Palakad lakad siya sa loob ng opisina niya at di mapakali, iniisip tuloy niya kong bakit siya pumayag na paakyatin ang lalaking yon sa opisina niya. Pero sa kabilang banda gusto nya din itong makausap. Baka tulad niya ayaw din nitong magpa kasal sa kaniya. Napangiti siya sa naisip na possibleng mangyari.
"Sana nga," bulong ng isip niya.Nakatalikod siya at nakaharap sa gawing bintana ng opisina niya ng marinig niya itong bumukas. Akala niya ang secretary niya ito kaya hindi muna siya humarap at hinintay itong magsalita. At ilang segundo lang ang lumipas ng marinig niya ang pag tikhim nito mula likuran niya.Doon niya napagtanto na boses lalaki iyon. Kaya naman unti-unti siyang pumihit paharap dito. Bumilis ang tibok ng puso niya.Nagtitigan muna sila at nagsukatan ng tingin, pero siya ang unang nagbaba ng tingin dito."SHOCKS!" totoo pala talaga ang sabi ng mommy niya na napaka gwapo nito at ang lakas pa ng dating. Ilang beses pa lang naman kasi niya itong nakikita at hindi naman niya pinagkaka abalahang titigan ang mukha nito. Pero ngayon nasa harapan niya ito ngayon niya nakumpirmang makalaglag panty ang kagwapuhan nito.Gusto niyang sampalin ang sarili dahil sa kalokohang tumatakbo sa isip niya."What brings you here,Mr.Santillan?" siya na ang unang nagsalita, kahit alam na niya ang dahilan kong bakit ito nandito sa harapan niya, pero mas pinili niyang magkunwaring walang alam."I know you know, why I'm here,Ms.Sanchez," seryosong sambit nito."Hindi ako manghuhula Mr.Santillan, para hulaan kong bakit ka nandito sa opisina ko," sarkastika naman niyang sagot dito.Nakita niyang umigting ang panga nito, but hell who cares.My parents want us to get married. And i know you already know about their plans. Walang kakurap kurap na sabi nito habang titig na titig sa mga mata niya. "And you know why I'm here?" Just to tell you that I did not agree with their decision."I don't want to marry someone I don't love," dagdag pa nito. Awang ang mga labi niya habang nakatitig dito, at anu daw ayaw nito magpakasal sa babaeng hindi nito mahal. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking to mukhang ipinapamukha pa sa kaniya na siya gustong niyang makasal dito.Naningkit ang mga matang tiningnan niya ito."Kong ayaw mong makasal sa'akin mas lalong ayokong makasal sa isang kagaya mo, Mr.Santillan," madiin niyang sabi.At pwede ba, wag mo sa'akin sabihin yan doon sa parents mo iyan sabihin.Nakita ng kumuyom ang mga kamao nito at umigting ang mga panga, sa hitsura nito para itong kakain ng taong buhay.Biglang bumukas ang pintuan kaya napalingon siya."Ma'am, sorry to interrupt you, but you have a meeting at around 2pm."Okay, Mara I'll be there."Tatalikod na sana siya para sumunod ky Mara ng hawakan siya ni Vince sa kanang braso niya."We are not done talking yet, Ms.Sanchez," bulong nito sa tainga niya. Winakli naman niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at sinamaan ito ng tingin. Saka tinalikuran.Hapon na ng matapos ang lahat ng meetings niya. Pero pakiramdam niya parang wala naman siyang naintindihan sa mga pinag usapan nila ng mga ka meeting niya. Lumilipad ang utak niya. At kasalanan to ng aroganteng lalaking yon, ang lakas ng loob na puntahan siya sa opisina nya at kausapin ng ganun. Ano akala ng lalaking 'yon, na siya gusto niya ang magpakasal dito. Kung ayaw nito mas lalong ayaw niya."Urghh, the nerve of that man," she sighed.Ang tamlay nya habang nagmamaneho ng sariling sasakyan pauwe sa bahay nila. Kaya naman para mabawasan ang stress ay nagpatugtog siya para kahit papano at gumaan ang pakiramdam niya. Isa ito sa nakakapagpa relax sa kaniya. Ang makinig ng mga kanta. Lalo na pag ang paborito niya ang napapakinggan."Hey,honey tired?" salubong ng mommy niya."Yeah, mom i need to rest now."Wait, anak, ipaghahanda kita ng dinner mo.Ito ang pinakagusto niya sa mommy niya ang pagiging maalaga at maasikaso nito sa pamilya nila, kaya hindi na siya magtataka kong bakit sobrang mahal ito ng daddy niya. Napangiti siya."No, mom I'm full," kumain na ako, after ng mga meeting ko kanina.Gusto sana niyang sabihin sa mom niya ang pagpunta doon ni Vince sa opisina niya. Pero pinigilan niya ang sarili, hayaan na lang muna niya. Pero binilinan na niya ang sekretarya nya na, kong sakaling pumunta ulit ang lalaking yon at kausapin siya ay huwag na huwag nitong papasukin sa opisina niya.Total nagpa plano ang parents niya para sa isang dinner kasama ang family nito ay doon na lang siya magsasalita. Na ayaw nya ang magkasal dito."Sige na anak, umakyat kana sa room mo kong ayaw mong mag dnner para makpag pahinga ka na," anang mommy niya."Thanks mom, goodnight," humalik siya sa pisngi ng ina saka pumanhik sa hagdan at tinungo ang kwarto niya. Pabagsak siyang humiga sa kama, magpahinga muna siya ng limang minuto bago maglinis ng katawan at matulog.Kinabukasan, hindi mapakali si Vince, habang nakaupo sa kaniyang swivel chair sa opisina. Hindi maalis alis sa isip nya ang mukha ng dalaga. Sa totoo lang maganda at maamo ang mukha nito,maputi at sexy. May maayos na trabaho at magkaibigan pa ang parents nila. Pero hindi niya pwedeng ipilit ang sarili lalo pa at hindi naman sila ganoong magkakilala kahit pa magkaibigan ang pamilya nila. Kong gusto niyang magpakasal ay doon sa babaeng mahal nya, at hindi sa ipipilit sa kaniya. Napabuntong hininga siya, ilang oras na ang nkalipas pero hindi niya magawang magtrabaho ng maayos, lumilipad ang isip niya. Wala siya sa wisyo at walang gana magtrabaho ngayong araw. Tinawagan niya ang kanyang sekretarya at nagpa utos siya ng kape. Kanina pa sumasakit ang ulo niya. Baka sa kape mabawasan ang kirot ng ulo niya.Umayos siya sa pagkaka upo at inumpishang basahin ang ilang dukomento. Kailangan na may magawang man lang siyang trabaho ngayong araw. Tatapusin na lang niya ang mga ito bukas kapag nasa tamang wisyo na siya. Kumatok ang secretary nya at pinapasok niya, dala dala nito ang mainit na kape na inutos nya. Pagkalapag nito at saka nagpa alam na lumabas. Habang abala siya sa paghigop ng mainit na kape. Naisipan niyang buksan ang kanyang laptop. Di niya alam kong anong pumasok sa utak niya at naisipan niyang i-search ang pangalan nito sa f******k."COLEEN B.SANCHEZ," mahinang bigkas nya sa pangalan nito. Her name suits her, ulit pang saad niya.Nag i-scroll down siya pero wala namang ibang post ang dalaga maliban sa puru mga kape ang post.Kailangan niya itong makausap ulit.AUTHOR'S NOTE Hello po sa lahat ng readers ng THE UNWANTED MARRIAGE. Maraming-maraming salamat po sa inyo, sa pagsubaybay at pagsuporta niyo sa storya nina Coleen at Vince. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. Ang kwento ng tunay na pag-ibig nina Coleen at Vince. At kwento ng pagmamahalan nina, Carter at Angel na ngayon ay mayroon ng tatlong anak ang kanilang triplets na sina, Caleb, Chase and Callie. Ganun din nina Casey at Asher na maryoon ding tatlong anak na sina, Zoe Ashvi at ang kambal na sina Ashton and Aisha. Ang kambal naman na sina Vayden at Vaden, baka gawan ko rin sila soon. Muli maraming-maraming salamat talaga sa inyo, my dear readers. Love you all! CIE JILL🫰
COLEEN 1 Year later... "Happy anniversary, love," nakangiting bati ni Vince sa kanya pagkababa siya sa hagdan. Nakatayo roon ang asawa niya at mukhang hinihintay ang pagbaba niya. Malawak ang pagkakangiti nito at agad na iniabot sa kanya ang hawak nitong bouquet. Kahit may edad na ay hindi pa rin niya maiwasang kiligin dahil sa tuwing anniversary nila ay ganito ka sweet ang asawa niya. "Thank you, love," aniya at tinanggap ang bulaklak. Mabilis naman siyang hinalikan ni Vince sa mga labi na kanya ring tinugon ng buong puso. Ilang sandali pa silang naghalikan bago kumalas sa isa't-isa. Ganun pa rin ang asawa niya, walang kupas sa galing humalik. At kahit na hanggang ngayon na malalaki na ang mga anak nila at marami na silang mga apo ay hindi pa rin ito nagbabago. Palagi pa rin nitong pinapainit ang gabi nila sa ibabaw ng kama. Ayon sa asawa niya ay magandang ehersisyo raw iyon upang hindi agad na tumanda. Biniro naman niya ito na palusot lang nito iyon lagi para maka
ASHER 8 months later. Humahangos nang takbo si Asher papasok sa loob ng hospital. Kahit ang sasakyan niya ay hindi man lang niya naipark ng maayos. Nasa kalagitnaan kasi siya ng meeting kanina sa board room nang tumawag ang mommy niya na manganganak na raw ang asawa niya. Dinala na raw ng mga ito si Casey sa hospital, kaya doon na siya pinapaderitso ng mommy niya. Dali-dali siyang umalis sa kumpanya at iniwan ang meeting upang puntahan ang asawa niya sa hospital. Mabuti na lang at nandoon palagi sa mansion ang mommy niya at mommy ni Casey. Laging nakabantay ang mga ito sa asawa niya sa tuwing nasa trabaho siya. Kinakabahan at nae-excite ang pakiramdam niya. Kinakabahan para sa asawa niya na manganganak dahil alam niyang hindi biro ang manganak. Lalo pa at kambal ang isisilang ng asawa niya. Nae-excite dahil sa wakas masisilayan na nila ang kanilang kambal na anak. Parang tinatambol sa lakas ang dibdib ni Asher pagkatapat niya sa kwartong kinaroroonan ng asawa niya. Pagb
CASEY Pagkatapos ng kanilang kasal sa simbahan ay deretso na sila sa reception sa SANTILLAN GRAND MEGA HOTEL. Ngunit ang akala ni Casey na sa reception hall dederetso ay sumakay sila ng elevator. "Saan tayo pupunta, hubby?" nagtataka niyang tanong sa asawa niya dahil ang usapan ay sa reception hall sila pupunta tapos nandito sila sakay ng elevator at nilagpasan ang reception hall kung saan nandoon ang mga pamilya, bisita sa kanilang kasal at nagkakasiyahan. "To our honeymoon place, wifey," malanding sagit ng asawa niya at kinindatan pa siya. Para siyang teenager na kinilig sa ginawa nito. "Pero hubby teka lang, baka kasi hanapin nila tayo lalo na ng mga bisita natin," pigil niya sa asawa," pero alam naman ni Casey na kahit pigilan niya pa ito ay hindi papapigil ang asawa niya. "Hayaan mo sila, wifey. Isa pa nandoon naman ang mga family natin, sila na ang bahala ro 'n," sagot naman ng gwapo niyang asawa. Hanggang sa hindi niya napansin nakarating na sila sa pinakataas.
ASHER Kanina pa hindi mapakali sa si Asher sa kinatatayuan niya. Nanlalamig ang kamay sa kaba kaya maya-maya niya itong ikinikiskis. Kinabakahan siya habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng malaking simbahan para sa grand entrance ng kanyang bride. "Relax, Kuya, darating yan si Ate Casey," nakangiting wika ni Aaron at tinapik siya sa balikat. Si Aaron ang kanyang kapatid na lalaki at siyang tumayong bestman niya. Kahit pa sabihing magrelax at darting ang bride niya at hindi niya pa ring iwasang kabahan. May lumapit na organizer sa kanya. Sinabi nitong nasa labas na raw ng malaking pinto ng simbahan ang bride niya. Kaya naman napaayos siya ng tayo at muling kumabog ang dibdib niya. Maya-maya pa nagsimula nang maglakad ang mga abay sa kasal. Napapangiti siya habang pinagmamasdan si Zoe ang kanilang flower girl. Napakaganda at napaka cute niyang prinsesa na naglalakad sa aisle. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya nang magsimulang tumugtog ang kantang on this day.
CASEY Napapangiti na pinagmamasdan ni Asher ang fiancee na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Naghihilik pa ito at halatang pagod na pagod sa ginawa niyang pag-araro rito kanina. After ng proposal niya kanina ay nagpaiwan sila rito sa Mega Grand Hotel na pagmamay ari ng mga Santillan. At nandito sila sa presidential unit ngayon. Ang anak nila ay sinama na pauwe ng mommy Coleen nila kanina. Sobrang saya niya nang makita kanina ang mukha nito dahil sa surpresa niya. Hindi nga ito makapaniwala kanina habang kinukwento niya rito na kasama niya ang buong pamilya nito, at pamilya niya sa plano niyang surpresa para rito. At tuwang-tuwa siya sa magandang kinalabasan kahit pa natakot rin siya na baka magalit ito dahil natakot ito ng sobra lalo pa at kasama ang anak nila. Ginawa niya kasi iyon para talagang mapaniwala ito na totoo ang nangyayaring pagkidnap. At ngayon hindi na siya makakapaghintay pa na tuluyan na itong maging asawa niya. Wala na itong magiging kawala pa sa kanya.