LOGINNagngingitngit ang damdamin niya habang papunta sa isang mini store sa harap lang ng building na tinatrabahuan niya. Hindi parin makuha sa isipan niya ang nangyari. Naiinis siya sa nangyari! Bakit ba sa dinami-dami ng nandoon sa conference room siya ang nakita nito? Sinadya ba nito na ipahiya siya?!
Huminga siya ng malalim.
"Ikain ko na lang ito baka sakaling makalimutan ko ang nangyari" aniya sa kanyang sarili. Lunch time at isa pa nagugutom na rin siya.
Ilang saglit lang nang makapwesto siya sa mesa na gilid lang ng glass wall at nakaumpisa na rin na kumain. Nakita niya si Kier na bumaba ng kotse. Kasunod nito na bumaba ang isang magandang babae. Maingat pa ni Kier na inalalayan ang babae. Ang babae na bukod sa maganda ito ay sexy ito sa suot na black bodycon dress at mala-model ang postura nito.
"Girlfriend niya kaya iyon?" Natanong niya sa kanyang sarili.
Maya-maya pa ay nakita niya si DJ na nakangiting sinalubong ang dalawa at pumasok na sila sa loob ng building.
"Hello, Dianne!" Narinig niyang sabi ni Kier nang magkasalubong sila ng hapong iyon. Kasama nito ang babaeng nakita niya na kasama ni Kier na bumaba ng kotse.
Pauwi na sya ng hapong iyon.
Nakangiti si Kier sa kanya. "Nice meeting you again. Um, I would like you to meet Gerlie. Girlfriend ni DJ and Gerlie I would like you also to meet Dianne." Patuloy pa nito na ngayon ay magkaharap na sila.
Ngumiti rin si Gerlie sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"So, ikaw pala si Dianne?" Sabi nito. "Nice meeting you." Na may ngiting alam niyang pilit lamang.
" Me, too." Sagot ni Dianne. ‘’Parang plastik ng ngiti, halatang halata. At kung girl friend siya ni Kier parang di naman sila bagay sa kaartehan nito,’’ mga salitang naglalaro sa isip ni Dianne.
Kaagad naman na umalis sina Kier at Gerlie nang ipakilala ito ng lalaki. Halatang nagmamadali ang mga ito.
Hmmm.. girlfriend pala ni DJ ang Gerlie na yon? Bagay nga silang dalawa. Wika ng kanyang isipan at sumaya ang kanyang puso nang malaman na di ito girlfriend ni Kier.
-----Bakit nandito siya?! Gusto niya bang sirain ang araw ko?Hanggang dito ba naman bibigyan ako ng stress?'
Masaya si Athena at nangingislap ang mga mata habang nagsasalita
"Alam nyo guys we coincidently met ni Kier kahapon" panimula niya.
"Nasabi ko sa kanya ang lakad natin this coming saturday and he said na sasama daw siya sa atin" anitong natutuwa at nakapostura pa ang mga ngiti sa labi.
kumpleto silang magkakaibigan.
Pinag-uusapan nila ang Friendship Date nila sa darating na sabado.
"Ang totoo pa niyan binigay niya pa sa akin ang mobile number niya.
I-update ko lang daw sya tungkol sa lakad natin." Patuloy pa nito.
"So that's mean, it's the start of your communication?" Kinikilig rin na sabi ni Amy.
"And this is the beginning of your love story.." Wika rin ni Dansel na ikinumpas pa ang kamay.
Mahina silang napasigaw na tila kinikiliti.
Hindi alam ni Dianne kung matutuwa siya o malulungkot sa mga narinig sa mga kaibigan. Pilit siyang ngumiti para makipagsabayan sa mga kaibigan.
Nakita niyang bahagyang ngumiti si Athena sa kanya, alam niyang alam nito kung ano ang nararadaman niya
"How about si DJ, Dianne? Kamusta?" Baling ng pansin ni Amy sa kanya. "Diba magkasama kayo sa trabaho?" Patuloy pa nito.
"We're not okay and he has a girlfriend." Sagot niya.
"Actually, it's only a gf pa naman marami pang pwede mangyari. Malay mo hindi sila ang forever." Pahayag ni Amy.
"Alam mo girl mas masaya kami kung maging kayo." Nakangiting wika ni Dansel.
Paano ba niya sasabihin sa mga kaibigan na hindi niya gusto si DJ dahil iba ang gusto niya? Pero paanong hindi maging kumplekado sa pagkakaibigan nila ni Athena? Oo, martir siya pagdating sa kaibigan. Mas pipiliin nyang masaya ang kaibigan kaysa sa sariling puso.
Ganun kahalaga sa kanya ang kanyang mga kaibigan.
-----
Saturday.
7am.
Kasamang dumating ni Dianne si Dansel at ang kasintahan nito.
Naunang dumating sina Amy at boyfriend nito bago sila dumating.
Napag usapan yata ng magpinsan na dalhin ang kani-kanilang mga partner.
Ilang saglit lang dumating na rin sina Athena, Kier at DJ. Magkasama sila sa kotse.
Si DJ!
Bakit nandito siya?!
Gusto niya bang sirain ang araw ko?
Hanggang dito ba naman bibigyan ako ng stress?
"DJ, hindi namin inaasahan na sasama ka?" Sabi ni Dansel nang magtipon na sila.
"Tinawagan kasi ako ni Kier kagabi and inimbita niya akong sumama" sagot nitong nakangiti."Well, wala naman akong gagawin." Patuloy nito.
"Eh, bakit hindi mo isinama ang girlfriend mo?" Tanong pa ni Dansel.
" May mahalagang bagay daw siyang pupuntahan kaya di ko siya nakasama." Sagot nito na halatang lumungkot ang mukha.
"Tamang-tama mas masaya kung marami tayo" wika ni Amy para ibahin ang usapan.
"Nandito tayo para mag enjoy kaya dapat lahat tayo happy lang" dagdag pa nito.
"Yes" nakangiting sang ayon ni Kier.
"Agree" segunda naman ni Athena.
Masaya silang pumasok sa resort. Sa paborito nilang resort na pagmamay-ari ng grand parents ni Athena.
Nang gabing iyon mag isang nakaupo sa tabing dagat si Dianne habang nakatingala sa kalangitan.
Punung-puno ang kalangitan na tila may isang bituin na mahuhulog doon.
Nagbaka sakali siyang humiling na tila magkatotoo iyon.
"...Balang araw makakita rin ako ng lalaki na kaya ako ipagsigawan sa buong mundo na mahal nya ako at kaya akong tanggapin kahit na pangit ako sa paningin ng ibang tao.."
Madamdamin na wika niya habang nakatingala sa kalangitan.
"Stop acting like you're wishing, somewhere star will fall and grant your wish? Don't be ridiculous!"
Nabigla si Dianne.
Dinig nyang sabi ni DJ at saka tumalikod ito.
Sakit naman.
Sakit naman nito magsalita.
Nasabi ng kanyang isipan.
Kanina pa kaya iyon sa likod ko? Patuloy pa niya.
-----
Naextend ng isang araw ang pananatili nila sa resort. Ayon kay Athena linggo naman kinabukasan at wala naman pasok sa kani-kanilang mga trabaho. Sumang-ayon naman ang lahat pati na rin siya, nasanay naman siyang bumyahe ng lunes ng madaling araw kapag hanggang linggo sila sa Friendship Date nila at isa pa wala rin siyang gagawin sa linggo.
Nang linggo ng gabi napag-usapan nilang uminom ng alak bago pumunta sa mini disco bar may banda kasi doon tuwing linggo. Napagkasunduan pa nilang maglaro ng Truth or Dare habang umiinom. Hindi sumali roon si DJ sa pag inom ng alak at laro nila dahil nais nitong maligo sa dagat. Mag isa itong naligo sa dagat habang sila ay masayang nag-iinuman. Habang naglalaro sila ng Truth or Dare at pinapaikot ang bote ng beer na walang laman, tumahimik ang lahat nang humarap sa kanya ang bote. Narinig niyang tinawag ni Amy si DJ habang naliligo. Nakita niya rin na umahon din ito sa tubig-dagat.
"DJ, may sasabihin sayo si Dianne" narinig niyang sabi nito na halatang medyo lasing na. Ni hindi man lang sya natanong kung truth or dare ang sagot niya.
Bumaling ng tingin si DJ sa kanya.
"Ano yon?" Narinig niyang tanong nito.
Bumuka na sya ng bibig at tangka na sanang magsalita.
"May lihim na gusto sayo si Dianne" narinig niyang sabi ni Amy na kahit medyo lasing na ay nangingislap pa ang mga mata . Na tila ito ang nakaramdam ng kilig ng mga sandaling iyon habang nagsasalita at sinabi ang mga katagang iyon kay DJ.
Saglit itong hindi nagsalita at tumaas lamang ng dalawang kamay.
"Well, natural lang yan na makaramdam tayo ng pagkagusto sa kapwa natin dahil tao lang tayo, pero pa' no yan may girlfriend na ako." Ilang saglit ay nawika nito.
Natahimik siya sa sinabi nito at hindi nagsalita lalo na sa huling sinabi at tanong nito.
Ang totoo gusto ko sanang sabihin kung anong tunay na nararamdaman ko, kung sino ang tunay kong gusto at sa pagkataon na yon gusto ko sanang magpakatotoo. Iwan ko ba nagkaroon sana ako ng lakas ng loob dahil ba nakainom ako? Pero hindi ko nasabi iyon dahil pinangunahan na ako ni Amy. At itong si DJ baka feeling niya habol ng habol din ako sa kanya dahil nalaman nito na may lihim daw akong pagtingin sa kanya.
Mga salitang nanatili lamang sa isipan niya.
Pakiramdam ni Dianne hindi niya man lang nadepensahan ang sarili niya nang gabing iyon. Pagkatapos nilang uminom nakuha pa nilang pumunta sa disco bar tulad ng napagkasunduan nila. Nakita ni Dianne na masaya ang mga kaibigan niyang nag-umpukan habang sumasayaw. Naroon din ang kasintahan nina Amy at Dansel, sina Kier at DJ. Masaya ang mga ito habang sumusunod ng indak sa kanta ng banda. Habang siya ay nanatili lamang sa gilid. Oo, killjoy nga siya simula pa noon, seguro dahil hindi siya marunong sumayaw. Nakita niyang may binulong si Amy kay DJ. Tumango lamang ang binata. At ilang saglit pa ay nakita niyang patungo na ito sa kanya. Mukha yatang masunurin ito dahil ba nagpapakitang tao lang ito kapag nandyan ang mga kaibigan niya?
"Dianne, halika sayaw tayo" natauhan siya nang makita niyang nasa harapan na niya ito.
"Halika na, nandito tayo para mag enjoy" nagulat siya nang makita si Amy na kasunod pala ito ni DJ at hinila siya papunta sa gitna kung saan naroroon ang ibang kasamahan niya.
-----Yong feeling mo na tanging pintig lang ng puso mo ang naririnig mo. Umalingawngaw ito, na tila nabibingi pakinggan dahil ito lang ang tanging naririnig mo sa paligid.
editing po...pcnxa sa abala..
Tinapos na ni Dianne ang kwento sa kanyang mga anak. Lahat ng karakter sa kwento ay nagkaroon ng masayang wakas, at sa dulo, ramdam ang saya sa mga mata ng kambal at ng bunsong anak.“Mommy,” tanong ni Dexter, medyo naguguluhan, “ibig sabihin ba ‘yung story nina Mommy at Daddy, may happy ending din?”Hindi sumagot si Dianne kaagad. Tumingin siya sa mga mata ng kanyang mga anak, ramdam ang bigat sa dibdib, at saka malumanay na sinabi, “Siguro hindi, kasi kung meron, nandito si Daddy nyo.”Nagulat ang tatlo. Biglang napagtanto nila—ibig sabihin, totoong love story ni Mommy at Daddy ang kwento ni Dianne at DJ.Tumango si Dianne, at bahagyang malungkot na wika niya, “Ngayon naniniwala na ako, na walang forever sa story nila…”Ngunit mabilis na sumingit ang kambal, sabay sabing, “Mommy! Dalawang linggo lang po na hindi nakarating si Daddy, baka may mahalagang inaasikaso lang siya,” dagdag ni Annilou.Nagulat silang lahat nang biglang sumingit si DJ mula sa pintuan. Sa kanyang mahinahong ngi
Pagkatapos ng selebrasyon sa plaza, kung saan nagpatuloy ang maliit at intimate na handaan. Ang paligid ay puno ng masarap na amoy ng pagkain, halakhak ng mga bisita, at kwentuhan sa bawat sulok ng bahay. Habang ang iba ay abala sa kanilang sariling grupo, si Gemma ay nakatayo sa isang sulok, tahimik na nanonood at sinusuri ang paligid.Hindi niya maiwasang mapansin ang lalaki na nakapukaw sa kanyang damdamin sa plaza—si Darwin Joey, ang backup singer at dancer ni DJ. Ngayon, sa mas tahimik at mas pribadong setting, mas malinaw niyang nakikita ang mga detalye sa mukha, kilos, at paraan ng pananalita nito. Ang puso niya ay mabilis na kumindat sa tuwing tumitig sa kanya ang lalaki, at ramdam niya ang kakaibang halo ng excitement at kaba sa dibdib. Bakit ganito ang epekto niya sa akin? bulong niya sa sarili.Hindi naglaon, lumapit si Darwin Joey, magaan ang ngiti sa kanyang mukha. “Hi, I’m Darwin Joey,” sabi niya, hawak ang isang baso ng juice. “I’ve seen you at the plaza. Nakita kita ha
Habang nakatingin si Dianne sa kanyang ina, naramdaman niya ang kakaibang saya. Hindi lang dahil masaya ang ina niya, kundi dahil ramdam niya ang init ng pagmamahal mula sa buong komunidad. “Ang saya talaga ni Inay,” bulong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng mga tao sa plaza. Ang mga bata ay naglalaro, ang mga matatanda ay nakikilahok sa mga laro, at bawat tawa at palakpak ay tila musika sa kanyang pandinig.Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may bahagyang kaba sa dibdib ni Dianne. “Sana magustuhan ni Inay ang sorpresa… Sana walang masira,” iniisip niya habang sinusubaybayan ang bawat detalye. Ngunit sa bawat tingin niya sa mata ng ina, nakita niya ang kislap ng kaligayahan—at doon, unti-unti niyang nakalimutan ang lahat ng pag-aalala.Ang mga palaro sa plaza ay nagdala ng dagdag na sigla. Ang kambal ay abala sa mga simpleng mini-games, habang ang bunsong anak ay nakikilahok sa mga raffle at kantahan. Ang bawat halakhak at pagbibigay ng premyo ay nagpalakas sa loo
Umuwi si Dianne sa kanilang probinsya sa Bacolod kasama ang kanilang mga anak. Ang kambal ay labing-isang taong gulang na, habang ang bunsong anak naman ay pitong taong gulang. Habang tumatawid sila sa lansangan patungo sa kanilang tahanan, naririnig niya ang halakhak ng mga bata sa likod ng van. Sa bawat tawa nila, may bahagyang ginhawa na bumabalot sa puso niya. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, hindi maalis ang kakulangan na nararamdaman niya—wala si DJ sa tabi nila.“Mommy, saan Daddy?” tanong ng bunso, na agad naman sinagot ng kambal, “Siguro busy siya sa trabaho, Mom!”Pinilit ni Dianne na ngumiti, bagamat may kaunting kirot sa dibdib. Totoo, naiintindihan niya ang dahilan ni DJ. Mahalagang asikasuhin ang kanyang kompanya, at marahil ay hindi puwedeng ipagpaliban ang mga bagay-bagay. Ngunit hindi maalis ang panghihinayang—ito ang unang pagkakataon na hindi sumama ang kanyang asawa sa kanilang pag-uwi.“Okay lang, anak. Mag-eenjoy tayo kahit wala si Daddy,” sabi niya sa sarili
Ilang linggo ang lumipas mula nang dalawin ni Dianne si Gemma. Unti-unti nang bumabalik ang kulay sa dating maputlang mukha ni Gemma`, bagaman nakaupo pa rin siya sa wheelchair. Sa bawat umaga, pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw mula sa bintana ng kanyang silid—ang liwanag na sumisilip sa kurtina ay parang paalala na may pag-asa pa. Ngunit sa kabila ng lahat, may bahid pa rin ng lungkot sa kanyang mga mata.Habang nakatingin siya sa labas, biglang pumasok sa isip niya ang mga pangyayari noon—ang mga sandaling pinili niyang suyuin si DJ, ang panahong inakala niyang kaya niyang agawin ang pag-ibig na para sa iba. Ngayon, habang nakaupo sa harap ng katotohanan, naramdaman niya ang bigat ng kasalanan at ang tamis ng pagtanggap.Napahinga siya nang malalim.“Siguro nga… tama si Dianne,” mahina niyang bulong. “Hindi nasusukat sa ganda o talino ang halaga ng isang tao… kundi sa kabutihan ng puso.”Doon niya tuluyang narealize — si Dianne ang tunay na nararapat kay DJ. Hindi man ito kasi
Nakahiga na ang kambal sa magkabilang gilid ng kama, habang si Dexter naman ay naka-upo sa tabi ng ina, hawak pa ang unan na tila hindi makapaghintay sa susunod na mangyayari.“Okay, mga anak,” mahinahong sabi ni Dianne. “Itutuloy ko na ha? Naalala n’yo pa ba si Gemma?”Sabay-sabay na tumango ang tatlo.“’Yung kontrabida, mommy!” sigaw ni Dexter. “’Yung gusto kang ipahamak!”REWIND…Buo na ang loob ni Gemma. Akala niya makukuha na niya ang lahat kapag nawala si Dianne.”Ang ilaw mula sa mga chandeliers ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa paligid. Nasa bar area siya, nakaupo sa mataas na stool habang marahang iniikot-ikot ang baso ng red wine sa kanyang kamay. Ang bawat patak ng alak sa gilid ng baso ay parang repleksyon ng kanyang galit at inggit.“Kung hindi dahil sa kanya,” bulong niya, “ako sana ang minahal… ako sana ang pinili…”Tila lason sa kanyang dibdib ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kahit gaano niya piliting magpakatatag, alam niyang natatalo siya sa laron







