Sa kalagitnaan ng masayang pag-uusap nila Scott at Kendall, bigla namang tumawag ang kanyang sakim na ama. Halos pagpawisan na naman siya ng husto dahil dito.
"Natawag ang sakim mong ama?" tanong ni Scott na kitang kita kung paano kabahan si Kendall.
"Scott, sa susunod nalang tayo ulit mag-usap... pasensya ka na at kailangan ko talagang sagutin ang tawag ni daddy!"
"Sige, gusto mo bang ihatid na kita sa shooting?"
"No, magta-taxi na lang ako! Pasensya ka na!"
Dala ang kanyang bag, umalis si Kendall at naiwang mag-isa si Scott. Nang makalayo na si Kendall ay sinagot na niya ang tawag ni Ahron.
"Dad, I am sorry medyo trapik lang po talaga ngayon kaya bigla akong nagmadali!" pagsisinungaling ni Kendall.
Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron na agad sumakay sa kanang sasakyan. "Ang sabihin mo, bastos ka talagang bata ka! Palagi mo na lang akong binibigyan ng kahihiyan, mabuti na lang talaga at maunawain si Ma'am Madelyn sa pambabastos na ginawa mo!"
Napatungo si Kendall sa pangsesermon ng kanyang ama. "Sorry dad, medyo nagmamadali lang po talaga ako! Nandiyan pa po ba kayo sa restaurant?"
"Sa tingin mo? Mabuti na lang talaga at nakuha ko na ang downpayment nilang 5 million kaya sigurado nang ikaw ang bibida sa pelikula ni Madelyn!"
"Ano po? Nagdown na sila?"
"Oo naman, at tsaka nga pala, ang sabi sa akin ni Madelyn, napapansin daw niyang tumataba ka at nababahala siya kaya hindi ka na puwedeng kumain ng karne sa bahay, bibilhan din kita ng gym equipment para hindi ka na-"
"Pero hindi po ba't nasa Fitness Center ako ngayon? Wala naman po akong problema dito eh!" pagpuputol ni Kendall sa kanyang ama.
"Talaga ba? Baka naman ginagamit mong dahilan 'yan para makipagkita ka sa lalaki? Tapatin mo nga ako, nagsisinungaling ka ba sa akin?"
Tinodo na ni Kendall ang kanyang pagsisinungaling para pagtakpan ang namumuong magandang samahan nila ni Scott. "Dad, pramis wala po talaga akong itinatago ngayon, nakatutok lamang po ako sa trabaho ko!"
"Gayunpaman, may pagdududa pa rin ako sayo Kendall!"
"A-ano po ang ibig niyong sabihin?"
"Pag-usapan natin 'yan pagdating mo dito sa bahay! Tinext ko na rin si Ma'am Madison at ine-expect nila na paparating kana, tatawagan ko rin siya mamaya para ikumpirma kung talaga bang nagpunta ka sa shooting at hindi ka lihim na nakikipagkita sa lalaki!"
"Teka p-"
Hindi pa tapos magsalita si Kendall ay agad na siyang binabaan ng telepono ni Ahron. Nagpara si Kendall ng taxi at naupo ito sa likuran.
"Manong pakibaba po ako sa Manila, sa may intramuros po!" sambit ni Kendall. Hindi naman nagsalita ang driver, bagkus at nagdrive lamang ito papunta sa destinasyon na pupuntahan ni Kendall na halos tulala at iniisip ang kanyang naging kapalaran. "Sana pala hindi na lang ako naging si Kendall, ang hirap ng sitwasyon ko ngayon, kailan kaya ako makakawala sa sakim kong ama? Mangyayari pa kaya 'yun? Si Scott na lang talaga ang natitirang pag-asa ko, hindi puwedeng mawalay na naman kami sa isa't isa!"
Napatingin ang driver sa salamin nito sa taas at tila ay namukhaan niya si Kendall. "Madam, para pong kilala ko kayo ah? Hindi po ba't kayo si Kendall?" Nakangiting sabi ng driver.
Itinigil muna ni Kendall ang kanyang pagmumuni muni at napakamot na lang ito sa ulo sa gulat. "Ano ba 'yan, ako ko naman perfect ang disguise ko!" pabirong sabi niya sa driver.
"Nako, puwede ba naman 'yun? Eh idol na idol ko po kayo eh!"
"Salamat naman po," nakangiting sabi ni Kendall na tinanggal ang kanyang shades. "Wag po kayong maingay manong, male-late po kasi ako sa shooting ko ngayon!" mahinang sabi ni Kendall.
"Wag po kayong mag-alala, hindi naman po ako ganoong tao! Grabe sikat na sikat na po talaga kayo ngayon... siguro proud na proud po sa inyo ang tatay ninyo!"
Bahagyang sumimangot ang mukha ni Kendall, bagay na napansin ng driver kahit na nagmamaneho ito.
"Oh, bakit parang hindi po kayo masaya? Hindi po ba't malapit kayo sa tatay ninyo? For sure naman akong wala kayong masyadong nagiging problema dahil may pera kayo... hindi kagaya namin na kailangan pang mamasada para lang may maipakain sa pamilya namin!"
Naalala na naman ni Kendall ang mukha ng kanyang ama kapag ito ay nagalit, kaya naman mas pinili na lang niyang sakyan ang sinasabi ng driver. "Opo nga eh, sobrang proud po ang tatay ko and supportive siya sa akin, sa katunayan nga po marami kaming t.v sa bahay at puro palabas ko po ang madalas na pinapanood!"
"Alam niyo po, ang swerte talaga ng buhay artista, mayaman, maraming pera, sikat at maraming kaibigan!"
Pinabulaanan naman ni Kendall ang maling prinsipyo ng driver. "Eh sa totoo lang po, Manong driver, hindi porket artista kami, eh parang mala fairytale na ang buhay namin!"
"Oh, eh bakit naman po? Eh nasa inyo na nga ang lahat kung tutuusin eh! Kung maganda lang sana ang anak ko kagaya ninyo, hindi ako magdadalawang isip na isali siya sa pageant!"
"Mas maganda po siguro kung mag-aaral po muna ang anak ninyo, manong! Base kasi sa karanasan ko, hindi kasi maganda kung uunahin nila ang paghahanap buhay!"
"Nako, gastos lang naman ang pag-aaral tapos pag naka graduate, minimum lang naman din ang sasahurin nila tapos mag-aasawa at iiwan ang taong tumulong sa kanila para makapagtapos sila!" pagdadahilan ng driver. "Kaya nga sa totoo lang, isang anak lang ang gusto ko para naman magaan sa bulsa," dagdag pa niya.
Nanggigil pero nagtimpi si Kendall, nakikita kasi niya ang ugali ng driver at ng kanyang ama na walang pinagkaiba. "Hayaan niyo po, kung saan naman kayo mas masaya, ang importante naman dito eh kumakayod kayo para sa anak ninyo!"
"Pero siya nga pala, express way ang dadaanan natin para makaabot ka sa shooting mo... baka kasi hindi ka makaabot sa shooting tapos ako pa ang sisisihin mo!"
"Hindi naman po ako ganoong tao, manong... sa katunayan nga po, mas gusto ko nga ng mas mabilis na biyahe!"
"Pero bakit nga po pala kayo nagtaxi? Wala po ba kayong kotse?"
"Meron po pero nagkataon lang kasi na nagmamadali po ako kaya nag taxi na lang ako!"
"Ah okay po, pagbalik po ba magtataxi pa rin kayo?"
"Hindi na po siguro, baka kasi gabihin ako and magpapasundo na lang po ako sa driver namin!"
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon