Paglapag ng eroplano sa Coron, bumungad sa kanila ang napakaesklusibong resort—white sand beaches, turquoise waters, at mga villa na parang mansyon sa laki. Paraiso sa mata ng iba, pero para kina Klarise at Louie? Impyerno.
Nakasimangot si Klarise habang nakatayo sa tarmac, ang hangin ay tila nagpapalala sa kanyang inis. “Ang ganda dito... Sayang lang kasama kita.”
Napangisi si Louie, nag-aayos ng shades na parang modelo sa commercial. “Huwag kang mag-alala, Klarise. Wala akong balak guluhin ang ‘perfect vacation’ mo. I’m here for the view, not for you.”
“Good. Kasi hinding-hindi kita kakausapin.”
“Perfect. Kasi hinding-hindi rin kita gustong kausapin.”
Naputol ang asaran nila nang may lumapit na staff, nakangiti at tila hindi alintana ang tensyon sa pagitan nila.
“Welcome, Mr. and Mrs. Ray! We’re so honored to have you here. We’ve prepared the best honeymoon villa for you—very private and romantic.”“WHAT?!” halos sabay silang sumigaw.
Nagkatinginan sila, parehong nanlaki ang mga mata.
“Excuse me?” singhal ni Klarise. “Iisang villa?”
“Oh yes, Ma’am,” sagot ng staff na tila walang kaalam-alam sa sitwasyon. “It’s the most exclusive honeymoon suite in the island—complete with a king-sized bed, a jacuzzi for two, and a panoramic view of the ocean.”
Parang gusto nang masuka ni Louie. “King-sized bed?”
“Jacuzzi… for two?” bulong ni Klarise, parang nagdilim ang paningin.
“Yes! It’s perfect for newlyweds. Very romantic and intimate,” masayang sagot ng staff. “And don’t worry, no one will disturb you for the whole month.”
“A WHOLE MONTH?!” sabay ulit nilang sigaw.
Napaatras ang staff, halatang nagulat. “Uh… yes? As per your parents’ arrangement.”
Nagkatinginan na naman sila—parehong parang gustong bumalik ng Maynila para awayin ang mga magulang nila.
Louie clenched his jaw, “I knew it. Plot twist ng magulang ‘to.”
Klarise crossed her arms, “This is kidnapping. Ipapasara ko ‘tong resort na ‘to. I’m Klarise Olive, and I have lawyers!”
Napakamot ng ulo ang staff. “Ah... We were instructed by Mr. Philip Ray and Mr. Hilirio Olive. They said… no one leaves the island until you both... bond.”
"Bond?!" Klarise's voice was filled with panic. "What the—Anong klaseng twisted bonding ‘to?!"
Louie rolled his eyes. “Tama nga ang hinala ko. This is a prison island.”
Napabuntong-hininga si Klarise at tumingin sa malayo. Ang ganda ng tanawin. Mga bundok, asul na dagat, at puting buhangin. Perfect honeymoon nga… kung hindi lang kasama si Louie.
“Listen,” ani Louie, tumayo sa harap niya. “Iisang villa. Isang buwan. Wala tayong kawala.”
“Anong plano mo?” tanong ni Klarise, nakataas ang kilay.
Napangiti si Louie, tila may naisip na kalokohan. “Simple lang. Walang pakialamanan, di ba? Hatian tayo ng oras sa villa. You stay in the room during the day, ako sa gabi.”
Klarise’s eyes widened. “I’m not following your schedule!”
Louie shrugged. “Fine. Then you sleep outside.”
“Excuse me?! Ako pa ang matutulog sa labas? I’m Klarise Olive! Walang natutulog sa labas sa pamilya namin!”
“Gusto mo talaga ng gulo, ‘no?”
“Gusto ko lang ng tahimik na bakasyon. Ikaw ang pabigat dito.”
Huminga nang malalim si Klarise. “Okay, fine. Pero linawin natin, walang pakialamanan. Ayokong makita mukha mo.”
“Deal. Kasi ako rin, allergic sa’yo.”
Naputol ang argumento nila nang lumapit ang isa pang staff. “Sir, Ma’am, ready na po ang inyong romantic dinner by the beach.”
Nagkatinginan ulit sila.
“No way.” sabay nilang sabi.
Pero mabilis ang staff, nakangiti pa rin. “Non-refundable po ang dinner. Your parents said it’s very special. They even requested a live serenade just for you two.”
Halos manlumo si Klarise. “Ano ‘to, teleserye?”
Louie groaned. “Mukhang wala tayong choice. Sige na nga.”
Lumapit siya kay Klarise at inilahad ang braso. “Let’s go, wifey. Mukhang kailangan nating gampanan ang role natin.”
Sumimangot si Klarise, pero kinuha ang braso niya. “Don’t touch me.”
Louie leaned closer, his voice teasing. “Akala ko ba magaling kang umarte? Ngiti na d’yan, Mrs. Ray.”
Nagngitngit si Klarise pero pinilit ang ngiti. “You’re enjoying this, aren’t you?”
“Oh really?” Louie’s smirk widened. “Then welcome to the Ray family tradition. We love the outdoors.”
Louie’s grin widened. “Oh, you have no idea.”
At magkahawak ang mga braso, naglakad silang dalawa papunta sa romantic dinner na wala silang balak i-enjoy. Mag-asawa nga sila—pero para sa kanila, ito ang pinaka-miserableng honeymoon sa kasaysayan. Pagdating nila sa beach, bumungad ang napakagarang set-up—mesa na puno ng mga kandila, bulaklak na rosas, at mga petals na nakakalat sa buhangin. Sa tabi, may live band na naghahanda na sa pagtugtog ng mga love songs.Napangisi si Louie. “Wow, effort. Mukhang gusto talaga tayong magka-inlove-an.”
Sumimangot si Klarise. “Tigilan mo ‘yang ilusyon mo, Louie. Kahit anong ganda ng set-up, hindi kita magugustuhan.”
Louie shrugged. “Whew, buti naman. Kasi kahit maghubad ka pa dyan, wala akong pakialam.”
Namula si Klarise sa inis. “Ang kapal ng mukha mo! Sino bang may balak maghubad sa harap mo? Baka ikaw ang unang matukso.”
Napahagalpak ng tawa si Louie. “Ikaw? Matukso ako sa’yo? Asa ka pa.”
Napatikom ang bibig ni Klarise, pilit nilalabanan ang init sa kanyang pisngi. Bakit ba kasi ang gwapo nito kahit ang yabang?!
Nagulat siya nang biglang hawakan ni Louie ang kanyang kamay at hinila siya papunta sa mesa.“Ano ba?! Ano na naman ‘to?” reklamo ni Klarise, pilit na inaagaw ang kamay niya.
Hindi agad sumagot si Louie. Tinanggap niya ang singsing, pinagmasdan ito. Tila binabasa niya ang bigat ng bawat pagkakabuo nito—ang pangakong nakaukit sa ginto, kahit hindi niya maalala ang mismong araw.“Sa puso ko… pakiramdam ko, hindi ko ito inalis,” sabi niya, sabay suot ng singsing sa sarili niyang daliri. “Ngayon… isusuot ko na uli. Sa buhay ko.”Napaluha si Klarise. Lumapit siya, at sa harap ng kama nilang dalawa, walang sinuman kundi sila, hinalikan niya ang noo ng asawa.“Welcome home, mahal ko.”Tumayo si Louie sa wheelchair, pinilit kahit manghina. Hinawakan niya ang kamay ni Klarise.“Ako naman. Ako ang dapat magsabi niyan.”Lumuhod si Louie. “Klarise Olive Ray… salamat. Sa lahat. Sa pagkapit. Sa pagmamahal. Sa pagpilit sa’kin kahit wala akong maibalik. Ngayon, handa na akong ibalik lahat. Handa na akong maging asawa mo, tatay ni Luna, at lalaking muling pipili ng tahanang ito… araw-araw.”Napayuko si Klarise at niyakap siya nang mahigpit. Hindi na sila nagsalita. Niyakap
“Louie…” sabi ni Klarise, dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa tenga nito. “Kung naririnig mo ako… sabihin mo lang ang pangalan ko. Kahit pabulong. Kahit sa isip mo lang.”Tahimik na ilang segundo.Hanggang sa…“...Kla…”Mala-hiningang tunog. Halos hindi marinig. Pero dumaan sa pandinig ni Klarise na parang kulog mula sa langit.Napasinghap siya. “Louie?!”Nanginig ang mga labi ni Louie. Nakapikit pa rin ang mga mata, pero gumalaw ang bibig.“...Klarise…”Parang huminto ang mundo.Tumulo ang luha ni Georgina. Si Philip ay napaupo, natulala. Si Pilita ay napahawak sa puso niya. Si Hilirio ay hindi na nakapagsalita, nakatingin lang sa anak ng anak niya na—sa wakas—bumalik.Klarise, nanginginig, yumakap sa dibdib ni Louie.“Diyos ko… bumalik ka…”“...Sabi ko naman sa’yo…” mahinang tinig ni Louie. “...hindi ko kayo iiwan…”“Louie…” lumuluhang bulong ni Klarise. “Mahal na mahal kita…”At sa wakas, dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Louie. Mahina, nanlalabo, ngunit nakatuon lamang sa i
Bumaligtad ang mundo. Nawala sa linya ang langit. Nalubog sila sa malamig at malakas na agos ng tubig.Tubig. Hangin. Sigaw.“KLARISE!” sigaw ni Louie mula sa ilalim ng dagat, habang sinisid niya ang pamilyar na aninong lumubog. Hinanap niya ang kamay nito sa gitna ng bula at alon. Lumalaban siya sa hampas ng tubig, hanggang sa maabot niya ito.“Nandito ako!” sigaw niya, hinila si Klarise pataas.Pag-angat nila sa ibabaw, habol-hininga si Klarise, nanginginig, naluluha. “Louie…!”“Okay ka lang?” tanong niya, yakap siya ng mahigpit habang tinatahak ang bangka ng mga rescue personnel mula sa isa pang isla. Ngunit isang alon pa ang humampas.“Louie!”Ngunit sa isang iglap, si Louie ang nawalan ng balanse. Bumitaw siya upang itulak si Klarise papalayo sa banggaan ng mga kahoy na bahagi ng bangka.Nakita ni Klarise kung paanong nilamon ng alon si Louie—wala nang salbabida, wala nang mahawakan.“LOUIE!” sigaw niya, nanginginig ang buong katawan. “LOUIE, HUWAG MONG IIWAN!”Mabilis ang mga pa
Kinabukasan – Bandang alas-otso ng umagaLa Verda Beach Resort Pier, Batangas“Sure kayo po, Ma? Hindi po kayo mahihirapan kay Luna?” tanong ni Klarise habang yakap si Baby Luna, na ngayon ay gising na at ngumanganga habang sinisipsip ang sariling hinlalaki.“Anak naman!” sabat ni Pilita Olive, sabay agaw ng sanggol. “Hinintay ko ‘to buong buhay ko. Ako pa ba ang mahihirapan sa apo ko?”“Hayaan mo na ang Mama mo, iha,” dagdag ni Hilirio Olive, na hawak ang isang bote ng baby lotion. “Kanina pa ‘yan gising. Pati ako sinabihan nang, ‘Hil, kumuha ka ng gatas!’ Ni hindi ko alam kung anong formula ang tama, pero pinilit ko. Ganyan ang epekto ng apo—napapag-aralan kahit ang imposible.”Tawanan.Lumapit si Georgina Ray, naka-shades at nakabikining may cover-up. “At huwag mong kalimutan, Klarise, pediatrician ako. Hindi lang basta lola. Ang apo ko… nasa kamay ng isang propesyonal.”“Grabe kayo, Ma,” natatawang sabi ni Louie habang inaayos ang life vest ni Klarise. “Parang isang team of doctor
Maagang sumilip ang araw sa kawalan, sumayaw sa puting kurtina ng kubo, at marahang dumapo sa pisngi ni Klarise. Nakahiga siya sa kama, nakatalikod kay Louie, yakap ang unan, at may banayad na paghinga. Tahimik ang paligid—tanging huni ng alon at ang mahinang ihip ng hangin ang nangingibabaw.Sa likod niya, si Louie—nakadilat, gising, ngunit hindi gumagalaw. Takot na baka magising si Klarise, takot na baka mawala ang payapang sandaling ito. Ngunit sa kanyang puso, may init—hindi init ng alaala, kundi ng damdamin na unti-unting sumusulpot. Buong gabi silang magkatabi, hindi para balikan ang nakaraan, kundi para damhin ang kasalukuyan.Hinayaan siyang manatili ni Klarise. Walang tanong, walang kondisyong inilagay sa pagitan nila. Kaya ngayon, heto siya—hindi bilang doktor, hindi bilang estranghero, kundi bilang Louie… ang lalaking muling natututo kung paano magmahal.Dahan-dahan siyang gumalaw, marahang inilapit ang sarili sa likod ni Klarise. Inabot niya ang buhok nito at maingat na in
Humagulhol na si Klarise. “Hindi mo kailangang ligawan ako ulit. Mahal kita, Louie. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagkawala mo, pipiliin pa rin kita.”Nagpalakpakan si Hilirio. “Ayos! Ibalik ang kasalan!”Tumawa si Philip. “Baka pwedeng sa susunod, mag-cruise wedding naman kayo!”“Hoy,” singit ni Pilita, “huwag muna nating ipressur—”Pero bago pa matapos, si Georgina na ang lumapit kay Klarise at niyakap siya ng mahigpit.“Salamat,” bulong niya. “Sa pagmamahal mo sa anak ko. Sa katatagan mo. Sa pagiging ilaw sa panahong wala siyang makita.”Umiyak si Klarise, yakap ang biyenan.At sa gitna ng tawanan, luha, at muling pagkilala, sumisikat ang araw sa harap nila—liwanag na nagsasaad ng bagong umaga.Hindi pa tapos ang laban, ngunit buo na ulit ang pamilyang minsang winasak ng isang trahedya.Tahimik ang dalampasigan, at ang mga alon ay tila nagkukuwento ng matatandang pangarap na muling binubuhay. Nakalapag ang mga ilaw sa paligid ng kubo sa tabi ng baybayin—maliliit, dilaw, at