Share

35. HER CHARM

Theo

Metro Manila

“Theo?!” gulat na salubong sa aking ni Betchay. Hindi nito inasahan na magkikita kami muli.

“Ako nga,” nakangiti ko tugon sabay abot ng kaniyang mga kamay.

Mangiyak-iyak itong pinagpipisil ang aking mga palad dahil sa magkakahalong emosyong nararamdaman, “Akala ko ay hindi na tayo magkikita.”

“Hindi puwedeng mangyari ‘yon. Si Nitoy nga pala?”

“Mamayang hapon pa darating ‘yon dahil inutusan ko siya magtungo sa supplier upang kunin ang mga orders ko pampaganda,” nakangiting wika ni Betchay, “Halika sa opisina ko at para makapagkuwentuhan tayo ng masinsinan.”

Hawak ni Betchay ang kaliwang kamay ko at hinayaan siyang dalhin ako sa sinabing lugar.

“Stay outside,” utos ko kay Felix.

“Puwede naman siyang pumasok sa opisina,” wika ni Betchay.

“Ayos lang siya maghintay sa labas,” tugon ko at isinara ang pintuan ng opisina ni Betchay. “Umaasenso ka, ang laki ng salon na ito.”

“Jusko! Kung alam mo lang,” sambit ni Betchay na itinirik pa ang mga mata, “Maupo ka nga muna.”

Naupo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status