Share

KABANATA 4: No trace

Author: Darkchoco
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-01 13:38:01

Deneve’s POV

Pagkasarang-pagkasara ng p***o ng apartment namin, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig pa rin ang mga binti ko kaya dumiretso agad ako sa sofa at napabagsak ng upo. Si Hope, nakatulog na sa byahe pauwi kaya dahan-dahan ko siyang inihiga sa kwarto bago ako bumalik sa sala.

​Paglabas ko, naabutan ko si Spica na nagpapabalik-balik ng lakad. Namumula pa rin siya sa inis.

"Nakakagigil! As in, nanggigigil ako, Deneve! Gusto kong bumalik dun sa mall at kalbuhin yung Bianca na 'yon!" sigaw ni Spica habang tinuturo ang p***o. "Ang kapal ng mukha! Kung makapanlait sa'yo, akala mo naman may ambag siya sa lipunan. At 'yung asawa mo? Walang kwenta! Nakatayo lang dun na parang tuod!"

​Napahilot ako sa sentido ko. "Spica, huminahon ka na. At least nakalayo na tayo."

​"Paanong hindi ako mag-iinit? Tinawag niya akong weirdo! Naku, pasalamat siya marami akong bitbit, kundi naihampas ko talaga sa mukha niya yung paperbag ko!" Humalukipkip si Spica at umirap. "Pero teka nga, girl. Napansin ko kanina... parang titig na titig si Julius kay Hope. Hindi kaya naghihinala yung siraulong 'yon?"

​Napalunok ako. Yun mismong bagay na 'yon ang bumabagabag sa akin mula pa kanina.

​"Yun nga ang kinakatakot ko, Spica," mahinang sagot ko, ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. "Kilala ko si Julius. Nakita ko yung mukha niya kanina. Hindi siya naniwala nung sinabi kong may asawa na ako. At yung titig niya kay Hope... alam kong may nag-click sa isip niya. Siguradong ipapahanap niya kami. Siguradong aalamin niya kung sino ang tatay ng anak ko."

​Lumapit si Spica at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Hala. Pano yan? Pano kung kalkalin niya yung birth certificate ni Hope? Malalaman niyang 'unknown' ang nakalagay sa father, o kaya baka makita niya kung kailan pinanganak!"

​Umiling ako. Isang mapait na ngiti ang kumawala sa labi ko. "Walang makikita si Julius. Kahit baligtarin niya pa ang buong Pilipinas."

​Kumunot ang noo ni Spica. "Ha? Paanong wala?"

​"Hindi ko pinaregister ang birth certificate ni Hope," pag-amin ko. "Nung nanganak ako dun sa maliit na lying-in clinic, nakiusap ako sa doctor. Nagmakaawa ako nang sobra. Sinabi ko na nagtatago ako sa mapang-abusong pamilya at oras na magkaroon ng record ang anak ko, matutunton nila kami. Naawa sa akin yung doctor. Ginawan niya lang ng record para sa bakuna pero off-the-grid ang pangalan ko. Walang official birth certificate si Hope sa PSA."

​Nanlaki ang mga mata ni Spica, tapos biglang napangiti. "Girl! Ang galing mo dun! Hindi ka tanga! Edi safe na safe pala kayo. Hayaan mo siyang magkandarapa sa kahahanap ng record na hindi naman nag-e-exist!"

​Gusto ko sanang makahinga nang maluwag tulad ni Spica, pero mabigat pa rin ang dibdib ko. "Sana nga, Spica. Sana nga tumigil siya. Kailangan ko nang makahanap ng bagong trabaho para makalipat tayo ng mas malayong apartment. Hindi na tayo pwedeng magtagal dito."

Julius’s POV

BLAG!

​Napabagsak ko ang mga folder sa ibabaw ng glass table ng opisina ko. Hinilot ko ang tulay ng ilong ko habang pinipigilan ang galit na kumukulo sa dibdib ko.

​"Anong ibig mong sabihin na walang record?!" sigaw ko kay Mark, ang secretary ko, na ngayon ay nakatayo nang tuwid sa harap ng desk ko.

​"Sir, we searched everywhere. Sa PSA, sa mga hospital records, kahit sa mga local civil registry sa lugar na tinutuluyan nila ngayon. Walang batang nagngangalang Hope na nakapangalan kay Deneve Valderrama bilang ina. Walang birth certificate, Sir. It’s like the child doesn't legally exist," paliwanag ni Mark, halatang kinakabahan.

​Napakuyom ang kamao ko. Walang record? Bakit itatago ng isang ina ang birth certificate ng anak niya kung wala siyang tinataguan? Kung totoo ang sinabi ni Deneve na anak 'yon ng "bagong asawa" niya, bakit kailangang itago sa gobyerno?

​Isa lang ang ibig sabihin nito. Takot siyang malaman ko ang totoo. Akin ang batang 'yon. Sigurado ako dun. Hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko. Kamukhang-kamukha ko ang bata.

Biglang bumukas ang p***o ng opisina ko. Pumasok si Bianca na may dalang shopping bags, nakabusangot pa rin ang mukha.

​"Babe, I am still so stressed out!" reklamo niya agad sabay bagsak ng sarili niya sa sofa. "Hindi pa rin ako makapag-move on dun sa nangyari kahapon. I mean, did you see how disgusting Deneve looked? Mukha siyang nagbebenta ng basahan sa kanto! Ang taba-taba pa. Tapos yung kasama niyang nerd? Ang kapal ng mukha akong sagot-sagutin!"

​"Bianca, nagtatrabaho ako. Not now," malamig na saway ko. Wala akong panahong makinig sa pag-iinarte niya ngayon.

​Pero hindi siya paawat. "I'm just saying, babe! Masyado kang mabait sa kanila kahapon. You should have called the security. Nakakadiri talaga. And that kid? Mukhang dugyot din! Siguro anak yun sa kung sinong tricycle driver na naging kabet niya nung kami—"

​"I said enough, Bianca!" pagtaas ko ng boses.

​Natahimik si Bianca, gulat na gulat sa pagsigaw ko. "Why are you yelling at me? Pinagtatanggol mo pa rin ba 'yung matabang 'yon?!" padabog siyang tumayo at lumabas ng opisina.

​Napabuntong-hininga na lang ako. Binaling ko ulit ang atensyon ko kay Mark. "May iba ka pa bang nahanap bukod sa wala silang record?"

​Inayos ni Mark ang salamin niya bago sumagot. "Yes, Sir. Walang record ang bata, pero na-trace ko ang digital footprint ni Deneve. Naghahanap po siya ng trabaho ngayon. Marami siyang pinapasahang resume online para sa mga office staff positions at virtual assistant roles."

​Biglang tumigil ang inis ko. Napalitan ito ng isang ideya. Isang perpektong plano.

​Naghahanap siya ng trabaho? Desperada siyang kumita ng pera?

​Isang ngisi ang unti-unting sumilay sa mga labi ko. Tumingin ako kay Mark. "Saan siya nag-apply?"

​"Sa ilang maliliit na kumpanya po, Sir. May isang BPO company din na tumawag na sa kanya for final interview bukas."

​"Bilhin mo yung kumpanyang 'yon," walang pag-aalinlangang utos ko.

​Nanlaki ang mga mata ni Mark. "P-Po? Bibilhin po natin ang buong kumpanya? Sir, that will cost us millions..."

​"I don't care," malamig kong sagot. Sumandal ako sa swivel chair ko at pinag-krus ang mga braso ko. "Bilhin mo ang kumpanyang a-apply-an niya. Make sure she gets the job. Bigyan mo siya ng pinakamataas na sweldo na hindi niya kayang tanggihan. At oras na pumirma siya ng kontrata..."

​Tumingin ako sa bintana ng penthouse ko, iniisip ang gulat at takot na rereshistro sa mukha ni Deneve kapag nalaman niya kung sino ang bagong boss niya.

​"...siguraduhin mong ako mismo ang magiging direct supervisor niya. Let's see how long she can hide my child from me."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    CHAPTER 7: BIRTH CERTIFICATE

    Nakatayo lang ako sa harap ng desk ni Julius, pinipilit pakalmahin ang sarili ko habang ramdam ko ang malamig na titig niya sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko. Hinihintay niya ang katibayan na magpapatunay sa matagal na niyang hinala.​"Nasaan ang birth certificate ng anak mo, Deneve?" ulit niya, mas madiin ngayon ang bawat salita.​Tinaas ko ang baba ko at diretsong sinalubong ang mga mata niya. "Wala akong maibibigay sa inyo. Nasunog ang birth certificate ni Hope nung lumipat kami ng apartment apat na taon na ang nakakalipas."​Saglit siyang tumahimik, tapos biglang umalingawngaw ang isang mapang-asar na tawa mula sa kanya. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin, parang isang boss na nakikinig sa pinakawalang kwentang palusot ng empleyado niya.​"Nasunog?" Ngumisi si Julius at sumandal sa upuan niya. "How convenient, Deneve. Napaka-convenient naman na sa dinami-dami ng pwedeng masunog, yung birth certificate pa ng anak mo ang nawala."​"Totoo ang sinasabi ko," matigas kong

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 6: The boss of the company

    ​"Masyadong too good to be true, girl. Sinasabi ko sa'yo."​Nakahalukipkip si Spica habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Katatapos ko lang ikwento sa kanya yung nangyari sa unang araw ko, lalo na yung biglaang paghingi ni Mr. San Juan ng original birth certificate ni Hope para sa HMO.​Napabuntong-hininga ako habang pinaplantsa ang uniform ko para bukas. "Alam ko. Kinabahan nga ako kanina. Ang bilis ng proseso, ang laki ng sweldo, tapos biglang ganyan ka-strict sa records."​"Ganyan talaga sa mga kumpanyang nag-o-offer ng malaking pera bigla-bigla," babala ni Spica, seryoso ang mukha niya sa ilalim ng makapal niyang salamin. "Madalas, kapag sobrang ganda ng offer, toxic ang workplace. Baka mamaya gigisahin ka nila sa trabaho o kaya may hidden agenda yung management. Mag-iingat ka, Deneve. Baka hindi mo kayanin yung stress."​Natigilan ako sa pagpaplantsa at napatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. "Kaya kong tiisin lahat, Spica. Kahit gaano pa katoxic yan, kahit pat

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 5: The plan

    Deneve’s POV​Pinunasan ko ang pawis sa noo ko habang nakaupo sa malamig na waiting area ng Apex Solutions. Isa itong sikat na BPO at tech company sa BGC. Nang tawagan nila ako kahapon para sa final interview para sa Assistant Manager position, halos hindi ako makatulog sa kaba at excitement. Ito na siguro ang sagot sa mga dasal namin ni Hope.​Tiningnan ko ang suot kong lumang black slacks at puting blouse na medyo mahigpit na sa akin. Pinilit ko na lang kasyahin kase wala na akong pambili ng bagong corporate attire. Kinakabahan ako. Sino ba namang tatanggap sa isang katulad kong matagal nabakante sa trabaho at ganito pa ang hitsura?​"Ms. Deneve Valderrama? The HR Director is ready for you," tawag ng isang staff.​Tumayo ako nang tuwid at pilit na ngumiti. Pumasok ako sa isang malaking opisina. Sa likod ng desk ay isang lalaking nasa mid-40s, nakasalamin at mukhang seryoso. Si Mr. San Juan.​"Have a seat, Ms. Valderrama," seryosong sabi niya habang nakatingin sa resume ko.​Umupo ako

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 4: No trace

    Deneve’s POV​Pagkasarang-pagkasara ng pinto ng apartment namin, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig pa rin ang mga binti ko kaya dumiretso agad ako sa sofa at napabagsak ng upo. Si Hope, nakatulog na sa byahe pauwi kaya dahan-dahan ko siyang inihiga sa kwarto bago ako bumalik sa sala.​Paglabas ko, naabutan ko si Spica na nagpapabalik-balik ng lakad. Namumula pa rin siya sa inis.​"Nakakagigil! As in, nanggigigil ako, Deneve! Gusto kong bumalik dun sa mall at kalbuhin yung Bianca na 'yon!" sigaw ni Spica habang tinuturo ang pinto. "Ang kapal ng mukha! Kung makapanlait sa'yo, akala mo naman may ambag siya sa lipunan. At 'yung asawa mo? Walang kwenta! Nakatayo lang dun na parang tuod!"​Napahilot ako sa sentido ko. "Spica, huminahon ka na. At least nakalayo na tayo."​"Paanong hindi ako mag-iinit? Tinawag niya akong weirdo! Naku, pasalamat siya marami akong bitbit, kundi naihampas ko talaga sa mukha niya yung paperbag ko!" Humalukipkip si Spica at umirap. "Pero teka nga,

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 3: Face of

    Deneve’s POV​Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang ingay ng mall, ang background music, ang mga taong naglalakad sa paligid namin lahat yun nag-fade. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko.​Nakatingin lang ako kay Julius, at nakatitig din siya sa akin. Sa mga mata niya, nakita ko ang pagkabigla na unti-unting napalitan ng panlalamig. Tiningnan niya ang suot kong lumang faded na t-shirt at ang suot kong mumurahing maong.​"Babe? I asked you a question. Sino 'yang matabang—" napatigil si Bianca. Lumapit siya kay Julius at tiningnan ako nang maigi. Nanlaki ang mga mata niya, tapos bigla siyang tumawa nang pagkalakas-lakas. "Oh my god. No way. Deneve?! Ikaw ba 'yan?!"​Gusto kong lamunin ako ng lupa right then and there. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Hope at pilit siyang itinago sa likuran ko.​"What happened to you?!" Halos mangiyak-ngiyak si Bianca sa katatawa habang tinuturo ako. Walang pakialam kung may mga taong napapatingin s

  • THE UNLOVED WIFE'S UNTOLD STORY    KABANATA 2: Ang Bunga

    Deneve’s POV​Pumasok ako sa unang 24/7 na botika na nakita ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang iabot ko sa cashier ang bayad para sa tatlong magkakaibang brand ng pregnancy test. Wala na akong pakialam kung mukha akong basang sisiw dahil sa ulan, o kung namamaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Gusto ko lang makasigurado. Gusto ko lang malaman kung totoo ang kutob ko.​Nakiusap akong makigamit ng banyo nila. Sa loob ng masikip at malamig na cubicle, ginawa ko ang test. Nakatitig lang ako sa tatlong puting stick na nakapatong sa ibabaw ng sink. Parang huminto ang ikot ng mundo habang hinihintay ko ang resulta.​Unti-unting lumitaw ang mga linya.​Isa... dalawa. Dalawang pulang linya sa unang stick. Dalawa sa pangalawa. Dalawa sa pangatlo.​Positive.​Napahagulgol ako at napakagat sa sarili kong kamay para hindi marinig sa labas ang iyak ko. Buntis ako. Ngayon pa? Ngayon pang tinawag akong baog ng biyenan ko? Ngayon pang tinalikuran ko ang asawa kong niloloko ako kasama ng kababata ko?​P

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status