Share

CHAPTER 3

Author: MissThick
last update Last Updated: 2024-04-30 09:34:01

Chapter 3

Kinagabihan habang abala akong gumawa ng aking module para sa mga subjects na ituturo ko ay biglang may nagtext.

"Kita tayo, Ma’am? Mark 'to."

“Magkita? Bakit?” reply ko.

“Bonding uli.”

“Busy ako.”

“Sige na, Ma’am. Walang magawa e. Saka Friday naman ngayon.”

"Ikaw walang magawa. Ako abala.”

“Kahit Saturday bukas busy ka pa rin?” Huminga ako nang malalim. Makulit nga ang isang ito ah.

“Saan ka ba? Busy kasi ako talaga ngayon."

"Sayang naman. Isang beer lang. Wala akong kasama.”

“Beer? Paano mo alam na umiinom rin ako.”

“Wala lang. Mukha kasing game ka e.”

“Pasensiya na. Busy e, may pasok bukas.”

“Sabado nga bukas, wala naman tayo pasok ah?”

“Kayo wala. Ako kasi may klase kahit Sabado.”

“Okey. Kung busy ka, puntahan na lang kita diyan sa inyo.”

“Huwag na.”

“Sa'n ka ba nakatira, Ma’am?” Pangungulit niya.

“May ginagawa nga ako,” pagdadahilan ko dahil mahigpit ngang ipinagbabawal ang pagkakaroon ng karelasyong istudiyante sa pinagtuturuan ko.

 “Diyan na lang tayo uminom ng beer kahit tig-isa lang."

"Huwag na nga muna. Di ba sinabi ko sa’yo, busy ako? Bakit baa ng kulit kulit mo?"

"Sige na nga. Next time."

“Okey.”

Ngunit dahil sa text na iyon ay ako na ang hindi mapakali. Parang nawala na ang concentration ko sa ginagawa ko. Mas lalo kasi ako na-excite na makasama siya sa bahay kaysa sa tapusin ang paggawa ko ng module. Kinuha ko ang cellphone ko.

“Pupuntahan mo ba talaga ako?” text ko.

Ilang minuto na hindi pa rin nag-reply. Panay na tuloy ang tingin ko sa aking cellphone. Nanghihinayang na di ko pa pinatos yung gusto niya. Kung kaya kong itago ang sa amin, baka naman mag-work ito. Subukan ko lang. Bahala na basta gusto ko si Mark at mukhang gusto rin naman niya ako.

“Saan ka na ba?” muling text ko nang 30 minutes na at wala pa rin siyang reply.

“Sure ka? Pupwede ako riyan?” reply niya nang nawalan na ako ng pag-asa at nakahiga na.

"Sige, puntahan mo ako rito sa bahay.”

“Saan ba ang address mo?”

“Dito sa may Cembo malapit sa may Guadalupe station. Kung nandoon ka na sa may Jollibee sa may tulay, sabihan mo ako at susunduin kita."

"Yown! Sige, Ma’am! Ayos!" sagot niya.

“Bahala na,” bulong ko sa aking sarili. “One time lang ‘to.”

Nang sinundo ko siya ay naka-short lang siya at nakasando ng itim at sumbrero ngunit napakalakas na ng tama niya sa akin. Bumagay sa maputi niyang kutis at magandang hubog ng katawan ang itim na sando. Napalunok ako.

Bumili muna kaming anim na beer sa malapit na store sa bahay.

Nang pumasok kami ay inilibot niya ang kanyang mga mata sa bahay.

“Ang laki ng bahay ninyo, Ma’am ah. Ilang kwarto ‘to?”

“Tatlo. Tara doon tayo sa kuwarto ko. Madumi kasi at maalikabok dito sa sala. Walang naglilinis. Kuwarto ko lang ang nililinis ko.”

“Nasaan ang parents at mga kapatid mo, Ma’am, nandito ba sila?” tanong niya nang papasok na kami sa kuwarto ko.

“Andami mong tanong agad e, di pa tayo nagsisimulang mag-inom.”

“Sorry, antahimik kasi. Pwede ba akong mag-short lang?”

“Sige lang.”

Tanging boxer short na lang ang suot niya. Nakita ko ang mabalbon niyang hita. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan lalo nang tumambad sa akin ang bukol na iyon. Napalunok ako.

“Mag-isa ka lang ba talaga rito?”

"Oo, hindi lang mag-isa rito sa bahay. Mag isa na rin ako sa buhay."

"Talaga? Ulila ka? Walang kapatid?”

“Wala eh.”

“Hindi ba malungkot ang mag-isa niyan?"

"Malungkot pero sanayan na lang din siguro. Pero umaasa pa rin ako na may makakasama rin ako balang araw."

“Sige, iinom natin ang pagiging huling araw ng pagiging single mo sa buhay.” Binuksan niya ang beer. Ibinigay niya sa akin ang isa at sa kanya ang isa. “Cheers!”

“Cheers!” sagot ko.

Pinag-umpog namin ang aming mga bote at sabay kaming tumungga.

Lumalim ang gabi at ang tig-isang bote na beer na usapan namin ay dumami ng dumami. Nagtanggal na siya ng t-shirt. Nanlaki ang aking mga mata. Takam na takam ako sa maputi niyang katawan. Nanginginig ako sa pinkish niyang mga u***g. Napakasarap sigurong halikan ang kanyang dibdib at impis na tiyan. Ano kayang pakiramdam ang mahalikan siya lalo pa’t nakatatakam yung labi niyang laging basa at namumula. Hindi ko alam kung inaakit niya ako. Ngunit sa totoo lang, sumasabog na ako sa init. Lalo na’t panay ang himas niya sa kanyang dibdib at ang pagkambyo niya sa kanyang pag-aari. Hindi ako tanga pero lahat iyon ay isang pagpapatakam. Isang hudyat na gusto niyang may mangyari.

Hanggang sa pakiramdam ko ay lumakas ang loob kong magpalipad-hangin. Sa sandaling iyon, alam kong gustung-gusto ko na talaga siya.

"May naging karanasan ka na sa relasyon?" pasakalye ko. Napaka-lame ng tanong. Halatang may maitanong lang. Iniisip ko pa rin siyempre na babae pa rin ako.

"Wala pa, pero parag gusto kong subukan.”

“Weeh! Huwag mo nga akong niloloko. Sa edad mong ‘yan, hindi ka pa nakipagrelasyon?”

“Fling oo, meron pero yung seryosong relasyon, wala pa.”

“Talaga? Paano kung ako ang seseryosohin mo?” Landi lang iyon.

“Di ba sabi mo, bawal sa school.”

“Bawal, kung malalaman nila.”

“Pwede naman sana ako. Kayang-kaya ko naman itago ‘yon kung maging tayo kaso…”

“Kaso ano?”

“Kaso may ka-fling nga kasi ako ngayon e," seryosong sagot niya.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya. Oo nga naman. Bakit ko iisiping single ang katulad niyang guwapo na't malakas pa ang karisma.

"Kung wala ka bang ka-fling, puwede mo ba sana sa akin subukan?"

"Bakit hindi? Mabait ka naman, Ma’am e, saka malakas ang dating, maganda pa.”

“Ang lagay maghihintay ako hanggang wala ka nang sabit?”

“Ikaw?”

“Anong ako?”

“Ikaw, kung kaya mo?”

“Maghintay?”

“Oo.”

“Hindi siguro.”

“Bakit ka naman kasi maghihintay pa e, pwede naman nating subukan kahit may fling na ako. Fling lang iyon. Ikaw ang girlfriend ko.”

“Paano ‘yon? Baka mamaya, yung fling mo pa magpatanggal sa akin sa school.”

“Kung kaya natin ilihim sa school, kaya rin natin do’n sa fling ko. Ano? Papayag ka ba sa set-up na gano'n."

"Pwede naman. Kaso baka masasaktan lang ako."

"Lahat naman ng nagmamahal nasasaktan. Kahit nga hindi ka magmahal, masasaktan ka pa rin naman.”

“Natatakot lang siguro ako.”

“Ikaw? Kung ayaw mo, wala naman problemang maging tropa tayo, di ba, Ma’am? Kaso, sana mas higit pa ro'n. Kung pwede sana?" tanong niya sa akin at binasa niya ang kanyang labi.

"Pwede kung hiwalayan mo yung fling mo.”

“Sige. Gagawan ko ng paraan. Huwag lang biglaan ha? Habang hindi ko pa siya hinihiwalayan, hindi na muna niya dapat pang malaman. Gusto ko kasi, ako ang magsabi sa kanya. Ako ang hihiwalay na hindi niya alam na may bago na ako. Kapag lumabas tayo, parang magtropa lang muna tayo para di tayo mahuli sa school at sa fling ko."

"Pag-isipan ko muna," sagot ko.

“Sige lang, pag-isipan mo.”

“Hindi ba malalaman sa school kung sakali?”

“Bakit ko naman ipahihiya ang sarili ko?”

“Oo nga naman.”

"Magpatugtog nga tayo, Ma’am. Antahimik. Okey lang?" hindi siya humihingi ng permiso. Sinasabi lang niya iyon kasi mabilis niyang kinuha remote ng TV. Dahil sa tabi ko lang ang remote ay parang sinadya niyang ang kaniyang ari ay tuluyang maidampi sa aking tiyan. Nakatihaya kasi ako at nakasandal at siya naman ay dumapa para maabot ang remote na nasa tabi ko. Biglang nagising ang dati ko nang pananabik. At nang naglapat ang katawan niya sa aking katawan ay tuluyan na akong tinupok ng aking pagpipigil. Kaya bago siya bumalik sa kaniyang pagkakaupo ay pinigilan ko siya. Nagsalubong ang aming mga mata at lumapit ang aking mukha sa kaniyang mukha. Naamoy ko ang amoy beer niyang hininga ngunit mas lalong nakadagdag iyon ng pagkalibog. Nang madampian ng labi ko ang malambot niyang labi ay bigla ko siyang itunulak sa dibdib. Naisip kong masyado yata akong bumigay. Ngunit huli na iyon. Kahit saglit lang ang pagkakadampi ng labi ko sa labi niya ay naikintal na sa aking isipan ang sarap ng aming unang halik.

"Ang bilis ah. Di ka pa nga nakakapagdesisyon kung tayo na, naka-score ka na agad ng halik."

 Nangingiti kong biro sa kanya habang namimili siya ng kanta sa youtube sa aking Smart TV.

“Sarap mo palang humalik. Pwede isa pa?” Kinindatan niya ako.

Muli niya akong hinila at mabilis na nagtagpo ang aming mga labi. Sa pangawalang pagkakataon mas nagiging agresibo na siya. Parang puputok ang labi ko sa kanyang agresibong pagkagat-kagat. Hanggang sa bigla na lang niyang inilayo ang labi niya sa akin.

“Mamaya na lang uli,” bulong niya at mabilis na lumayo sa akin. Hinarap niya ang TV. Pumindot sa remote.

Ngunit hindi pa rin ako nakuntento. Sinubukan kong lumapit sa kaniya. Niyakap siya at naramdaman ko ang kakaibang init ng kaniyang katawan. Muli kong tinangkang ilapit ang aking labi sa kaniyang labi at hindi rin naman siya tumanggi. Hindi man siya lumalaban sa aking halik sa pangatlong pagkakataon ngunit alam kong nagpapaubaya siya. Nagsimulang lumikot ang aking mga kamay. Inapuhap ko ang matigas-tigas niyang dibdib hanggag sa may kalambutan niyang tiyan. Sumasabog na ako sa panggigil. Nang papasok na sa loob ng kaniyang boxer brief ang nanginginig kong kamay ay tumunog ang cellphone niya. May tumatawag. Nainis ako sa istorbo kasi papunta na kami do’n eh!

"Sandali lang ha.”

“Bakit?”

“Kailangan ko nang umalis.”

“Aalis ka pa? Dis-oras na ng gabi. Dito ka na lang matulog.”

“Next time na lang.”

“E, di gawin muna natin yung naudlot?”

“Ano ka ba, marami pang araw. Saka na natin gagawin ‘yon. Maghanda muna ako.”

“Maghanda? Saan?”

“Mabaho pa ‘yan,” ngumiti siya.  “Saka may lalakarin pa kasi ako. Mag-aalas dose na rin pala."

“Yun na nga e. Hindi ba delikado?”

“Ihahatid mo naman ako sa kung saan mo ako sinundo kanina, di ba?”

“Oo naman pero, baka naman… Dito ka na lang please?”

“Hindi talaga pwede. Hayaan mo sa susunod, dito na ako madalas matulog.”

“Sure ‘yan ha?”

“Sure.”

Nabitin ako. Tumayo siya. Inayos niya ang kaniyang sando at short. Sinilip niya ang mukha sa salamin at isinuot niya ang sumbrerong ipinatong niya sa aking kama. Nakita kong nag-text siya. Tumunog ang cellphone. Binasa niya ang text at muling nagreply.

"Kita na lang tayo bukas ano, Ma’am?"

"Huwag mo na akong tawaging, ma’am kung tayo lang.”

“Ah gusto mo na ba ng beyb? Beyb na lang kung tayo lang dalawa?"

"Beyb?”

“Oo, beyb?”

Natawa ako. “Bakit? Tayo na ba?”

“Oo, tayo na. Bakit? Ayaw mo ba?”

“Hindi naman, kaso akala ko ba pag-iisipan ko muna?" tanong ko.

"Hindi na. Sigurado na ako gusto mo rin ako. Huwag na nating patagalin pa. Gusto mo ako, gusto kita e, di ayos na ‘yon."

“Beyb?” Napapatawa pa rin ako sa tawagan namin.

"Sige beyb. Bukas na lang," nangingiti din niyang paalam. “Huwag mo na pala akong ihatid.”

“Bakit?”

“Sunduin na lang ako ng tropa ko diyan sa labasan.”

“Tropa? Tropa mo lang ba talaga yung susundo sa’yo?”

Tumango siya. “Oo, tropa ko lang ‘to kaya huwag na huwag kang magseselos ha?”

“Sabi mo e.”

“Tara na. Ihatid mo ako sa pintuan baka maligaw ako sa laki ng bahay mo.”

Hinatid ko siya sa pintuan.

"Huwag kang mag-alala huling lakad na ‘to. Ang tagal mo kasi sumagot kanina e, kaya nakapag-set ako ng ibang lakad kasama ng mga tropa ko.”

“Sige lang, naintindihan ko.”

“Yown, dapat kung tayo na. Lagi kang ganyan dapat para walang away ha?”

“Oo naman, basta behave ka lang.”

“Behave ako, promise.”

“Sige. Ingat ka ha?”

“Okey. Salamat. Saan ang halik ko?" nakangiti niyang biro sa akin.

Hinawakan ko ang baba niya at hinalikan ko siya ng smack sa labi.

 "Gano'n lang?" tanong niya

"E, di sige, 'kaw na lang humalik sa akin.”

Napakamot siya.

Hindi lang smack ang ginawa niya. Isang mainit na halik hanggang sa tinulak ko muli siya sa dibdib.

"Tama na. Next time na ha? Ba-bye,” bulong ko.

Nang umalis siya ay lihim kong sinundan. Kita kong may sumundo nga sa kanyang isang babaeng parang may edad na. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE UNFAITHFUL WIFE   FINAL CHAPTER

    FINAL AND LAST CHAPTER*PAGTATAPOS NG LIHIM*Daniel’s Point of View Nang sinabi niyang wala siyang makita ay alam ko na. Nalalapit na ang muli naming pagkakalayto ngunit ngayon, ito yung paglalayong hindi naming kayang pigilan. Paglalayong wala kaming magawa kahit pa ayaw pa naming dalawa. Paglalayong itinakda ng nasa taas at sino kaming nilalang lang ang may kay kakayanang kumontra? Hanggang sa, "Bhie, bakit ka humintong kumanta?" tanong niya sa akin. Tuluyan na akong nanlumo. Pero kahit pa batid kong hindi siya nakaririnig pa ay nilakasan ko pa rin ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi pa rin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarilinbg emosyon. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan sa aming kuwarto. Hinahaplos nila an

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 52

    CHAPTER 52CINDY'S POINT OF VIEW "Salamat sa lahat lahat baby." Mahina kong wika sa kanya. "Huwag baby. Huwag kang magpasalamat. Responsibilidad kong alagaan ang taong mahal ko. Masaya akong ginagawa ito sa'yo. Asawa kita. Kasama ito sa sinumpaan nating dalawa." Sapaglipas ng mga araw, patuloy ang aking paghina. May mga sandaling nakikita ko si Daniel na nakaupo sa falls na malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Hanggang sa yuyuko na labg siya bigla at gumagalaw ang kanyang mga balikat. Alam kong humagulgol siya pagkaraan niyang punatahan ako sa aking kuwarto. Hindi siya umiiyak sa harap ko ngunit kapag siya na lang mag-isa. Doon na niya inilalabas abng pinipigilan niyang lungkot. Kung may magagawa lang sana ako. Kung sana kaya kong gamutin ang aking sarili. Kung sana sa akin ibigay ng Diyos ang himala ng paggaling.Naging madali ang pagbagsak ng aking katawan dahil sa kumplikasyong ng Hepa C at AIDS ko. Lalo pang nagpahina sa akin ang hirap kong lunukin an

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 51

    CHAPTER 51CINDY'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Daniel. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Masaya sila para sa akin. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Malu-luhang sambit ni Janine. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Daniel. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa." pilit ang ngiti ni Ken. Alam kong nananaig pa din sa kaniya ang lungkot dahil siguro iniisip niyang hindi na rin ako magtatagal pa. Nagsimula kam

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 50

    CHAPTER 40*HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM*CINDY'S POINT OF VIEWAkala ko sapat na ang aking naipon at pera na gagastusin ko hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay ngunit hindi pala talaga laging nagkakatotoo ang akala. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at perang pinagtutulong ko rin sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Janine ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Kashmine at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na rin sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapakonsulta ako sa kanila o ang sapilitan kong pagpapa-admit sa hospital tuwing inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mga kagaya kong may sakit na walang pamilyang kumakalinga

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 49

    CHAPTER 49DANIEL’s Point of ViewNgumiti si Kashmine sa akin. Alam kong kapag ganoon ang ngiti at tingin niya sa akin ay may importante siyang sasabihin. “Ano ‘yon, sabihin mo ngayon lalo na’t masaya ako. Wala kang maling sasabihin kapag nasa good mood ako.” “Sige na nga. Ganito kasi ‘yon… ang hirap e. Lalo na, nakapangako ako sa kanya kaso, kaibigan rin naman kita kaya hindi ko alam…” “Tama na nga yang pasakalye, nasimulan mo na rin lang naman tapusin mo na kasi ang hirap nag may iniisip pa ako. Ano nga ‘yon?” “May, aaminin sana ako?” “Aaminin? Tungkol saan?” “Kay Cindy?” “Sandali ah, anong alam mo kay Cindy?” "Daniel, si Cindy ang bumuo sa iyong pamilya.”“Ano? Paanong…” naguluhan na ako. “Buong akala ko si Janine ang bumuo sa amin. Ano bang totoo?”“Humingi siya ng impormasyon sa kaibigan mong si Janine.”“Okey, ibig sabihin, naglihim si Janine.”Tumango si Kashmine. “S

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 48

    Chapter 48CINDY’s Point of View“Sige. Ikutin ninyo. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang lugar.”“Oo nga, ang ganda. Para talaga siyang paraiso. Yung falls ba na ‘yan, totoo?” tanong ni Ken. Halatang masaya siya sa nakikita niya.“Oo totoo ‘yan. Dinevelop na lang.”“Grabe. May ganito palang pasyalan dito hindi ka nagsabi.”“May mga rooms din na pwedeng rentahan.”“Sige ha, mag-usap muna kayo at iikutin muna namin ito.” Si Janine.“Oo at mag-uusap din tayo mamaya.” May pagbabanta ang mga mata ni Daniel ngunit nakangiti ang kanyang bibig. "Kumusta na?" tanong ko sa kanya. Pilit ang aking ngiti. “Maupo tayo ro’n.” itinuro niya ang bench na nakaharap sa falls. Tumango ako. “Wala ka yatang kasama?” biro niya nang nakaupo na kami. “Wala e.” “Wala pa o wala na uli.” “Wala pa rin.” “Ang hina naman. Akala ko ba nagkatuluyan kayo nong huli.” “Sino?” “Sa

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 47

    CHAPTER 47CINDY’s Point of ViewAkala ko, magiging normal lang ang buhay ko pagkatapos akong iwan ni Daniel. Akalal ko magpapatuloy lamang ang buhay sa akin lalo pa’t magaling na rin naman ako sa aking sakit na naghahanap ng tawag ng laman. Magtatrabaho, bibisitahin ang mga kaibigan ni Daniel na mga kaibigan ko na rin na sina Janine at Ken, magpahinga at maghintay sa muling pagbabalik niya. Ngunit nang tumagal ay naramdaman ko kung gaano kahirap maghintay lalo pa't wala nang kasiguraduhan pang babalikan ka ng taong tuluyan nang iniwan ka. Iyon bang tanging paniniwala mo na lang ang siyang hinuhugutan mo ng lakas. Tanging nakaraan at pag-asang ikaw lang ang maari niyang mahalin at babalikan ang siyang nagpapagulong ng iyong araw. Ang masaklap ay kung walang text, walang chat, walang tawag...walang kahit ano na galing sa taong minamahal mo. Ngunit sa kagaya kong umaasa pa, ipinagpapatuloy ko na lang paggawa ng alam kong ikasisiya niya. Nagbabakasakaling kapag malaman niyang nagbago n

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 46

    CHAPTER 46DANIEL’s Point of ViewHabang pinagmamasdan ko siya ay naalala ko ang araw na tumawag si Mandy. Kaunting rewind muna tayo bago ang birthday party ni James. Ito ang buong pangyayari. Tumunog ang telepono namin. Ako ang sumagot. "Hello!" “Oh Hello, bakit dito sa landline ka tumawag?” “"Kuya! Kuya!" Kumunot ang noo ko. Halata kasi sa boses ni Vicky ang kakaibang excitement.“Kuya ka ng kuya. Bakit ba?”“Kuya grabe. Sobrag saya ko.”“Bakit nga? Ikaw alam mong may pasok ako sa munisipyo. Sabihin mo na kung bakit. Saka bakit sa landline?”“Walang nasagot sa cellphone ni Kuya James. Ikaw din di ka nasagot sa cellphone mo. Kaya nagbakasakali akong tawagan na lang ang landline.” “Naiwan ko sa kwarto e. Oh dalian mo, ano bang sasabihin mo. Kuya grabe eto na talaga to!” "Ang OA mo na.”“Nandiyan ba si Kuya James?”“Kuya James mo nasa kuwarto niya, Pangatlong araw na ngayon nagkukulong kasi daw tumawag ang kaibiga

  • THE UNFAITHFUL WIFE   CHAPTER 45

    CHAPTER 45DANIEL’s Point of View “Madilim ang bahay namin ni Cathy nang dumating ako. Kinabahan ako dahil wala pati mga batang naghahagikgikan at tumatakbo na sumalubong sa akin. Dumiretso ako sa lagayan ng aming mga damit at parang umikot ang mundo ko ng tanging sulat na lamang ang naabutan ko doon.” “Naaalala mo pa ba ang laman ng sulat?” “Oo, naaalala ko pa. Sabi niya sa akin, hindi lang daw sa pag-aabroad umaasenso ang buhay. Kilala raw niya ako. Alam niyang hindi ako makatatagal na walang babae. Ilang beses na raw niya akong ipinaglaban noong mga college pa kami at ngayong tuluyan akong lalayo sa kanya, wala na raw siyang panghahawakan sa maari kong gawin doon. Pero Kuya alam ng Diyos lapitin ako ng babae dahil sa hitsura ko pero ni minsan hindi ako naging babaero. Iyon kasi ang nasa isip niya lag isa akin. Malay daw ba niya kung may kalolokohan akong iba sa Qatar. Marami na raw siyang nakitang nasirang pamilya dahil sa pag-aabroad at ay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status