Mag-log inDeneve’s POV
Pinunasan ko ang pawis sa noo ko habang nakaupo sa malamig na waiting area ng Apex Solutions. Isa itong sikat na BPO at tech company sa BGC. Nang tawagan nila ako kahapon para sa final interview para sa Assistant Manager position, halos hindi ako makatulog sa kaba at excitement. Ito na siguro ang sagot sa mga dasal namin ni Hope.
Tiningnan ko ang suot kong lumang black slacks at puting blouse na medyo mahigpit na sa akin. Pinilit ko na lang kasyahin kase wala na akong pambili ng bagong corporate attire. Kinakabahan ako. Sino ba namang tatanggap sa isang katulad kong matagal nabakante sa trabaho at ganito pa ang hitsura?
"Ms. Deneve Valderrama? The HR Director is ready for you," tawag ng isang staff.
Tumayo ako nang tuwid at pilit na ngumiti. Pumasok ako sa isang malaking opisina. Sa likod ng desk ay isang lalaking nasa mid-40s, nakasalamin at mukhang seryoso. Si Mr. San Juan.
"Have a seat, Ms. Valderrama," seryosong sabi niya habang nakatingin sa resume ko.
Umupo ako at inihanda ang sarili ko sa mga mahihirap na tanong. Standard interview questions ang binato niya. Where do you see yourself in five years? How do you handle pressure? What is your management style? Sumagot ako nang maayos, pinipiga ang lahat ng natutunan ko noong college at sa mga past experiences ko bago ako kinasal kay Julius.
Pagkatapos ng halos dalawampung minuto, ibinaba ni Mr. San Juan ang folder ko. Tinitigan niya ako.
"I'll be honest with you, Deneve. Your credentials are a bit outdated," panimula niya.
Napalunok ako. Eto na. Eto na yung rejection. "Sir, I understand po. But I am highly trainable and very willing to learn—"
"But," pagputol niya sa akin, sabay ngiti. "I like your determination. We need someone who is hungry for success. You’re hired."
Nanlaki ang mga mata ko. Parang nabingi ako saglit. "P-Po? Tanggap na po ako?"
May kinuha siyang makapal na folder mula sa drawer niya at inilapag sa harap ko. "Yes. We want you on board immediately. As Assistant Manager, your starting basic salary will be 120,000 pesos a month, plus allowances, full health coverage for you and your dependents, and bonuses."
Isang daan at dalawampung libo?! Halos malaglag ang panga ko. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakahawak ng ganyang kalaking pera buwan-buwan! Biglang pumasok sa isip ko si Hope. Makakalipat na kami ng maayos na apartment. Mabibilhan ko na siya ng mga bagong damit, masasarap na pagkain, at maipapasok ko siya sa magandang school!
"Ito ang kontrata," inabot sa akin ni Mr. San Juan ang isang mamahaling pen. "Since we need you to start by Monday, I need you to sign this now para ma-process na agad ang HMO at ID mo."
Dahil sa sobrang saya, kaba, at desperasyong makaahon sa hirap, hindi na nag-process sa utak ko ang magbasa. Wala na akong pakialam sa mga nakasulat sa makapal na papel. Ang nakikita ko lang ay ang 120,000 pesos na sweldo at ang magandang kinabukasan para sa anak ko.
Nanginginig ang mga kamay kong pinirmahan ang huling pahina ng kontrata.
"Thank you so much, Mr. San Juan! Pangako po, hindi kayo magsisisi!" naiiyak kong sabi habang kinakamayan siya.
Ngumiti lang siya, pero hindi umabot sa mga mata niya. "Welcome to the company, Deneve."
Paglabas ko ng building, pakiramdam ko lumulutang ako sa saya. Tinawagan ko agad si Spica para ibalita ang magandang nangyari. Hindi ko alam, sa bawat pagngiti ko, unti-unti na pala akong kinukulong sa isang patibong.
Julius’s POV
Humigop ako ng kape habang nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng opisina ko. Bumukas ang p***o at pumasok si Mr. San Juan.
"Sir Julius, the trap is set," pormal na bati niya, bago inilapag ang isang pamilyar na makapal na folder sa ibabaw ng desk ko.
Humarap ako at tiningnan ang folder. Ang kontratang pinirmahan ni Deneve.
"Did she read it?" tanong ko.
Umiling si Mr. San Juan, isang bayarang aktor at isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao na nilagay ko bilang pekeng HR Director ng bagong bili kong kumpanya. "No, Sir. Nasulaw po siya sa laki ng offer. Pinirmahan niya agad nang walang pag-aalinlangan."
Napangisi ako. Kinuha ko ang kontrata at binuklat sa page 14. Nandoon ang pirma niya sa ilalim ng isang napakaliit na clause na ipinasingit ko sa legal team ko: The Employee is bound to a 10-year lock-in period with the Company. Immediate resignation or breach of contract will result in a penalty equivalent to the Employee's gross salary for the 10-year duration.
Isang daan at dalawampung libo kada buwan, sa loob ng sampung taon. Kapag nagtangkang mag-quit si Deneve, kailangan niyang magbayad ng mahigit labing-apat na milyong piso. Wala siyang ganyang pera. Wala siyang kawala. Hawak ko na siya sa leeg.
"Good work, San Juan," malamig kong sabi. "Your real job starts on Monday. Bantayan mo ang bawat kilos niya. Gusto kong naka-report sa akin araw-araw kung sino ang mga kausap niya, kung saan siya pumupunta, at higit sa lahat... kung pupunta ang anak niya sa opisina."
"Noted, Sir." Yumuko siya at lumabas na ng opisina.
Saktong pagkasara ng p***o, bumukas ulit ito. Pumasok si Bianca na padabog na ibinagsak ang mamahaling bag niya sa sofa. Namumula ang mukha niya sa galit at salubong na salubong ang kilay.
"Are you out of your mind, Julius?!" sigaw niya.
Hindi ko siya pinansin at bumalik lang ako sa pagkakaupo sa swivel chair ko. "Ano na naman ba, Bianca?"
"Don't play dumb with me! Nabalitaan ko sa finance department! Binili mo ang Apex Solutions kahapon nang walang abiso sa board? At para saan?! Para lang i-hire yung matabang ex-wife mo?!" Halos magwala siya sa galit. Lumapit siya sa desk ko at pinalo ito. "Bakit ba obsessed na obsessed ka pa rin sa babaeng 'yon?! Balyena na siya, Julius! She's a fat pig! Isang dugyot na walang ibang ginawa kundi pabigatin ang buhay mo noon! Tapos ngayon binibigyan mo pa ng executive position?!"
Tiningnan ko lang si Bianca nang malamig. Nakakairita ang boses niya. Kung alam lang niya kung gaano ko gustong busalan ang bibig niya.
"Wala kang pakialam sa mga business decisions ko, Bianca," pormal at matigas na sagot ko. "Pera ko ang ginamit ko, hindi pera ng kumpanya mo."
"Oh my god! You are insane! Bakit? Naaawa ka sa kanya kase mukha siyang basurera ngayon? O baka naman type mo pa rin siya kahit mukha na siyang baboy?!" nanggigigil na bulyaw niya.
Hinayaan ko lang siyang magsisigaw. Pumasok sa isang tainga ko at lumabas sa kabila ang mga panlalait niya. Walang pakialam ang isip ko sa hitsura o sa taba ni Deneve ngayon. Iisa lang ang tumatakbo sa utak ko.
Yung bata.
Aalamin ko kung akin ang batang yun. At oras na mapatunayan kong anak ko si Hope, kukunin ko siya. Hindi ko hahayaang lumaki ang dugo't laman ko sa isang iskwater na apartment at sa isang inang walang kakayahang bigyan siya ng marangyang buhay. Lalo na at nagawa niya akong itago at pagmukhaing tanga sa loob ng apat na taon.
Tumayo ako at inayos ang coat ko, iniwan ang nag-aalborotong si Bianca sa opisina ko. "Umuwi ka na, Bianca. Marami pa akong tatrabahuhin."
Nakatayo lang ako sa harap ng desk ni Julius, pinipilit pakalmahin ang sarili ko habang ramdam ko ang malamig na titig niya sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko. Hinihintay niya ang katibayan na magpapatunay sa matagal na niyang hinala."Nasaan ang birth certificate ng anak mo, Deneve?" ulit niya, mas madiin ngayon ang bawat salita.Tinaas ko ang baba ko at diretsong sinalubong ang mga mata niya. "Wala akong maibibigay sa inyo. Nasunog ang birth certificate ni Hope nung lumipat kami ng apartment apat na taon na ang nakakalipas."Saglit siyang tumahimik, tapos biglang umalingawngaw ang isang mapang-asar na tawa mula sa kanya. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin, parang isang boss na nakikinig sa pinakawalang kwentang palusot ng empleyado niya."Nasunog?" Ngumisi si Julius at sumandal sa upuan niya. "How convenient, Deneve. Napaka-convenient naman na sa dinami-dami ng pwedeng masunog, yung birth certificate pa ng anak mo ang nawala.""Totoo ang sinasabi ko," matigas kong
"Masyadong too good to be true, girl. Sinasabi ko sa'yo."Nakahalukipkip si Spica habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Katatapos ko lang ikwento sa kanya yung nangyari sa unang araw ko, lalo na yung biglaang paghingi ni Mr. San Juan ng original birth certificate ni Hope para sa HMO.Napabuntong-hininga ako habang pinaplantsa ang uniform ko para bukas. "Alam ko. Kinabahan nga ako kanina. Ang bilis ng proseso, ang laki ng sweldo, tapos biglang ganyan ka-strict sa records.""Ganyan talaga sa mga kumpanyang nag-o-offer ng malaking pera bigla-bigla," babala ni Spica, seryoso ang mukha niya sa ilalim ng makapal niyang salamin. "Madalas, kapag sobrang ganda ng offer, toxic ang workplace. Baka mamaya gigisahin ka nila sa trabaho o kaya may hidden agenda yung management. Mag-iingat ka, Deneve. Baka hindi mo kayanin yung stress."Natigilan ako sa pagpaplantsa at napatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa kama. "Kaya kong tiisin lahat, Spica. Kahit gaano pa katoxic yan, kahit pat
Deneve’s POVPinunasan ko ang pawis sa noo ko habang nakaupo sa malamig na waiting area ng Apex Solutions. Isa itong sikat na BPO at tech company sa BGC. Nang tawagan nila ako kahapon para sa final interview para sa Assistant Manager position, halos hindi ako makatulog sa kaba at excitement. Ito na siguro ang sagot sa mga dasal namin ni Hope.Tiningnan ko ang suot kong lumang black slacks at puting blouse na medyo mahigpit na sa akin. Pinilit ko na lang kasyahin kase wala na akong pambili ng bagong corporate attire. Kinakabahan ako. Sino ba namang tatanggap sa isang katulad kong matagal nabakante sa trabaho at ganito pa ang hitsura?"Ms. Deneve Valderrama? The HR Director is ready for you," tawag ng isang staff.Tumayo ako nang tuwid at pilit na ngumiti. Pumasok ako sa isang malaking opisina. Sa likod ng desk ay isang lalaking nasa mid-40s, nakasalamin at mukhang seryoso. Si Mr. San Juan."Have a seat, Ms. Valderrama," seryosong sabi niya habang nakatingin sa resume ko.Umupo ako
Deneve’s POVPagkasarang-pagkasara ng pinto ng apartment namin, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig pa rin ang mga binti ko kaya dumiretso agad ako sa sofa at napabagsak ng upo. Si Hope, nakatulog na sa byahe pauwi kaya dahan-dahan ko siyang inihiga sa kwarto bago ako bumalik sa sala.Paglabas ko, naabutan ko si Spica na nagpapabalik-balik ng lakad. Namumula pa rin siya sa inis."Nakakagigil! As in, nanggigigil ako, Deneve! Gusto kong bumalik dun sa mall at kalbuhin yung Bianca na 'yon!" sigaw ni Spica habang tinuturo ang pinto. "Ang kapal ng mukha! Kung makapanlait sa'yo, akala mo naman may ambag siya sa lipunan. At 'yung asawa mo? Walang kwenta! Nakatayo lang dun na parang tuod!"Napahilot ako sa sentido ko. "Spica, huminahon ka na. At least nakalayo na tayo.""Paanong hindi ako mag-iinit? Tinawag niya akong weirdo! Naku, pasalamat siya marami akong bitbit, kundi naihampas ko talaga sa mukha niya yung paperbag ko!" Humalukipkip si Spica at umirap. "Pero teka nga,
Deneve’s POVParang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang ingay ng mall, ang background music, ang mga taong naglalakad sa paligid namin lahat yun nag-fade. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko.Nakatingin lang ako kay Julius, at nakatitig din siya sa akin. Sa mga mata niya, nakita ko ang pagkabigla na unti-unting napalitan ng panlalamig. Tiningnan niya ang suot kong lumang faded na t-shirt at ang suot kong mumurahing maong."Babe? I asked you a question. Sino 'yang matabang—" napatigil si Bianca. Lumapit siya kay Julius at tiningnan ako nang maigi. Nanlaki ang mga mata niya, tapos bigla siyang tumawa nang pagkalakas-lakas. "Oh my god. No way. Deneve?! Ikaw ba 'yan?!"Gusto kong lamunin ako ng lupa right then and there. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Hope at pilit siyang itinago sa likuran ko."What happened to you?!" Halos mangiyak-ngiyak si Bianca sa katatawa habang tinuturo ako. Walang pakialam kung may mga taong napapatingin s
Deneve’s POVPumasok ako sa unang 24/7 na botika na nakita ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang iabot ko sa cashier ang bayad para sa tatlong magkakaibang brand ng pregnancy test. Wala na akong pakialam kung mukha akong basang sisiw dahil sa ulan, o kung namamaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Gusto ko lang makasigurado. Gusto ko lang malaman kung totoo ang kutob ko.Nakiusap akong makigamit ng banyo nila. Sa loob ng masikip at malamig na cubicle, ginawa ko ang test. Nakatitig lang ako sa tatlong puting stick na nakapatong sa ibabaw ng sink. Parang huminto ang ikot ng mundo habang hinihintay ko ang resulta.Unti-unting lumitaw ang mga linya.Isa... dalawa. Dalawang pulang linya sa unang stick. Dalawa sa pangalawa. Dalawa sa pangatlo.Positive.Napahagulgol ako at napakagat sa sarili kong kamay para hindi marinig sa labas ang iyak ko. Buntis ako. Ngayon pa? Ngayon pang tinawag akong baog ng biyenan ko? Ngayon pang tinalikuran ko ang asawa kong niloloko ako kasama ng kababata ko?P







