naman ni Bianca. Ano ngayon ang gagawin natin sa 20milyon Mahap ko? Magpapatayo naba tayo ng sarili nating kompanya Mahal. Iyon ba ang gusto mo mahal ko?!'' Masusunod ang iyong kahilingan mahal kung bianca. Malambing na wika ni Denver. Makalipas ang ilang mga araw,Linggo,buwan at taon. Nagbago na ang buhay Ng Kambal! Ito na ang simula ng kanilang kapalaran. "Maria Gonsales Bilang Eloisa Chin" Goodmorning yaya! Goodmorning Mama and Goodmorning kuya. Bati ni Eloisa Chin sa lahat. Wow mukang maganda ang gising mo aa eloisa?!'' Anong meron? Wala naman kuya ,Masaya lang ako at nalagpasan ko
Anong sinasabi niyo! Bakit nadamay ang aming ina rito?!"Nanghihina paring tanong ni Mayra. Oo nga pala! Hindi pala nasabi ng inyong ina ang plano niya. Paano nga naman niya sasabihin ang plano niya sa inyo? Kung alam naman niya na tututul kayo!' Pero wag kanang mag-alala,Dapat nga pasalamat pa kayo ng kakambal mo dahil pinaghiwalay na kayo ng tadhana! Hay*p ka titoooo! Nasaan ang kakambal ko! Ibalik mo siya sa akin!!! Sigaw niya ,sabay nagpupumiglas na ito sa galit dahilan para bumuka muli ang sugat nito na katatahi lamang. "Stop !!! Your Bleeding to much!' Sigaw ng Englisherang nurse. Dahilan para tusukan na nila si mayra ng pampatulog upang maayos na nila ang tahi nito at madala na nila sa Pamilya chua si Mayra. ****Maria*** Dyos ko! Anong nangyari sa batang ito! Grabe... Buti nakayanan pa ng katawan niya ang mabuhay ng matagal kahit ganito ang kalagayan niya! Wika ni Doctora Chin. Ang Doctor na mula sa Pilipinas na ngayon ay gumagamot kay Maria Gonsales. Nasaan a
"Nasaan ang isang babae rito!''Bulyaw ng isang lalaki." Paano siya nakatakas sa lugar na ito?! Gayong hirap na hirap na ang babaeng iyun sa kanyang naging operasyon!' Gigil na sa galit ang lalaking nagsasalita. Iyun ay si Carlo chinua .Ang nag mamay-ari ng Isang Organ transplant na kung tawagin ay Secret base Operation Organ.Kung saan dinadala ang mga kababaihan na pwede pang kunan ng mga organ para ibinta sa mga matataas na tao. Isa na sa mga Tauhan nito si Denver Gonsales. Ang tito ng Kambal na kakambal ng kambal ng kanilang ama. Hanapin niyo siyaaaa! Hindi pa iyun nakakalayo rito! "Hindi siya pwedeng mamatay kung saan. Kaylangan niyo siyang mahanap sa lalong madaling panahon bago pa dumating ang ating buyer!' Sigaw ni Mr.Chinua". Agad na nagkalat ang mga Tauhan ni Mr.Chinua sa buong Building nito.. Ngunit sa kanilang paghahanap wala silang makitang maria sa buong building. Kaya agad na inutos ni Mr.Chinua na sabihin agad ito kay Denver Gonsalez . Ang kanyang kana
Dahan-dahang iminulat ni Mayra ang kanyang mga mata at napagtanto niyang masakit ang kanyang buong katawan.Naramdaman din ng kanyang katawan na parang wala nang pumipigil sa kanyang tumayo mag-isa. Bukod sa kanyang nararamdaman ,Masakit din ang kanyang tagiliran. Hindi rin niya ma-igalaw ng kanyang buong katawan. "Anong nangyayari sa akin?!'' At-----?!'' Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng mapagtanto niyang wala na ang kanyang kadikit na kakambal na si maria. Nasaan ang aking kadikit? Nasaan ang aking kakambal? "Mariaaaaaa! Mariaaaaa! Tawag ng kanyang isip. Kahit anong gawin ni mayra ay ayaw lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.Tila ba wala siyang lakas para ibuka ang kanyang bibig. Anong nangyayari sa akin! Bakit ganito ang nararamdaman ko!" Lumuluha niyang sambit! Habang ang katawan nito ay nananatiling nakahiga at hindi niya kayang kontrolin. "Sino ang una nating kukunan ng Kidney?!" Tanong ng isang boses lalaki na naririnig ni Mayra. Hindi rin niya
Maria Pwede ba kitang makausap. "May pagtingin kaba kay Dennis? Napapansin ko lang aa,Tapos gulat na gulat ako nung nagsalita ka sa harapan ni Dennis!" "Crush mo ba siya?!'' Hahaha' Ako---. Hindi ko siya crush' Saka sabi mo nga diba . Bawal ang mainlove o magmahal sa ating dalawa!'' Sagot ni Maria. "(Mahal ko na talaga si Dennis. Pero hindi pwede!''Sa isip isip ni Maria. Kinabukasan-- Maria: Pov Nakakalunkot isipin na ngayon na ang araw ng aming pag-alis."Kasalukuya naring nahinto kami ng aking kakambal sa pagaaral ng koleheyo at itutuloy nalang sa ibang bansa kasama ang aming tito Denver. "Ngayon ang araw ng aming flight ni Mayra kasama ang aming Tito Denver na kakambal ng aming ama. Hindi namin alam ng aking kakambal, kung ano ang kahihinatnan namin o kung ano ang madadatnan namin sa america Basta nagtiwala nalang kami sa aming Tito dahil kakambal din naman siya ng aming ama. Hindi rin namin alam kung ano ang kapalarang naghihintay sa amin sa america. Basta ang alam