Share

CHAPTER 6

Author: CRISHMERL
last update Last Updated: 2024-03-09 18:15:37

Nang biglang nag iba ang himig ng musika. The Way You Look At Me na orihinal na ikinanta ni Christian Bautista. Saglit siyang napatigil, talaga bang sinadya iyon ng banda? Nawika lamang niya sa sarili niya.

"DJ, ikaw na ang bahala kay Dianne ha?" Narinig niyang sabi ni Amy. Malakas na pagkasabi nito dahil din sa ingay na likha mula sa banda. Tumango lamang ito.

"Will you dance with me?" Tanong ni DJ na ngayon ay kaharap na niya na nag-aanyaya sa kanyang sumayaw habang nakabukas ang isang palad nito.

Hindi siya kaagad nakasagot rito pero sinadya siyang tinulak ni Amy palapit sa binata kadahilanan para makahawak siya sa palad nito. Hinawakan din ni DJ ang palad niya at mariing isinayaw siya.

Wala siyang nagawa kundi sumayaw na lamang kapares si DJ. Tumingin siya kay Amy na ngayon ay kasayaw ang kasintahan nito. Nakita niyang nakangiti at kumindat pa ito sa kanya habang kasayaw ang kapares nito.

Nakita niya rin ang ibang kaibigan na may kapares din ang mga itong sumasayaw. Napadako ang kanyang mga mata lalo na kay Kier at Athena. Mukhang nagkamabutihan na ang dalawa at halatang malambing sa isa't-isa. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng inggit, hangad nya sanang siya ang nasa pwesto ni Athena. At hangad niya rin sa mga sandaling iyon na siya ang kasayaw ni Kier, na sweet sila sa isa’t isa katulad sa nakikita niyang lambing na namamagitan kina Athena at Kier habang sumasayaw.

Dumako ang kanyang tingin kay DJ. Hindi siya makapaniwala na kasayaw niya ngayon ito, na pareho silang mainit ang dugo sa isa't isa. Na kasayaw niya sa mga sandaling iyon ang ipinagkukulo ng dugo niya, ang lalaling palaging nang-aasar sa kanya at ang lalaki na sa tuwing magkita sila ay feeling niya stress na stress siya.

Cause there's somethin' in the way

you look at me...

Narinig niyang kanta mula sa banda. Nakangiti si DJ sa kanya at di sinasadyang magtama ang kanilang mga tingin sa isa’t isa. Habang nakangiti ito tila--

Nagtaka siya nang biglang may nagbago.

Tila biglang huminto ang mundo.

Bakit ganun? Anong nangyayari?

Yong feeling mo na tanging pintig lang ng puso mo ang naririnig mo. Umalingawngaw ito, na tila nabibingi ka sa pintig ng puso mo. Aniya sa sarili.

Hindi parin siya makapaniwala, nasabi niya sa sarili na baka epekto

lang yon ng nainom niya.

Pero hindi eh, hindi pa ako lasing!

Lalong lumakas ang pintig ng puso niya nang lalong idinikit ang katawan ni DJ sa kanya.

Hindi!

Sigaw ng kanyang isip. Natatakot kasi siyang baka maramdaman nito ang pintig ng kanyang puso.

"Dianne, there's something wrong?" Narinig niyang tanong ni DJ sa kanya.

"Namumutla ka" patuloy pa nito.

"Parang...bigla kasi akong nahilo" sagot niya na hinawakan pa ang ulo niya.

"Sige, maupo ka muna" wika nito na inalalayan pa siya paupo.

Si DJ ang bumuhat kay Dianne nang biglang nandilim ang paningin at nawalan ng malay. Binuhat siya ni DJ patungo sa kanyang silid kasama si Dansel. Nang maihiga ng maayos ni DJ si Dianne sa kwarto ng babae ay saglit silang napahinto sa veranda ng mini-hotel.

"Hindi seguro nakaya kaya nalasing at hinimatay" wika ni Dansel. "Hindi nanaman kasi sanay si Dianne uminom ng alak. She's lik an angel sa aming friendship dahil sya ang tagabantay sa amin kung malasing kami,siya lang kasi ang hindi umiinom. Panganay kasi kaya sobrang protective sa amin kaya nga mahal na mahal din namin na parang kapatid. Alam mo bang siya breadwinner sa pamilya nila? Dahil sa kanya nakapagtapos ang mga kapatid niya, kahit na mahirap lang sila noon pero nagpursige siya na makatulong sa pamilya. Kaya ngayon may mga kapatid na siyang doctor, public teacher, engineer at accountant. Kaya hanga kami sa kanya at kaya hindi pa nagkabf dahil nakafocus sa pamilya." Kwento ni Dansel habang tahimik na nakikinig s DJ. Dahil sa kwento ni Dansel ay nakaramdam siya ng guilty pang aasar niya kay Dianne at nakaramdam ng paghanga. Naalala niya ang nangyari nang magtama ang mga tingin nila ni Dianne tila huminto ang mundo at bumilis ang pintig ng puso niya.

Sinabi niya kay Dansel wag muna pumasok si Dianne sa trabaho kinabukasan.

Nasa tabing dagat si Dianne at masayang natatawa siya habang tumatakbo. Binibilisan niya ang pagtakbo habang hinahabol ng lalaking natatawa rin sa paghabol sa kanya. Buong puso ang ligaya niya sa pagkakataong iyon. Nang mapagod ang kanyang mga tuhod ay saglit siyang huminto at humihingal na nagpahinga pero huli na ng namalayan niya na nayakap na siya ng lalaki.

"Nahuli rin kita!" wika nitong humihingal na rin.

Natatawa siyang kumawala pero mahigpit ang pagkahawak at pagkayakap sa kanya ng lalaki.

Nang humarap siya rito biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso at laking gulat niya nang makita si--

DJ!

Si DJ ang lalaking iyon.

Muntik ng mahulog si Dianne sa malambot na kama nang imulat niya ang kanyang mga mata.

"Panaginip lang pala iyon. Ano ba ang ibig sabihin nun?"Tanong niya sa sarili.

"Sandali nasaan ba ako?" maya-maya'y tanong pa niya sa sarili nang mapansin na nasa loob siya ng kwarto. Bumangon siya at biglang nagmadali nang maalala na huli na sya sa trabaho nang makita ang orasan sa bedroom table.

"Nako! Alas nuwebe na! Late na ako!" Nag- alalang sabi niya.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dansel.

"Gising ka na pala? Hindi na kita ginising dahil mahimbing ang tulog mo kanina" sabi nito nang lumapit sa kanya.

"Magpahinga ka muna dahil bigla kang nawalan ng malay kagabi."

"Ganoon ba?" Nakakunot ang noo na tanong niya.

"Yes girl! Si DJ pa ang bumuhat sayo papunta rito sa kwarto mo. Ang sabi pa niya na huwag ka muna pumasok sa work. Siya naman ang boss diba? Kaya don't worry." Pahayag pa nitong makahulugan ang mga ngiti.

Nag-ayos parin si Dianne. Napagdesisyunan niyang pumasok ng hapong iyon. Kahit mag- half day lang siya. Ayaw niyang iisipin ni DJ na nag titake advantage siya. Nauna na palang umalis sina Athena, Kier, DJ, Amy at ang boyfriend nito. Nagpaiwan doon si Dansel at boyfriend nito para samahan siya. Ayon sa kaibigan niya, ito ang kasama niyang dumating doon kaya ito rin dapat ang kasama niyang umuwi.

Ang bilis ng mga araw na tila hinihila to move forward very fast. Parang kahapon lang nang mag friendship date sila ngayon sabado na naman.

Nakaupo si Dianne sa malaki’t malambot na sofa habang kasamang nakaupo sina Amy at Dansel kasama ang mga boyfriends ng mga ito. Nasa mini-bar sila ng isang resto na palagi din nila pinupuntahan pag mag frienship date rin sila, iyon ang lugar na pinupuntahan nila kung wala pa sila naging plano sa kanilang friendship date o di kaya ay tinatamad sila. Nasa private room sila para daw meron din videoke. Wala pa si Athena ng sandaling iyon. On the way palang daw ito kasama si Kier.

Nang dumating na ang dalawa ay napatingin si Dianne sa likod ng mga ito, iwan ba niya pero hinanap ng mga mata niya si DJ.

Yon bang si Kier ang pinipicture out ng isip niya, pero si DJ ang hinahanap ng puso niya. Araw-araw naman sila nagkikita ni DJ sa trabaho pero parang nasasabik parin siya na makita ito.

Yon ba ang epekto ng nangyari sa kanya noong unang sumayaw sila ni DJ? Grabe naman nakaranas lang ako na parang huminto ang mundo, bigla kaagad nagbago lahat. Ang dating inis na nararamdaman niysa ay napalitan ng damdaming hindi niya maintindihan. Parang magic! Hindi kaya ginayuma ako ni DJ? Parang matatawa sya sa sarili sa mga naiisip niya.

Bakit ganun? Hindi niya naman tinuruan ang kanyang puso pero kusa na lang ito kumikilos ng minsan labag sa kalooban niya, oo, labag sa kalooban niyang maramdaman ang damdaming iyon. Pero parang may sarili itong isip!

‘’Mamaya pa darating seguro si DJ may dinadaanan lang’’ wika ni Kier nang marinig niyang tanungin ito ni Amy.

Sumibol sa puso niya ang biglang ligaya, parang biglang sumaya ang puso niya na makikita si DJ.

Ilang saglit lang ay dumating si DJ kasama si Gerlie.

Nakita niyang pinakilala ni DJ si Gerlie sa mga kaibigan niya. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya, kahawak-kamay nito si DJ.

‘’Hello, Dianne, right?’’ Anito sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ang tingin nito ay mas matindi pa sa mgga tingin ng mga tiyahin niya sa tuwing lalaitin siya.

‘’Totoo bang may gusto ka sa boyfriend ko?’’ Sarkastikong tanong nito ‘’Ako ang girlfriend ni DJ, ipinakilala na ako ni Kier sayo diba?’’ Patuloy pa nito. Napatahimik lamang sya at ang mga kaibigan niya naman ay nagulat sa inasta nito.

‘’Well, kung ikaw lang din naman ang maging karibal ko. I’m nothing to worry dahil parang wala din namang thrill na makipag-agawan ka sa boyfriend ko.’’ Dagdag pa nito at sarkastikong ngumiti.

‘’Gerlie, enough!’’ Saway kay Gerlie ni DJ.

---

Basahin ang buong istorya...

Ano kaya ang feeling na ang lalaking minsan ay kinaiinisan mo...ngayon ay kaharap mo ang kanyang girlfriend at sasabihan kang walang thrill na karibal?

Sino kaya ang magiging forever ni Dianne? Si Kier na lihim niyang hinahangaan kahit alam niyang gusto rin ito ng super-duper ganda niyang kaibigan na si Athena o si DJ na noon ay kinaiinisan niya at merong gf na sobrang mapanghusga, na ngayon ay unti- unti nagpapabago ng tibok ng kanyang puso? 

Totoo ang forever, masasabi niya pa kaya iyon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 129

    Tinapos na ni Dianne ang kwento sa kanyang mga anak. Lahat ng karakter sa kwento ay nagkaroon ng masayang wakas, at sa dulo, ramdam ang saya sa mga mata ng kambal at ng bunsong anak.“Mommy,” tanong ni Dexter, medyo naguguluhan, “ibig sabihin ba ‘yung story nina Mommy at Daddy, may happy ending din?”Hindi sumagot si Dianne kaagad. Tumingin siya sa mga mata ng kanyang mga anak, ramdam ang bigat sa dibdib, at saka malumanay na sinabi, “Siguro hindi, kasi kung meron, nandito si Daddy nyo.”Nagulat ang tatlo. Biglang napagtanto nila—ibig sabihin, totoong love story ni Mommy at Daddy ang kwento ni Dianne at DJ.Tumango si Dianne, at bahagyang malungkot na wika niya, “Ngayon naniniwala na ako, na walang forever sa story nila…”Ngunit mabilis na sumingit ang kambal, sabay sabing, “Mommy! Dalawang linggo lang po na hindi nakarating si Daddy, baka may mahalagang inaasikaso lang siya,” dagdag ni Annilou.Nagulat silang lahat nang biglang sumingit si DJ mula sa pintuan. Sa kanyang mahinahong ngi

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 128

    Pagkatapos ng selebrasyon sa plaza, kung saan nagpatuloy ang maliit at intimate na handaan. Ang paligid ay puno ng masarap na amoy ng pagkain, halakhak ng mga bisita, at kwentuhan sa bawat sulok ng bahay. Habang ang iba ay abala sa kanilang sariling grupo, si Gemma ay nakatayo sa isang sulok, tahimik na nanonood at sinusuri ang paligid.Hindi niya maiwasang mapansin ang lalaki na nakapukaw sa kanyang damdamin sa plaza—si Darwin Joey, ang backup singer at dancer ni DJ. Ngayon, sa mas tahimik at mas pribadong setting, mas malinaw niyang nakikita ang mga detalye sa mukha, kilos, at paraan ng pananalita nito. Ang puso niya ay mabilis na kumindat sa tuwing tumitig sa kanya ang lalaki, at ramdam niya ang kakaibang halo ng excitement at kaba sa dibdib. Bakit ganito ang epekto niya sa akin? bulong niya sa sarili.Hindi naglaon, lumapit si Darwin Joey, magaan ang ngiti sa kanyang mukha. “Hi, I’m Darwin Joey,” sabi niya, hawak ang isang baso ng juice. “I’ve seen you at the plaza. Nakita kita ha

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 127

    Habang nakatingin si Dianne sa kanyang ina, naramdaman niya ang kakaibang saya. Hindi lang dahil masaya ang ina niya, kundi dahil ramdam niya ang init ng pagmamahal mula sa buong komunidad. “Ang saya talaga ni Inay,” bulong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang mga ngiti ng mga tao sa plaza. Ang mga bata ay naglalaro, ang mga matatanda ay nakikilahok sa mga laro, at bawat tawa at palakpak ay tila musika sa kanyang pandinig.Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, may bahagyang kaba sa dibdib ni Dianne. “Sana magustuhan ni Inay ang sorpresa… Sana walang masira,” iniisip niya habang sinusubaybayan ang bawat detalye. Ngunit sa bawat tingin niya sa mata ng ina, nakita niya ang kislap ng kaligayahan—at doon, unti-unti niyang nakalimutan ang lahat ng pag-aalala.Ang mga palaro sa plaza ay nagdala ng dagdag na sigla. Ang kambal ay abala sa mga simpleng mini-games, habang ang bunsong anak ay nakikilahok sa mga raffle at kantahan. Ang bawat halakhak at pagbibigay ng premyo ay nagpalakas sa loo

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   CHAPTER 126

    Umuwi si Dianne sa kanilang probinsya sa Bacolod kasama ang kanilang mga anak. Ang kambal ay labing-isang taong gulang na, habang ang bunsong anak naman ay pitong taong gulang. Habang tumatawid sila sa lansangan patungo sa kanilang tahanan, naririnig niya ang halakhak ng mga bata sa likod ng van. Sa bawat tawa nila, may bahagyang ginhawa na bumabalot sa puso niya. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon, hindi maalis ang kakulangan na nararamdaman niya—wala si DJ sa tabi nila.“Mommy, saan Daddy?” tanong ng bunso, na agad naman sinagot ng kambal, “Siguro busy siya sa trabaho, Mom!”Pinilit ni Dianne na ngumiti, bagamat may kaunting kirot sa dibdib. Totoo, naiintindihan niya ang dahilan ni DJ. Mahalagang asikasuhin ang kanyang kompanya, at marahil ay hindi puwedeng ipagpaliban ang mga bagay-bagay. Ngunit hindi maalis ang panghihinayang—ito ang unang pagkakataon na hindi sumama ang kanyang asawa sa kanilang pag-uwi.“Okay lang, anak. Mag-eenjoy tayo kahit wala si Daddy,” sabi niya sa sarili

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   chapter 125

    Ilang linggo ang lumipas mula nang dalawin ni Dianne si Gemma. Unti-unti nang bumabalik ang kulay sa dating maputlang mukha ni Gemma`, bagaman nakaupo pa rin siya sa wheelchair. Sa bawat umaga, pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw mula sa bintana ng kanyang silid—ang liwanag na sumisilip sa kurtina ay parang paalala na may pag-asa pa. Ngunit sa kabila ng lahat, may bahid pa rin ng lungkot sa kanyang mga mata.Habang nakatingin siya sa labas, biglang pumasok sa isip niya ang mga pangyayari noon—ang mga sandaling pinili niyang suyuin si DJ, ang panahong inakala niyang kaya niyang agawin ang pag-ibig na para sa iba. Ngayon, habang nakaupo sa harap ng katotohanan, naramdaman niya ang bigat ng kasalanan at ang tamis ng pagtanggap.Napahinga siya nang malalim.“Siguro nga… tama si Dianne,” mahina niyang bulong. “Hindi nasusukat sa ganda o talino ang halaga ng isang tao… kundi sa kabutihan ng puso.”Doon niya tuluyang narealize — si Dianne ang tunay na nararapat kay DJ. Hindi man ito kasi

  • THE UGLY ME & MY ROMANCE   Chapter 124

    Nakahiga na ang kambal sa magkabilang gilid ng kama, habang si Dexter naman ay naka-upo sa tabi ng ina, hawak pa ang unan na tila hindi makapaghintay sa susunod na mangyayari.“Okay, mga anak,” mahinahong sabi ni Dianne. “Itutuloy ko na ha? Naalala n’yo pa ba si Gemma?”Sabay-sabay na tumango ang tatlo.“’Yung kontrabida, mommy!” sigaw ni Dexter. “’Yung gusto kang ipahamak!”REWIND…Buo na ang loob ni Gemma. Akala niya makukuha na niya ang lahat kapag nawala si Dianne.”Ang ilaw mula sa mga chandeliers ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa paligid. Nasa bar area siya, nakaupo sa mataas na stool habang marahang iniikot-ikot ang baso ng red wine sa kanyang kamay. Ang bawat patak ng alak sa gilid ng baso ay parang repleksyon ng kanyang galit at inggit.“Kung hindi dahil sa kanya,” bulong niya, “ako sana ang minahal… ako sana ang pinili…”Tila lason sa kanyang dibdib ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kahit gaano niya piliting magpakatatag, alam niyang natatalo siya sa laron

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status