Share

Chapter 19

   Huminga nang malalim si Mary Joy at isinara ang librong kabubuklat pa lamang—wala siyang maintindihan. Lahat ng libro rito ay nakasulat sa hindi matukoy na lengwahe. Sigurado siya na kahit ang mga tao rito ay hindi binabasa ang mga ito, sa limang oras na inilagi niya sa silid-aklatan ng palasyo ay iilan lang ang mga hanay ng librong may espasyo sa pagitan.

Nabuburo na siya nang husto. Noong una'y namamangha siya sa kakaibang sulat na iyon. Samahan pa ng mga larawang hindi niya pa nakita noon. Makalipas ang iilang oras, gusto niyang sunugin lahat ng librong nandito. Kaunti lang ang mga librong kaya niyang basahin. Napagtanto niyang hindi mahilig sa libro si Devlin. Ayos lang 'yon sa kaniya. Hindi siya umaasang puro ‘love story’ ang mga narito.

Nangalumbaba si Devlin sa mahabang mesa at tiningnan ang tahimik na si Tee. “Saan nagpunta si Prinsepe Belial ngayong umaga?”

“Pagkatapos ng pulong kaninang umaga ay nagpunta ang prinsepe

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status