Share

Chapter 26

   Nagising si Mary Joy na hindi makontrol ang katawan kinabukasan. Hindi siya masanay-sanay sa ganito. Para siyang taong dumaraan lamang sa kalsada pero kinaladkad at puwersahang pinapanood ng palabas na ayaw niyang makita.

Nag-umpisa iyon sa nakasanayang gawi ng babae. Ang agawan ng trabaho lahat ng nakikitang tauhan, umaaasang makuha ang loob ng mga ito. Subalit dahil sa kondisyon ni Ana at Nastya, walang gustong makipaglagayan ng loob sa bida maliban kay Joshua, iyong hardinero.

 

“Sigurado ka, ha, Ana?” pag-uulit ni Manong Gerald na siyang tagapagluto, “Baka mapagod ka.”

“Sinong napapagod sa paghihiwa ng sibuyas, Manong Ge?” Humalakhak si Ana. Kung hindi alam ni Mary Joy ang totoong pag-uugali nito, siguradong mauuto siya sa malaman nitong tawa. “Heto na po—”

“Ana,” sabi ni Aling Zena pagpasok ng kusina, “si Sir Francis nasa sala.”

“Si Francis?” Hindi na naghintay ng kumpirmasyon si Ana at dali-daling lum

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status