Share

Chapter 20

   Pagkatapos ng nangyari kaninang tanghali ay nagkulong si Mary Joy sa silid. Kinulit niya si Tee patungkol sa kung anu-ano, pinapagod ang sarili upang makatulog. Noong makumbinsi niya ang sarili na magpahinga, madilim na at lumalamig na ang paligid. Inutusan niya si Tee na huwag magpapapasok ng kung sino sa kaniyang silid. Kung sakaling maulit man ang nangyari kay Synthell. Masunuring nagbantay ang lalaki sa labas.

Mahimbing ang pag-idlip ni Mary Joy hanggang sa bulabugin iyon ng isang marahas na pagbukas ng pinto na sunundan ng mabibigat na yabag. Pumasok ang nakakasakal na Alpha scent ni Belial sa buong silid. Asar na inginudngod ni Mary Joy ang mukha sa malambot na unan.

“Devlin Isle—alam mo ba kung anong kahihiyan ang binigay mo sa 'kin?” tanong ni Belial sa kaniya gamit ang boses na kayang tapatan ang mabibigat na kulog tuwing bagyo. “Isang Omega, sa silid-aklatan ng angkan ko, Devlin? Talagang doon pa?”

“Belial, pakiusap.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status