Share

CHAPTER 5

Wala nang nagawa pa si Kendall kung hindi sundin ang gusto ng kanyang ama. Kinabukasan, 12 pm, nagtungo sila sa starbucks sa isang mall sa makati umorder sila ng apat na chickenpot pie. Bihis na bihis si Kendall at suot nito ang mamahaling hikaw, kwintas at bracelet. Suot din niya ang kanyang hermes na damit at pantalon, namumula rin ang kanyang labi sa kanyang lipstick at talaga namang mas lalo siyang gumanda sa kanyang make-up. Kung tutuusin, milyon milyon ang halaga ng kanyang kabuuang suot. Hindi rin nagpatalo ang kanyang katabing ama na milyon din ang suot.

Hinawakan ni Ahron ang kamay ni Kendall ng mahigpit, napatingin si Kendall sa kanyang ama na nanlilisik ang mga mata. "Ako lang ang magsasalita Kendall, wala kang ibang gagawin kung hindi ang ngumit at makinig sa usapan namin ni Ma'am Madelyn! Sa oras na makita kong malungkot ang mukha mo, mayroon kang kalalagyan sa akin, naiintindihan mo ba?"

"Opo, dad!"

"Ine-expect ko na pipirma ka ng kontrata ngayon at kailangan na maka advance kaagad tayo sa producer mo lalo na't plano kong bumili ng farm sa susunod na buwan!"

"Pero dad, wala pong ganung rules sa kahit na sinong film producer!" seryosong sabi ni Kendall.

"Kendall, in demand celebrity ka at sikat na sikat ka sa buong Asia kaya nakatitiyak ako na hindi nila ipagkakait ang gusto ko!"

Pumasok si Madelyn sa starbucks kasama ang assistant niyang babae. Napakagalante niyang tingnan sa suot niyang itim na blazers, napakaayos ng kanyang buhok at nagmukha siyang bata sa kanyang makeup at dala niya ang kanyang channel na bag. Lumingon siya sa kanyang paligid hanggang sa makita niya si Kendall at si Ahron na nakaupo sa isang sulok. Lumapit siya sa mga ito at binati ng nakangiti.

"Hello Kendall and Mr. Ahron! I am Madelyn, the owner, and producer of Luckystar Film Corporation!"

Tumayo sila Ahron at Kendall upang makipaghandshake.

"Hi, I am Ahron!" nakangiting sabi ni Ahron kay Madelyn matapos nitong makipag handshake.

"It's nice to meet you, Mr. Ahron!"

"Ako din po!"

"Hi, I am Kendall!" nakangiting sabi ni Kendall matapos niyang makipagkamay kay Madelyn.

"Yes, I know you very well. Madalas kitang makita sa T.V and commercial and I wanted to get you! By the way, nandito si Michelle! Siya ang assistant ko!"

"Hello po sa inyo!" Nakangiting sabi ni Michelle.

"Maupo muna kayo," sambit ni Ahron.

Naupo si Madelyn at Michelle sa harapan nila Kendall at Ahron.

"So as discussed over the phone, daring ang magiging role mo Kendall! I know that it is your first time sa ganitong movie if ever pero kasi ikaw ang pinaka suitable and besides alam ko naman na talagang papanoorin ito ng mga avid fans mo!"

Sumangayon naman kaagad dito si Ahron, "tama po eh kung hindi niyo nga naitatanong top ratings palagi ang lahat ng mga teleserye nitong si Kendall, palagi ring sold out ang mga products na ineendorse niya kaya masasabi ko na hindi niyo po pagsisisihan ang offer niyo!"

"I am so glad na magkasundo tayo, Mr. Ahron!" lumingon si Madelyn kay Michelle. "Akin na ang kontrate!"

Kinalkal ni Michelle ang kanyang bag at inilabas nito ang folder at ibinigay kay Madelyn.

"Eto ang kontrata mo, Kendall! Pasensya ka na, masyado kasi itong confidential ka talagang naka folder pa!" Ibinigay ni Madelyn ang kontrata kay Kendall subalit si Ahron ang kumuha nito. Binuksan niya ang folder at nakita na 10 million nga talaga ang offer nila kay Kendall at kitang kita ang ngiti sa mga labi ni Ahron.

"As you see, Mr. Ahron 10 million ang offer namin, may mga intimate scenes kasi kami na ipapagawa kay Kendall at kailangan niyang ipakita ang ilan sa mga intimate parts ng kanyang katawan. The movie is indie film and the title would be bayarang pag-ibig! Hindi masyadong sikat ang mga kinuha naming ibang mga artista at medyo tipid tayo sa production, pero naniniwala kami na magiging mega blockbuster ang pelikula dahil malakas ang hatak ni Kendall... may bonus pa siya sakaling mas lumaki ang kikitain ng movie!"

Lumingon si Ahron kay Kendall. "Narinig mo 'yun Kendall? May pa bonus pa!" tiningnan ni Ahron ng matalim ang anak niya na pilit ngumingiti, ibinigay niya ang kontrata kay Kendall. "Pirmahan mo na para makapag start na kayo ng shooting!"

Kinuha ni Kendall ang ballpen sa kanyang bag at saka pinirmahan ang kontrata at nakangiting ibinigay ito kay Madelyn.

"Very good, Kendall! Nakatitiyak akong matutuwa ang buong production team na pumayag ka Kendall! Eh ang chika kasi sa akin ng ibang mga nasa prod, mukha daw tatanggihan mo ang role kasi medyo conservative ka raw!"

Inakbayan ni Ahron ang kanyang anak at siya ang sumagot sinabi ni Madelyn. "Nako, hindi po 'yan totoo Ma'am Madelyn... sa katunayan nga po gustong gusto niya ang role kasi babagay daw sa kanya!"

"I see... mabuti naman, by the way gusto ko lang sana malaman mo Kendall na 50 years old above ang mga magiging partners mo, ang kwento kasi ng bayarang pag-ibig ay tungkol sa babaeng pumapayag na makipag sex sa mayayaman para kumita ng pera at ang mga target mo ay 'yung mga bilyonaryong negosyante!"

Gulat na gulat naman dito si Kendall. "What, seryoso po ba?"

"Oo naman iha, napapanahon kasi ang ganitong mga klase ng eksena! Although, pangungunahan ko na, baka kasi matindi ang bashing na matanggap mo lalo na't malayo ito sa mga naging previous roles mo na inaapi ka ng kontrabida!"

Si Ahron na naman ang sumagot sa sinabi ni Madelyn. "Nako, kung hindi niyo po naitatanong manhid na manhid na itong anak ko!" Tumingin si Ahron kay Kendall. "Hindi ba, anak?"

"Opo dad, sanay na sanay po ako!" sagot ni Kendall.

Napansin ni Madelyn ang lungkot na nagkukubli sa mga mata ni Kendall. "Are you okay iha?"

"Yes po, medyo pagod lang talaga and actually, nag half day po ako sa shooting pero after this, dideretso na po ako!"

Humigop ng kape si Madelyn bago ito nagsalita. "Ganun talaga ang buhay artista lalo na kapag taping, walang katapusan at sobrang dami ng retake. Hanggat hindi nasasatisfy ang director, hindi kayo titigil sa pag-arte!"

Ngumisi lamang si Kendall sabay kain sa kanyang chickenpot pie.

"Pero mukha yatang nagmamadali ka, Kendall! Puwede na kayong mauna kung gusto mo at baka madelay pa kayo sa shoot, since two months pa naman bago mag start ang shooting and expect the script by next week din!" paliwanag ni Madelyn.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status