Share

THE UNWANTED MARRIAGE
THE UNWANTED MARRIAGE
Author: Ciejill

CHAPTER ONE.

“Seriously mom!? Gusto niyo na makasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal!” hindi makapaniwalang bulalas ni Coleen sa kanyang ina.

“I told you that before honey, didn't I?” mahinahong sagot ng mommy niya. “Kaibigan namin ng dad mo ang parents ni Vince at kilalang kilala na namin sila kaya panatag kami ng daddy mo na mapupunta ka sa tamang lalaki. Isa pa, mabait at gwapo si Vince, bagay kayong dalawa kaya wala kang dapat ipag-alala anak,” tila kinikilig na sabi ng mommy niya.

Napahilot si Coleen sa sentido niyang bahagyang kumirot.

Hindi siya makapaniwala na talagang ipagkakasundo siya sa lalaking ‘yon. Ilang beses naman na niya itong nakita at nakakasama sa tuwing may pa dinner or pa party ang mga magulang nila pero never niya itong nakakausap man lang.

“Pag-isipan mong mabuti ito anak, para din naman sayo ‘tong ginagawa namin ng dad mo, isa pa 28yrs old kana anak, dapat may asawa ka na, sabik na kami ng dad mo na magkaroon ng apo,” masayang wika ng mom niya.

“But mom, hindi ko siya boyfriend at hindi ko siya maha—”

“No, but sweetheart,” putol ng mommy niya sa sasabihin niya.

Napahinga nalang nang malalim si Coleen.

“Sige na dumaan lang ako dito sa office mo para sabihin sayo yan, dahil sa susunod na araw pupunta sila tita Selena mo sa bahay para pormal na pag-usapan ang tungkol sa kasal ninyo ng kanilang anak.”

Si tita Selena ‘yong mommy ng lalaking ipapakasal kuno sa kanya.

Hindi na siya sumagot sa mommy niya dahil kahit ano pang sabihin niya hndi siya mananalo rito. Kaya pinili niya na lang ang tumahimik.

Maya-maya pa'y tumayo na ang kanyang ina at humalik muna sa pisngi niya bago tuluyang lumabas ng pintuan.

“Bye mom, take care,” pahabol niya rito.

“You too honey,” ganti din ng kanyang ina.

Tulala siya habang nakatingin sa kisame, hanggang ngayon naririnig niya pa rin ang mga sinabi ng kanyang ina.

Hindi niya lubos maisip na makasal sa isang taong hindi niya naman lubusang kilala, mas worst is hindi niya mahal.

Pipikit na sana ang mga mata niya ng biglang tumawag si Bella sa cellphone niya.

"Yes, bes?" tanong niya sa kaibigan.

“Hello bes, busy ka ba?” wika ng kaibigan nya.

“Hindi naman na bess, why?” tanong nya sa kaibigan.

“Dinner tayo mamaya sa labas bess, libre kita.”

“Sure bess, kita tayo mamaya,” aniya at pinatay na ang tawag.

Napatingin sya sa orasan at nakitang alas singko na ng hapon.

Natapos na nya ang ilang mga dokumento na pipirmahan nya kaya napagpasyahan nyang tawagan si Bella para sabihin na papunta na sya ng mall para mag ikot ikot muna at maghanap ng matitipuhan nyang bibilhin. Sinabi naman ng kaibigan nya na papunta na rin ito at magkita na lang sila sa mall kong nasaan sya.

“What!? Sigurado ka ba bess na hindi nagbibiro ang mommy mo?” gulat na tanong ng bff nya.

Marahan naman syang tumango dito bilang tugon. Saka nagpakawala ng mahabang buntong hininga.

Ang laki talaga ng problema nya, hindi nya nakikita ang sarili na makasal sa isang taong hindi nya naman gusto.

Tumikhim si Bella saka nagtanong, kaya napatingin sya rito. "So anong plano mo ngayon?” anito.

“Hindi ko alam, pero susubukan ko pa ring kausapin sila mom and dad, baka sakaling magbago ang isip nila,” matamlay nyang sagot sa kaibigan.

Susubo na sana sya ng pagkain nang mahagip ng paningin nya ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Kung hindi sya nagkakamali ito yung anak ng tita Selena nya na nakatakdang ipakasal sa kanya.

Hindi nya maikakaila na gwapo ito, maputi at matangkad. May kasama itong babae, maganda, maputi at sexy.

“Sino ba yang tinitingnan mo at kanina kapa titig na titig jan?” ani Bella at sinundan nito ng tingin kung san nakatutok ang mga mata nya.

“Don't tell me, he's the guy that your paren—”

“Shhh,” putol nya sa kaibigan.

“So sya nga?” ulit nito.

"Yes" tipid nyang sagot.

Maaga pa naman kaya pagkatapos nilang kumain ay nagikot ikot pa muna sila sa loob ng mall at naghahanap ng mabibili na magugustuhan nya.

Gabi na pero hindi pa rin sya dalawin ng antok. Iniisip nya kong ano ang pwede nyang gawin para ‘di matuloy ang kasal na binabalak ng mga mgulang nya.

Sa totoo lang wala pa talaga syang plano mag asawa pa. Maraming nanliligaw sa kanya pero ni isa hindi nya man lang binigyan ng chance makapasok sa buhay nya. Tama na 'yong isang beses siyang pinagpalit n'on, sinaktan, at iniwan.

Isa lang ang dahilan nya, sakit lang sa ulo ang mga lalaki, well except naman na dad nya syempre. Mabait ang daddy niya at mapagmahal, pero ngayon ewan ba nya bakit pati ang Dad nya ay payag rin ipakasal sya sa anak ng kaibigan nito.

Ano kaya kung sabihin nya rito na nakita nya ito sa mall at may kasamang ibang babae?

Pero ang pangit naman nun ‘di naman sya sigurado kung jowa nga ‘yon ng lalaki.

"Haist, matulog ka na nga at malalim na ang gabi," kausap nya sa kanyang sarili.

Pababa pa lang sya ng hagdan ay tanaw na nya ang mommy nyang nakaupo sa couch sa sala at nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.

"Good morning, mom," bati nya sa ina sabay halik sa pisngi nito.

“Anong oras ka umuwi kagabi?” tumatawag ako sayo pero naka off ang cellphone mo. Nakataas ang kilay na tanong ng mommy nya.

"Uhmm, sorry mom nalowbat ‘yong phone ko kagabi. Magkasama kami ni Bella kagabi niyaya nya ako kumain sa labas at nagkwentuhan na rin,” aniya sa ina.

Tumango-tango naman ang mommy nya.

"By the way mom, I have to go,” paalam niya.

Pagdating sa kompanya isa isa namang bumati sa kaniya ang mga empleyado nila.

Binabati rin nya ang mga ito pabalik.

Sumakay sya ng elevator at dumeretcho na sa opisina nya.

"Good morning, ma'am,” magalang na bati ng secretarya nya.

"Good morning too,” nakangiting bati rin nya.

“Ma'am na email ko na po sa inyo ang ilang schedule ng meetings and appointment nyo today. At ito po pala ang mga papers na need ng pirma nyo ma’am galing po ito sa finance department,” anang secretary nya.

"Thank you, paki lagay na lang jan sa mesa at r-reviewhin ko mamaya,” aniya.

"Okay, ma'am,” anito at lumabas na ng opisina nya.

Umupo sya sa swivel chair niya at inumpisahan na ang pagbabasa sa mga papeles na kailangan nyang reviewhin at pirmahan.

Kailangan matapos niya ito nang maaga dahil sa susunod na mga araw ay marami syang schedule for meetings and appointment sa kompanya. Ang kapatid naman nyang lalaki ngayon ang tinitrain ng Daddy niya sa buong kompanya. Actually dalawa lang sila magkapatid at siya ang panganay.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ciejill
thank you so much beb...
goodnovel comment avatar
1ionhart
Support beeeeeb...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status