TheoMetro Manila “Theo?!” gulat na salubong sa aking ni Betchay. Hindi nito inasahan na magkikita kami muli.“Ako nga,” nakangiti ko tugon sabay abot ng kaniyang mga kamay.Mangiyak-iyak itong pinagpipisil ang aking mga palad dahil sa magkakahalong emosyong nararamdaman, “Akala ko ay hindi na tayo magkikita.”“Hindi puwedeng mangyari ‘yon. Si Nitoy nga pala?”“Mamayang hapon pa darating ‘yon dahil inutusan ko siya magtungo sa supplier upang kunin ang mga orders ko pampaganda,” nakangiting wika ni Betchay, “Halika sa opisina ko at para makapagkuwentuhan tayo ng masinsinan.”Hawak ni Betchay ang kaliwang kamay ko at hinayaan siyang dalhin ako sa sinabing lugar.“Stay outside,” utos ko kay Felix.“Puwede naman siyang pumasok sa opisina,” wika ni Betchay.“Ayos lang siya maghintay sa labas,” tugon ko at isinara ang pintuan ng opisina ni Betchay. “Umaasenso ka, ang laki ng salon na ito.”“Jusko! Kung alam mo lang,” sambit ni Betchay na itinirik pa ang mga mata, “Maupo ka nga muna.”Naupo
Theo Metro ManilaDahil walang magawa sa hapon kaya nagpasya ako mag-swimming. Tumalon ako sa swimming pool upang lumangoy papunta sa kabila at pabalik. Nang pag-ahon ko ay nasa harapan ko na si Samara at hindi maipinta ang mukha, “What?”“You need to see this,” tugon nito na hawak ang isang envelope.Lumapit ako sa sunlounger upang kunin ang tuwalya at ibinalot sa aking baywang bago muling harapin ito, “What is that?”Iniabot sa akin ni Samara ang envelope at binuksan ito. Laking gulat na lamang nang mabasa ang unang pahina ng papel na nakapaloob dito.“Kahit ako ay nagulat,” wika ni Samara sabay upo sa kabilang sunlounger, “Sino nga ba ang mag-aakalang siya ang nag-iisang anak ni Raul.”Sa pagbanggit ni Samara sa pangalan ni Raul ay muling nabuhay ang galit sa aking puso. Alam ko matagal ng patay ang lalaki at ako mismo ang kumitil sa buhay nito. Naupo ako kasabay ng paglukot sa papel at envelope, napapikit ang mga mata dahil hindi makapaniwala sa nalaman.“Anong balak mo ngayon? W
Hestia Metro Manila“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Lucy.Kakatapos ko lamang na ayusin ang mga gamit sa tatlong may kalakihang bag, “Oo, ito na lang nakikita ko paraan para makatulong kay Tita Cess.”Tinulungan ako ni Lucy na ibaba ang mga dalang gamit at pagdating sa sala ay may kumatok sa pintuan.“Sino ‘yan?” tanong ni Lucy na lumapit sa pinto.“Ako ‘to, si Cess!” boses ni Tita Cess ang narinig namin.Binuksan kaagad ni Lucy ang pintuan upang makapasok si tita, “Sobrang aga niyo naman Tita Cess, madalang araw pa lang.”“Sinadya ko talaga na maaga makapunta rito dahil nag-aalala ako na hindi madatnan si Hestia,” tugon ni tita.“Maupo po kayo, tita. Tama lang naman ang oras ng pagpunta niyo at huwag niyo ng pansinin si Lucy,” wika ko. Nais ko talagang makasama si Tita Cess bago sumama kay Mr. Batobalani.Nag-usap kami ni tita tungkol sa perang kakailanganin ni Cara upang maituloy na ang kanyang operasyon at gamutan. Nang makuha ang detalya ng bank account ni ti
Third POV Early 2021 "Sakaling may mangyari sa akin ay ikaw na ang bahala magbigay nito sa totoong tagapagmana ng pamilyang Frouch." Iniabot ni Roberto ang isang maliit na kahon sa anak. Tinitigan mabuti ni Hestia ang maliit na kulay itim na kahon at nagtataka kung ano nga ba ang laman nito? Ibinaling ang kaniyang tingin sa amang patuloy na nagsasalita ngunit wala na siyang marinig pa. Hanggang sa unti-unti naglalaho sa kaniyang harapan ang pinakamamahal na ama. "Papa!" umiiyak na tawag ni Hestia. Panaginip... Minabuti bumangon ni Hestia mula sa higaan kahit alas kuwatro pa lamang ng madaling-araw. Sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang panaginip kaya binuksan ang kabinet na nasa paanan ng kama at kinuha niya ang maliit na kahong tinutukoy ng ama sa panaginip. Binuksan ang kahon at binasa muli ang sulat ng huling habilin ng kanyang ama. "Paano ko ba mahahanap ang sinasabi ni papa na tunay na tagapagmana ng mga Frouch kung sila mismo ay hindi matagpuan ito?" tanong ni Hestia sa sa
Theo's POV2008 Frouch MansionI was headed to grandpa's office when I heard a commotion coming from the lanai, so I snuck out for a while. With confusion, I noticed a little punk playing a ball with his nanny.Who is he?It's only a question on my mind, but right now, I don't have time to find out the answer. I chose not to know the little punk because I needed to check with Grandpa if he was ready to go to the cemetery. Ika-apat na pung araw ng kamatayan ni mommy ngayon at gustong-gusto ko dumalaw sa puntod niya . Nagmadali na ako marating ang opisina ni lolo at ilang sandali pa ay nasa tapat na ako ng pintuan nito.But wait!I heard Grandpa hollering at someone, so I paused. I carefully opened the door to see who Grandpa was talking to, but Samara wasn't around and I could see my old man's face in anguish."No. Hindi ako papayag sa gusto mo, magkaroon ka naman ng kahit kaunting delikadesa," grandpa said.But who is he talking?"Gunther is turning five next month. Wala na si Emilia
East State University 2013Theo POVI don’t have plan to go home early dahil sigurado sermon aabutin ko kay Maymay kapag nakita ang mukha ko may pasa. Namamaga pa rin ang gilid ng labi ko natamaan ng suntok ni Ryan kanina dahil ‘di ko inaasahan na susugurin ako ng gago sa labas ng university. Ang tulad niya ay hindi kayang makipagbasagan ng ulo sa loob ng university sa takot na masipa, kaya inabangan na lang ako sa labas. I smacked his head during the basketball tryout, I was upset sa kayabangan nilang magkakaibigan kaya ginawa ko ‘yon. I don’t care if they kicked me out dahil may ibang sports pa naman ako puwedeng salihan. Pinagbigyan ko lamang si Jena sa request nitong pumasok ako as varsity player sa basketball. I love Taekwondo or Judo dahil doon ako mas magaling at bihasa, nagsimula ang pagkahilig ko sa iba’t ibang uri ng Martial Arts since I was 8. Going back to Ryan, he planned that ambush outside the university. Hindi lang sa basketball ang pinagpuputok ng butsi niya kun’di d
2013Hestia Hanggang ngayon ‘di pa rin ako masanay-sanay sa mabilis na pagbabago ng buhay namin ni papa. Heto ako ngayon nakatayo malapit sa gate ng isang exclusive school at sampung minutong naghihintay kay papa. Karamihan ng mga nag-aaral sa school na ‘to ay may kaya o nakakaangat sa buhay. Hatid-sundo ng mga magulang o may sariling driver kaya naman hindi ako mag-isa sa waiting shade.Maya-maya ay may humintong magarang sasakyan sa labas ng school gate. Laki gulat ko nang bumaba si papa. Tinginan kay papa ang mga kasama kong naghihintay, na lalo nakapagparandam sa ‘kin ng kaba. Halos araw-araw ay paiba-iba ng sasakyang dala si papa sa pagsundo sa ‘kin. Hindi kami mayaman at driver lang si papa ng isang mayamang pamilya. Alam ko na pinag-uusapan kami ng mga magulang at guro sa school na ito. Hindi ako manhid upang hindi maramdaman ‘yon.Hindi ko na hinintay na makapasok sa gate si papa at kaagad ko siyang sinalubong sabay halik sa kaniyang pisngi, “Tara na, pa.”“Ang napakaganda ko
Squatter Area 2013Theo “Theo gising!!!”Napabalikwas ako sa ‘king pagkakahiga dahil sa malakas na boses ni Maymay.“It’s Saturday!” masungit kong tugon.“Yes, I know. Tanghali na po senyorito at nakahilata ka pa,” nakapamaywang na wika ni Maymay. “Hindi na tayo mayaman at wala ng katulong na maglalaba ng mga damit, kaya tumayo ka na para tulungan ako.”“Fine!” naiinis ko sabi.Ganito lagi every weekend after magkape ay nagpapatulong si Maymay sa mga labahan. Ayaw ko ang paglalaba at nakakabawas ng pagkalalaki para sa ‘kin. Kaya pagsasampay lang ang ginagawa ko tulong kay Maymay.“Aray!” Napasigaw ako sa gulat. Ang lakas ng palo ni Maymay sa puwetan ko habang nagsasampay. “Ano ba problema mo at namamalo ka?” tanong ko habang himas ang puwet. Basag trip talaga ‘to kahit kailan, napapaindak lang naman ako sa tugtugin pinapatugtog ng kapitbahay.“Nagsasampay ka lang kumekembot ka pa. Look around!” tugon ni Maymay at itinuro ang grupo ng mga baklang pinamumunuan ni Betchay.Nakatambay si