Share

37. FEELINGS

Hestia

Metro Manila

“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Lucy.

Kakatapos ko lamang na ayusin ang mga gamit sa tatlong may kalakihang bag, “Oo, ito na lang nakikita ko paraan para makatulong kay Tita Cess.”

Tinulungan ako ni Lucy na ibaba ang mga dalang gamit at pagdating sa sala ay may kumatok sa pintuan.

“Sino ‘yan?” tanong ni Lucy na lumapit sa pinto.

“Ako ‘to, si Cess!” boses ni Tita Cess ang narinig namin.

Binuksan kaagad ni Lucy ang pintuan upang makapasok si tita, “Sobrang aga niyo naman Tita Cess, madalang araw pa lang.”

“Sinadya ko talaga na maaga makapunta rito dahil nag-aalala ako na hindi madatnan si Hestia,” tugon ni tita.

“Maupo po kayo, tita. Tama lang naman ang oras ng pagpunta niyo at huwag niyo ng pansinin si Lucy,” wika ko. Nais ko talagang makasama si Tita Cess bago sumama kay Mr. Batobalani.

Nag-usap kami ni tita tungkol sa perang kakailanganin ni Cara upang maituloy na ang kanyang operasyon at gamutan. Nang makuha ang detalya ng bank account ni ti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status