LOGINEnjoy reading! alam ko naiinis na kayo kay Noah at Nica pero dadaloy din ang ginhawa haha kapit lang! ganyan talaga sa una, palaging api yung bida hahahaha
Umalis na si Johnford, at tinitigan ni Noah si Agatha. “Anong mga code word yan? Anong ibig sabihin ng ‘magkikita na lang tayo doon’? Saan kayo magkikita? Mrs. Villanueva, wag mong kakalimutan kung sino ka!” Hinila ni Agatha ang kumot paitaas. “Mr. Villanueva, may visiting hours sa ospital. Kailangan ng pasyente na magpahinga. Umalis ka na.” “Pinapaalis mo na ako?” itinuro ni Noah ang pinto. “Palagi mo na lang pinoprotektahan ang batang iyon at pinapaalis ako. Anong ibig mong sabihin dyan?” “Iyon na mismo.” sumandal si AGatha sa headboard. “Please, umalis ka!” Sumidhi ang galit ni Noah. sinulyapan niya ang balisang caregiver sa tabi nila. “Sino ka?”“Care… caregiver po.” litong-lito ang caregiver. “Alam mo pa talagang kumuha ng caregiver para sa sarili mo?” sarkastikong tono ni Noah. ngumisi siya ng ilang beses. “Lumabas ka muna.” Ang caregiver ang kinakausap niya. Tumingin ang caregiver kay Agatha. Nang makitang hindi ito tumutol, nahulaan niya kung sino ang bisita. Malamang
Tulog. Matagal na siyang hindi nakakatulog ng ganito. Gising na gising siya matapos kumain, at lumipas na naman ang isang araw. Ten days na lang bago ang pag-alis niya. Nag-aalala pa rin siya kung makakaapekto ang sugat niya sa byahe, kaya nagmessage siya kay teacher Venice. “Nasugataan ka? Saan? Malubha ba?” Agad na sumagot si teacher Venica na halatang nag-aalala. Nagmamadaling sumagot si Agatha: “Maliit na sugat lang po, pero kinailangang tahiin. Nag-aalala lang ako na baka hindi ako pwedeng sumakay ng eroplano.” Pinakalma siya ni teacher Venice: “okay lang yan. Kung talagang hindi kakayanin, mauuna na muna kami. Pwede kang sumunod pagkalipas ng 5 or 7 days, palitan na lang natin ang ticket mo.” Nag-isip si Agatha at sumang-ayon, kaya nagpasalamat siya kay Teacher Venice. Saktong pagkatapos nilang mag-usap, tumawag si Noah. Ayaw talagang sumagot ni Agatha. Ano pa bang gusto nito? Ngayon hinahanap siya wala na itong pakialam sa buhay niya. Hindi niya sinagot ang tawag, kaya
Lasing at nahihilo pa si Agatha, ngunit nagawa pa rin niyang gawin ang lahat sa maayos na paraan. Nang maayos na ang lahat, hindi na niya nakayang manatiling gising at tuluyan ng nahulog sa isang malalim na pagkakatulog.Naging napakasarap at napakahaba ng tulog niya. Paminsan-minsan may mga nurse at doktor na pabalik-balik sa ward at gumagawa ng ingay. Sa normal na sitwasyon, makakaabala ito sa tulog, pero iba ang pagkakataong iyon. Tulog na tulog si Agatha, walang kamalay-malay sa mga ingay sa paligid. Si tita Sheena naman, mula sa kabilang kwarto ay nag-aalala at pabalik-balik na pinapatignan si Agatha sa caregiver. Palaging pareho ang balitang dala nito: natutulog pa rin. Sobrang balisa pa rin si tita Sheena, pero sabi ng doktor ay maayos naman ang lagay ni Agatha at walang dapat ipag-alala. Nagtataka si tita Sheena, paanong matutulog ng ganon kahimbing kung walang masamang nangyari? Ang lalong nagpapabagabag kay tita sheena ay parehas silang nasa ospital pero si Mr. Villanuev
“Anong masama? Kumakanta lang naman kami e, sige na, sa inyo na ‘to!” sabi ni Ryan sabay abot ng mic kay Nica. Inabot din ni Sean ang mic kay Noah. “Oh ayan, kayong dalawa naman ang kumanta. Ang awkward para sa aming dalawa ni Ryan na kantahin ito!” Isang napakalumang kanta iyon…Nang kunin ni Noah ang mic, nagsisimula na ang lyrics: “I will love you forever and ever…”Ngunit hindi iyon nasabayan ni Noah, kaya si Nica ang sumalo, sabay siko kay Noah para ipahiwatig na part niya na ang kasunod. Tumingin si Noah sa screen at itinuloy ang pagkanta: “I will accompany you until the sea dries up and the rocks crumble, even if we go back to the past, this is my only decision…” Habang kumakanta, bigla siyang napatigil. Huminto ulit ang kanta.“...you chose me, this is our choice…”Si Nica ang tumapos sa kanta. “Noah!” hawak ni Nica ang mic at tinignan siya ng nagniningning ang mga mata. “Sana mahalin mo ako hanggang sa wakas, sana samahan mo ako hanggang sa dulo ng mundo… Noah, turn mo
“Agatha, tapos na ang klase!” walang nagawa si Noah kundi sakyan ang kalasingan ni Agatha at binuhat ito papasok sa elevator. “Kahit tapos na ang klase, kailangan pa rin nating magpractice! Bumalik tayo! Bumalik tayo sa practice room!” nagpupumiglas si Agatha sa mga bisig niya. Niyakap siya ng mahigpit ni Noah. “sige, okay, babalik na tayo, babalik na tayo ngayon. Nandito na tayo, malapit na.” Diretsong umakyat ang elevator at huminto sa floor nila. Muling binuhat siya ni Noah papasok sa loob at dinala diretso sa bathroom para hilamusan at pagmumugin. Buti na lang at hindi narumihan ang damit niya pero gusto pa rin ni Noah na bihisan siya para makaligo at makapagpahinga na ng maaga. Kahit ganon, nang hinuhubaran na siya ni noah, nagsimula na namang maglikot si Agatha. “Ayaw ko, ano ba?! Ayaw kong magpalit ng practice clothes, gusto ko pang magpractice…” nag-isip si Agatha sandali at biglang lumabas sa isip niya ang pangalan ng male dancer na kapareha niya, si Johnford. “Johnford…
Mabilis na tumibok ang puso ni Agatha. Talaga bang ganong klase ng tao ang boyfriend ni Alex?“Edi si Alex…” inabot niya ulit ang pinto ng kotse. “Wag kang malikot! Dito ka lang!” pinigilan siya ni Noah. “Alam ni Alex ang nangyayari, wag ka ng makialam pa!” “Pero…” nag-aalala si Agatha para kay Alex. “Walang pero-pero, kaya na ni Alex ang sarili niya, hindi siya kasing hina mo.” Kailan ba siya naging mahina?“Kaya sa tingin mo, ano ang intensyon ni Luigi sa pagsulat sayo ng love letters?”Lalong kumunot ang noo ni Agatha, at lalong tumitindi ang pagkalasing niya. Tila nagiging apat ang mukha ni Noah sa paningin niya. Umiling siya, sinusubukang itaboy ang tatlong iba pang Noah. “hindi ganong klase ng tao si Luigi.” “Kung ganon, anong klaseng tao siya?” biglang itinaas ni Noah ang boses niya. “Anong klaseng tao siya?” “Mabait siya. Kapag mabait siya sa isang tao… palagi na siyang magiging mabait dito…” hindi naman talaga kilala ni Agatha ng husto si Luigi, hindi sila masyadong nag







