Share

CHAPTER TWO.

Late na pumasok si Vince sa opisina niya kinabukasan. Birthday kasi kagabi ng isang kaibigan niya. Hindi na nga siya nakauwe kagabi sa bahay nila kundi sa condo nya na lang sya dumeretso.

Pagbukas niya sa pinto ng opisina niya sumalubong kaagad sa kanya ang Daddy nya. Nakaupo sa office chair niya at mukhang hinihintay ang pagdating niya.

"I've been waiting for you, son," bungad ng daddy niya. "Bakit ngayon ka lang?" dagdag pa nito. Actually kagabi pa kita hinihintay sa bahay pero hindi ka umuwe.

"I'm sorry, Dad, birthday kasi kagabi ng isang kaibigan ko kaya nagka inuman at hindi naku umuwe p sa bahay, dahil malapit lang naman ang condo ko kaya doon na ako tumuloy kagabi," paliwanag niya. Kahit kasi malaki na siya at nasa tamang edad na gusto pa rin ng mga magulang nyang sa bahay sila palaging umuwe.

Katwiran kasi ng mga magulang nila magbubukod din sila kapag oras na magkapamilya na sila. Kaya habang wala pa gusto ng mga ito ang palagi silang magkakasama sa iisang bubong.

"By the way, what do you want, Dad?" tanong nya.

Ang totoo'y wala siyang idea kong bakit nandito ang ama niya.

"Well, I'm here just to remind you about your wedding with the daughter of our family friend." The daughter of your ninong Albert. Seryosong saad ng Daddy nya.

"No! I'm not going to marry her," matigas niyang tugon sa ama.

"You can't say no, son." Besides alam mo kong ano ang nakasalalay dito. Wala kang makukuhang mana at pati ang kompanyang ito ay mawawala sayo kapag nagmatigas ka. And i know na hindi mo kayang mawala ang lahat ng meron ka sa isang kisap mata lamang. "So think about it again," yon lang at tinapik siya sa balikat ng ama niya bago ito lumabas ng opisina niya.

Napatiim-bagang siya at kuyom ang kamao. "His dad telling the truth." At kapag hindi siya sumunod sa kagustuhan nito siguradong mawawala ang lahat ng meron siya kasama na itong kompanyang pinaghirapan niya. At 'yon ang hindi niya papayagang mangyari.

Naglakad siya palapit sa mesa at umupo sa upuan niya.

Masakit na ang ulo niya dala ng nainom na alak kagabi. Pero mas lalong sumakit ngayon. Buong akala niya noong tumanggi siya sa kagustuhan ng mga ito ay okay na, yon pala mag uumpisa pa lang ang kalbaryo niya.

"Hey! what's up, bro!, anong plano mo ngayon?" tanong ni James. Nandito ngayon ang dalawang kaibigan niya opisina niya matapos mabalitaan ng mga ito ang plano ng mga magulang nya sa kanya.

"Yeah, bro, mukang seryoso 'ata talaga sila tita at tito na ipakasal ka doon sa anak ng kaibigan nila," ani Tyron.

Nilalaro niya lang ang ballpen sa kamay niya at nakatingin lang sa dalawa na nakangisi sa kaniya. "Well, kung maganda naman at sexy bro, bakit hindi, diba?" isa pa uso naman ngayon ang divorce, muling sambit ni Tyron.

Seryoso ang mukha niyang nakatingin lang sa dalawa.

"Akain mo bro, sa ating tatlo ikaw ang mauuna lalagay sa tahimik," nakangiting sambit ni Tyron.

"Dapat maging masaya ka bro, kasi mag-aasawa ka na," pang aasar pa ng kaibigan.

"Tsk,"

Binatukan naman ito ni James. Paano magiging masaya ang kaibigan natin, kung ikakasal siya sa babaeng hindi niya mahal. Pigil naman ni Tyron ang sarili na tumawa ng malakas, sa tinuran nito.

"Pero bro, ito seryoso," aniya James.

What!? putol niya sa sasabihin nito. "Kong ayaw mo bro, pakilala mo na lang sa'akin," aniya ni James.

Sa kanilang tatlo ito talaga ang pinaka playboy, walang nagtatagal na relasyon dito, kung makapag palit ng girlfriend kala mo nagpapalit lang ng damit. "Tsk, wala ba kayong mga trabaho at ako ang kinukulit nyo dito." Magsilayas na kayong dalawa, pagtataboy nya sa dalawang kaibigan.

Basta bro, kung ayaw mo sa kanya akin na lang, sure naman ako na maganda at sexy 'yong inirereto ng parents mo. Pipili ba ng pangit sila tita para sa pinaka gwapo nilang anak, ngingisi-ngising saad ni James.

Inis na binato niya ito ng hawak niyang ballpen. Mabilis naman na nakailag si James at mabilis na tumakbo ang dalawa palabas ng opisina niya ng makitang akmang tatayo siya. Rinig pa niya ang malutong na halakhak ng dalawa mula sa labas ng pinto.

Itinutok muna niya ang atensyon sa trabaho. Sinubukan niyang ibaling sa trabaho ang isip niya, ngunit wala talaga siya sa wisyo. Napatingin siya sa suot na relo. Naalala niya ang sinabi ni James kanina. Napasandal siya sa upuan at napahalukipkip. Hanggang sa may pumasok na idea sa isip niya.

Bumukas ang pinto ng office niya at pumasok si Sherly. "Sir, I'll inform your meeting po before lunch." The board room is already set sir. Even the documents na kakailanganin nyo. "I already prepared eveything sir," sabi ng sekretarya niya.

"Okay, thank you." Pasasalamat niya dito.

Mabilis siyang sumakay ng sasakyan niya at pinaandar ito. Pinauwe na muna niya ang driver niya at siya na ang nagmaneho. Meron lang siyang pupuntahan at kakausapin.

Hindi niya hahayaang mawala sa kaniya ang kompanyang pinaghirapan niya. Hindi siya sanay mabuhay sa hirap. Lumaki siya na lahat ng gusto niya nasusunod, maliban na lamang ngayon. This time, wala siyang magawa sa kagustuhan ng mga magulang niya at 'yon ay ang itali siya sa kasal na hindi niya gusto.

Naalala na naman niya ang ex girlfriend niya. Dapat ito yong kasama niya ngayon. Nagpaplano na siyang pakasalan ito noon. Pero bigla na lang itong nakipag hiwalay sa kaniya. "She traded him over someone," ipinilig niya ang ulo, hindi na niya dapat pang binabalikan ang nakaraan. Naka move on na siya at masaya sa buhay single. "Single, mapakla siyang ngumiti," for now dahil ikakasal na siya.

Samantala abala si Coleen sa kanyang laptop ng pumasok sa office niya si Mara.

"Ma'am," tawag ng sekretarya niya.

Umangat naman siya ng tingin dito.

"Yes?"

"May naghahanap po sa inyo sa baba ma'am."

"Who?" nagtatakang tanong niya.

"Mr.Vince Santillan, raw po ma'am," magalang na sagot sa kanya ni Mara.

Napakunot noo siya.

Hindi ba't ito yong anak ng kaibigan ng mommy at daddy niya, ang inaanak ng mga ito. At ang lalaking gustong ipakasal sa kaniya.

"What the hell is he doing here," sambit niya, nakalimutan niyang nasa harapan pa nya ang sekretarya niya.

"Ma'am, p-paakyatin ko po ba dito?" tanong nito sa kaniya.

"Y-yes," nauutal pa na sagot niya. Let him in, utos niya at agad namang tumalima ang sekretarya niya pagkarinig ng sinabi niya.

Inayos niya ang mga papeles na nakakalat sa mesa niya. Pati ang laptop niya i-n-off muna niya. Ni-ready na niya ito para dadalhin mamaya sa meeting niya.

May idea na siya kong bakit pumunta rito ngayon ang lalaking 'yon. Marahil alam na nito ang plano ng mga parents nila. Sana lang tulad niya ay tumutol din ito. Para naman hindi na mamilit pa ang mga magulang nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status