Lihim na napalunok si Selina pero hindi ito halata dahil sa balabal na gamit niya. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking nakaupo sa kanyang upuan. Malamig na nakatingin sa kanya. Ang tingin na anumang oras ay bubulagta na siya. Nag-uumapaw ang kapangyarihan sa mga mata nito. Na walang kahit na sino ang may gusto na makipag titigan.
Makikita na kahit naiinip na ito ay matiyaga pa rin itong naghihintay sa doktor. Nakasuot pa rin si Selina ng balabal at tanging mata lamang niya ang nakikita.
“Bakit ka narito, may kailangan ka ba Mr. Miranda?” kalmado na tanong niya sa lalaki.
“Nagpapanggap pa rin?” chill na tanong nito sa kanya.
Napatingin si Selina sa calling card niyang nasa ibabaw ng mesa. Enna Perez ang ginamit niyang pangalan.
“Ano ba ang ibig mong sabihin?”
“Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako sa pagpapanggap mo? Kahit pa itago mo ang mukha mo sa akin!” mabilis na hinila ni Zack ang palabal niya at lumitaw ang buong mukha niya.
“Sinasabi ko na nga ba. Tama ako!” tiim bagang na saad nito.
“You look disappointed? Hindi ka ba makapaniwala na buhay pa rin ako hanggang ngayon?” kalmado na tanong niya kay Zack at ngumiti pa siya.
“Malakas ang loob mo na bumalik pa rito?” galit na tanong ni Zack at muling hinuli ang leeg ni Selina para sakalin.
Napahawak naman ito sa kamay niya para pigilan ito.
“Ayaw mo na akong bumalik para maging masaya na kayo ni Sarah? Pasensya kana pero buhay pa rin ako hanggang ngayon!”
“Wala kang karapatan na banggitin ang pangalan ni Sarah!” sigaw nito at mas hinigpitan pa ang hawak sa leeg niya.
“Oh, bawal pa lang banggitin ang pangalan ng bago mong asawa? May batas na ba na ginawa na paparusahan ang magbabanggit sa pangalan niya? Sa mga narinig ko ay masaya ang buhay niya at nagkaroon kayo ng anak. Ang anak na ngayon ay nakahiga sa loob ng ICU.” nakangisi na saad ni Selena pero sa kaloob-looban niya ay nanggagalaiti na siya sa galit.
Nawala sa isipan ni Selina na para kay Zack ay siya ang may kasalanan kung bakit comatose si Sarah. Ngunit wala siyang pinagsisihan sa mga sinabi niya dahil wala naman siyang kasalanan. Hindi siya ang dahilan ng lahat kahit pa ito ang pilit na pinaniniwalaan ni Zack.
“Paano ka pa nakaka-ngiti ng ganito?” nanggigil na tanong nito sa kanya.
“Bakit naman hindi? Dapat ba umiyak ako?”
“Kung ikaw ang nasaktan noon, sa tingin mo kaya mo pang ngumiti ngayon?”
“Hindi niya ako kasing swer—”
Hindi niya magawang tapusin ang sasabihin dahil sa bigla na lang siyang binalibag ni Zack. Napahawak siya sa kanyang balakang dahil nakaramdam siya ng sakit. Kahit ang mga siko niya ay masakit rin.
Galit pa rin ito sa kanya. Siya pa rin ang sinisisi nito kahit pa pala patay na siya. Ngayon niya mas naiintindihan kung bakit pinababayaan lang ni Zack ang anak niya. Kung bakit pinapabayaan lang nito si Zayn. Wala siyang puso, napakasama niyang tao. Ang lahat ng galit niya ay ibinuntong niya sa bata. Sa walang kalaban-laban na bata.
Naikuyom ni Selina ang kanyang mga palad sa galit na nararamdaman niya sa lalaki.
“Mas makabubuti na hindi na gumising si Sarah. Ang mga katulad niya ay dapat lang na manatili na lamang sa hospital. At kung sakali man na mamatay na siya ay maghahanap ka na ng bagong asawa. Tulad ng ginawa mo noon, tulad ng sinapit ng dati mong asawa!” pilit niyang pinipigilan ang luha na nais kumawala sa kanyang mga mata at pilit na tinitiis ang sakit na nararamdaman niya.
“Sa tingin mo ba ay hindi ko kaya na patayin ka?” mariin na tanong nito at mabilis niya itong sinampal.
“Then do it! Sa tingin mo ba ay takot akong mamatay. Minsan na akong bumangon sa hukay kaya hindi mo na ako masisindak pa!” puno ng tapang na sambit ni Selina.
Para namang natigilan si Zack. Five years ago ay pumunta siya sa ospital pero wala siyang naabutan na Selina. Wala na ito roon at hindi alam kung nasaan na ang bangkay nito.
“Umalis kana at ‘wag ka ng bumalik pa ulit! Umalis ka habang may awa pa ako sa ‘yo.” mariin na sambit ni Zack.
“Sa ating dalawa ay ikaw ang dapat na umalis. Lumabas ka sa opisina ko!” walang takot na pagtataboy ni Selina sa lalaki.
Hindi naman makapaniwala si Zack na ganito na katapang ang babaeng ito. Ang babae na nakasama niya sa loob ng tatlong taon.
“Pinagsisihan ko na nagpakasal pa ako sa ‘yo noon!”
Kaagad naman kumunot ang noo ni Selina sa kanyang narinig mula sa lalaki. Hindi niya maintindihan at hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Paano nito nasasabi ang mga salitang iyon?
“Ikaw pa ang nagsisisi? O baka naman ako ang dapat na magsabi ng salitang ‘yan? Ikaw, ikaw ang isa sa mga pinagsisihan ko. Naging tanga ako noong magpakasal ako sa ‘yo. Ikaw ang pinaka-maling desisyon ko!”
Nakatingin lang si Zack sa kanya at halata na hindi nito nagustuhan ang kanyang mga sinabi.
“Ibalik mo sa akin si Zayn.”
“Karapat-dapat ka bang maging ina niya?” tanong naman ni Zack kaya naikuyom ni Selina ang kanyang mga palad.
“Oo, dahil ako ang tunay niyang ina. Hindi ko hahayaan na kilalanin niyang ina si Sarah. Anak ko siya at hindi mo siya kailangan sa tabi mo. Hindi, dahil hindi mo naman siya mahal!”
“Hindi siya sa ‘yo.”
“Tao ka pa ba? May konsensya ka man lang ba? Sobrang sama mo! Alam natin pareho na akin siya. Na galing siya sa akin!” sigaw ni Selina sa lalaki.
“Huwag kang lalapit kay Zayn!” saad ni Zack at padabog na sinara ang pinto ng opisina ni Selina.
Marami ang nagulat sa lakas ng kalabog ng pinto. At nakita nila na lumabas si Zack sa loob ng opisina ni Dr. Selina. Mabilis naman na pumasok ang mga staff para silipin ang lagay ng doktora.
“Dok, okay ka lang ba?”
“Sinaktan ka ba niya?” sunod-sunod na tanong ni Dr. Jerrick.
“Okay lang ako at wala ito.” nakangiti pa na sagot ni Selina.
“May gasgas ang siko mo at may dugo ang gilid ng labi mo. Kaya paano mo nasasabi na okay ka lang?”
“Don’t worry about me. I’m totally fine.”
Nakaramdam naman ng inis ang mga kasama ni Selina sa trabaho para kay Zack. Alam ng lahat na arogante ito ngunit hindi sila makapaniwala na sa kabila ng ginawa ni Dr. Selena ay naging bayolente pa rin ito. Ngunit hindi rin nila mapigilan na hindi humanga sa batang doktor sa pagiging matapang nito.
Ngunit naroon pa rin ang takot nila dahil hindi nito kilala ang binabangga nito.
“Hindi ikaw ang kuya ko,” sabi ni Trina.“W–What are you talking about?” kunot noo na tanong ni Zayn kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga siya.“Ang sabi ko hindi ikaw ang kuya ko.” sabi ni Trina kay Zayn habang seryoso ang mukha nito.“Ako ang–”“Sa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ako? Kilala ko ang kuya ko. Kaya hindi mo ako maloloko, Zayn.” saad pa nito sa kanya.“Trina, sorry.” Biglang umiyak si Zayn sa harap ni Trina dahil hindi na niya kayang magsinungaling pa. Alam niya na hindi niya ito maloloko lalo na magkasamang lumaki ang dalawa. Alam niya na kilalang-kilala nito si Tristan kaya hindi niya ito mapapaniwala kahit pa ipilit niya na siya si Tristan. “Nasaan ang kuya ko? Ilabas mo ang kuya ko,” galit na tanong ni Trina.“Nasa bahay siya, naiwan siya doon. Nagpalit kaming dalawa dahil hinahanap niya ang mommy mo at talagang nahanap niya ito kaya nakauwi na ito.” malungkot na sabi ni Zayn.“Kung nakauwi na si mommy ay nasaan ang kuya ko? Bakit wala pa siya dito?” tanong
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya