Mag-log inDeneve’s POV
Pumasok ako sa unang 24/7 na botika na nakita ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang iabot ko sa cashier ang bayad para sa tatlong magkakaibang brand ng pregnancy test. Wala na akong pakialam kung mukha akong basang sisiw dahil sa ulan, o kung namamaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Gusto ko lang makasigurado. Gusto ko lang malaman kung totoo ang kutob ko.
Nakiusap akong makigamit ng banyo nila. Sa loob ng masikip at malamig na cubicle, ginawa ko ang test. Nakatitig lang ako sa tatlong puting stick na nakapatong sa ibabaw ng sink. Parang huminto ang ikot ng mundo habang hinihintay ko ang resulta.
Unti-unting lumitaw ang mga linya.
Isa... dalawa. Dalawang pulang linya sa unang stick. Dalawa sa pangalawa. Dalawa sa pangatlo.
Positive.
Napahagulgol ako at napakagat sa sarili kong kamay para hindi marinig sa labas ang iyak ko. Buntis ako. Ngayon pa? Ngayon pang tinawag akong baog ng biyenan ko? Ngayon pang tinalikuran ko ang asawa kong niloloko ako kasama ng kababata ko?
Paano ko bubuhayin ang batang 'to nang mag-isa? Wala akong trabaho, wala akong ipon dahil lahat ng hawak kong pera napunta sa panggastos namin ni Julius. Wala akong pamilyang malalapitan na kayang umintindi sa sitwasyon ko.
Kinuha ko ang cellphone ko. Nag-scroll ako sa contacts ko hanggang sa mapatigil ako sa isang pangalan. Si Spica. Old classmate ko nung college. Isang nerd na sobrang daldal, pero isa sa mga pinakatotoong tao na nakilala ko. Hindi kami laging nag-uusap, pero alam kong hindi niya ako huhusgahan.
Nag-ring ang phone. Nakailang ring din bago may sumagot.
"Hello? Deneve? Girl, alas dos ng madaling araw, anong meron? Buhay ka pa ba?" bungad niya, halatang nagising ko.
"Spica..." Basag ang boses ko. "Pwede ba akong makituloy sa'yo? Kahit ilang araw lang. Wala na akong mapuntahan."
Wala pang tatlumpung minuto, nasa tapat na ako ng apartment ni Spica. Binuksan niya ang p***o suot ang oversized na t-shirt, magulong buhok, at makapal na salamin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hitsura ko.
"Jusko po, Deneve! Anong nangyari sa'yo? Bakit parang isinuka ka ng lipunan?!" Mabilis niya akong hinila papasok at ni-lock ang p***o. "Maupo ka diyan, kukuha ako ng tuwalya at damit! Naku, sinasabi ko na nga ba may saltik 'yang asawa mo eh! Ano, nag-away kayo? Pinalayas ka? Naku, ipapabarang ko 'yang Julius na 'yan, makikita niya!"
Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko sa kadaldalan ni Spica. Binigyan niya ako ng mainit na kape at nakinig siya sa lahat ng nangyari. Sinabi ko sa kanya lahat—yung kay Bianca, yung mga sinabi ni Mama Lucing, at yung pregnancy test.
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Dito ka muna, girl. Kahit gaano katagal. Magtutulungan tayo. Wag mong isipin na nag-iisa ka, okay? Kung walang kwenta ang asawa mo, pwes, mas magiging walang kwenta buhay niya pag nawala ka."
At doon nagsimula ang bagong kabanata ng buhay ko. Pinatuloy ako ni Spica. Dahil sa kanya, nakakuha ako ng online work para makapag-ipon para sa panganganak.
Pero hindi naging madali ang proseso.
Sa sobrang lungkot at stress, sa pagkain ko ibinaling lahat ng bigat na nararamdaman ko. Idagdag pa ang cravings ko sa pagbubuntis. Dati, conscious ako sa katawan ko, pero noong mga panahong iyon, wala na akong pakialam. Kumakain ako tuwing naiisip ko kung gaano kasaya si Julius at Bianca habang ako naghihirap. Kumakain ako tuwing inaalala ko kung paano ako itrinato na parang basura.
Lumobo ako ng malala. Mula sa size small, naging double XL ang mga damit ko. Nagka-stretchmarks ako sa buong katawan, lumapad ang mukha ko, at nawala na yung Deneve na inalagaan ang sarili. Nanganganib pa akong magka-gestational diabetes noon, kaya naging mahirap ang pagbubuntis ko.
Fast forward...
Lumipas ang apat na taon.
"Mama! Mama! Tingnan mo 'to, may nakuha akong malaking dahon!"
Napangiti ako nang makita ko ang anak kong tumatakbo palapit sa akin. Si Hope. Apat na taong gulang. Ubod ng kulit, sobrang hyper, at ang nag-iisang rason kung bakit patuloy akong lumalaban. Siya ang ilaw ko sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ko. Ang masakit lang, nakuha niya ang mga mata at ngiti ni Julius. Bawat titig ko sa anak ko, naaalala ko ang lalaking sumira sa akin.
Nandito kami ngayon ni Hope sa isang maliit na park malapit sa apartment namin ni Spica. Nakaupo ako sa bench, hinihingal dahil sinubukan kong habulin ang anak ko. Ang bigat-bigat ko na. Kahit anong diet ang subukan ko, hirap na akong magbawas ng timbang dahil sa hormonal imbalance pagkatapos kong manganak. Madalas akong pagtinginan ng mga tao—isang matabang single mom na mukhang losyang at pagod na pagod sa buhay.
Tumunog ang cellphone ko. Mensahe mula kay Spica.
Spica: Girl, nasa mall ka ba mamaya? May papabili sana ako. Tsaka... wag ka sanang mabibigla ha.
Kumunot ang noo ko. Nag-reply ako.
Deneve: Oo, dadaan kami ni Hope sa grocery. Bakit? Anong meron?
Nag-send siya ng isang link ng article mula sa isang sikat na business magazine. Pinindot ko yun. Unti-unting nag-load ang page.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga kamay ko.
Ang title ng article: "The Tech Visionary: Julius Valderrama and his Multi-Million Gaming Studio, Alongside Partner Bianca Perez."
Nakatitig ako sa picture nila. Naka-suit si Julius, mukhang kagalang-galang, sobrang yaman, at mas gumwapo pa. Nakakapit naman sa braso niya si Bianca, suot ang isang eleganteng pulang dress at may suot na malaking diamond ring sa daliri. Nakangiti sila nang sobrang tamis.
Nagbasa ako ng ilang linya. "...Julius credits his immense success to his soon-to-be wife, Bianca, who supported him during the grueling early days of his startup..."
Napakuyom ang kamao ko. Unti-unting napunit ang puso ko ulit.
Soon-to-be wife? Partner? Supported him?
Paanong siya ang naging support system eh sa akin galing ang pambayad ng kuryente at internet habang nagko-computer siya maghapon?! Ako ang nagpakain sa kanya nung mga panahong wala siyang kwentang asawa! At ang mas nakakagigil, paano sila magpapakasal kung hanggang ngayon, ligal pa rin kaming mag-asawa?!
Hindi siya nag-file ng annulment. Hindi ako nag-file ng annulment kase wala akong pera. Kaya paano siya magpapakasal kay Bianca?
"Mama! Bili tayo ice cream dun sa mall, please?" hinatak ni Hope ang laylayan ng lumang t-shirt ko.
Pinunasan ko ang pumatak na luha sa mata ko at pilit na ngumiti sa anak ko. "O-Oo anak. Tara, punta na tayo sa mall."
Nang makarating kami sa mall, lutang pa rin ang isip ko. Tulak-tulak ko ang grocery cart habang nagtatakbo si Hope sa unahan ko. Iniisip ko kung anong gagawin ko. Magpapakita ba ako para bawiin ang karapatan ko? O hahayaan ko na lang silang mabuhay sa kasinungalingan nila?
Kailangan ko ng pera para sa pag-aaral ni Hope. Karapatan ni Hope na makakuha ng sustento sa ama niyang milyonaryo na ngayon! Pero gusto ko pa bang makita ang lalaking dumurog sa akin? Lalo na sa hitsura kong ito? Sino ba namang maniniwalang asawa ako ng isang bilyonaryong CEO kung mukha akong katulong na pinabayaan ng panahon?
"Hope, wag kang tumakbo nang mabilis! Anak, baka makabangga ka!" sigaw ko nang biglang lumiko si Hope papasok sa isang mamahaling clothing store.
Iniwan ko ang cart at mabigat ang mga hakbang na hinabol siya. "Hope! Halika nga rito!"
Bago ko pa man siya maabutan, may nakabangga si Hope na isang pader. Hindi pader. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng pamilyar at mamahaling itim na suit.
Bumagsak si Hope sa sahig. "Ouch!" daing ng anak ko.
"Hey, watch where you're going, kid," malamig at pamilyar na boses ng lalaki ang umalingawngaw sa pandinig ko. Parang may pumutol ng paghinga ko.
"Sorry po! Naku, pasensya na po sa anak ko," mabilis akong lumapit, hinihingal, at agad na itinayo si Hope. Yumuko ako at pinagpagan ang damit ng anak ko. "Hindi po kasi tumitingin sa dinadaanan—"
"You should watch your kid. Ang dumi-dumi na nga, nandito pa sa—" napatigil ang lalaki sa pagsasalita nang iangat ko ang paningin ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagtigil ng mundo.
Nanlaki ang mga mata ng lalaking kaharap ko. Bahagyang nakaawang ang bibig niya habang tinititigan ang mukha ko. Tiningnan niya ang buong katawan ko, ang lumobo kong bulto, ang mga lumang damit ko, bago ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Nakita ko kung paano dumaan ang gulat, pagtataka, at pandidiri sa mga mata niya.
"D-Deneve?" utal na sambit ni Julius.
Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa mukha ng asawa kong limang taon kong pinilit kalimutan.
At bago pa man ako makasagot, may isang boses ng babae na sumingit mula sa likuran niya.
"Babe? Is there a problem here? Sino 'yang matabang babae na 'yan?" tanong ni Bianca habang nakakapit sa braso ni Julius, nakataas ang perpektong kilay habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Nanginig ang mga tuhod ko. Nandito silang dalawa. At kaharap nila ang asawang tinakasan at ang anak na hindi nila alam na nag-e-exist.
Nakatayo lang ako sa harap ng desk ni Julius, pinipilit pakalmahin ang sarili ko habang ramdam ko ang malamig na titig niya sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko. Hinihintay niya ang katibayan na magpapatunay sa matagal na niyang hinala."Nasaan ang birth certificate ng anak mo, Deneve?" ulit niya, mas madiin ngayon ang bawat salita.Tinaas ko ang baba ko at diretsong sinalubong ang mga mata niya. "Wala akong maibibigay sa inyo. Nasunog ang birth certificate ni Hope nung lumipat kami ng apartment apat na taon na ang nakakalipas."Saglit siyang tumahimik, tapos biglang umalingawngaw ang isang mapang-asar na tawa mula sa kanya. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin, parang isang boss na nakikinig sa pinakawalang kwentang palusot ng empleyado niya."Nasunog?" Ngumisi si Julius at sumandal sa upuan niya. "How convenient, Deneve. Napaka-convenient naman na sa dinami-dami ng pwedeng masunog, yung birth certificate pa ng anak mo ang nawala.""Totoo ang sinasabi ko," matigas kong
"Masyadong too good to be true, girl. Sinasabi ko sa'yo."Nakahalukipkip si Spica habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Katatapos ko lang ikwento sa kanya yung nangyari sa unang araw ko, lalo na yung biglaang paghingi ni Mr. San Juan ng original birth certificate ni Hope para sa HMO.Napabuntong-hininga ako habang pinaplantsa ang uniform ko para bukas. "Alam ko. Kinabahan nga ako kanina. Ang bilis ng proseso, ang laki ng sweldo, tapos biglang ganyan ka-strict sa records.""Ganyan talaga sa mga kumpanyang nag-o-offer ng malaking pera bigla-bigla," babala ni Spica, seryoso ang mukha niya sa ilalim ng makapal niyang salamin. "Madalas, kapag sobrang ganda ng offer, toxic ang workplace. Baka mamaya gigisahin ka nila sa trabaho o kaya may hidden agenda yung management. Mag-iingat ka, Deneve. Baka hindi mo kayanin yung stress."Natigilan ako sa pagpaplantsa at napatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. "Kaya kong tiisin lahat, Spica. Kahit gaano pa katoxic yan, kahit pat
Deneve’s POVPinunasan ko ang pawis sa noo ko habang nakaupo sa malamig na waiting area ng Apex Solutions. Isa itong sikat na BPO at tech company sa BGC. Nang tawagan nila ako kahapon para sa final interview para sa Assistant Manager position, halos hindi ako makatulog sa kaba at excitement. Ito na siguro ang sagot sa mga dasal namin ni Hope.Tiningnan ko ang suot kong lumang black slacks at puting blouse na medyo mahigpit na sa akin. Pinilit ko na lang kasyahin kase wala na akong pambili ng bagong corporate attire. Kinakabahan ako. Sino ba namang tatanggap sa isang katulad kong matagal nabakante sa trabaho at ganito pa ang hitsura?"Ms. Deneve Valderrama? The HR Director is ready for you," tawag ng isang staff.Tumayo ako nang tuwid at pilit na ngumiti. Pumasok ako sa isang malaking opisina. Sa likod ng desk ay isang lalaking nasa mid-40s, nakasalamin at mukhang seryoso. Si Mr. San Juan."Have a seat, Ms. Valderrama," seryosong sabi niya habang nakatingin sa resume ko.Umupo ako
Deneve’s POVPagkasarang-pagkasara ng pinto ng apartment namin, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig pa rin ang mga binti ko kaya dumiretso agad ako sa sofa at napabagsak ng upo. Si Hope, nakatulog na sa byahe pauwi kaya dahan-dahan ko siyang inihiga sa kwarto bago ako bumalik sa sala.Paglabas ko, naabutan ko si Spica na nagpapabalik-balik ng lakad. Namumula pa rin siya sa inis."Nakakagigil! As in, nanggigigil ako, Deneve! Gusto kong bumalik dun sa mall at kalbuhin yung Bianca na 'yon!" sigaw ni Spica habang tinuturo ang pinto. "Ang kapal ng mukha! Kung makapanlait sa'yo, akala mo naman may ambag siya sa lipunan. At 'yung asawa mo? Walang kwenta! Nakatayo lang dun na parang tuod!"Napahilot ako sa sentido ko. "Spica, huminahon ka na. At least nakalayo na tayo.""Paanong hindi ako mag-iinit? Tinawag niya akong weirdo! Naku, pasalamat siya marami akong bitbit, kundi naihampas ko talaga sa mukha niya yung paperbag ko!" Humalukipkip si Spica at umirap. "Pero teka nga,
Deneve’s POVParang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang ingay ng mall, ang background music, ang mga taong naglalakad sa paligid namin lahat yun nag-fade. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko.Nakatingin lang ako kay Julius, at nakatitig din siya sa akin. Sa mga mata niya, nakita ko ang pagkabigla na unti-unting napalitan ng panlalamig. Tiningnan niya ang suot kong lumang faded na t-shirt at ang suot kong mumurahing maong."Babe? I asked you a question. Sino 'yang matabang—" napatigil si Bianca. Lumapit siya kay Julius at tiningnan ako nang maigi. Nanlaki ang mga mata niya, tapos bigla siyang tumawa nang pagkalakas-lakas. "Oh my god. No way. Deneve?! Ikaw ba 'yan?!"Gusto kong lamunin ako ng lupa right then and there. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Hope at pilit siyang itinago sa likuran ko."What happened to you?!" Halos mangiyak-ngiyak si Bianca sa katatawa habang tinuturo ako. Walang pakialam kung may mga taong napapatingin s
Deneve’s POVPumasok ako sa unang 24/7 na botika na nakita ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang iabot ko sa cashier ang bayad para sa tatlong magkakaibang brand ng pregnancy test. Wala na akong pakialam kung mukha akong basang sisiw dahil sa ulan, o kung namamaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Gusto ko lang makasigurado. Gusto ko lang malaman kung totoo ang kutob ko.Nakiusap akong makigamit ng banyo nila. Sa loob ng masikip at malamig na cubicle, ginawa ko ang test. Nakatitig lang ako sa tatlong puting stick na nakapatong sa ibabaw ng sink. Parang huminto ang ikot ng mundo habang hinihintay ko ang resulta.Unti-unting lumitaw ang mga linya.Isa... dalawa. Dalawang pulang linya sa unang stick. Dalawa sa pangalawa. Dalawa sa pangatlo.Positive.Napahagulgol ako at napakagat sa sarili kong kamay para hindi marinig sa labas ang iyak ko. Buntis ako. Ngayon pa? Ngayon pang tinawag akong baog ng biyenan ko? Ngayon pang tinalikuran ko ang asawa kong niloloko ako kasama ng kababata ko?P







