تسجيل الدخولDeneve’s POV
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang ingay ng mall, ang background music, ang mga taong naglalakad sa paligid namin lahat yun nag-fade. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko.
Nakatingin lang ako kay Julius, at nakatitig din siya sa akin. Sa mga mata niya, nakita ko ang pagkabigla na unti-unting napalitan ng panlalamig. Tiningnan niya ang suot kong lumang faded na t-shirt at ang suot kong mumurahing maong.
"Babe? I asked you a question. Sino 'yang matabang—" napatigil si Bianca. Lumapit siya kay Julius at tiningnan ako nang maigi. Nanlaki ang mga mata niya, tapos bigla siyang tumawa nang pagkalakas-lakas. "Oh my god. No way. Deneve?! Ikaw ba 'yan?!"
Gusto kong lamunin ako ng lupa right then and there. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Hope at pilit siyang itinago sa likuran ko.
"What happened to you?!" Halos mangiyak-ngiyak si Bianca sa katatawa habang tinuturo ako. Walang pakialam kung may mga taong napapatingin sa amin. "My god, Deneve! Para kang balyena! Ang laki-laki mo na, tapos... ew, look at your clothes! Namamasukan ka bang katulong ngayon? Ang dugyot mo tingnan!"
Nanginig ang mga labi ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong isumbat sa kanya na ang perang ninakaw nila sa akin ang dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyong ito. Pero walang boses na lumabas sa lalamunan ko. Bumara ang kaba at kahihiyan.
"Mama, bad po ba siya?" inosenteng tanong ni Hope mula sa likod ko. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit ko.
Narinig yun ni Bianca kaya napatingin siya kay Hope. Kumunot ang noo ng kabit ng asawa ko at tiningnan ang anak ko mula ulo hanggang paa.
"Oh, may anak ka na pala?" mapang-asar na ngumiti si Bianca. Tiningnan niya ako nang may halong pandidiri. "Sino namang malas na lalaki ang nakabuntis sa'yo? Tambay diyan sa kanto niyo? O baka naman hindi mo alam kung sino kase kung kani-kanino ka sumama nung naglayas ka?"
"Wag mong idamay ang anak ko, Bianca," matigas na sabi ko. Pinilit kong patapangin ang boses ko kahit nanginginig na ang buong katawan ko.
"Bakit? Totoo naman ah!" sagot ni Bianca, nag-cross arms pa siya habang nakasandal kay Julius. "I mean, look at you. Sinong matinong lalaki ang magkakagusto sa isang baog na tulad mo? Ah wait, hindi ka na pala baog. Naanakan ka lang pala ng kung sinong hampaslupa. Sabagay, mag-ina kayong mukhang cheap. Bagay na bagay kayo sa skwater."
"Tama na 'yan, Bianca," malamig na saway ni Julius.
Napatingin ako sa asawa ko. Wala siyang reaksyon sa mga pang-iinsulto ni Bianca sa akin. Ang paningin niya ay nakapako... kay Hope.
Tinitigan ni Julius ang mukha ng anak ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang sinusuri ang mga mata at ang hugis ng mukha ni Hope. Parang may kinakalkula siya sa isip niya. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Kamukhang-kamukha niya si Hope. Yung mga mata ni Julius, yung ngiti, nasa anak ko.
"Ilang taon na siya?" seryosong tanong ni Julius. Ang lamig ng boses niya. Parang boses ng isang estranghero.
Napaatras ako ng isang hakbang. "W-Wala kang pakialam."
Humakbang si Julius palapit sa amin. "I asked you a question, Deneve. Ilang taon na ang bata at sino ang tatay niyan?"
"Babe, bakit mo ba kinakausap 'yan? Nag-aaksaya ka lang ng laway diyan sa matabang 'yan," irap ni Bianca.
"I said, shut up, Bianca," madiin na sagot ni Julius nang hindi inaalis ang tingin sa amin ni Hope. "Sumagot ka, Deneve."
Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa malalasahan ko na ang sarili kong dugo. Kailangan kong magsinungaling. Hindi niya pwedeng malaman. Kukunin niya sa akin si Hope. Mayaman na siya, makapangyarihan. Baka baligtarin nila ako at sabihing mas kaya nilang buhayin ang anak ko!
"Asawa ko," lakas-loob kong sagot, nakatingin nang diretso sa mga mata niya. "Nabuntis ako ng boyfriend ko noon na asawa ko na ngayon. Matino siyang tao, Julius. Hindi tulad ng iba dyan na walang ginawa kundi manggamit."
Tumawa ulit nang malakas si Bianca. "Asawa? May nagkamali sayo sa ganyang hitsura? As in legal husband? Naku girl, baka naman nananaginip ka nang gising! Sino namang siraulo ang pakakasalan ang isang losyang na tulad mo?"
"Excuse me? May problema ba rito?!"
Lahat kami napalingon sa sumigaw. Si Spica. Mabilis siyang naglakad palapit sa amin, bitbit ang isang paperbag, salubong na salubong ang kilay sa ilalim ng makapal niyang salamin. Hinarang niya agad ang sarili niya sa pagitan namin ni Bianca.
"Spica..." mahinang bulong ko. Parang naiiyak na ako sa relief.
Tiningnan ni Bianca si Spica mula ulo hanggang paa, tapos ngumisi nang nakakaloko. "Oh, my god. The circus is in town. May dumating na namang isa pang weirdo. Sino ka naman? Yaya ng matabang 'to? Look at your glasses, ang cheap ng frame. At 'yang suot mo? Ukay-ukay ba 'yan?"
Tinaasan ng kilay ni Spica si Bianca. Hindi man lang siya natinag. "Ako lang naman ang kaibigan ng babaeng binubully mo ngayon. At oo, baka nga sa ukay-ukay galing ang damit ko, pero at least nabili ko ng sarili kong pera. Eh ikaw? 'Yang suot mong dress na halatang knock-off ng Prada, at 'yang confidence mong pang-squatter, kaninong pera ginamit mo diyan? Sa asawa ng may asawa?"
Namula ang mukha ni Bianca sa galit. "How dare you?! Alam mo ba kung sino ang kinakausap mo?!"
"Wala akong pakialam kung sino ka," kalmadong sagot ni Spica, pero ang talim ng paningin niya. "Ang alam ko lang, ang baho ng hininga mo. Nakaka-pollute kayo ng hangin dito. Deneve, tara na. Wag mong sayangin ang oras mo sa mga basurang hindi marunong mag-recycle ng ugali."
Hinawakan ako ni Spica sa braso at hinila kami ni Hope palayo.
"Let's go, Hope," nanginginig ang boses ko. Binuhat ko si Hope dahil nanghihina na ang mga binti ko at mabilis kaming naglakad palayo sa kanila.
"You cheap losers! Wag na wag kayong magpapakita sa akin dito!" rinig ko pang sigaw ni Bianca mula sa likuran.
Hindi na ako lumingon. Gusto ko lang makalayo. Gusto ko lang protektahan ang anak ko.
Julius’s POV
Nakatayo lang ako habang pinapanood silang maglakad palayo. Ang bigat ng pakiramdam ko.
"Nakakagigil yung nerd na 'yon ah! Kung makapagsalita akala mo kung sinong maganda! Pareho lang naman silang dugyot ni Deneve!" nag-iinarte at nagdadabog na sabi ni Bianca habang nakakapit ulit sa braso ko. "Babe, did you hear what she said to me? Ipa-ban mo nga sila sa mall na 'to!"
"Tumigil ka nga muna, Bianca," naiinis kong inalis ang braso ko mula sa pagkakakapit niya.
"What? Kinakampihan mo ba yung matabang ex mo?!"
Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa pwesto kung saan nawala sila Deneve. May mali.
Yung bata.
Imposibleng hindi ko mapansin. Ang hugis ng mga mata ng batang yun... yung ngiti niya bago siya umiyak... pamilyar na pamilyar sa akin. Mukha ko yun noong bata pa ako. At yung sinabi ni Deneve? Nabuntis siya ng boyfriend niya na asawa na niya ngayon?
Paano siya makakapagpakasal kung hindi pa kami annulled? Wala pa akong natatanggap na kahit anong papel mula sa korte dahil abala ako sa pagpapalago ng kumpanya ko at wala akong panahong asikasuhin ang annulment. Legal na asawa ko pa rin siya. Kaya imposibleng may asawa na siya.
At kung apat na taon kami nang hindi nagkikita... at mukhang nasa apat na taong gulang ang bata...
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at dinial ang numero ng secretary ko. Sinagot agad ito pagkatapos ng unang ring.
"Sir Julius?"
"Mark, I need you to do a background check," malamig na utos ko habang naglalakad na ako palabas ng store, iniiwan si Bianca na nagrereklamo sa likuran ko. "Hanapin mo ang lahat ng detalye tungkol sa asawa ko. Kay Deneve Valderrama. Saan siya nakatira ngayon, ano ang trabaho niya, at..."
Huminto ako sa paglalakad at huminga nang malalim.
"...alamin mo kung kailan ipinanganak ang anak niya. Gusto kong makita ang birth certificate ng bata by tomorrow morning."
"Copy that, Sir Julius."
Pinatay ko ang tawag at napakuyom ang kamao ko.
Kung totoo ang hinala ko, na akin ang batang yun at itinago niya sa akin ng ilang taon... hindi ko palalampasin 'to, Deneve. Kukunin ko kung ano ang akin.
Bianca’s POVNaramdaman ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa ulo. Kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko habang nakatitig sa matandang babaeng nakaupo sa sofa.Akala ko ba ayos na? Akala ko ba sapat na yung sinabi kong buntis ako para makalimutan niya yung anak ni Deneve?! Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?Pilit kong pinakalma ang sarili ko at pilit na ngumiti, kahit na gusto ko nang magwala sa inis. Nilapitan ko si Mama Lucing at hinawakan ang braso niya."Ma, bakit po ba natin iniisip yung batang 'yon?" malambing na pakiusap ko, pilit itinatago ang kaba. "Diba po sabi ni Julius, may asawa na daw po si Deneve? Imposibleng kay Julius ang batang 'yon. Focus muna po tayo sa pregnancy ko. Masama po sa akin ang nai-stress, baka makaapekto sa baby natin."Tiningnan ako ni Mama Lucing at marahas na binawi ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. Nawala ang masaya niyang mukha kanina."Wag mo akong turuan kung anong iisipin ko, Bianca," matalim na sagot niya. "I don't care.
Deneve’s POVIlang araw na ang lumipas simula nang ipasa ko ang birth certificate ni Hope. Nakakapagtaka, pero hindi na ako ginulo ni Julius. Walang patawag sa opisina niya, walang pasaring, at medyo nabawasan din ang sandamakmak na trabahong ibinibigay sa akin ni Mr. San Juan.Akala ko, sawakas, naging epektibo ang naging plano namin ni Dra. Almeda. Akala ko titigilan na niya kami dahil hawak ko na ang katibayan na hindi sa kanya ang bata.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung umiiwas ako sa gulo, ang gulo naman mismo ang kusang lalapit sa akin.Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga files sa desk ko nang makita ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto sa department namin. Si Bianca.Iba ang awra niya ngayon. Kung dati ay laging nakataas ang kilay at mukhang laging handang mang-away, ngayon ay may kakaibang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa cubicle ko, hawak ang isang mamahaling kape, at bahagyang hinihimas ang tiyan niyang flat na flat pa naman.
Deneve’s POVNakatayo lang ako habang pinapanood kung paano magsalubong ang mga kilay ni Julius. Nakatitig siya sa birth certificate na inilapag ko sa ibabaw ng mesa niya. Dahan-dahan niyang binasa ang bawat detalye, lalo na ang bahagi kung saan nakasulat ang taon."What is the meaning of this, Deneve?" malamig at nagdududang tanong niya. Inangat niya ang paningin niya sa akin, halos gusto akong lamunin ng buhay. "2023? Kay Hope ba talaga 'to?"Pilit kong pinatatag ang mga tuhod ko kahit na nag-uunahan na sa kaba ang dibdib ko. Ngumiti ako. Isang mapaklang ngiti na matagal ko nang pinraktis para sa araw na 'to."Bakit, may iba pa ba akong anak?" sagot ko. "Oo, kay Hope 'yan. At tama ang nababasa mo. Ipinanganak siya isang taon pagkatapos kong maglayas sa apartment natin."Tiningnan ulit ni Julius ang papel. Halata sa mukha niya ang pagkalito at inis. Parang hindi niya matanggap ang nakikita niya. Hinawakan niya ang dokumento at inilapit sa mukha niya, sinusuri kung peke ang mga n
Bianca’s POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakasandal ako sa malamig na pader sa labas ng opisina ni Julius. Nakatakip ang isang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang anumang tunog na pwedeng lumabas.Bumalik sana ako para kulitin siya tungkol sa ipinangako niyang Chanel bag, pero hindi ko inaasahang maririnig ko ang usapan nila ng nanay niya mula sa nakaawang na pinto.“Nahanap ko na si Deneve... at posible na may anak kami. Isang anak na itinago niya sa atin sa loob ng apat na taon.”Parang bombang sumabog sa utak ko ang mga salitang 'yon ni Julius. Unti-unting gumuho ang perpektong mundong pinaghirapan kong buuin. Kapag napatunayan niyang sa kanya ang batang 'yon, kukunin niya ito. At kapag nakuha niya ang bata, paniguradong babalik sa eksena ang matabang baboy na 'yon! Echepwera na ako!Hindi ako pwedeng pumayag.Dali-dali akong naglakad palayo at pumasok sa pinakamalapit na restroom. Ni-lock ko ang cubicle at nagmamadaling kinuha ang cellphone ko. Dinial ko agad ang n
"Hope!"Dali-dali akong pumasok sa loob ng opisina at halos patakbo kong nilapitan ang anak ko. Walang pag-aalinlangang hinila ko si Hope palayo sa desk ni Julius at itinago siya sa likuran ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko, parang sasabog na sa sobrang kaba at galit.Tiningnan ko nang masama si Julius. Nakaluhod pa rin siya, kalmado lang na nakatingin sa akin, bago dahan-dahang tumayo at pinagpagan ang mamahaling slacks niya."Anong ginagawa mo sa anak ko?!" nanggigigil na bulyaw ko sa kanya. "Anong mga sinasabi mo sa kanya, Julius?! Bakit mo siya kinakausap nang walang permiso ko?!"Tinaas ni Julius ang dalawang kamay niya, parang sumusuko, pero ang nakakairitang smirk sa labi niya ay hindi nawala. "Relax, Deneve. Masyado kang praning. Naligaw lang yung bata at napadpad siya rito sa opisina ko. It just so happens na may extra cake ako kaya pinakain ko siya. Masama bang maging mabuting host sa anak ng empleyado ko?""Wag mo akong pinapaikot!" madiin kong sagot, pilit na pinap
Deneve’s POVHuminto ang paghinga ko nang magtagpo ang paningin naming tatlo. Si Bianca na namumula sa galit, si Julius na seryosong nakatitig sa anak ko, at ako na parang binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko.Agad na binasag ni Bianca ang nakakabinging katahimikan sa buong department."Babe! Look at this!" maarte at pasigaw na sumbong ni Bianca, sabay turo sa akin. "This fat pig violated the company rules! Alam naman niyang bawal ang mga bata dito sa production floor, pero dinala pa rin niya 'yang soon-to-be fat pig niyang anak! Nakakadiri, ginagawa niyang squatter's area ang kumpanya mo!"Parang may pumitik na ugat sa sintido ko. Mabilis kong hinila si Hope sa likuran ko para protektahan siya."Wag na wag mong isasali ang anak ko sa panlalait mo, Bianca!" nanggigigil kong bulyaw. Wala na akong pakialam kung marinig kami ng buong opisina. Ina ako, at hindi ko hahayaang bastusin ang bata sa harap ko. "Wala siyang kasalanan dito kaya itikom mo 'yang bibig mo!""Wow, ikaw pa ang m







