แชร์

Kabanata 5

ผู้เขียน: VIENNA ROSE
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-28 13:42:10

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dinampot niya ang kanyang mga libro.

Hindi na siya nag-isip ng marami, umaasa nalang siya na makakahanap siya ng kaaliwan sa buhay. Isang bagay na pwede niyang gawin upang wag ng maisip ang mga salitang iyon na binitawan ni Noah.

Ngunit sino ang mag-aakala na ang mga pag-asa na iyon, na kanya lamang, ay magiging kaligtasan niya ngayon?

Mag-aaral siyang mabuti para sa exam bukas.

Lilisanin niya ang lugar na iyon sa abot ng makakaya dahil kahit ang isipin iyon ay nagdudulot pa rin ng matinding sakit sa kanyang puso.

Hindi niya masabi kung ang sakit ay dahil ba kay Noah o dahil sa kanyang maling pag-ibig sa loob ng limang taon.

Ngunit hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga ay hindi na niya papayagan ang sarili na manatili sa sakit.

Kahit na magtatagal pa bago maghilom ang mga sugat, kikilos siya upang iligtas ang kanyang sarili.

Nag-order siya ng takeout—isang light dinner at nagpalit ng damit.

Tumawag siya sa front desk at sinabi sa kanila na magbigay ng wake up service kinabukasan.

Pinilit niya ang sarili niyang makatulog.

Siguro dahil hindi siya natulog kagabi, mahimbing siyang natulog noong gabing iyon.

Nagising siya on time kinabukasan at binuksan ang cellphone.

Hindi mabilang na mensahe ang bumaha papasok, at walang tigil na nagva-vibrate iyon. Lahat ng iyon ay galing kay Noah.

Hindi niya binasa ang mga ito dahil baka maka-apekto lang sa exam niya.

Pagkatapos mag-almusal at maihanda ang lahat ay umalis na siya ng hotel at nagtungo sa exam room.

Malapit ang hotel sa venue ng exam sa IELTS, five-minute walk lang.

Paglabas pa lang niya ng hotel, nag-vibrate ang cellphone niya sa kanyang kamay.

Si Noah ang tumatawag.

Nataranta siya at muntik nang mahulog ang cellphone, mabilis niyang ini-swipe para i-reject ang tawag, pagkatapos ay pinatay ulit ito.

Malakas pa rin ang tibok ng puso niya nang makalabas siya sa exam room.

Napakasaya niya.

Mukhang maganda ang kanyang performance.

Nakangiti ang oral teacher habang kausap siya. Narinig niya ng malinaw ang bahagi ng listening part, at natapos niya nang maayos ang mga section ng reading at writing.

Hindi siya naglakas-loob na tantiyahin ang kanyang score, ngunit tinapos niyang lahat iyon.

Hindi siya ganoon kawalang silbi!

Naglakad siya sa sidewalk, nakayuko, inuulit sa isip ang bawat small details ng exam ngayon, hanggang sa nakakita siya ng isang pares ng leather shoes sa harap niya at tila hinaharangan siya sa kanyang dinadaanan ngunit hindi niya na mabawi ang kanyang paa at bumangga doon.

Kung hindi siya inalalayan ng taong iyon ay mahuhulog siya.

At ang taong iyon ay walang iba kundi si Noah. Ang taong ayaw niyang makita.

"Agatha!"

Galit ito ngunit tila nagpipigil ng galit.

"Agatha, bakit hindi ka umuuwi?" Hinawakan nito ang kanyang mga balikat at tinanong siya sa malambing na boses, kasing-amo at kasing-lambing ng dati.

Naisip ni Agatha, Bakit hindi ako umuuwi? Hindi mo ba alam?

Ngunit wala siyang oras para makipagtalo dito. Kakabagsak lang ng bag niya sa lupa, bukas ang takip, at nakalantad ang isang bahagi ng IELTS pen niya.

Ayaw niyang malaman ni Noah na kumukuha siya ng IELTS!

Inalis niya ang kamay ni Noah, lumuhod, at mabilis na isinilid ang ballpen sa kanyang bag, at isinara ito nang mahigpit.

"Ano iyan?" tanong nito, nakatingin sa kanyang bag.

"Wala, ballpen lang." Nagkunwari siyang kalmado, ang kanyang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa bag kaya namuti ang mga ito.

"Ibigay mo sa akin," sabi nito.

Hindi, hindi pwedeng makita ni Noah ang ballpen niya.

Lalo niyang niyakap nang mahigpit ang bag. "Saan mo gagamitin ang ballpen?"

"Ibigay mo sa akin cellphone mo," sabi nito.

Nag-alinlangan siya sandali, ngunit kinuha niya rin ang cellphone niya sa bag at inabot dito.

Naka-off ito.

Tiningnan lang iyon ni Noah at ibinalik sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan, naka-ilang message na rin ako sayo, bakit hindi ka sumasagot? Galit ka pa rin ba?"

Hinawakan niya ang cellphone niya at sa isip-isip niya ay: Sa wakas, nakahinga rin ako ng maluwag. Natatakot ako na tignan niya ang cellphone ko.

Paano kung makita niya ang email ng IELTS exam sa mailbox

Kung ito lang ang problema...

Inisip niya ito at nagpasya na wag nang magalit.

Gusto lang niyang tumakas.

Ang pag-iisip na ito ay lalong lumakas nang makita niya ulit si Noah.

Nang mapansin na wala siyang sinasabi, inakala ni Noah na galit pa rin siya at napabuntong-hininga.

"Agatha, hindi ba't naiintindihan mo naman? Bakit hindi ka pa umuwi this time?”

Ipinangako ni Agatha sa sarili na ayaw na niyang magalit tungkol doon, ngunit pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Noah, kahit ang Diyos ay magagalit.

“So, kasalanan ko pa rin ba yung kahapon? Ignorante ba ako? Dapat ba pinuri ko si Ryan nung dumating ako? At sinabi ko na 'Napagaling mo, napakagaling mong matutunan iyon?’ Hindi na niya kinaya.

Nahihiya ang mukha ni Noah, "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay hindi mo pwedeng kontrolin ang sinasabi ng iba tungkol sayo. Hindi mo kailangang damdamin iyon…”

"Oo, Hindi ko mako-kontrol, pero kaya mo!" Tiningnan niya ito, "Pero anong ginawa mo nung time na iyon? Kayo ni Nica mo ay nagkayakapan at tumatawa."

"Agatha!" Galit na si Noah. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ito.

Naiintindihan na ni Agatha.

Ang pangalang "Nica" ay ang kahinaan nito, isang minefield na hindi pwedeng hawakan.

Ano pa ang kanyang sasabihin?

Nilampasan niya ito dala ang kanyang bag.

Gayunpaman, inunat ni Noah ang braso at niyakap siya sa baywang.

"Patawarin mo ako, Agatha, kasalanan ko. Napalakas lang boses ko kanina." Bulong nito, "Ayaw ko lang na hindi mo maintindihan si Nica. Magkaibigan lang kami. Itinuturing ko siyang kapatid. Hindi pa siya kasal. Hindi maganda na sabihin mo iyon sa kanya."

Hindi naiintindihan ni Agatha. Hindi ba't sila mismo ang gumawa niyan? Walang ingat na sumandal kay Noah si Nica. Ginawa niya iyon at ngayon natatakot siyang sabihin?

Ngunit mahinahon lang niyang sinabi, "Ah."

"Agatha.." Naramdaman nito ang kanyang kalamigan, "Bakit galit ka pa rin? Tumakbo ka sa hotel para mag-stay mag-isa at hindi ka umuwi. Wala na akong sinasabi sa iyo, pero galit ka pa rin?"

Oo, kasalanan niya ang lahat.

"Agatha, wag ka ng magalit. Mag lunch muna tayo, at pagkatapos ay sasamahan kitang mag-shopping, okay?”

Inisip ito ni Agatha at nagpasya siyang sabihin ang isang bagay dito.

Inihatid siya ni Noah sa isang kalapit na restaurant.

Pagpasok niya ay nakita niya kaagad ang mata ng waiter, nahiya siya at gustong magtago sa likod ni Noah at lumakad nang dahan-dahan upang hindi masyadong mahalata ang kanyang pag-ika-ika.

Ngunit, kaagad, gumaan ang pakiramdam niya.

Kung hindi sila karapat-dapat, hindi sila karapat-dapat. Gayon pa man, hindi na niya balak maging kapareha nito.

Umupo sila.

Nag-order si Noah ng mga pagkain.

Nang maihain na ang lahat ng pagkain ay inabot sa kanya ni Noah ang kubyertos na may malumanay na boses "Agatha, kumain ka, lahat ng to paborito mong pagkain."

Tinignan ni Aina ang mga pagkain, lahat ay maanghang.

Mapait siyang ngumiti.

Hindi alam ni Noah na hindi siya kumakain ng maanghang at lahat ng pagkain sa bahay nila ay maanghang dahil iyon ang gusto nito.

"Noah, hindi ako gutom." Hindi niya ginalaw ang kubyertos, "May sasabihin ako sayo."

"Ano?"

Bahagyang itinaas nito ang mga gilid ng labi, "Sasamahan kita kahit saan mo gustong pumunta. Libre ako ngayon buong araw. Sasamahan kitang maglaro sa hapon, at uuwi tayo sa bahay ng mga magulang ko para magdinner sa gabi."

Tinitigan niya ang invisible na ngiti nito, iniisip kung ano ang mga susunod na sasabihin, isang malakas na pakiramdam ng kapaitan ang bumalot sa kanyang puso.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
🩷🩷🩷🩷🩷🩷
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 169

    Bulong ni Agatha sa sarili “Manigas ka!” Ngunit sinasabi lang iyon ni Noah, wala naman talaga itong balak na pag impakehin siya. Pagkapasok sa kwarto, naligo ito, nag-impake ng sarili maleta, at nanatili lang doon nang hindi umaalis. Gusto nang tawagan ni Agatha ang lola niya, humaharang nga lang

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 168

    Napakaganda ng gana niyang kumain ngayong araw. Syempre, maliliit lang ang serving sa restaurant na ito. Halimbawa, ang isang order ng kare-kare ay may apat na piraso lang ng karne. Kumain sila ni Noah ng tig-dalawang piraso, at pagkatapos ay ginamit niya ang natirang sarsa para ihalo sa white rice–

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 167

    Binayaran ni Agatha ang sahod ni tita Sheena, at dinagdagan pa ito ng halagang katumbas ng 6 months. “Madam, sobra-sobra na po ito,” nagmamadaling sabi ni tita Sheena, hindi nangahas na tanggapin. “Ibinibigay ko ‘to sayo,” sabi ni Agatha. “Dahil sa pinsala mo, hindi ka makakapagtrabaho ng dalawa o

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 166

    Magbabakasyon na si Noah bukas, kaya kailangan na niyang idispatsa ang lahat ng damit at iba pang gamit sa bahay ngayon, kung hindi, hindi siya titigilan nito sa kasesermon. Imbes na i-auction sa Swaply, ginamit niya ang clothing recycling service ng Renewly app. Ipinasok niya ang lahat sa mga bag

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 165

    Natawa ng bahagya si Agatha. “Hindi mo naman ako pinapasama sa pagkain sa labas. Paano ko malalaman ang ‘dining etiquette’ mo? Bakit hindi mo kaya utusan si Nica para turuan ako? Mas madalas mo naman siyang kasama.”“Ikaw..” pinigilan ni Noah ang namumuo niyang galit, marahil ay naalala ang tungkol

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 164

    “Sigurado kang hindi siya galit? Sasabihin ko sayo, baliktad laging magsalita ang mg ababae. Pwedeng sabihin niyang hindi siya galit pero sa loob-loob niya, hinatulan ka na niya ng kamatayan!” singit ni Sean sa pagkakataong iyon. Napatawa ng mahina si Agatha. Sa unang pagkakataon, nagsalita para sa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status