Matapos ng matinding bakbakan, natulong silang magkayakap. 3 am, naalimpungatan si Kendall kaya
bumangon si Kendall at nagbihis, bagay na ikinagulat naman ni Scott.
"Saan ka pupunta Kendall?" Sambit ni Scott na napabangon ng walang saplot, matigas parin ang kanyang alaga.
"Uuwi na ako Scott, baka magalit ang papa ko!" Maluha luhang sabi ni Kendall.
Niyakap ni Scott si Kendall at ramdam nito ang matigas pa rin na alaga ng binata.
"Kitang kita ko ang takot sa mga mata mo Kendall, hanggang kailan ka magpapaalila sa tatay mo?"
Humarap si Kendall kay Scott. "Hindi mo naiintidihan ang sitwasyon ko Scott, mahirap ang kalagayan ko at hindi na ako makakawala sa tatay ko!"
Hinawakan ni Scott ang malambot na pisngi ni Kendall. "Alam mo ba kung ano ang madalas na ituro sa akin ng yumao kong lola?"
Hinawakan ni Kendall ang kamay ni Scott, pumikit ito at dinama ang malambot na kamay ng binata bago ito nagsalita ng pabulong. "Ano?"
Pumatak ang luha sa mga mata ni Scott dahil dama niya ang hinagpis na pinagdadaanan ni Kendall. "Ang sabi sa akin ng lola ko, lahat ng paghihirap ng tao ay mayroong katapusan... bakit hindi na lang tayo magtanan at lumayo? Umuwi tayo sa probinsya at magtago tayo sa tatay mo!"
"Hindi pwede, Scott! Mas lalo akong masasaktan kapag nadamay ka aking problema!"
"Nagkakamali ka ng inaakala, Kendall! Pinili kong idamay ang sarili ko dahil mahal kita, gusto kong malaman mo na karamay mo ako sa bawat pagsubok ng buhay mo! Wag mo akong iwan, please! Huwag ka nang bumalik sa sakim mong tatay!"
Dumampi ang halik ni Kendall sa bibig ni Scott. "I am sorry, Scott! Simula ngayong araw, layuan mo na ako! Pinagtagpo tayo pero hindi tayo ang tinadhana para sa isa't isa!"
Hinawak ni Scott ang mga braso ni Kendall, "please wag mo akong iwan!"
Tinanggal ni Kendall ang kamay ni Scott sa kanyang balikat at saka ito nagbihis at umalis. Pagbalik ni Kendall sa kanilang mansyon, nag aabang na naman si Ahron sa kanyang pagdating, kitang kita ni Kendall ang galit na nagliliyab sa mga mata ng kanyang ama. Paglapit niya dito ay magmamano sana siya subalit iniwas ni Ahron ang kanyang kamay.
"Saan ka nagpunta?" mahinang tanong ni Ahron na may halong galit ng bigkasin niya ang kanyang salita.
"Dad, medyo napasarap lang po ang kwentuhan namin sa dinner kaya medyo madaling araw na po ako nakabalik!"
Biglang sinakal ni Ahron si Kendall sa leeg, bagay na ikinagulat ng dalaga.
"Wag mo akong gawing tanga, Kendall! Hindi 'yan ang sinabi sa akin ng manager mo!"
"D...ad, nasas...aktan po ako!"
Sinabunutan ni Ahron si Kendall at hinila sa kanyang kwarto. Kitang kita ng kanilang mga kasambahay ang pananakit ni Ahron sa artista niyang anak subalit alam nila na wala silang magagawa kung hindi ang pagmasdan na lamang ang ginagagawang pananakit ni Ahron. Pagpasok nila sa kwarto, sinampan at sinigawan ni Ahron si Kendall at rinig ito ng mga kasambahay na nakayuko.
"SA DAMI NG TAONG PWEDE, BAKIT SA AKIN PA? SABI KO SAYO ALAM KO ANG BAWAT GALAW MO SA TAPING KAYA HINDING HINDI MO SILA PWEDENG GAWAN NG KUWENTO!" Lumapit si Ahron kay Kendall na tumumba sa sahig at sinakal ito sa leeg. "Sabihin mo sa akin ang totoo, saan ka nagpunta at sino ang kasama mo?" bulong ni Ahron kay Kendall.
Hindi sumagot si Kendall sa tanong ng kayang ama dahil nanginginig ito sa takot dahil sa matalim na tingin ng kanyang ama.
Binitawan ni Ahron ang leeg ni Kendall at saka hinawi ang buhok nito. "Anak, hindi naman ako masamang tao eh! Sadyang matigas lang ang ulo mo kaya kita napapagalitan, hindi naman sana tayo magkakaroon ng problema kung susundin mo lahat ng gusto ko! Hindi ka ba masaya na nabigyan mo kami ng kapatid mo ng magandang buhay? Proud na proud ako sa narating mo, Kendall at hinding hindi ako papayag na isang lalaki lamang ang sisira ng pangarap na binuo natin para sayo kaya sa oras na malaman kong may lumalandi sayong lalaki, hindi ako magdadalawang isip, papatayin ko siya at ikaw ang may kasalanan noon, naiintindihan mo ba?"
Nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ni Kendall na lalaong nagpayamot kay Ahron, dahilan para muli niyang sabunutan ang ulo nito.
"Sumagot ka, Kendall! Dahil ayaw na ayaw kong magmukha akong nagsasalita sa hangin!"
"Opo dad, please bitawan niyo na po ang buhok ko, nasasaktan po ako!"
Sinunod naman ito ni Ahron at hinawakan niya ang kamay ni Kendall para tulungan itong tumayo. "Kumain ka na, Kendall, hindi ka pwedeng magkasakit dahil pag nangyari 'yan mawawalan ka ng trabaho at malalaos ka!"
Hinawakan ni Kendall ang kamay ng kanyang ama at tumayo ito, nagtungo sila sa kusina kung saan may mga nakahaing gulay sa lamesa, hinila ni Ahron ang upuan sa loob ng lamesa at pinaupo niya si Kendall.
"Please have a sit, anak!" Nakangiting sabi ni Ahron.
Umupo si Kendall subalit hindi ito natakam sa mga gulay na nakahin sa lamesa.
"Dad, bakit naman po puro gulay ang nakahain sa akin?" tanong ni Kendall.
Umupo si Ahron sa tabi ni Kendall at sinermonan na naman niya ito. "Hindi ka na bata, Kendall! Hindi mo ba napapansin na nadadagdagan na ang timbang mo?"
Kinuha ni Kendall ang kutsara para kumuha ng pakbet. Bigla na namang nagsalita si Ahron at napalingon sa kanya si Kendall.
"Anak, alam mo napakaswerte ko sayo kasi ikaw ang naging dahilan kung bakit nakakatikim tayo ng magandang buhay ngayon. Basta sundin mo lang kung ano ang gusto kong mangyari kasi ama mo ako at ako lang ang bukod tanging nakakaalam kung ano ang makakabuti sayo oh hindi!"
"Opo dad," tanging sagot ni Kendall.
"Siya nga pala, mukhang marami rami ka pang magiging endorsements at mga gagawing mga movies!"
Napayuko si Kendall at dahan dahang nagsalita. "Dad, sorry kasi gusto ko sanang tanggihan ang ilan sa mga movies na inaalok sa akin!"
Sinabunutan at sinungalngal ni Ahron ang bibig ni Kendall sapagkat hindi niya inaasahan ang magiging sagot ng kanyang anak. "At bakit mo gustonng tanggihan? Hindi mo ba alam kung gaano kataas ang offer sayo ng mga producers?"
Muli na namang pumatak ang mga luha sa mata ni Kendall. "Dad... nasasaktan po ako!"
Sa halip na maawa ay mas lalong hinigpitan ni Scott ang pagsungalngal niya sa kanyang anak. "Talagang masasaktan ka sa akin... bakit mo naisip na tanggihan ang offer sayo ng producer? Paano kung ibigay nila 'yun sa iba?"
"Dad, masyado pong daring ang role ko and required po ako gumawa ng mga malalaswang scene!"
"Oh, eh ano ngayon? Hindi ba't usong uso naman ang mga ganoon ngayon! Hindi ka dapat namimili ng mga roles na gagawin mo lalo na't mahirap makahanap ng ganung offer. 10 million ang nakalagay sa contract mo, kung ano man ang nakalagay sa description ng role mo, hindi ka pwedeng magreklamo. Kokontakin ko ang producer at sasabihin kong pumapayag ka sa mga daring scenes!"
"Your honor, nandito ako na tumatayo bilang lawyer ni Kendall Ezekiel. Isa siyang artista at kaya kong mapatunayan na walang ground ang accusations sa kanya bilang tawagin siyang mentally unstable. Mayroon po siyang kakayahan para makapag isip. She can think, act, and live like any other human beings! May I ask to remove her father Ahron Ezekiel be removed as her conservator. Sinabi niya na nararamdaman niya na ang conservatorship ay naging isang mapang-api at pagkontrol na tool laban sa kanya.Ipinaalam sa akin ni Kendall na gusto niyang wakasan ang conservatorship sa lalong madaling panahon. Siya ay may sinabi niya na siya ang nagtatrabaho at kumikita ng kanyang pera ngunit lahat ng tao sa kanyang paligid ay nasa kanyang payroll."Sumagot naman si Mr. Chavez sa mga parating ni Scott. Dala niya ang ilang mga larawan na nagpapatunay na si Kendall ay nasisiraan ng bait. Bigla bigla raw itong nagagalit at ipinakita pa niya ang video kung saan hindi na kayang gawin ni Kendall ang mga bas
Sa kabilang banda naman, nakarating na kaagad sila Scott at Kendall sa lugar kung saan ang warehouse na magsisilbing torture place para kay Ahron. Maayos ang paligid at marami ang mga matatalas kagaya ng kutsilyo at mayroon ding mga baril na nakalagay sa mahabang lamesa na katabi lamang ng bakal na upuan. "Grabe pala ang grupo ni Ryan, masyado silang mga mararahas at matindi siguro ang gagawin nilang torture sa tatay mo Kendall!" sambiti ni Scott na para bang nakokonsensya ito sa mga mangyayari sa tatay ni Kendall.Nanatiling manhid si Kendall at walang bakas ng konsensya at awa sa mukha nito. Huminga ng malalim si Kendall at hindi ito kumibo sa sinabi ni Scott. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo Kendall, maaari ko bang malaman kung ano ang nasa iyong isipan?" tanong ni Scott na napayakap sa likuran ng kanyang syota. "Scott, gusto kong sabihin sayo na sumunod sa atin si Manang Bethy at Lea. Gusto ko na salubungin mo sila at balaan mo na wag nang tumuloy dahil dadanak ang dugo sa
Sinisi naman ni Stephen si Enzo. "Alam mo, ikaw ang may kasalanan nito eh. Tingnan mo, lahat ng ninakaw natin maaagaw na nila!""Mukhang papatayin na rin naman nila tayo, mabuti pang lumaban na lang tayong dalawa!"Ikinisa naman ni Enzo ang kanyang baril. "Sabagay may punto ka... pero aminin mo na mayroon ka ring kasalan sa nangyari. Kung kanina pa sana tayo umalis, hindi sana ito mangyayari ang bagay na ito!"Narinig naman ni Ryan ang ingay sa van at nang tingnan niya ito ay mayroong mga tao sa loob. Lumingon siya kay Analyn. "Nasaan ang baril?""Hindi ba't ang usapan natin ay kikidnapin lamang natin si Ahron? Bakit parang gusto mo pa yata ng gulo?""Ang sabi ko nasaan ang baril? Gusto ko lang naman makasiguro na magiging maayos ang lakad natin ngayon eh!"Binigay ni Analyn ang baril ni Ryan. Dahan dahan niyang iniyayapak ang kanyang mga paa papunta sa Van habang nakatutok ang baril niya rito. "Lumabas kayo sa lungga ninyo, mga kutonglupa... alam ko na mga tauhan kayo ni Ahron. Sorry
"Pasensya ka na Arnaldo, alam naming gusto mong pag aralin ang nag iisa mong anak. Magsimula ka na lang ulit, tutal mukhang iniwan ka na naman ng asawa mo eh!"Muli na mang nagmakaawa si Arnaldo sa dalawa niyang mga kaibigan. "Nakikiusap ako sa inyo, wag niyo namang gawin ang bagay na ito. Simula noong ipanganak ang anak kong si Ahron, nagsimula na akong mag ipon para sa kinabukasan niya. Halos magkanda kuba kuba na nga ako sa pagtatrabaho may maitabi lang ako para sa kanya!""Arnulfo, mukhang matigas itong si Arnaldo, kuhain mo ang anak niya at dalhin mo dito. Tingnan natin kung magmatigas pa ito!""Bakit ninyo inaaway ang tatay ko?" sambit ni Ahron na lakas loob na lumabas sa kanyang kwarto. Kahit na maliit, sinubukan niyang saktan ang dalawang lalaking nambubully sa kanyang ama. "Mga bad kayo, bakit ninyo inaaway ang tatay kong nagpapakumbaba sa inyo? Bakit na lang pera ang laging pinag aawayan ninyong mga matatanda?"Yumuko si Robert at pinitik ang kamay ni Ahron. "Alam mo Ahron,
Walang atubling sumunod si Bethy kay Scott at Kendall. Hindi naman nakatiis si Lea at alam niyang maliligaw lamang si Bethy kung mag isa itong pupunta kaya sumama na rin siya. Mag isa si Ahron sa kanyang kwarto, naging malalim kasi ang kanyang tulog at sa kanang panaginip, nakita niyang muli ang kanyang yumaong ina na si Glenda at kasalukuyan itong nakikipag talo sa kanyang amang si Arnaldo sa kanilang bahay na gawa sa kawayan. Aminado si Ahron na sobrang hirap ng pinagdaan niya noon at hindi niya lubos akalain na ibabalik ito ng tadhana sa kanya. "Alam mo, sobrang hirap na hirap na tayo sa buhay," sambit ni Arnaldo. "Grabe ka Glenda, halos hindi mo na ako pinagpapahinga eh. Seven days mo akong pinagtatrabaho, hindi naman ako umaangal pero nagrereklamo ka pa rin sa binibigay ko sayo. Aminin na natin, walang yumayaman sa pagtatrabo ng walong oras Glenda. Mas mababa pa sa minimum ang kinikita ko eh!"Nagpamewang naman si Glenda sa sinabi ng kanyang asawa. "Aba, para mo na ring sinabi
Nagtawanan silang mga magtotropa at para bang hindi sila natatakot na baka maging baliktad ang mga pangyayari. Dala ang kanilang mga baril, lumusob silang lahat sa bahay ni Ahron. Samantalang si Scott naman ay nag aalala sa kalagayan ni Kendall.Kasalukuyan silang nasa bahay ni Scott. Wala ang tatay niya sa lugar. Samantalang sila Lea at Bethy ay parehas na natutulog sa sofa. Minamasdan ni Scott si Kendall habang ito ay natutulog."Grabe Kendall, ang ganda ganda mo talaga. Kung buhay lang sana ang baby natin at naging kamukha mo siya, sigurado akong magiging isang sikat na artista rin siya kagaya mo. Pero wala na, sinira na ng tuso mong ama ang mga pangarap nating dalawa!"Hinawi ni Scott ang buhok ni Kendall na nakaharang sa mukha nito. "Alam mo, gustong gusto talaga kita kahit noong mga bata pa lang tayo. Ikaw lang ang tanging nakakapagpasaya sa akin ng ganito. Palagi pa nga tayong naglalaro dati at hindi mo alam na lihim kitang pinagmamasdan. Ewan ko ba pero kahit bata pa tayo noon
"Wow, ikaw ba talaga yan Ryan? Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Nagiging matapang ka talaga!""Oh siya, ngayong gabi ay magkita tayo sa lumang warehouse. Alam mo na naman siguro ang address noon Vincent, hindi ba?""Ako pa ba? Kabisadong kabisado ko ang ruta papunta sa lugar na yan. Wag kang mag-alala, ako na ang bahalang tumawag ng back up!" sambit ni Vincent. Nakahinga naman ng maluwag si Ryan sa narinig niya mula sa itinuturing niyang matalik na kaibigan. "Maraming salamat sayo pre, alam ko na marami tayong mga hindi pagkakaunawaan nitong mga nagdaang araw, pero nananatili pa rin tayong magkaibigan!""Wala yun... ganyan naman talaga ang totoong magkakaibigan eh, nagdadamayan sa lahat ng mga problema. Naalala mo pa ba noong mga bata pa tayo? Iyakin pa tayong parehas noon sa school at hindi tayo magkaklase!""Oo kasi section 8 ka at section 1 ako!""Oo kasi nilipat ka section that time pero dapat ay sectio 7 ka? Akala mo siguro ay hindi ko yun natatandaan no?""Hehehe, doon tayo
Sa kabilang banda naman, halos pagtinginan ng lahat si Analyn dahil para itong naging babaeng gusgusin. Subalit hindi niya iniinda ang mga masasamang tingin sa kanya ng mga tao. Tatlong oras ang nakalipas, nakauwi na si Analyn sa bahay ni Ryan. Pagod na pagod ito at hihimatayin na sana pero mabuti na lamang ay sinalo siya ni Ryan na sobrang nag aalala sa kanyang kalagayan. Ngunit hindi ito nagtangkang tumawag ng pulis dahil sa natatakot rin siya sa kanyang sariling multo. Isang oras ang nakalipas, muling nagising si Analyn na nakaratay sa kwarto ni Ryan. Tumingin siya sa kanyang syota ay hindi niya mapigilang maiyak sa tindi ng kanyang dinanas sa mga kamay ni Ahron. "Walang hiya si Ahron, magbabayad siya sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin!" galit na sabi ni Analyn. Ramdam na ramdam ni Ryan ang pagkamuhi ni Analyn sa itinuturing niyang karibal. Kahit papaano kasi ay napamahal na siya kay Analyn at mahalaga ito para sa kanya. Tumabi si Ryan at inilapag muna nito ang mga iniha
"Sir, hindi po namin mahagilap sila Kendall at si Scott!" sambit ng isa sa mga tauhan ni Ahron.Hindi na nakapagtimpi pa si Ahron, lumapit siya sa kanyang tauhan at tsaka niya ito sinapak sa mukha. Natumba ito at dumugo ang kanyang ilong sa lakas ng pagkakasuntok ni Ahron. Kaagad namang umalis ang lawyer niyang si Mr. Chavez dahil sa natatakot ito na madamay sa mga nangyayari."Ga*o ka Stephen? Kung hindi mo sana sila pinakawalan kanina, sana ay wala tayong magiging problema!" sambit ni Ahron. Pumalag naman si Enzo, ang kasamahan ni Stephen na bodyguard. "Sir, wag po kayong mag alala, maaaring nagtatago sila ngayon pero makikita rin natin sila!"Nakatikim rin ng sapak si Enzo kay Ahron at kagaya ni Stephen, natumba rin ito at dumugo ang kanyang ilong. Kinuha ni Ahron ang baril nang dalawa niyang mga bodyguards at tinutukan niya ang mga ito. "Alam ninyo, ang pinakaayaw ko sa lahat yung tinatraydor ako!"Muling bumangon si Enzo at pinunasan niya ang kanyang nagdudugong ilong. "Sir, ma