Nasabi ni Athena nasa kanya ang Diary ni Dianne at nasabi rin nito na magkita sila kinabukasan para maibigay nito ang Diary ni Dianne.
ATHENA's POV
Hindi siya mapalagay dahil naglalaro sa isip niya ang Diary ni Dianne.
"Ano kaya ang mga nakasulat doon?" Tanong ng kanyang isip.
Kanina pa siya balisa sa pagkahiga sa kanyang kama na parang tinutulak siya ng kanyang kuryusidad.
Maya-maya pa ay hindi niya natigilan ang kanyang sarili. Tumayo siya mula sa kanyang pagkahiga at lumapit sa kanyang bag. Nang mabuksan ang kanyang bag kinuha niya ang pink personalized notebook at binuksan iyon. Hindi naman siya nahirapan sa pagbukas dahil hindi naka-locked iyon. Feeling niya ay excited siyang basahin ang mga nakasulat dito. Dahil sa sugo ng kuryusidad niya ay nabuksan niya na ito at nabasa.
Napatigil siya nang malaman mula sa Diary na iyon ang tunay na feeling ni Dianne kay Kier, nililihim lang pala ito ni Dianne. Pa’no na? Pero hindi siya papayag na malayo kay Kier, talagang nahulog na ang loob niya sa lalaki ngunit labis din siyang malulungkot kung masira ang pagkakaibigan nila ni Dianne. For her, Dianne is like her sister, she traits her like a sister and loves Dianne like a real sister.
Huminga siya ng malalim,
‘’Bahala na…’’maya maya’y sambit niya.
-----
Kinabukasan.
Naunang dumating si Dianne sa isang coffee shop na napagkasunduan nilang magkita doon ni Athena.
Gusto na niyang makuha sa kaibigan ang Diary niya. Nag-aalala siya na posibleng nabasa nito ang mga nakasulat doon. Naalala niyang nakalimutan niyang i-lock iyon.
Ilang saglit lang nakita niya ang kaibigan na pumasok sa coffee shop bitbit ang kanyang diary. Kumaway siya sa kaibigan para makita nito ang kinaroroonan niya. Ngumiti ito sa kanya at lumapit.
"Hindi ko alam na 'yan pala ang nararamdaman mo" wika ni Athena ilang saglit nang makaupo ito matapos na mag order ng kape.
Kinabahan si Dianne.
Tama nga ang hinala niya.
Nabuksan nito ang Diary niya.
"N-nabasa mo?" Nauutal na tanong ni Dianne.
"Sorry kung binasa ko..." sagot nitong umiwas ng tingin.
Hinawakan ni Athena ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
"Friend, hindi mo naman kailangan na laitin ang sarili mo. Tinanggap ka namin bilang ikaw, meron kang mga katangian na wala sa iba. At tandaan mo, walang pangit sa ating magkakaibigan."
Ngumiti si Dianne.
"Salamat, Athena pero hindi ko maiwasang mag isip niyan dahil yon ang totoo." Wika niya.
"Hindi naman yan makikita sa pisikal na anyo, eh. Nasa puso ang tunay na kagandahan." Pahayag nito at hinawakan pa ang dibdib. "You're beautiful, Dianne. Always remember that" patuloy pa nito.
"Thank you, friend" sagot niya at muling ngumiti.
Sumeryoso ito at huminga ng malalim.
"Gusto ko si Kier" at nawika nito. ‘’Naiintindihan ko rin, Dianne ang nararamdaman mo para kay Kier pero parang in love na ako sa kanya,’’ patuloy ni Athena. Hinawakan nito ang kayang kamay. ‘’Ayokong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan natin dahil sa iisang tao lang ang gusto nating dalawa,’’pagtuloy pa ni Athena.
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito.
Sabagay sino ba naman siya kung ikukumpara sa kaibigan niyang si Athena? Sa hitsura pa lang wala na siya rito kahit man lang sa hibla ng buhok nito. Kung sya si Kier at papapiliin siya malamang, sino ba naman ang pipiliin? Syempre...
Si Athena!
-----
Patakbong naglalakad si Dianne na pumasok sa elevator.
Nagulat siya kung sino ang nakita niya.
Si DJ!
Parang gusto niyang umatras at lumabas sa elevator pero huli na at nagsara na ito. Isa pa malapit na siyang malate sa trabaho niya.
"Hindi ko akalain na muli tayong magkikita. Kapag minamalas ka nga naman!"
Narinig niyang sabi nito. At nilakasan pa ang pagkasabi.
Dalawa lang sila ang nasa elevator.
Uminit ang mga taenga niya sa sinabi nito at naningkit ang mga mata niya.
"Hoy! Ang presko mo talaga. Kung makapagsalita ka...baka naman ikaw ang nakalikha ng malas?! Ang aga-aga sinisira mo ang araw ko!" Sagot niya na hinarap ang lalaki.
Nang bumukas ang elevator lumabas siya at nagtaka nang sumunod sa kanya si DJ.
Muli niya itong hinarap.
"Talaga bang sinusundan mo ako?!"
Hindi ito sumagot sa kanya at nagulat pa siya nang pumasok ito sa pinto kung saan siya nagtatrabaho.
"Kapag minamalas ka nga naman!" Aniya sa kanyang sarili at pumasok na rin sa pinto.”Akalain mong magkasama pa kami sa trabaho’ Patuloy niyang sabi sa sarili. Nagmamadali siya dahil ilang minutos nalang mali-late na siya.
"Good morning sir" narinig niyang bati ng mga kasamahan niya rito. Nakasunod lang siya sa lalaki.
Naalala niyang kinausap sila kahapon ng Vice Presidente ng company na darating ang may-ari na siya ring President ng tinatrabahuan niya.
Ibig ba sabihin si DJ ang may-ari? Patay! Anyang kanyang isip.
Ilang saglit lang siyang umupo sa opisina niya nang kumatok at pumasok si Regina, ang secretary ng Vice President.
Sinabi nito na pipatawag lahat ng mga Heads ng Department dahil may pagpupulungan sila. Binalang Head ng Finance Department siya ang nararapat na mag attend.
Nakaupo na lahat ng mga Heads nang pumasok siya sa conference room. Parang siya lamang ang nahuli. Natural huli na siya pumasok. Bakit pa naman kasi tumirik ang sinasakyan niya kanina? Yon tuloy first time nya nakapasok sa ganoong oras. Himutok ng isip niya.
"I thought that all employees trained to come 15 minutes before work." Narinig niyang sabi ni DJ nang makaupo siya. Nakaupo ito sa gitnang upuan, sa kanilang labing dalawang naroroon.
"I never deemed that you accept an employee like that." Patuloy pa nito at nakatingin sa kanya na seryosong-seryoso ang mukha.
"Dianne is one of the most punctual, loyal and yet one of the awarding employee of our company, Mr. Asunscion and I didn't think that it was happened." Narinig niyang depensa sa kanya ng Vice President nila.
"Sorry if I came late because the taxi that I was riding wrecked in the middle of my travel to work and I needed to get another taxi." Sagot niya at yon naman ang totoo.
"Wow! Round of applause!" Pahayag nito at pumalakpak pa. "That is a common reason and I don't want to tolerate that kind of attitude."
Galit parin ito sa kanya. Dahil ba inis ito sa kanya kaya siya ang nakikita? Feeling niya napahiya siya. Nag init ang kanyang mga pisngi. Kung wala lang sya sa katinuan gusto na niyang tumayo sa inuupuan niya at magbigay ng on the spot resignation.
"My apology, promised Sir, it will never happen again." Nasabi niya at pagpaumanhin dito. Kahit na halata niyang pini-personal siya nito kailangan niyang magpakumbaba. Anyway, he's the Boss!
Hindi ito umimik.
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nakita ni Dianne na napaluha si Ulga matapos na makausap ang ina nito sa cellphone. Nalaman ni Ulga mula sa ina na may tumor sa utak ang kapatid nito kaya ganun na lamang ang pagkabahala. Alam ni Dianne na kahit hindi nagsasabi si Ulga sa kanya meron itong dinadala na mabigat na suliranin. Sinubukan ni Dianne na kausapin si Ulga tungkol doon.Sa pagpapatuloy..."Ganyan ka ba talaga kahit na nagawan ka na ng masama ng ibang tao, iniisip mo parin ang sitwasyon nila? Hindi ka ba marunong magalit?" Nanatiling matigas ang tinig ni Ulga."Ang totoo, Ulga, personally hindi ako galit sayo...doon ako nagagalit sa bagay na ginawa mo. Oo, alam kung nagawa mo ito dahil malaki ang maitutulong sa kung anuman na problema na pinapasan mo. Hindi ko lang maintindihan na tutulong ka sa pamilya mo para sa kabutihan nila pero ang pagtulong mo ay galing sa masama na pamamaraan"pahayag ni Dianne.Pakiramdam i Ulga ay tinusok ang puso niya ng napakatalim na bagay
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata... Nakidnap si Dianne at laking gulat niya nang malaman na si Gemma ang pasimuno niyon. Sa pagpapatuloy... "Wag kang mag alala ang magbabantay sayo ang taong kilalang kilala mo rin." Wika ni Gemma at napangiti 1pa bago tinawag ang taong tinutukoy nito. "Lumapit ka na rito, Ulga" tawag ni Gemma kay Ulga na siya naman na lumapit ang babae sa kinaroroonan nila. Nang makita ni Dianne si Ulga ay hindi na niya ikinagulat iyon, dahil minsan na niyang nakita na magkausap sina Gemma at Ulga. "Seguro naman hindi ka ganun katanga para magulat pa na makita rito si Ulga, di ba nasabi mo sa akin dati na nakita mo kaming magkausap?" Patuloy ni Gemma nang makalapit sa kanila si Ulga. --- "Akala ko, totoo ang lahat ng sinabi mo sa akin nang nagkita tayo at nag usap" wika ni Dianne kay Ulga, sya na lamang doon at si Ulga dahil nakaalis na si Gemma. Ang ibang tauhan naman na binayaran ni Gemma ay nakabantay sa labas ng silid kung saan ay naroroon si Di
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata... Pumunta sina Athena, Dansel at Amy sa massage and spa service ni Dianne para magpa whole day spa, nang matapos ang mga kaibigan ay hinatid nya ang mga kaibigan. Pasakay na ang tatlo sa kotse ni Athena nang laking gulat nila at nabigla. Sa pagpapatuloy... Nabigla at nagulat sina Athena, Dansel at Amy nang makita nila ang mga armad0ng lalaki na lumapit kay Dianne, napasigaw pa siAmy. Ngunit parang ang bilis ng pangyayari, kinuha si Dianne at ipinas0k sa itim na van. Hindi rin sila makakakilos dahil ang ibang kasamahan na armadong lalaki ay nakakatutok sa kanila ang hawak na baril. Napaiyak na lamang si Athena nang mawala sa kanilang paningin ang itim na van, samu't saring damdamin ang naramdaman dahil sa takot, kaba at pag aalala sa maaari na mangyari sa kaibigan dahil tinangay ito ng mga armadong lalaki. --- Nawalan na ng malay si Dianne pagkatapos na tinakpan ng panyo ang kanyang ilong nang maipasok sya sa van. Tuluyan na syang nawal
Napapangiti si Dianne nang tanungin siya ni DJ kung bakla si Ian. Ang totoo ay sinadya niya talaga na hindi sabihin iyon kay DJ dahil gusto niyang makita kung ano ang reaksiyon nito kung makitang sweet si Ian sa kanya. Dati naman kasing malambing ang kaibigan nya sa kanya. " Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ni DJ. " Wala lang, bakit?" Nakangiting tanong ni Dianne. " Muntik ko na kasi siyang maupakan sa kakaselos, buti nalang at napigilan ko ang sarili ko na gawin iyon..* sagot ni DJ. "Alam ko na hindi mo magagawa iyon at isa pa, babe, ikaw lang ang minamahal ko. Wala ng iba pa, gusto ko lang malaman kung ano ang maging reaction mo. kung makita kami kung gaano kaclose ni Ian. Dati na kasi kaming ganun" saad ni Dianne. Napangiti si DJ at gumaan ang puso na kanina ay pakiramdam niya'y ang bigat, lalo na nalaman mismo sa asawa na bakla si Ian. " Ikaw talaga, babe, buti nalang ay di natuloy na upakan ko ang kaibigan mo. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Ngayon lang kaya ako nak
Nagulat si Dianne sa inasta ni Gemma pero agad namàn na binawi ni Gemma ang inastanng iyon, "Sorry, pasensya kana sa sinabi ko Dianne. Nadala lang ako ng damdamin ko, labis kasi akong nag aalala sayo na baka kung anong gawun ni DJ sayo. Seguro malaki lang talaga ang pagmamalasakit ko sayo"pahayag ni Gemma na hinawakan pa ang isang kamay niyang nakapatong sa mesa. " Naiintindihan kita Gemma" yon lang ang nasabi ni Dianne pero ang sa loob ng isip niya ay nagdududa na at malaki na ang hinala kay Gemma dahil sa inasta ng babae nang sabihin nya na muli ay nagkamabutihan na sila ni DJ. " Sana naman, Dianne ay maintindihan mo na inilalayo lang kita sa kapahamakan, ayoko lang na mangyari sayo ang ginawa ni DJ sa akin noon...kaya mas mabuti kung ilalayo mo ang sarili mo sa kanya." Sabi not Gemma ma gumulo sa isip niya, ' Ano ba talaga ang gustong mamgyari ni Gemma? Gusto niya ba talaga ang para sa kabutihan ko? O ang masira kami ni DJ? Yon ang nasa loob ng kanyang isipan...naalala niya
Ang huling naganap sa nakalipas na kabanata...Nanaginip si Dianne, pero paggising niya ay hindi nya na nakita si DJ sa kanyang tabi.Sa pagpapatuloy...Kumilos siya para tumayo at hanapin si DJ, pumunta sya sa bany0 per0 wala ito sa l00b. Nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso, naisip niya kasing baka hindi talaga si DJ ang itinadhana sa kanya dahil hindi niya nakita si DJ paggising niya.Walang DJ!Natatandaan niya sa kanyang panaginip, ang sabi ng babae sa kanya na pumukit siya at pag imulat niya na nya ang kanyang mga mata. Ang unang lalaki na makikita nya ay y0n ang lalaking itinadhana sa kanya. Kaya sinubukan niyang pumikit at nang buksan nya ang kanyang mga mata ay tamang tama rin na bumukas ang pintuan ng kwart0,Pumas0k si DJ!''Babe, gising ka na pala?'' Wika nit0 habang papalapit sa kanya. ''Hindi na kita ginising kanina, masarap kasi ang tulog m0.'' patuloy ni DJ.Hindi alam ni dianne kung gaano sya kasaya nang makita si DJ nang mga sandaling iyon "I love yo, babe...