/ Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 20

공유

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 20

작가: MIKS DELOSO
last update 최신 업데이트: 2025-02-18 23:06:33

Nasa sulok ng restaurant bar ang espiya, tahimik na nagmamasid habang patuloy na umiindak sina Klarise at Louie sa mabagal na tugtog. Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang makita ang hindi matatawarang chemistry ng dalawa.

Nang mag-vibrate ang kanyang cellphone, mabilis niya itong kinuha at nakita ang pangalan ni Pilita na kumikislap sa screen.

“Hello, Ma’am Pilita?” bungad niya.

“Ano na?! Anong nangyayari sa anak ko?” excited na tanong ni Pilita. Sa background, naririnig niya ang boses ni Georgina, halatang nakikinig din.

“Ikwento mo lahat! Lahat ng detalye! Ano na? Nagkakamabutihan na ba?”

“Opo, Ma’am. Sa totoo lang, parang hindi na kunwari ang honeymoon nila. May sparks na talaga.”

“Talaga?!” sigaw ni Pilita, halos mapasigaw sa tuwa. “Ano’ng ginagawa nila ngayon?”

Sumilip ang espiya at nakitang mas lalo pang nagkakalapit sina Klarise at Louie sa pagsayaw.

“Nagso-slow dance po sila ngayon. At sa tingin ko po… parang totoo na ang mga ngiti nila.”

“Ay naku, sabi na nga ba! Kilala ko
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 177

    Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 176

    Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 175

    Sa dining area ng Page-Rays residence, tahimik ang lahat habang nag-aalmusal. Si Louie ay nagkukusot ng mata, hawak ang mug ng kape, habang si Klarise ay abalang pinapakain si Luna sa baby chair nito. Sa ilalim ng katahimikan, naroon ang pananabik at kaba—dahil ngayong araw, darating ang kanilang mga magulang upang sabay-sabay na magtungo sa beach resort sa Batangas. Magsasama-sama sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang aksidente.“Sigurado ka bang kaya mo na, Louie?” tanong ni Klarise, malumanay pero may halong pag-aalala. “Hindi naman kita pipilitin kung hindi ka pa handa.”Tumingin si Louie sa kanya. “Hindi ko man maalala ang lahat, pero… ayokong palampasin ang kahit isang pagkakataong makasama kayo. Baka doon… mas maintindihan ko pa kung sino ako.”Napangiti si Klarise, ngunit kapansin-pansing nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. “Salamat, Louie…”Bago pa siya makasagot, isang mahinang katok ang narinig mula sa pinto. Sunod-sunod na yabag, at maya-maya pa’y narinig ang m

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 174

    Sa kwarto sa ikalawang palapag, mag-isa si Klarise. Tahimik siyang nag-aayos ng mga pinamiling gamit. Ang liwanag ng lampshade ay malumanay na tumatama sa kanyang mukha—isang mukha ng ina, ng asawa, ng babaeng pilit na bumabangon sa bawat araw na puno ng alaala ngunit walang kasiguruhan kung kailan muling makikilala.Kinuha niya ang isang maliit na baby photo frame. Larawan nila iyon ni Louie at ni Luna, kinuhanan isang buwan bago ang aksidente. Nakangiti silang tatlo. Isang larawang puno ng kasiyahan—ng walang duda, ng isang buong pamilya. Dumampi ang luha sa sulok ng kanyang mata, ngunit agad niya iyong pinunasan.Biglang bumukas ang pinto.Nilingon niya ito, may kaba. At doon niya nakita si Louie, nakatayo sa may siwang ng pintuan, buhat pa rin si Luna na mahimbing nang natutulog.“Gising ka pa pala,” marahang sabi ni Louie.Tumango siya, pilit na ngumiti. “Inaayos ko lang ang gamit ni Luna.”Tahimik na pumasok si Louie, hindi inaalis ang tingin sa kanya. May kakaibang lamig at ini

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 173

    Tahimik si Louie sa kabilang linya.Hindi niya alam kung ano ang isasagot.Pagkaraan ng ilang segundo, si Klarise na ang lumapit at marahang kinuha ang telepono sa kanya.“Hello po,” wika niya. “Si Dr. Louie po ay nagpapagaling pa. May amnesia po siya mula sa aksidente. Hindi pa siya makakabalik ngayon.”“Oh my God,” saad ng kabilang linya. “We didn’t know. I’m so sorry, Ma’am.”Ngumiti si Klarise, kahit puno ng kaba ang dibdib.“It’s alright. I’ll call again once he’s ready. For now, please cancel any direct appointment and relay to the clients that Dr. Louie is still recovering.”“Yes, Ma’am. Will do.”Pagkababa niya ng telepono, humarap siya kay Louie.“Pasensiya na… pero kailangan mo muna magpahinga. Hindi pa ito ang oras para bumalik sa trabaho.”Tumingin si Louie sa kanya. Walang sabi. Pero sa tingin na iyon… may iba na.Hindi na ito ang tingin ng isang estrangherong may malamig na puso.Ito ang tingin ng isang lalaking nagsisimula nang magtanong kung nasaan ang kanyang puso.At

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 172

    Tahimik ang umagang iyon sa mansyon ng mga Ray.Sa silid na dating tinutulugan ni Klarise at Louie, tanaw ng araw ang mga kurtinang pinili ni Klarise mismo—puti, may manipis na embroidery ng mga bulaklak. Hindi niya alam kung bakit, pero ngayon lang napansin ni Louie kung gaano kalambot sa mata ang sinag ng araw sa silid na ito.Gumising siya nang maaga, mas maaga kaysa karaniwan. Walang humiling sa kanya na gawin ito. Walang tumawag ng “Love, gising na. May breakfast na.” Wala ang tinig ni Klarise. Wala rin ang yapak ni Luna sa hallway. Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, parang hinahanap ng katawan niya ang mga iyon.Tumayo si Louie at bumaba nang tahimik. Sa may salas, napansin niya ang isang maliit na stuffed toy na naiwan sa gilid ng sofa. Kulay rosas, may mahabang tenga—isang kunehong tila ilang ulit nang nahulog at pinulot. Dinampot niya ito at pinagmasdan.“Luna,” bulong niya.Parang unti-unting umiinit ang dibdib niya. Mula sa likod ng puso niya, may umaalimbukay na hindi n

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status