Umalis na lamang si Kendall ng walang atubili at paalam, bagay na ikinagulat ng kanyang ama at nila Madelyn.
"Teka napapansin ko na parang ang tamlay ni Kendall ngayon? Okay lang ba siya?" tanong ni Madelyn.
Mainit man ang ulo si Ahron subalit hindi niya ito masyadong ipinahalata kay Madelyn. "Sa totoo lang, hindi ko rin mawari ang ganoong ugali ni Kendall, may times talaga na bigla bigla siyang nagwa-walk out!"
Nabahala naman dito si Madelyn. "Naiintindihan ko naman kung stress siya, pero munting paalala lang ha... Bawal kasi ang ganitong attitude lalo na sa shooting namin, kailangan maipakita niya ang professionalism lalo na't medyo may kasungitan ang director na kukuhain ko!"
"Wag kayong mag-alala, Ma'am Madelyn! Kakausapin ko ang anak ko at nakasisiguro po ako na hinding hindi niya 'yan gagawin sa taping, and baka mag hired din po ako ng security guards para masigurado na hindi siya tatakas sa set!" sambit ni Ahron na halatang nanggigigil sa ginawa ni Kendall.
"Nakakasakal naman yata ang sinasabi mo Ahron, malaki na naman ang anak mo so alam ko na nasa tamang pag-iisip na siya..." lumapit si Madelyn at hininaan nito ang kanyang boses. "Pero hindi kaya lalaki ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan? Eh kung ako kasi ang tatanungin mo, ganyang ganyan din ako noong kabataan ko! Ingat ka, baka biglang mawala ang kinang ni Kendall at malaos siya kapag naging mapusok siya sa pag-ibig!"
Ahron crossed his arms on his chest at namutla ang mukha nito sa kanyang narinig sapagkat iningatan niya ang karera ni Kendall sa loob ng mahabang panahon. "Malabo naman sigurong mangyari ang bagay na 'yan Ma'am Madelyn, eh alam naman po siguro ni Kendall kung ano ang priority niya!"
Sumandal si Madelyn sa kanyang upuan at nahala nito ang seryosong mukha ni Ahron. "Pasensya ka na, Ahron! Don't get me wrong ha? Pero sana mali lang talaga ang hinala ko," kinuha ni Madelyn ang cheque sa kanyang bag at ibinigay kay Scott. "Ito ang 5 million downpayment ko para naman masigurado ko na talaga na si Kendall ang magiging bida sa aking pelikula!"
Nagbago kaagad ang mood ni Ahron at walang atubili na tinanggap nito ang cheque mula kay Madelyn. "Sige po Madam, makakaasa po kayo na kasado na ang lahat!"
"Oo nga, at tsaka kailangan nang mag diet ni Kendall, hindi naman sa dinidiscriminate ko siya, pero parang nadagdagan siya ng timbang!"
"Wag po kayong mag-alala, ako na p ang bahala diyan!"
Subalit imbis na dumeretso si Kendall sa shooting, kinuha niya ang kanyang cellphone at mangiyak ngiyak nitong tinawagan si Scott na kasalukuyang nasa klase.
"Sir, excuse lang po, mayroon kasing tumatawag!" pagpapaalam ni Scott sa kanyang professor. Lumabas siya ng paaralan para makahanap ng mas magandang signal. Nang sagutin niya ang tawag ni Kendall, naramdaman niya kaagad ang lungkot sa boses nito malumanay.
"Hello, Scott?" sambit ni Kendall ng sagutin ni Scott ang kanyang tawag.
"Hi Kendall, bakit parang ang lungkot mo yata?" nag-aalalang sabi ni Scott.
"Pwede ba tayong magkita?" tanong ni Kendall na pinipilit pigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
"Nasa klase kase ako, Kendall... nasaan ka ba?"
"Nasa makati ako, Scott! Please magkita tayo ngayon, para mo nang awa!" nagsusumamong saad ni Kendall.
"Si-sige Kendall, i-text mo sa akin ang address para mapuntahan kita!" nag-aalangang sabi ni Scott.
"Maraming salamat Scott!"
"Teka, okay ka lang ba? Bakit parang ang lungkot mo ata ngayon Kendall? May nagawa ba akong masama sa'yo?"
Hindi nagdalawang isip si Kendall na isiwalat kay Scott ang pagpupumilit ng kanyang ama na pirmahan ang kanyang kontrata. "Ang papa ko kasi, pinilit niya akong papirmahin ng kontrata at gusto niya akong pagawain ng daring roles!"
Labis na nagulat si Scott sa sinabi ni Kendall kaya naman ay hindi na ito nagdalawang isip at nagkita silang dalawa ni Scott sa isang restaurant sa makati, mabuti na lamang at naka disguise si Kendall kaya hindi ito magagawang lapitan ng kanyang mga fans. Nakaupo silang magkaharap ni Scott at bakas pa rin ang namumugtong mga mata ni Kendall na kitang kita kahit nakasuot siya ng shades.
"Bakit ka pumayag sa mga ganoong eksena? 18 ka pa lang Kendall?"
"Pasensya ka na, Scott. Gusto ko rin sanang tanggihan ang offer pero nasilaw ang papa ko sa pera at pinilit niya akong makipagkita sa Producer na si Ma'am Madelyn!"
"Talaga? Napakasakim ng papa mo, Kendall... bakit ba kasi nagtatyaga kang magpa alila sa tatay mo? Hindi mo ba alam na puwede natin siyang idemanda sa ginagawa niyang 'yan?"
"10 million ang kontrata Scott at nakapirma na ako!"
"Nako, malaking halaga pala ang kontrata! Hindi ka na pwedeng magback out, Kendall dahil maaari kang kasuhan ng producer lalo na kung may inilabas na silang puhunan, pero bakit hindi subukan na i-reach out ang producer at i-try mong ipa-revise ang kontrata at tanggalin ang mga daring scene! Baka maging boldstar ang maging labas mo niyan?" mahabang paliwanag ni Scott.
"For sure akong mayayari ako sa tatay ko kapag nagkataon! Hindi niya gustong tanggihan ang kontrata dahil mas pinapahalagahan niya ang pera, Scott!"
Hinawakan ni Scott ang mga kamay ni Kendall at tumingin ito sa mga mata ng dalaga. "Bakit hindi na lang tayo tumakas at magpakalayo layo? Baguhin natin ang identity mo at mamuhay tayo ng normal sa probinsya!"
"Scott, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo, maraming koneksyon ang tatay ko lalo na ngayong mas naging makapangyarihan na siya!"
"Pero hanggang kailan mo gustong magpa-alila sa sakim mong ama? Hindi naman puwedeng habangbuhay kang magpapasakal sa leeg at hahayaan mo siyang kontrolin ang lahat ng kilos mo!" Napayuko si Scott dahil nakokonsensya ito sa nangyayari kay Kendall. "Pasensya ka na, Kendall! Wala akong magawa sa ngayon kung hindi ang bigyan ka ng payo, napakatagal na ng panahon na gugugulin ko para maging isang ganap na abogado pero pinapangako sayo na kapag nangyari 'yun ako mismo ang gagawa ng paraan para makawala ka sa demonyo mong ama!"
"Salamat Scott, pinapagaan mo ang loob ko!"
"Siyempre naman, pero yung tungkol sa nangyari sa atin..."
"Wag kang mag-alala Scott, hindi ko naman ipagsasabi sa kahit na sino ang tungkol sayo at sa nangyari sa atin! Medyo mahirap pero pipilitin kon makipagkita sayo ng mas madalas, makahinga man lang ako ng maluwag sa buhay!"
"So anong plano mo ngayon?"
"Two months pa naman bago ang shoot at marami pang puwedeng mangyari. Sa ngayon, gusto ko lang sanang maglabas ng sama ng loob sa tatay ko!"
"Salamat naman at pinagkakatiwalaan mo ako, huwag kang mag-alala handa akong makinig sa lahat ng sasabihin mo Kendall!"
"Siya nga pala Scott, Kamusta naman ang pag-aaral mo?"
"Eto medyo stress, sobrang pinag iigihan ko ang pag-aaral ko kasi siyempre magiging abogado ako ng isang artista, kaya kailangan ko talagang pag-igihan kaya lalo akong kakain ng maraming bigas!"
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon