Pilit na hinawakan ni Pilita ang kanyang kamay. "Anak, alam kong mahirap intindihin sa ngayon, pero—"
"Pero ano?" Napabuntong-hininga si Klarise, iniwas ang kamay. "Akala ko, nandito ako para sa binyag, pero hindi! Isa pala akong tupa na dinala sa altar nang walang kaalam-alam!"
"Kung gusto mong magreklamo, Klarise, bakit hindi ka na lang umalis?" sarkastikong sabat ni Louie habang nakapamulsa at nakatingin sa kanya. "Oh, tama. Hindi mo kaya, ‘di ba? Dahil kahit ano'ng gawin mo, wala ka nang choice."
Tiningnan siya ni Klarise nang masama. "Kung wala akong choice, gano'n ka rin! Kaya huwag kang magpanggap na parang ikaw ang pinakamalaking biktima rito!"
Napangisi si Louie, pero halatang pilit. "Oh, hindi ako nagpapanggap. Alam kong pareho tayong kawawa rito, pero at least, hindi ako umiiyak na parang bata."
Napairap si Klarise at umismid. "Kapag dumating ang araw na gusto mo nang lumabas sa impyernong ‘to, huwag kang hihingi ng tulong sa akin, Louie."
"Same goes for you, wifey," aniya, ang salitang wifey ay puno ng pangungutya.
Muling lumapit si Georgina, ang kanyang ina, at niyakap siya. "Klarise, anak, maintindihan mo rin balang araw. Ang pagsasamang ito ay hindi lang para sa negosyo—para rin ito sa kinabukasan mo. Mahal ka namin, at gusto naming mapunta ka sa isang lalaking kaya kang alagaan."
Biglang natawa si Louie. "Wow, ang sweet naman. Hindi ko alam na may part-time job pala ako bilang ‘tagapag-alaga.’"
Tiningnan siya ng masama ni Klarise. "Huwag kang mag-alala, Louie. Hindi kita kailangang alagaan, at lalong hindi kita kailangang alagaan mo."
"That’s a relief," sagot ni Louie na may tamang yabang. "Dahil kahit siguro ibigay mo pa sa akin ang buong Blue Protect Factory, hindi kita bibitbitin kahit isang hakbang."
Nagpalitan sila ng matatalim na tingin, ngunit bago pa sila magbatuhan ng kung anu-ano pang masasakit na salita, biglang may nag-toast mula sa kabilang bahagi ng reception.
"To the newlyweds!" sigaw ng isang tiyuhin ni Louie habang taas ang baso ng champagne. "Magsimula na ang kasiyahan!"
Nagtilian at nagpalakpakan ang mga bisita, lahat sila tuwang-tuwa na parang isang perpektong kasal ang naganap. Samantalang si Klarise at Louie? Halos hindi magpang-abot ang kanilang galit, pero sa harap ng lahat, napilitan silang ngumiti at magpanggap na masaya.
"Ngayon pa lang, gusto ko nang i-annul ‘to," bulong ni Klarise habang sapilitang nakangiti sa harap ng camera.
"Sa ngayon, pagbigyan natin ang mga magulang natin," sagot ni Louie, na kunwari'y nakaakap sa kanya habang nagpo-pose para sa litrato. "Pero isang taon lang. One year, Klarise. Pagkatapos niyan, maghihiwalay tayo."
"Peksman?" inis niyang tugon.
"Cross my heart and hope you disappear," sarkastikong sagot ni Louie.
Ang mga ngiti nila sa harap ng camera ay puno ng peke, pero sa likod ng bawat pilit na ekspresyon, nagsisimula nang magliyab ang isang labanang hindi nila kailanman inasahan—isang labanan sa pagitan ng puso, pride, at hinanakit.
"At ngayon," sigaw ng emcee sa mikropono, puno ng sigla, "oras na para sa FIRST DANCE ng ating napakagandang bagong kasal!"Nagsigawan at nagtilian ang mga bisita. Ang ilan ay nagtutulakan pa sa isa't isa, sabik na makita ang pinakaunang sayaw nina Louie at Klarise bilang mag-asawa.
Samantalang ang dalawa?
"Over my dead body," bulong ni Louie, naninigas habang nanatiling nakapamulsa.
"Asa ka," sagot ni Klarise, nakataas ang isang kilay.
Ngunit bago pa sila makatanggi, biglang TULAK!
"Ay!" sigaw ni Klarise nang maramdaman niyang tinulak siya ng kanyang ama, si Hilirio, papunta kay Louie.
"Ano ba—!" Nagising na lang si Louie nang itulak din siya ni Philip, dahilan para muntik na siyang mahulog sa dance floor.
At bago pa nila magawang lumaban, doon na tumugtog ang napakasentimental na musika—isang sweet love song na hindi tugma sa nararamdaman nilang dalawa.
"Sayaw! Sayaw! Sayaw!" sigaw ng mga bisita, pati na rin ang kanilang mga magulang.
Napasapo sa noo si Louie. "Seriously? Napasubo tayo rito."
"Hindi ako sasayaw sa'yo, Louie," madiing sabi ni Klarise.
"Well, mas lalong hindi ako interesado sumayaw sa'yo," sagot niya pabalik. "Pero unless gusto mong maging headline bukas na, ‘NEWLYWEDS REFUSE TO DANCE, IMMEDIATE ANNULMENT EXPECTED,’ kailangan nating magpanggap."
Muling lumakas ang hiyawan ng crowd, at wala nang nagawa si Klarise kundi ang ihagis ang sarili sa bisig ni Louie.
Pero kahit anong gawin niyang paglayo, hinigpitan nito ang hawak sa kanyang baywang.
"Hoy! Huwag kang dumikit masyado!" sigaw niya, pilit siyang lumalayo.
"Hindi ako ang lumalapit, wifey," bulong ni Louie, may pilyong ngiti. "Ikaw ‘tong bumagsak sa bisig ko. Mukhang meant to be tayo, ah."
Sinubukan siyang tapakan ni Klarise, pero mabilis siyang nailayo ni Louie, dahilan para muntik siyang mapayakap rito.
Napasinghap siya. "Louie, bitawan mo ako!"
"Bakit? Natutunaw ka na ba?" tukso nito.
"Sa inis? Oo!"
Napatawa si Louie, pero hindi niya binitiwan si Klarise. Sa halip, mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa baywang nito, dahilan para mapatingala si Klarise sa kanya.
"Alam mo, kung hindi lang kita kinasusuklaman, iisipin kong natutunaw ka sa yakap ko," bulong ni Louie, malapit sa tenga niya.
Napakagat-labi si Klarise, pero hindi para sa kilig—para pigilan ang sarili niyang sipain ito. "Subukan mo pang lumapit, at makikita mo kung paano ko tatapusin ang kasal na 'to ngayon din."
Nagsimula silang dahan-dahang sumayaw, kahit pa ang bawat hakbang nila ay puno ng tensyon. Si Louie, kahit na nakakairita, ay magaling sumayaw. At si Klarise, kahit na gusto niyang magwala, ay pilit na sumusunod sa indayog ng musika.
"Hayaan mo na lang ako ang mag-lead," sabi ni Louie, na para bang siya ang eksperto rito.
Napairap si Klarise. "Bakit? Hindi ako marunong sumayaw?"
Ngumisi si Louie. "Oh, marunong ka nga, pero matigas ka. Parang gusto mong patayin ako sa bawat galaw mo."
"Good," ngiting-asong sagot ni Klarise.
Hindi nila napansin na habang nagtatalo sila, nagiging mas natural ang pagsayaw nila. Nagiging graceful ang bawat galaw, at nagmumukha na silang totoong mag-asawang masaya sa unang sayaw nila.
At nang bumagal ang kanta, doon nila napansin na nakatingin ang lahat sa kanila, halos napapaluha ang ilan sa sweet moment nila.
"Ang ganda nila!"
"Bagay na bagay!"
"Ay, kinikilig ako!"
Nakangiti ang mga magulang nila, tuwang-tuwa sa nakikita.
Samantalang sila Louie at Klarise?
"Shet," bulong ni Klarise. "Mukha tayong in-love."
"Gusto mong sirain ang moment?" tanong ni Louie.
"Hell yes."
At sabay, habang umiikot si Klarise, pinakawalan niya si Louie, at...
BLAG!
Diretsong nahulog si Louie sa sahig.
Napatahimik ang lahat.
Si Klarise naman ay napakurap bago pinigilan ang ngiti. "Oh no… accidentally nabitawan kita."
Hindi agad nakakilos si Louie, nakatingin lang ito kay Klarise na parang hindi makapaniwala.
"Ikaw," anito sa mahinang boses. "Talagang ginawa mo 'yun?"
Ngumiti si Klarise nang matamis. "Huh? Hindi ko sinasadya, hubby."
Natawa ang ilan sa audience, at kahit ang emcee ay tila nawiwili sa nangyayari.
"Well, mukhang mainit ang chemistry ng ating bagong kasal!" sigaw nito. "Palakpakan natin sila!"
Nagpalakpakan ulit ang mga tao, habang si Louie ay bumangon mula sa sahig.
"Ang ganda ng first dance natin, no?" sarkastikong sabi ni Louie.
"Oo, unforgettable," sagot ni Klarise, sabay kaway sa audience.
Habang bumalik sila sa mesa, nakangisi si Klarise. Akala niya tapos na ang laban, pero bigla siyang sinunggaban ni Louie, sabay bulong:
"Huwag kang kampante, Klarise. Sa honeymoon natin, babawi ako."
Nanlaki ang mata niya. "Anong—?!"
"Joke lang asa ka pa,.Walang honeymoon magaganap!"pang-aasar na sabi ni Louie. "Mukha mo!"inis na sabi ni Klarise. Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa matapos ang matinding exchange ng insults. Para silang dalawang bata na nag-aasaran, pero sa mata ng kanilang mga magulang at mga bisita—bagong kasal silang in love at naglalandian!"Kayo talaga!" sigaw ng isang Tita mula sa audience. "Nakakakilig kayong dalawa!"
"Bagay na bagay!" dagdag pa ng isa.
Napairap si Klarise at tiningnan ng masama si Louie. "Tigilan mo nga ‘yang kahambugan mo."
Louie smirked. "Bakit, natatakot ka bang mahulog sa charms ko, wifey?"
"Huh? Charms mo? Louie, mas gugustuhin ko pang makulong sa loob ng refrigerator kaysa mahulog sa'yo!"
Napahalakhak si Louie. "Okay lang, kahit sa refrigerator ka pa magpakulong. Huwag mo lang akong idamay."
"Pwede ba tayong umalis dito?" bulong ni Klarise, na pilit na ngumingiti para hindi mahalata ng mga tao na gusto na niyang sabunutan si Louie.
"Hell yes, let’s go," sagot naman ni Louie, pilit din ang ngiti.
Ngunit bago pa sila makagalaw, lumapit ang mga magulang nila—tila may mas malaking balak.
"Mga anak! It's time for your honeymoon!" masiglang sabi ni Pilita.
Nanigas ang dalawa.
"ANO?!" halos sabay nilang sigaw.
"Asa pa kayo," singhal ni Klarise. "Hindi ko ‘yan gagawin, lalo na sa mokong na ‘to!"
"Tama!" sagot ni Louie, nagkibit-balikat. "No offense, Klarise, pero mas gusto ko pang magtrabaho ng triple shifts kaysa gumugol ng isang minuto sa honeymoon kasama ka."
"Tama! Walang honeymoon!" sabay nilang sinabi.
Nagkatinginan ang mga magulang nila at nagngitian, tila may alam na hindi pa nila alam.
Georgina, ang ina ni Louie, ay ngumiti ng matamis. "Oh, Louie, anak… Akala mo ba hahayaan ka lang namin? The private jet is already waiting for you two."
Philip, ang kanyang ama, ay tumango. "Pasado alas-dose na ng gabi, at wala kayong ibang choice kundi lumipad papunta sa honeymoon destination n’yo."
"Wait, what?" tanong ni Klarise, habang lumalakas ang kaba niya.
Her mother, Pilita, smiled sweetly. "We booked a full month in a private island resort. Just the two of you, no distractions."
"ONE MONTH?!" napasigaw si Klarise.
"Alone?!" dagdag ni Louie, parang nalason sa sinabi ng ina.
"Yes!" sagot ni Hilirio, ang ama ni Klarise, sabay tawa. "Kailangan n’yo namang mag-bonding as husband and wife, ‘di ba?"
"More like torture!" sabi ni Klarise, sabay turo kay Louie. "Kasama ‘to sa isang buwan? Sa isla? ALONE? NO WAY!"
"Ikaw rin naman, hindi ko gustong makasama sa isang island!" singhal ni Louie.
Pero huli na—biglang dumating ang security at binuhat silang dalawa papunta sa private jet!
"Hoy! Hoy! Bitawan n’yo ako!" sigaw ni Klarise habang nagpupumiglas.
"What the hell! Wala bang human rights dito?!" reklamo ni Louie.
Ngunit sa isang iglap, nasa loob na sila ng private jet, ang pintuan ay nagsara, at wala na silang kawala.
Nagkatinginan sila, parehong namumula sa inis.
"One month," bulong ni Klarise, nanlalaki ang mga mata.
"One freakin' month," ulit ni Louie, parang gusto nang mamatay sa inis.
Nagkatahimikan sila saglit.
At sabay silang napabuntong-hininga.
"Walang pakialamanan." sabay nilang sabi, na parang pareho nilang naisip ang parehong survival rule.
"Good." sagot ni Louie, tumagilid sa upuan at pumikit.
"Great." sagot ni Klarise, sabay irap.
At habang lumilipad ang eroplano papunta sa kanilang forced honeymoon, isang bagay lang ang malinaw—isang buwan ng digmaan ang magaganap sa islang iyon.
Hindi agad sumagot si Louie. Tinanggap niya ang singsing, pinagmasdan ito. Tila binabasa niya ang bigat ng bawat pagkakabuo nito—ang pangakong nakaukit sa ginto, kahit hindi niya maalala ang mismong araw.“Sa puso ko… pakiramdam ko, hindi ko ito inalis,” sabi niya, sabay suot ng singsing sa sarili niyang daliri. “Ngayon… isusuot ko na uli. Sa buhay ko.”Napaluha si Klarise. Lumapit siya, at sa harap ng kama nilang dalawa, walang sinuman kundi sila, hinalikan niya ang noo ng asawa.“Welcome home, mahal ko.”Tumayo si Louie sa wheelchair, pinilit kahit manghina. Hinawakan niya ang kamay ni Klarise.“Ako naman. Ako ang dapat magsabi niyan.”Lumuhod si Louie. “Klarise Olive Ray… salamat. Sa lahat. Sa pagkapit. Sa pagmamahal. Sa pagpilit sa’kin kahit wala akong maibalik. Ngayon, handa na akong ibalik lahat. Handa na akong maging asawa mo, tatay ni Luna, at lalaking muling pipili ng tahanang ito… araw-araw.”Napayuko si Klarise at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na sila nagsalita. Niyakap
“Louie…” sabi ni Klarise, dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa tenga nito. “Kung naririnig mo ako… sabihin mo lang ang pangalan ko. Kahit pabulong. Kahit sa isip mo lang.”Tahimik na ilang segundo.Hanggang sa…“...Kla…”Mala-hiningang tunog. Halos hindi marinig. Pero dumaan sa pandinig ni Klarise na parang kulog mula sa langit.Napasinghap siya. “Louie?!”Nanginig ang mga labi ni Louie. Nakapikit pa rin ang mga mata, pero gumalaw ang bibig.“...Klarise…”Parang huminto ang mundo.Tumulo ang luha ni Georgina. Si Philip ay napaupo, natulala. Si Pilita ay napahawak sa puso niya. Si Hilirio ay hindi na nakapagsalita, nakatingin lang sa anak ng anak niya na—sa wakas—bumalik.Klarise, nanginginig, yumakap sa dibdib ni Louie.“Diyos ko… bumalik ka…”“...Sabi ko naman sa’yo…” mahinang tinig ni Louie. “...hindi ko kayo iiwan…”“Louie…” lumuluhang bulong ni Klarise. “Mahal na mahal kita…”At sa wakas, dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Louie. Mahina, nanlalabo, ngunit nakatuon lamang sa i
Bumaligtad ang mundo. Nawala sa linya ang langit. Nalubog sila sa malamig at malakas na agos ng tubig.Tubig. Hangin. Sigaw.“KLARISE!” sigaw ni Louie mula sa ilalim ng dagat, habang sinisid niya ang pamilyar na aninong lumubog. Hinanap niya ang kamay nito sa gitna ng bula at alon. Lumalaban siya sa hampas ng tubig, hanggang sa maabot niya ito.“Nandito ako!” sigaw niya, hinila si Klarise pataas.Pag-angat nila sa ibabaw, habol-hininga si Klarise, nanginginig, naluluha. “Louie…!”“Okay ka lang?” tanong niya, yakap siya ng mahigpit habang tinatahak ang bangka ng mga rescue personnel mula sa isa pang isla. Ngunit isang alon pa ang humampas.“Louie!”Ngunit sa isang iglap, si Louie ang nawalan ng balanse. Bumitaw siya upang itulak si Klarise papalayo sa banggaan ng mga kahoy na bahagi ng bangka.Nakita ni Klarise kung paanong nilamon ng alon si Louie—wala nang salbabida, wala nang mahawakan.“LOUIE!” sigaw niya, nanginginig ang buong katawan. “LOUIE, HUWAG MONG IIWAN!”Mabilis ang mga pa
Kinabukasan – Bandang alas-otso ng umagaLa Verda Beach Resort Pier, Batangas“Sure kayo po, Ma? Hindi po kayo mahihirapan kay Luna?” tanong ni Klarise habang yakap si Baby Luna, na ngayon ay gising na at ngumanganga habang sinisipsip ang sariling hinlalaki.“Anak naman!” sabat ni Pilita Olive, sabay agaw ng sanggol. “Hinintay ko ‘to buong buhay ko. Ako pa ba ang mahihirapan sa apo ko?”“Hayaan mo na ang Mama mo, iha,” dagdag ni Hilirio Olive, na hawak ang isang bote ng baby lotion. “Kanina pa ‘yan gising. Pati ako sinabihan nang, ‘Hil, kumuha ka ng gatas!’ Ni hindi ko alam kung anong formula ang tama, pero pinilit ko. Ganyan ang epekto ng apo—napapag-aralan kahit ang imposible.”Tawanan.Lumapit si Georgina Ray, naka-shades at nakabikining may cover-up. “At huwag mong kalimutan, Klarise, pediatrician ako. Hindi lang basta lola. Ang apo ko… nasa kamay ng isang propesyonal.”“Grabe kayo, Ma,” natatawang sabi ni Louie habang inaayos ang life vest ni Klarise. “Parang isang team of doctor
Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in
Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at